TINUTUTUKAN ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr., ang mga usapin kaugnay ng Philippine Offshore Gaming Operations. Ayon kay Press Secretary officer-in-charge Cheloy Garafil, inatasan ng Palasyo ang Philippine National Police (PNP) na pigilan at kontrolin ang mga krimen na kaakibat ng operasyon ng POGO sa bansa. “Of course the President is closely monitoring this and as far as the President is …
Read More »Binatang staff ng fast food chain itinumba ng selosong pulis
SELOS ang hinihinalang dahilan kaya binaril hanggang mapatay ng isang pulis sa harap ng kaniyang misis ang kasamahang service crew sa Chowking food chain sa Quezon City, nitong Martes ng gabi. Kinilalang ang biktimang si Jasper Tapic Dayaco, 30 anyos, residente sa Don Manuel St., Brgy. Salvacion, Quezon City. Hinihinalang suspek ang mag-asawang nakatakas na kinilalang sina P/Cpl. Benjamil Romoros …
Read More »Barangay, SK elections iniliban hanggang Oktubre 2023
IPINAGPAGLIBAN ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang barangay at Sanggunian Kabataan elections sa Oktubre 2023 imbes 5 Disyembre 2022. Alinsunod sa Republic Act No. 11935 na nilagdaan ni FM Jr., noong 10 Oktubre 2022, idaraos ang halalan sa huling Lunes ng Oktubre 2023. Si presidential sister at Sen. Imee Marcos ang nagtulak sa pagpapaliban ng halalan sa paniniwalang may …
Read More »P1.3-M ‘damo’ nasamsam, teenager arestado sa buy-bust sa Davao
NASUKOL ng mga awtoridad ang ang isang senior high school student sa ikinasang buy-bust operation ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) at pulisya sa Purok 3, Sitio Habana, Brgy. Catigan, Toril District, sa lungsod ng Davao, nitong Lunes, 10 Oktubre. Narekober ang aabot sa P1.3-milyong halaga ng hinihinalang marijuana mula sa suspek na nakatalang no. 1 sa drug watchlist sa …
Read More »25 katao biktima ng red tide sa Masbate
DINALA sa pagamutan ang hindi bababa sa 25 indibiduwal, kabilang ang apat na menor de edad, nitong Lunes, 10 Oktubre, matapos malason sanhi ng red tide sa bayan ng Milagros, lalawigan ng Masbate. Ayon kay Dr. Allen Concepcion, manggagamot ng rural health center ng Milagros, 10 residente mula sa liblib na barangay ng Bangad ang dinala sa kanila habang 12 …
Read More »P306-K shabu nasabat, mekaniko tiklo sa drug bust
DINAKIP ang isang mekanikong hinihinalang drug peddler na nakompiskahan ng malaking halaga ng shabu sa isinagawang anti-illegal drug operation sa bayan ng Bocaue, lalawigan ng Bulacan, nitong Linggo, 9 Oktubre. Ikinasa ng mga operatiba ng RPDEU3 SCU3-RID ang buy-bust operation sa Gov. F. Halili Ave., Brgy. Binang 2nd, sa nabanggit na bayan kung saan naaresto ang suspek na kinilalang si …
Read More »
Hamong suntukan inayawan
SIGA NANAKSAK TIKLO
INARESTO ng mga awtoridad ang isang lalaking nagtitigas-tigasan sa kanilang lugar matapos saksakin ang isang kabarangay at manlaban sa mga tanod sa bayan ng Marilao, lalawigan ng Bulacan, nitong Lunes, 10 Oktubre. Sa ulat na ipinadala kay P/Col. Relly Arnedo, OIC ng Bulacan PPO, kinilala ang arestadong suspek na si Joselito De Dios, residente sa Brgy. Abangan Sur, sa nabanggit …
Read More »
Inuman sa lamay nauwi sa isa pang paglalamayan
KUYA TINAGA NG KAPATID, DEDBOL 
BINAWIAN ng buhay ang isang 26-anyos magsasaka matapos tagain ng nakababatang kapatid nitong Lunes, 10 Oktubre, sa bayan ng Basey, lalawigan ng Samar. Kinilala ang biktimang si Erwin Padoc at kanyang kapatid na suspek na si Merwin Padoc, pawang mga residente sa Brgy. Bulao, sa nabanggit na bayan. Ayon sa paunang imbestigasyon, nag-iinuman ang magkakapatid sa burol ng isang kaanak …
Read More »FM Jr., deadma sa kaso ni De Lima
HINDI makikialam si Pangulong Ferdinand Marcos Jr., sa mga kasong kinakaharap ni dating Senator Leila de Lima. Inihayag ito ni OIC Press Secretary Cheloy Garafil kasunod ng panawagan ni presidential sister Senator Imee Marcos na “house furlough” para kay De Lima matapos maging hostage ng sinabing miyembro ng Abu Sayyaf Group (ASG). “Ang mga kaso po ni Leila de Lima …
