Wednesday , July 6 2022
road closed

EDSA Timog flyover southbound isasara

ISASARA nang isang buwan dahil sa isasagawang repair ng Department of Public Works and Highway (DPWH)  ang EDSA Timog flyover southbound.

Inabisohan ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang mga motorista kaugnay ng pagsasara ng EDSA Timog flyover southbound simula 6:00 am sa 25 Hunyo 2022.

Ang pagsasara ng naturang tulay ay upang bigyan daan ang isasagawang repair ng DPWH sa loob ng isang buwan kung saan nasa 30 metro slab ang ilalatag ng DPWH sa nasirang flyover.

Dahil dito pinapayohan ang mga motorista na humanap ng alternatibong ruta.

Dagdag ni Artes, maaaring gamitin ng EDSA Carousel bus at pribadong sasakyan ang service road at mga nakalistang alternatibong ruta.

Aniya, bago ang pagsasara, pinaiigting nila ang clearing operations sa Mabuhay lanes upang matiyak na ang mga alternatibong ruta ay madaraanan at walang obstruksiyon.

Tinatayang nasa 140,000 sasakyang dumaraan sa flyover araw-araw ang maaapektohan ng pagsasara ng EDSA Timog flyover.  (GINA GARCIA)

About Jaja Garcia

Check Also

Ops kontra sugal ikinasa 6 SUGAROL NASAKOTE SA CALAMBA, LAGUNA Boy Palatino

Ops kontra sugal ikinasa
6 SUGAROL NASAKOTE SA CALAMBA, LAGUNA

NASUKOL ng mga awtoridad ang anim na indibiduwal na sangkot sa ilegal na pagsusugal sa …

arrest, posas, fingerprints

Wanted sa murder
LIDER NG GUN-FOR-HIRE GROUP ARESTADO

NADAKIP ng mga awtoridad ang isang lalaking wanted sa kasong murder at sinasabing lider ng …

dead gun

Convenience store nilooban
KAWATAN BULAGTA SA ENKUWENTRO, KASABWAT NAKAPUSLIT

NAPATAY ng mg aawtoridad matapos manlaban ang isang armadong lalaking pinaniniwalaang nanloob sa isang convenience …

marijuana

Nagkakalat ng marijuana sa Bulacan
TULAK AT RUNNER NA MENOR DE EDAD, TIKLO SA DRUG STING 

NAARESTO ng mga awtoridad ang dalawang personalidad na pinaniniwalaang tulak ng marijuana kabilang ang isang …

dead gun police

Sa Jaen, Nueva Ecija
CARETAKER NIRATRAT NG RIDING-IN-TANDEM 

PATAY ang isang caretaker nang barilin ng dalawang armadong lalaking magkaangkas sa motorsiklo sa bayan …