SUNOD-SUNOD na pinagdadampot ng mga awtoridad ang isang rape suspect, 13 sugarol, at isang sangkot sa insidente ng pananaksak sa magkakahiwalay na operasyong isinagawa ng pulisya sa lalawigan ng Bulacan hanggang Lunes ng umaga, 30 Agosto. Batay sa ulat, nadakip ang 13 suspek kabilang ang isang CICL (child in conflict with the law) sa iba’t ibang operasyon laban sa ilegal …
Read More »Mga pasaway sa Bulacan nasukol
Ika-171 taong kapanganakan ni Marcelo H. Del Pilar ginunita sa Bulacan
SA PAMUMUNO ni Gob. Daniel Fernando, nakiisa ang pamahalaang panlalawigan ng Bulacan sa ika-171 anibersaryo ng kapanganakan ni Gat Marcelo H. Del Pilar sa kanyang bantayog sa bayan ng Bulakan, nitong Lunes, 30 Agosto. Kinikilala si Del Pilar na Panlalawigang Bayani ng Bulacan at Ama ng Pamamahayag ng Filipinas, Ama ng Masoneriyang Filipino, at tinawag siyang Dakilang Propagandista. Kinilala rin …
Read More »
Lumabag sa protocols sa Bataan
Chinoy nanuhol deretso sa hoyo
ISANG Filipino-Chinese ang naghihimas ng rehas matapos lumabag sa Inter-Agency Task Force (IATF) guidelines at nagtangkang manuhol sa mga pulis na sumita sa kanya sa bayan ng Hermosa, lalawigan ng Bataan, nitong Linggo, 29 Agosto. Sa ulat mula kay P/Col. Joel Tampis, provincial director ng Bataan police, kinilala ang naarestong suspek na si Brandon Ian Lua, Filipino-Chinese, residente sa Sto. …
Read More »
Sa Bohol
Pamilyang trabahador nasagip mula sa gumuhong quarry site
NAILIGTAS ng mga nagrespondeng awtoridad ang tatlong magkakapamilyang trabahador sa isang quarry site nang magkaroon ng landslide sa Brgy. San Jose, bayan ng Getafe, lalawigan ng Bohol, nitong Lunes, 30 Agosto. Kinilala ang mga biktimang sina Franco Torremocha, 46 anyos; kinakasamang si Elizabeth Cuajao, 32 anyos; at kanilang anak na limang taong gulang. Ayon kay P/Cpl. Rowel Botero, imbestigador ng …
Read More »MMDA Redemption Center back to normal operations
BALIK normal na ang operasyon sa redemption center at puwede na muling magsagawa ng face-to-face transactions sa Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ngayong araw Martes, 31 Agosto. Lahat ng transaksiyon, kabilang ang pagbabayad ng multa sa traffic violations ay tatanggapin sa Redemption Center. Sa mga nais magbayad sa pamamagitan ng electronic o cashless sa online payment channels ay pinapayagan pa …
Read More »
2nd dose ibinigay sa pamamagitan ng COVID Protect
95% flying crew ng Cebu Pacific bakunado na
INIULAT ng Cebu Pacific, 95 porsiyento ng kanilang mga pilot at mga cabin crew ay pawang bakunado na, at patungo sa pagkompleto ng employees inoculation sa Oktubre ngayong taon. Noong Huwebes, 26 Agosto, binigyan ng pangalawang dose ng bakuna kontra CoVid-19 ang ilang mga empleyado sa pamamagitan ng COVID Protect, ang kanilang programa na may layuning bakunahan lahat ang kanilang …
Read More »2 bangkay ng lalaki lumutang sa Malabon City
DALAWANG bangkay ng lalaki na pinaniniwalang nalunod ang natagpuan sa magkahiwalay na lugar sa Malabon City, kahapon ng umaga. Ayon kay Malabon Police Sub-Station 7 head P/Maj. Patrick Alvarado, dakong 6:00 am, nitong Lunes, nang makita ng ilang joggers ang bangkay ni Ernesto Francisco, Jr., 29 anyos, residente sa Bernales II, Brgy. Baritan na nakalutang sa Megadike Riverbank, Brgy. Dampalit. …
Read More »20-storey Pedro Gil residences sinimulan na ng Manila gov’t
INIHUDYAT na ng pamahalaang lungsod ng Maynila ang konstruksiyon ng ika-limang proyektong pabahay para sa mga umuupa at informal settlers, sa isang groundbreaking ceremony, kahapon. Pinangunahan ni Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso ang groundbreaking ceremony ng 20-storey Pedro Gil Residences na matatagpuan sa kanto ng Augusto Francisco at Perlita streets sa San Andres Bukid. Ayon kay Mayor Isko, ang konstruksiyon …
Read More »Maagang ‘kampanya’ ng DPWH secretary para sa 2022 elections nakauumay kaagad
