Friday , January 10 2025

News

Nagpanggap na pulis..
2 KELOT TIMBOG SA HOLDAP

Nagpanggap na pulis 2 KELOT TIMBOG SA HOLDAP

Inaresto ng mga awtoridad ang dalawang lalaki matapos magpanggap na mga pulis at mangholdap sa mga driver sa lungsod ng Malolos, sa lalawigan ng Bulacan, nitong Martes, 9 Agosto. Ayon kay P/Col. Charlie Cabradilla, acting provincial director ng Bulacan PPO, agad rumesponde ang mga tauhan ng Malolos CPS upang madakip ang dalawang pekeng pulis para sa kasong Robbery. Kinilala ang …

Read More »

ABUSADONG ONLINE SELLER TIMBOG
18 tulak, 4 iba pa kalaboso

Bulacan Police PNP

INARESTO ng mga awtoridad ang isang lalaki matapos ireklamo ng karahasan kabilang ang 18 tulak at apat na iba pa sa magkakahiwalay na operasyon laban sa krimen sa lalawigan ng Bulacan nitong Lunes, 8 Agosto. Sa ulat mula kay P/Col. Charlie Cabradilla, provincial director ng Bulacan police, kinilala ang unang suspek na nadakip na si Kevin Macasaddu, 27 anyos, online …

Read More »

Bilang ng PDL sa Bulacan Provincial Jail bumaba

Prison Bulacan

BUMABA hanggang sa 1,696 ang bilang ng mga persons deprived of liberty (PDL) sa Bulacan Provincial Jail (BPJ), ayon kay Gob. Daniel R. Fernando nang ipahayag niya ito sa isinagawang obserbasyon ng pagbubukas ng “5 Pillars of Criminal Justice System” sa Bulacan na ginanap kaalinsabay ng face-to-face na Lingguhang Pagtataas ng Watawat sa Bulacan Capitol Gymnasium sa lungsod ng Malolos, …

Read More »

Sahod ng empleyadong JO sa Mandaluyong P10K na

Mandaluyong

TATANGGAP ng P10,000 ang mga empleyadong nasa ‘job order status’ sa lungsod ng Mandaluyong. Sa deklarasyon ni Mandaluyong City Mayor Benjamin Abalos, Sr., tatanggap ng buwanang sahod na P10,000 ang mga empleyado simula sa 1 Setyembre. Ani Abalos, kinausap niya ang konseho at city budget department upang pondohan ang suweldo ng job order employees ng lungsod. Nalungkot umano ang alkalde …

Read More »

Sa Zambales
3 NILAMON NG ALON, 13-ANYOS NAWAWALA

Lunod, Drown

HINDI nakaligtas sa malakas na hampas ng alonang tatlo katao habang nawawala ang kasama nilang teenager sa bahagi ng bayan ng Botolan, lalawigan ng Zambales noong Sabado, 6 Agosto. Sa ulat na inilabas ng pulisya nitong Lunes, 8 Agosto, nagsisisigaw na humihingi ng tulong ang mga biktima matapos silang tamaan ng malalaking alon habang lumalangoy sa dagat dakong 10:30 am …

Read More »

Kinuyog ng 5 katao
16-ANYOS BINATILYO TODAS

bugbog beaten

BINAWIAN ng buhay ang isang binatilyo matapos pagsasaksakin at pagnakawan ng limang suspek sa Brgy. Bulacao, sa lungsod ng Cebu, noong Sabado ng gabi, 6 Agosto. Nadakip ang tatlong indibidwal na pinaniniwalanag sangkot sa pagkamatay ng biktimang kinilalang si Jerome Estan, 16 anyos, isang Grade 10 student. Ayon kay P/Lt. Col. Wilbert Parilla, deputy city director for administration ng Cebu …

Read More »

Top 3 MWP sa kasong rape nasakote

arrest posas

HINDI na nakapalag ang isang lalaking may kasong panggagahasa matapos arestohin ng pulisya sa pinagtataguan sa lungsod ng San Jose del Monte, sa lalawigan ng Bulacan nitong Lunes, 8 Agosto. Sa ulat mula kay P/Lt. Col. Cresenciano Cordero, hepe ng San Jose del Monte CPS, kinilala ang nadakip na akusadong si Warly Lacson y Nacinopa, 22 anyos, kasalukuyang naninirahan sa …

Read More »