Read More »
Nagpasaklolo sa PNP
DISKRIMINASYON SA ‘MUSLIM’ NAIS TULDUKAN NG SENADOR
MALAKI ang magagawa ng Philippine National Police (PNP) para tuldukan ang diskriminasyon sa mga Muslim, kasama ang pagtukoy sa isang kriminal na ‘Muslim’ at walang pakundangang pagbibigay ng pagkaing may karneng baboy sa mga bilanggong Muslim sa PNP Custodial Center. Iginiit ito nitong Lunes ni Sen. Robinhood “Robin” C. Padilla matapos ang mga pangyayari noong Linggo, nang i-hostage si dating …
Read More »
PH kahit inilagay ng China sa blacklist
PALASYO TAHIMIK SA ‘PAGPUSLIT’ NG POGO WORKERS 
TIKOM ang bibig ng Palasyo sa ginawang pagsama sa Filipinas ng China bilang blacklist sa tourist destinations bunsod ng patuloy na operasyon ng Philippine Offshore Gaming Operators (POGO) sa bansa. “Sa totoo lang, wala pa po kaming nare-receive na advisory with respect to that blacklisting issue. So kapag nabigyan na po kami ng kaukulang advisory, we will make the proper …
Read More »Street vendor tinutukan ng baril, sekyung senglot arestado
DINAKIP ng mga awtoridad ang isang security guard matapos ireklamo ng panunutok ng baril sa isang street vendor sa bayan ng Plaridel, lalawigan ng Bulacan nitong Linggo, 9 Oktubre. Sa ulat mula kay P/Col. Relly Arnedo, OIC ng Bulacan PPO, mabilis na rumesponde ang mga tauhan ng Plaridel MPS makaarang makatanggap ng reklamo kung saan naaresto ang suspek na kinilalang …
Read More »
Driver, sekretarya sugatan
ALKALDE NG MARILAO, BULACAN PATAY SA AKSIDENTE
NAGLULUKSA ngayon ang mga mamamayan ng Marilao, Bulacan makaraang bawian ng buhay dahil sa aksidente ang kanilang alkalde sa lalawigan ng Pampanga nitong Linggo ng hapon, 9 Oktubre. Hindi na umabot ng buhay sa pagamutan si Marilao Mayor Ricky Silvestre matapos bumangga ang sinasakyan nilang SUV sa Prince Balagtas Ave., Clark Freefort Zone, sa naturang lalawigan. Sa panimulang imbestigasyon ng …
Read More »Sim Card registration act pipirmahan ni FM Jr. ngayon
NAKATAKDANG lagdaan ngayong araw ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., ang SIM Card Registration Act upang isulong ang pananagutan sa paggamit ng SIM cards at makatulong sa mga awtroridad sa pagtugis sa mga kriminal na ang gamit ay ang cellular phone sa paggawa ng krimen. Sa ilalim ng batas, lahat ng public telecommunications entities (PTE) o direct sellers ay oobligahin ang …
Read More »Robin desmayado sa ‘diskriminasyon’ ng PNP sa hostage-taking kay Ex-Sen. De Lima
NAGPASALAMAT na ligtas si dating Sen. Leila De Lima sa tangkang pag-hostage sa kanya sa Philippine National Police Custodial Center nitong Linggo ng umaga, desmayado si Sen. Robinhood “Robin” C. Padilla sa diskriminasyon na ipinakita ng ilang pulis na nagresponde sa sitwasyon. Iginiit ni Padilla, hindi tama ang paggamit ng salitang “Muslim” bilang pantukoy sa mga nagtangkang mag-hostage sa dating …
Read More »
Nakaligtas sa hostage-taking
DE LIMA SINABING NAIS KAUSAPIN NG PANGULO 
NAIS kausapinni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. si dating senador Leila de Lima upang alamin ang kanyang kalagayan matapos i-hostage ng isa sa tatlong detenido na nagtangkang tumakas mula sa PNP Custodial Center sa Camp Crame, kahapon ng umaga. “Following this morning’s incident at Camp Crame, I will be speaking to Senator De Lima to check on her condition and to …
Read More »FM Jr., bigo sa pagtaas ng presyo ng bilihin – solon
UMANI ng batikos si Pangulong Ferdinand Marcos, Jr., sa kabiguang tugunan ang patuloy na pagtaas ng presyo ng mga pangunahing bilihin sa kanyang unang 100 araw bilang pangulo ng bansa. Ayon kay Assistant Minority Leader at Gabriela Women’s Party Rep. Arlene Brosas, mayorya ng mga Filipino ay umaasa na bibigyan ito ng karampatang lunas na administrasyong Marcos. Ayon sa pinakahuling …
