Thursday , March 23 2023
Rose Lin Golden Gays

Rose Lin tuloy ang pagtulong kahit ‘di pinalad maging kongresista

RATED R
ni Rommel Gonzales

TAONG 2021 pa lamang ay nagpadala na si Rose Lin ng ayuda sa mga nakatira sa Home For The Golden Gayssa Maynila.

Pero this year, pumunta mismo si Rose sa lugar at muling nagbigay ng mga tulong tulad ng bigas, mineral water, noodles, gatas, vitamins, gamot at marami pang iba.

“Gusto kong personal na makita ang kalagayan nila roon,” sinabi mismo sa amin ni Rose pagkagaling namin sa Home For The Golden Gays.

Ano ang naramdaman niya nang makita at makatsikahan niya ang mga bading o LGBTQIA members sa naturang institusyon?

“Sa totoo lang, natuwa ako. Kasi despite po roon sa sitwasyon nila, na sama-sama sila, kinakapos sila, pero masaya sila.

“Hindi sila nagpapatalo roon sa kahirapan na nararamdaman nila.

“Kaya kanina, parang, ang saya lang!

“Walang kadramahan, walang ka-echosan sa buhay.

“Iyon ‘yung sinasabing kapag ang kasama mo ay LGBT ay makulay ang kulay. Positive, kahit alam mo na hirap sila, may pinagdaraanan sila.

“Nakangiti pa rin sila, nakatawa.”

Dahil sa pagmamahal ni Rose sa mga nakatira sa Home For The Golden Gays ay sinagot na niya ang renta para sa isang buwan sa tinitirahan ng mga ito.

Kuwento nga sa amin ng isang residente sa naturang lugar, hanga sila kay Rose dahil kahit hindi sila ka-distrito ni Rose ay tinutulungan sila.

Tumakbo kasing Congresswoman si Rose sa District 5 ng Quezon City samantalang ang Home For The Golden Gays ay nasa Pasay City.

Isa pang kahanga-hanga kay Rose kahit hindi siya pinalad sa nakaraang eleksyon at kahit tapos na ang eleksyon ay tuloy ang pagtulong niya sa kapwa.

Sa tanong namin kung tatakbo siyang muli sa susunod na eleksyon, tumawa muna si Rose bago sumagot.

Ayoko munang isipin ang tungkol diyan, matagal pa naman.

“Sa ngayon gusto ko munang magpahinga, magbakasyon, and iyon nga, patuloy na tumulong sa mga nangangailangan.” 

About Rommel Gonzales

Check Also

Robert Nazal Jr nPasahero PartyList

Metro Manila, Nueva Ecija TODA Federation nagprotesta vs Comelec 

NAGSANIB-PUWERSA ang iba’t ibang grupo ng pederasyon ng Tricycle Operators Drivers Association (TODA) mula National …

102422 Hataw Frontpage

P197-M plunder sa NPO execs

ni ROSE NOVENARIO NAHAHARAP sa kasong plunder, graft and corruption, grave misconduct, at gross neglect …

101322 Hataw Frontpage

‘Hijacking’ sa Comelec?
‘BILYONARYO’ MULA SA OLAT NA PARTYLIST PINANUMPANG MAGSASAKA REP           

ni ROSE NOVENARIO LANTARANG pambababoy sa batas at partylist system ang ginawang pagpoproklama ng Commission …

L sign Loser Vote Election

Barangay, SK elections iniliban hanggang Oktubre 2023

IPINAGPAGLIBAN ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang barangay at Sanggunian Kabataan elections sa Oktubre …

SM CSC Contract Signing Feat

Special treats are up for grabs for government employees this September at SM

SM Supermalls will be serving exclusive deals and promos to public servants in celebration of …