IPATUTUPAD simula 1 Nobyembre 2022 ang paggamit ng Electronic Arrival Card (eArrival Card) scan-and-go system sa mga paliparan sa buong bansa para sa mga biyaherong papasok ng Filipinas. Naniniwala ang administrasyong Marcos Jr., na magiging mas maalwan para sa mga pasaherong papasok ng bansa kasabay ng pagbibigay ng proteksiyon sa publiko laban sa CoVid-19 ang implementasyon ng eArrival Card kapalit …
Read More »Sa PH entry
Tumalon mula sa condo
‘FUR MOMMY’ NAG-SUICIDE KASAMA NG ‘FUR BABY 
ni ALMAR DANGUILAN ISINAMA ng isang ‘fur mommy’ ang kaniyang alagang aso sa kaniyang pagpapatiwakal sa pamamagitan ng pagtalon sa gusali ng nirerentahang condominium sa Quezon City, Linggo ng gabi. Ang biktima, kinilalang si Cecilia Canoy Nieva, 47, empleyado sa Manila City Hall, residente sa No. 837-A Basa St., Brgy. 50, Tondo Maynila, at may condo unit sa Celandine Residences …
Read More »Ika-339 taon pagkakatatag ng Angat, Bulacan, ipagdiriwang ngayon
IDARAOS ngayong Lunes, 24 Oktubre, ang ika-399 taon pagkakatatag ng bayan ng Angat, sa lalawigan ng Bulacan na katatampukan ng mga programang isasagawa sa kanilang munisipyo at simbahan sa pangunguna ni Mayor Jowar Bautista. Unang naging matagumpay ang inilunsad na Himig ng GulayAngat Festival Song Writing Competition noong 16 Oktubre, sa Greenfields Resort, Brgy. Binagbag, Angat. Kasabay nito, idinaos ang …
Read More »Tulak pumalag sa aresto, dedo sa enkuwentro
NAPATAY ang isang hinihinalang tulak ng ilegal na droga sa ikinasang drug operation ng mga awtoridad na nauwi sa enkuwentro sa lungsod ng Meycauayan, sa lalawigan ng Bulacan nitong Sabado, 22 Oktubre. Kinilala ni P/Col. Relly Arnedo, OIC ng Bulacan PPO, ang napatay na suspek na si Rene Redobla, alyas Empoy, residente sa Brgy. Perez, sa nabanggit na lungsod. Batay …
Read More »
Sa Farmers’ Field School
512 BULAKENYONG MAGSASAKA, MANGINGISDA NAGTAPOS NG TRAINING COURSES 
NAGTAPOS at nakompleto ng apat na pangkat ng mga Bulakenyong magsasaka at mangingisda ang kanilang season-long Farmers’ Field School (FFS) at mga kurso ng pagsasanay; nakakuha ng karagdagang kaalaman upang doblehin ang kanilang ani; at tumanggap ng kanilang katibayan sa ginanap na Mass Graduation Ceremony sa Bulacan Capitol Gymnasium, lungsod ng Malolos. Pahayag ni Gobernador Daniel Fernando, buo ang suporta …
Read More »P197-M plunder sa NPO execs
ni ROSE NOVENARIO NAHAHARAP sa kasong plunder, graft and corruption, grave misconduct, at gross neglect of duty ang ilang matataas na opisyal ng National Printing Office (NPO) sa Office of the Ombudsman dahil sa kuwestiyonableng P197-milyong transaksiyon sa isang pribadong printing company para sa nakaraang May 2022 elections. Isinampa ng anti-corruption group Task Force Kasinag ang mga reklamo laban kina …
Read More »P4P sa SMC: Maging transparent sa petisyong taas-singil sa koryente
PINAYOHAN ng Power for People Coalition ang San Miguel Corporation (SMC), na nagmamay-ari ng isa sa pinakamalaking generation companies sa bansa, na maging transparent sa petisyon nito kamakailan na taasan ang singil sa koryente sa lugar ng prankisa ng Manila Electric Company (Meralco). Sa paglalathala ng liham mula sa Energy Regulatory Commission (ERC), sinabi ng energy consumer advocacy group, pinabulaanan …