Read More »
Apela ni Fernando sa mga kontratista
RUBBER GATES NG BUSTOS DAM PALITAN NG MATAAS NA KALIDAD NG MATERYALES
MULING nakiusap si Bulacan Governor Daniel Fernando sa mga kontratista ng Bustos Dam na huwag lamang kumpunihin ang nasirang rubber gates sa Bay 5 kundi palitan ito ng anim na bago at may mataas na kalidad ng materyales. Sa kanyang pulong kamakailan, muling sinabi ni Fernando ang kanyang hiling. “Dapat lamang palitan ang lahat ng rubber gate sapagkat hindi nasunod …
Read More »
Convenience store nilooban
KAWATAN TIGOK SA ENKUWENTRO KASABWAT NAKATAKAS
NAPATAY ang isang hindi kilalang suspek sa panloloob sa isang convenience store matapos makipagbarilan sa mga awtoridad habang nakatakas ang kanyang kasabwat sa bayan ng Baliwag, lalawigan ng Bulacan, nitong Linggo ng madaling araw, 9 Oktubre. Sa ulat mula kay P/Col. Relly Arnedo, OIC ng Bulacan PPO, dakong 1:52 am kahapon nang mmagresponde ang mga tauhan ng Baliwag MPS matapos …
Read More »Parak ng PNP PDEG, bodegero timbog sa 990 KG ng shabu
NASAKOTE sa isang follow-up hot pursuit operation ng PNP Drug Enforcement Group (PDEG) at Manila Police District (MPD) ang intelligence officer ng kanilang yunit, itinuturo ngayong isa sa malaking ‘source’ ng malawakang kalakaran ng droga sa Metro Manila. Ayon sa ulat, dakong 2:30 am, hindi nakapalag si P/MSgt. Rodolfo Mayo, 48 anyos, miyembro ng PNP DEG NCR Special Operations Unit …
Read More »
Pulis at Sen De Lima hinostage…
PULIS AT TATLONG PRESO TODAS SA KAGULUHAN SA LOOB NG CRAME!
KUMAKALAT ngayon sa isocial media ang naging pagresponde ng kapulisan sa naganap na kaguluhan kung saan nagtangkang tumakas ang ilang preso at hinostage umano ang isang Pulis at ang nakakulong na dating Senador Leila De Lima sa loob mismo ng Maximum Compound PNP Custodial Center 3 kaninang umaga. Base sa ulat, 6:30AM sa mapayapang araw ng linggo ay sumiklab ang …
Read More »Tirador ng Aspin nasakote sa Bulacan
Nadakip ng mga awtoridad sa isinagawang entrapment operation ang isang lalaking pinaniniwalaang responsable sa pagkatay ng mga aso upang ibenta at ipulutan sa bayan ng San Ildefonso, lalawigan ng Bulacan, nitong Miyerkoles, 5 Oktubre. Sa ulat mula kay P/Col. Relly Arnedo, OIC ng Bulacan PPO, kinilala ang suspek na si Jexter Rafil na dinakip sa ikinasang entrapment operation ng mga …
Read More »Binoe negatibo sa drug test
I-FLEXni Jun Nardo NEGATIBO ang resulta ng drug test ni Sen. Robin Padilla. Ito ang inilabas ng isang opisyal ng Philppine Drug Enforcement Agency (PDEA) nang magkusa siyang sumailalim sa drug test nitong nakaraang mga araw. Panghikayat ang drug test ng senador sa mga kasamahan sa industriya at opisyal na sumailalim din dito. Tugon din ito ni Robin na suportado niya ang laban …
Read More »
Mula sa Ayala Foundation
KAANAK NG NAMAYAPANG BULACAN RESCUERS, NAKATANGGAP NG TULONG
Relief ops ng #BrigadangAyala, umarangkada sa mga probinsiya
MANILA — Nakatanggap ang mga kaanak ng limang magigiting na rescuers ng Bulacan Provincial Disaster Risk Reduction Management Office (PDRRMO) ng tulong pinansiyal mula sa Ayala Foundation, bilang pagkilala sa kanilang buong-pusong serbisyo nang manalasa ang super typhoon Karding. Binawian ng buhay habang nagreresponde ang limang rescuers — George Agustin, 45; Troy Justin Agustin, 30; Marby Bartolome, 37; Narciso Calayag, …
Read More »
Lopez nanawagan ng pagkakaisa
PABUYA VS ‘GUNMAN’ AT ‘MASTERMIND’ NG PAGPASLANG KAY PERCY LAPID HINIKAYAT PATAASIN
HINIMOK ni Atty. Alex Lopez ang mga mamamahayag na magsamasama at kondenahin ang nangyaring pamamaslang sa broadcast journalist na si Percival Mabasa a.k.a. Percy Lapid. Ayon kay Lopez, malapit na kaibigan ni Mabasa (Lapid), naiintindihan niya ang takot na dulot sa mga mamamahayag ng nangyaring pagpaslang sa kanilang kabaro kaya naman gaya ng laging panawagan ng administrasyong Marcos, unity o …
Read More »