BULABUGINni Jerry Yap NAPAKAAGA namang magpaumay nitong si Mark Villar — secretary ng Department of Public Works and Highways (DPWH) at anak ng dating Senate President na si Manny Villar at Senator Cynthia Villar. Kahapon kasi ay napanood natin ang kanyang TV ads. Ipinapakita niya ang mga nagawa ng DPWH sa ilalim ng Duterte administration — at parang sinasabi …
Read More »Escape plan ng Duterte Davao Group kasado na
KASADO na ang daan upang makatakas sa pananagutan sa paglulustay ng pera ng bayan ang tinaguriang Davao Group ni Pangulong Rodrigo Duterte kapag nawala na siya sa puwesto. Inihayag ito ni Senate Blue Ribbon Committee Chairman Sen. Richard Gordon sa panayam sa kanya ng programang The Chiefs, sa One News. Aniya, ang pagpapapuwesto sa iba’t ibang ahensiya hanggang sa Ombudsman …
Read More »
Sa gitna ng pandemya
PAMOMOLITIKA NG PAMILYA DUTERTE BINATIKOS
HATAW News Team UMABOT na sa halos 22,000 kada araw ang CoVid-19 cases sa Filipinas pero ang administrasyong Duterte ay pamomolitika at pagbatikos lang ang kayang gawin. Ipinahayag ito ni Alliance of Concerned Teachers (ACT) Partylist Rep. France Castro kasabay ng hamon kay Pangulong Rodrigo Duterte, imbes ang kanyang vice presidential bid at ang pag-uudyok sa anak na si Davao …
Read More »
Dating empleyado minolestiya
CHINESE CONTRACTOR ARESTADO SA PAMPANGA
NASAKOTE ang isang contractor na Chinese national nitong Biyernes, 27 Agosto, sa bayan ng Mexico, lalawigan ng Pampanga, sa reklamong pangmomolestiya ng kanyang dating empleyadong babae. Kinilala ng Police Regional Office 3 (PRO3) ang arestadong suspek na si Yanlong Xu Chen, 36 anyos, Chinese national. Nadakip ngn mga awtoridad ang suspek sa kanyang bahay na armado ng warrant of arrest …
Read More »
Buhawi tumama sa Negros Occidental
2-ANYOS SUGATAN, 7 BAHAY NAPINSALA
NASUGATAN ang isang 2-anyos bata nang tamaan ng buhawi ang pitong bahay sa mga bayan ng La Castellana at E.B. Magalona, lalawigan ng Negros Occidental, nitong Biyernes, 27 Agosto. Sa pahayag nitong Linggo, 29 Agosto, ni Dr. Zeaphard Caelian, hepe ng Provincial Disaster Management Program Division (PDMPD), nasira ang limang bahay sa Sitio Old Manghanoy, habang dalawang iba pa ang …
Read More »
Sa Bulacan
AMANG HOSTAGE TAKER TODAS SA TAMA NG BALA
PATAY ang 49-anyos construction worker na siyam-na-oras nang-hostage ng kanyang apat na mga anak at tumangging sumuko sa pulisya, nitong Biyernes, 27 Agosto, sa Pandi, Bulacan. Ayon kay P/Col. Alex Apolonio, hepe ng Pandi PNP, namatay ang suspek na si William Domer dakong 4:00 ng hapon noong Biyernes, sa Bulacan Medical Center (BMC), sa lungsod ng Malolos. Armado ng sundang …
Read More »
2 motorsiklo nagkabanggaan sa Biliran
DPWH J.O. PATAY PULIS, 1 PA SUGATAN
BINAWIAN ng buhay ang isang job order na tauhan ng Department of Public Works and Highways (DPWH) matapos ang banggaan ng dalawang motorsiklo sa bayan ng Naval, lalawigan ng Biliran, nitong Biyernes ng gabi, 27 Agosto. Ayon kay P/Maj. Michael John Astorga, nakaangkas ang biktimang kinilalang si Cesar Japay, 62 anyos, sa motosiklong minamaneho ng kanyang kasama nang bumangga sa …
Read More »Beautician arestado sa ipinuslit na tsokolate
ISANG 24-anyos beautician ang nadakip nang mang-umit ng tsokolate sa isang drug store nitong Sabado ng umaga, 28 Agosto, sa lungsod ng San Juan. Kinilala ng pulisya ang suspek na si August Leo Quiambao, 24 anyos, isang beautician. Nabatid na dakong 8:00 am kamakalawa, nang pumasok si Quiambao sa drug store sa Brgy. Rivera, sa lungsod, at nagpanggap na namimili. …
Read More »Kawani ng Taguig LGU, kalaguyo huli sa motel
KALABOSO ang isang empleyado ng Taguig City Hall at ang kanyang kalaguyo nang mahuli sa akto sa loob ng isang motel sa lungsod ng Pasig, nitong Sabado ng hapon, 28 Agosto. Kinilala ni P/Col. Roman Arugay, hepe ng Pasig City Police, ang mga nasakote sa motel na sina Von Agsaulio, 45 anyos, may asawa, at empleyado ng Taguig City Hall; …