Read More »Mining, quarrying sa Bulacan pansamanatlang ipinagpaliban
SA isang follow-up meeting kasama ang sektor ng pagmimina na ginanap sa The Pavilion, Hiyas ng Bulacan Convention Center, sa lungsod ng Malolos, lalalawign ng Bulacan, nitong Huwebes, 20 Oktubre, inihayag ni Gob. Daniel Fernando na pansamantalang ipagpapaliban ng pamahalaang panlalawigan ng Bulacan ang pagpapatupad sa Executive Order No. 21-2022 sa 26 Oktubre na nagsususpendi sa pagmimina at pagka-quarry sa …
Read More »Bulacan kaisa sa pagdiriwang ng Nat’l Indigenous People’s month
BILANG pakikibahagi sa pagdiriwang ng National Indigenous People’s Month, magsasagawa ang pamahalaang panlalawigan ng Bulacan sa pamamagitan ng Provincial History, Arts, Culture and Tourism Office, ng isang programa para sa mga katutubo na tinawag na “Taunang Araw ng mga Katutubong Dumagat” ngayong Biyernes, 21 Oktubre, sa Sitio Manalo, Brgy. San Lorenzo, sa bayan ng Norzagaray. May temang “Pagsasakatuparan ng mga …
Read More »Most wanted estapadora ng Bulacan arestado
NAHULOG sa kamay ng mga awtoridad ang isang babaeng matagal nang pinaghahanap ng batas kaugnay ng mga kasong kinakaharap sa hukuman na kanyang pinagtataguan sa lungsod ng Malolos, lalawigan ng Bulacan, nitong Martes, 19 Oktubre. Kinilala ni P/Col. Relly Arnedo, OIC ng Bulacan PPO, na si Marichu Vivas, residente sa Brgy. San Pablo, Hagonoy, nakatalang most wanted person sa municipal …
Read More »DTI-3, PhilExport R3, Likha ng Central Luzon 2022
MAKIKITA sa larawan ang mga dumalo sa sa regional trade promotion activity para sa Likha ng Central Luzon 2022 na inorganisa ng DTI-3 at PhilExport R3 na sinuportahan ng Regional Development Council R3 at Central Luzon Growth Corridor Foundation, Inc. na kinabibilanagan ng ptiong gobernador sa rehiyon at DTI bilang miyembro. Nasa larawan sina Ma.Cristina Valenzuela, Division Chief ng BDO; …
Read More »
P10-M ‘damo’ nakumpiska
3 TULAK TIMBOG SA BULACAN
TINATAYANG P10.02-milyong halaga ng marijuana ang nasamsam mula sa mga nadakip na tatlong hinihinalang mga tulak sa pinatindi pang kampanya laban sa ilegal na droga ng Bulacan PPO sa mga bayan ng Guiguinto at Obando nitong Miyerkoles ng umaga, 19 Oktubre. Kinilala ni P/Col. Relly Arnedo, OIC ng Bulacan PPO, ang mga naarestong suspek na sina Eliterio Pazon, Jr. alyas …
Read More »
Pagkalat ng HMFD pinigilan sa Batangas
KLASE MULA SA NURSERY HANGGANG GRADE III SUSPENDIDO SA 7 BARANGAY 
IDINEKLARA ng alkalde ng bayan ng San Pascual, sa lalawigan ng Batangas ang suspensiyon ng mga klase sa pitong barangay mula 18 hanggang 21 Oktubre upang mapigilan ang pagkalat ng Hand, Foot, and Mouth Disease (HFMD). Napag-alaman mula kay municipal administrator Atty. Sherwin Gardner Barola, 100 estudyante mula sa pitong barangay ang nahawaan ng HFMD at 56 sa kanila ang …
Read More »
Kapag rush hour
‘SURGE FEE’ TABLADO SA LTFRB 
