Wednesday , March 22 2023
flood baha manila

Baha sa Metro isinisi sa pasaway na basura

NANAWAGAN ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) sa publiko na maging responsable at disiplinado sa pagtatapon ng basura dahil sa huli tayo rin ang mapeperhuwisyo.

Ang panawagan ng MMDA ay kasunod ng nangyaring pagbaha sa EDSA – Santolan flyover hanggang Main Avenue kahapon na nagdulot ng mabigat na trapiko.

Ayon sa ahensiya, regular at araw-araw ang ginagawang cleaning at declogging operations pero hindi nauubos ang mga basura na bumabara sa mga kanal dahil sa paulit-ulit na pagtatapon kung saan-saan.

Ayon sa MMDA, karamihan sa mga nakukuhang basura ay mga plastic bags, styrofoam, plastic cups,  plastic bottles, at mga pinaglagyan ng pagkain na bumabara sa mga daluyan ng tubig.

Aniya, dapat makiisa ang publiko sa kampanya ng ahensiya sa tamang pagtatapon ng basura upang maiwasan ang mga pagbaha sa Metro Manila. (GINA GARCIA)

About Jaja Garcia

Check Also

Bulacan Police PNP

Kampanya kontra krimen sa Bulacan
11 tulak, 2 wanted, 2 sugarol timbog

SUNOD-SUNOD na pinagdadampot ang 11 hinihinalang drug dealer, siyam na pinaghahanap ng batas, at dalawang …

Derek Ramsay Mr Freeze Gerry Santos

Mr Freeze pinatunayang ayaw na ni Derek sa showbiz: Enjoy siya sa pagiging family man

KINOMPIRMA ng kaibigan ni Derek Ramsay na si Mr Freeze Gerry Santos na ayaw na talaga ng aktor ang …

Arrest Posas Handcuff

Notoryus na gang member tiklo sa droga at boga

NAGING matagumpay ang operasyon ng pulisya nitong Martes, 14 Marso, nang maaresto ang isang notoryus …

Dead body, feet

Bangkay itinapon sa Bulacan
LOLA PINATAY NG SARILING ANAK, KRIMEN NASAKSIHAN NG APO

NATAGPUAN ng isang residente ang bangkay ng isang lola na nakasilid sa isang storage box …

phone text cp

Concert pinasok ng 6 dorobo
31 PARTY-GOERS SINIKWATAN NG CELLPHONE

SUNOD-SUNOD na inaresto ng mga awtoridad ang anim na indibidwal kaugnay ng insidente ng pagnanakaw …