Read More »Puganteng estapador, 4 pa nasakote sa Bulacan
SUNOD-SUNOD na pinagdadampot ang lima kataong kinabibilangan ng isang estapador na malaon nang pinaghahanap ng batas sa ikinasang operasyon ng mga awtoridad sa iba’t ibang lugar sa lalawigan ng Bulacan mula Sabado, 28 Agosto, hanggang Linggo ng umaga, 29 Agosto. Sa ulat na ipinadala kay P/Col. Lawrence Cajipe, provincial director ng Bulacan PNP, kinilala ang puganteng estapador na si Eduardo …
Read More »
2 manyakis sa quarantine control point timbog
BAGITONG PULIS, 1 PA KINASUHAN NG SEXUAL ASSAULT
IPINAG-UTOS ni PRO3 Regional Director P/BGen. Valeriano De Leon ang agarang pag-aresto at pagsasampa ng kaso laban sa isang bagitong pulis at kasama niya matapos ireklamo ng pangmomolestiya sa isang babaeng kanilang hinuli sa paglabag sa quarantine protocols (Unauthorized Person Outside Residence), nitong Biyernes, 27 Agosto, sa bayan ng Mariveles, lalawigan ng Bataan. Inakusahan ng pangmomolestiya ng 19-anyos biktima, si …
Read More »Bakuna Bubbles kailangan munang pag-aralan — Abalos
Kinalap ni Tracy Cabrera MAKATI CITY, METRO MANILA — Habang sumusuporta sa panukala ng pribadong sektor sa pagtatatag ng vaccine bubbles, pinag-iingat ni Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) at concurrent Metro Manila Council (MMC) chairman Benhur Abalos, Jr., na bago ipatupad ang ganitong sistema, kailangan magsagawa muna ng pag-aaral at magkaroon ng vaccination target para sa populasyon ng bansa. Sa …
Read More »Pulis sa Colorado kinasuhan sa pamamaril sa tuta
LOVELAND, COLORADO — Sinampahan ng kaso ng mag-asawa ang isang pulis na namaril sa kanilang tuta na kinailangang ‘patulugin’ kalaunan makaraan ang enkuwentro nang magresponde ang mga awtoridad sa sumbong ng kanilang kapitbahay. Noong Hunyo 2019, dumating si Loveland police officer Matthew Grashorn sa bakanteng car park, na kinnaroroonan ni Wendy Love at ng kanyang mister habang pinapatakbo ang kanilang …
Read More »Navotas kompletong nakapamahagi ng P199.8-M ECQ ayuda
NAKAKOMPLETO ang pamahalaang lungsod ng Navotas sa pamamahagi ng national government allocation para sa enhanced community quarantine (ECQ) ayuda. Nasa P201,407,000 ang naipamahagi ng lungsod sa 62,600 pamilyang Navoteño hanggang 25 Agosto. Nasa P199,871,000 ang pondo mula sa national government, habang P1,536,000 ang mula sa pamahalaang lungsod. “We were able to finish the distribution of ECQ ayuda within the 15-day …
Read More »Kelot kritikal sa palo sa ulo at saksak ng 2 menor de edad
KRITIKAL ang kalagayan sa pagamutan ang isang 19-anyos lalaki nang patraidor na pinalo ng matigas na bagay sa ulo at saksakin sa likurang bahagi ng katawan ng dalawang menor de edad sa Malabon City kamakalawa ng gabi. Patuloy na inoobserbahan sa Caloocan City Medical Center (CCMC) ang biktimang kinilalang si Ericson Atamosa, residente sa Tahong Alley, Brgy. 20, Caloocan City, …
Read More »P3.4-M shabu kompiskado sa big time tulak ng CL tiklo sa Maynila
NADAKIP ANG isang pinaniniwalaang big time drug peddler sa ikinasang drug sting ng mga awtoridad na nagresulta sa pagkakakompiska ng milyon-milyong halaga ng hinihinalang shabu mula sa isang Chinese national nitong Sabado ng tanghali, 28 Agosto, sa Sta. Ana, Maynila. Naikasa ang operasyon sa pamamagitan ng magkasanib na pagsisikap ng mga operatiba mula sa PDEA Central Luzon, PDEA Manila District …
Read More »Delivery man, construction worker arestado sa pangre-rape ng vendor
DINAKIP ang isang delivery man at kasabwat na construction worker na nagsilbing ‘lookout’ habang pinagsasamantalahan ng una ang 20-anyos dalagang vendor sa Brgy. Central, Quezon City, nitong Sabado ng madaling araw. Ang mga suspek ay kinilalang sina John Michael Del Rosario, 30 anyoss, walang asawa, delivery man, at residente sa No. 1 BFD Compound, Brgy. Central, Quezon City, at kasabwat …
Read More »