Scammer nagpanggap na ‘US Army’ arestado

arrest, posas, fingerprints

DINAKIP ng mga pulis sa lungsod ng Tarlac ang isang babaeng hinihinalang sangkot sa ‘package delivery scam’ na ginagawa sa pamamagitan ng social media. Kinilala ni P/BGen. Bowenn Joey Masauding, Officer-In-Charge ng Philippine National Police Anti-Cybercrime Group (PNP-ACG), ang suspek na si Marijoe Coquia, 31 anyos, residente ng lalawigan ng Pangasinan. Naaresto si Coquia sa ikinasang entrapment operation ng pinagsanib …

Read More »

Yorme Isko muntik mabudol sa Paris

Isko Moreno Domagoso Family Paris

COOL JOE!ni Joe Barrameda MAY kumakalat na tsismis na kesyo nabugbog daw ang dating Manila Mayor Isko Moreno sa Paris, France na ngayon ay nagbabakasyon doon kasama ang pamilya.  Mariin naman itong itinanggi ni Daddy Wowie. Sa pakikipagsapalaran daw ni Daddy Wowie kay Isko ay may mga sumubok daw na ibudol ang grupo ni Mayor Isko na usually ginagawa ng masasamang loob sa …

Read More »

P120-K shabu nasabat live-in partners nasakote

P120-K shabu nasabat live-in partners nasakote

NASAMSAM ang P120,000 halaga ng hinihinalang shabu mula sa live-in partners sa ikinasang drug buy bust operation sa bayan ng Bay, lalawigan ng Laguna, nitong Sabado, 6 Agosto. Kinilala ni P/Col. Cecilio Ison, Jr., ang mga suspek na sina Regin Bangay, 37 anyos, construction worker; at Jacquelyn Tobias, 32 anyos, kapwa mga residente sa Brgy. Tranca, Grandvilla, sa nabanggit na …

Read More »

Sa Rizal
P1.1-M DROGA NASABAT 6 HVI SWAK SA SELDA

Sa Rizal P1.1-M DROGA NASABAT 6 HVI SWAK SA SELDA

DERETSO sa kulungan ang anim na nakatalang high value individual (HVI) makaraang makompiska sa kanila ang 170 gramo ng hinihinalang ilegal na droga sa bayan ng Montalban, lalawigan ng Rizal. Sa ulat ni P/Maj. Joel Custodio, hepe ng Provincial Intelligence Unit (PIU) kay Rizal PPO Provincial Director P/Col. Dominic Baccay, kinilala ang mga naarestong suspek na sina Mukarsa Majindie, high …

Read More »

3 wanted criminal nasakote, 6 astig na pasaway lumambot

Bulacan Police PNP

ARESTADO ang tatlong indibidwal na pinaghahanap ng batas at anim na iba pa sa ikinasang mas pinaigting na kampanya laban sa kriminilidad sa lalawigan ng Bulacan hanggang nitong Linggo ng umaga, 7 Agosto. Ayon kay P/Col. Charlie Cabradilla, acting provincial director ng Bulacan PPO, nadakip ang tatlong suspek dahil sa agresibong pagtugis sa mga katulad nilang wanted persons at sa …

Read More »

23 sugarol timbog sa Central Luzon

PNP PRO3

SA PAGPAPATULOY ng PRO3 PNP sa kanilang hakbang laban sa illegal gambling, iniulat ni Regional Director P/BGen. Matthew Baccay, nadakip nila ang 23 katao nitong Sabado, 6 Agosto sa iba’t ibang lugar sa Gitnang Luzon. Nagsagawa ang mga operatiba ng Bulacan PPO ng anti-illegal gambling operation sa No. 558 Purok 4 Brgy. Parulan, Plaridel, na ikinaaresto ng limang indibidwal na …

Read More »

P20/kilong bigas nabibili sa Botolan, Zambales

Rice, Bigas

NAKABIBILI na ng P20 kada kilo ng bigas ang mga residente sa bayan ng Botolan, sa lalawigan ng Zambales sa ilalim ng programa ng lokal na pamahalaan. Dahil ito sa Rice Subsidy Program ni Botolan Mayor Omar Jun Ebdane na nagsimula noong 12 Hulyo at nakatakdang magtagal hanggang 29 Setyembre. Sa ilalim ng programang ito, makabibili ng isang kilong bigas …

Read More »

Bustos Dam nagpakawala ng labis na tubig

Bustos Dam

DAHIL sa walang tigil na pag-ulan, nagpakawala ng 226 cubic meters ng tubig kada segundo ang Bustos Dam, sa bayan ng Bustos, sa lalawigan ng Bulacan nitong Linggo, 7 Agosto. Ipinahayag ng pamunuan ng dam, ang plano nilang magpawala pa ng maraming tubig kung magpapatuloy ang pagbuhos ng ulan. Ayon sa ulat, ang spilling level ng Bustos ay nasa 17.20 …

Read More »

Mobile app para sa madiskarteng Pinoy

DiskarTech

Naghahanap ka ba ng kasama sa iyong pag-asenso? Nandito ang DiskarTech para sa iyo! Ang DiskarTech, ay ang unang-una at nag-iisang mobile wallet app sa Taglish na mayroong Cebuano translation. Ayon kay Lito Villanueva, executive vice president at chief innovation and inclusion officer ng Rizal Commercial Banking Corp. (RCBC), ang layunin ng digital banking app ay tulungan ang mga madiskarteng …

Read More »

DOJ kumonsulta sa prison expert, pamamalakad ni Bantag napuna

prison

MATAPOS tukuyin na isa sa problematic agency ang Bureau of Corrections (BuCOR) at ang kontrobersiyang kinasasangkutan nito ay nakasisira sa imahen ng bansa, kumunsulta na si Justice Secretary Crispin Remulla sa isang international prison reform expert para sa pagbalangkas ng plano sa pagpapatupad ng reporma sa correction system sa bansa. Ang pakikipagpulong ni Remulla kay Prof. Raymund Narag, dating inmate …

Read More »

Paninira kay ES Rodriguez ibinuking na black propaganda

Vic Rodriguez Bongbong Marcos BBM

ISANG black propaganda ang ulat na nagbitiw sa puwesto si Executive Secretary Vic Rodriguez. Ito ay matapos personal na pabulaanan ni Rodriguez ang ulat na kumalas na siya sa administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. Ayon kay Rodriguez, mananatili siyang tapat sa Pangulo. Hindi aniya siya kakalas sa administrasyon maliban kung hihilingin mismo ng Pangulo. Iginiit ni Rodriguez, fake news …

Read More »

Puna ni LTO Chief Guadiz sa LTO IT contractor mali

Drivers license card LTO

DUMEPENSA ang information technology (IT) contractor ng Land Transportation Office (LTO) sa hepeng si Teofilo Guadiz matapos niyang punahin ang mabagal na sistema ng Land Transportation Management System (LTMS), na apektado ang transaksiyon sa mga LTO offices. Ayon sa Dermalog, ang IT Company na bumuo ng LTMS system, ang online portal ng LTO, nabigla sila sa negatibong pahayag ni Guadiz …

Read More »

FM Jr., walang klarong direktiba
PNP KABADONG MAGPATUPAD NG ‘WAR ON DRUGS’ 

080822 Hataw Frontpage

ni Niño Aclan INAMIN ni Senador Ronald “Bato” dela Rosa na nangangamba ang Philippine National Police (PNP) na ipagpatuloy ang pagpapatupad ng kampanya sa ‘war on drugs’ at iba pang mga uri ng mabibigat na krimen tulad ng terorismo dahil sa kawalan ng maliwanag na deklarasyon mula kay Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. Ayon kay Dela Rosa, kung siya ay isang …

Read More »

Civil Service Eligibility isinulong ni Sen. Robin, pabor sa mga casual

Robin Padilla CSC

SA WAKAS ay magkakaroon ng pagkakataon ang mga ‘casual’ o ‘contractual’ na emplyeadong matagal nang naninilbihan sa gobyerno na maging regular at magkaroon ng karapatan sa mga karampatang benepisyo bilang kawani ng pamahalaan. Ito ay batay sa nilalaman ng Senate Bill 234 na inihain ni Senador Robinhood “Robin” Padilla na naglalayong magbigay ng civil service eligibility sa mga casual at …

Read More »

P2.1-M shabu nasamsam 4 big time tulak timbog sa Pampanga at Bulacan

shabu drug arrest

NADAKIP ang apat na pinaniniwalaang malalaking drug peddlers sa patuloy na pinaigting na kampanya laban sa ilegal na droga, nakompiskahan ng mahigit P2.1 milyong halaga ng shabu sa magkakahiwalay na anti-illegal drug operations sa mga lalawigan ng Pampanga at Bulacan. Nagkasa ang magkasanib na mga elemento ng Mabalacat CPS Drug Enforcement Unit at RPDEU3 ng buy bust operation sa Brgy. …

Read More »

Instant milyonaryo
BULAKENYO TUMAMA SA LOTTO

Money Bagman

NAGING instant milyonaryo ang isang mananaya mula sa Balagtas, Bulacan matapos mapanalunan ang jackpot sa 6/49 Super Lotto na binola nitong Martes ng gabi, 2 Agosto. Ayon kay Melquiades Robles, general manager at Vice Chairman of the Board ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO), tinamaan ng ‘anonymous winner’ sa Balagtas, Bulacan ang winning numbers na 28-45-09-12-21-19, may kabuuang premyo na …

Read More »