HINDI pinaboran ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang hiling ng transport group na ‘P1-surge fee’ tuwing rush hour dahil sa patuloy na pagsirit ng mga produktong petrolyo. “Bagamat magkakaroon ito ng inflationary effect sa ekonomiya ng bansa, isinasantabi muna ito ng ahensiya upang mahimay ang mga puntong inilatag ng transport groups sa naturang petisyon,” pahayag sa kalatas …
Read More »
Pangalan ng tatlong kasabwat idinamay
‘GUNMAN’ SA PERCY LAPID SLAY SUMUKO 
NASA kustodiya ng National Capital Region Police Office (NCRPO) ang ‘gunman’ sa pagpaslang sa batikang broadcaster na si Percival Mabasa, kilala bilang “Percy Lapid.” Ayon Kay Regional Director P/BGen. Jonnel Estomo, iniharap kahapon sa media ang sinasabing suspek na si Joel Salve Estorial, 39, tubong Barangay Rizal, Javier, Leyte. Sinabi ni Estomo, boluntaryong sumuko sa Special Investigation Task Group ang …
Read More »
Sa Zamboanga
IMPORMASYON SA PUMASLANG SA EX-PULIS, P2-M PABUYA IBIBIGAY NG LGU
HANDANG magbigay ang lokal na pamahalaan ng Zamboanga ng P2-milyong pabuya sa anomang impormasyong makatutulong sa pagdakip sa mga suspek sa pamamaslang ng contractor at retiradong pulis na si Alvin Perez. Idineklara ni Zamboanga City Mayor John Dalipe sa flag raising ceremony nitong Lunes, 17 Oktubre, ang pagbibigay ng P2,000,000 pabuya upang matukoy ang pagkakakilanlan ng mga taong responsable sa …
Read More »
Sa bisperas ng kasal
NAGLAHONG BRIDE-TO-BE PINAGHAHANAP NG PULISYA
LUGMOK ang isang overseas Filipino worker (OFW) nang hindi matuloy ang kanyang kasal nitong Lunes, 17 Oktubre, sa bayan ng Alcala, lalawigan ng Pangasinan, dahil nawawala ang kanyang kasintahan isang araw bago ang nakatakda nilang pag-iisang dibdib. Ayon sa hepe ng Alcala MPS na si P/CMaj. George Marigbay, nagtungo ang groom (itinago ang pangalan sa personal na kadahilanan), alyas Anna …
Read More »
Dahil sa matinding selos
65-ANYOS LIVE-IN PARTNER SINAKSAK SA HARAP NG 2 ANAK
PATAY ang isang 65-anyos babae nang saksakin ng kanyang kinakasama dahil sa matinding pagseselos sa harap ng kanilang dalawang anak sa bayan ng Isabela, lalawigan ng Negros Occidental nitong Lunes, 17 Oktubre. Kinilala ang biktimang si Digna Bordago, 65 anyos, residente sa Sitio Kalubihan, Brgy. Camang-Camang, sa nabanggit na bayan. Ayon kay P/Capt. Joseph Partidas, hepe ng Isabela MPS, umalis …
Read More »TMRU ng Bulacan PPO muling binuhay
MULING ibinalik ng Bulacan PPO ang Tactical Motorcycle Riding Unit (TMRU) sa ipinakitang puwersa sa kanilang pagparada sa loob ng Camp Gen. Alejo S. Santos, sa lungsod ng Malolos, nitong Lunes ng hapon, 17 Oktubre. Ayon kay P/Col. Relly Arnedo, OIC ng Bulacan PPO, ang pagbuhay sa TMRU ay inilunsad ng Bulacan PPO upang hadlangan ang mga krimeng gaya ng …
Read More »Ramon S. Ang, Gob. Daniel R. Fernando, Bulakenyong bayaning tagapagligtas
PINAGKALOOBAN ni Ramon S. Ang (pang-apat mula sa kanan), pangulo at chief executive officer ng San Miguel Corporation, ng pinansiyal na tulong na tig-P2 milyon at livelihood assistance ang kada pamilya ng mga Bulakenyong bayaning tagapagligtas na sina Marby Bartolome, George Agustin, Jerson Resurreccion, Troy Justin Agustin, at Narciso Calayag, Jr., sa ginanap na pulong sa SMC Head Office sa …
Read More »Kuya Kim hataw sa GMA
I-FLEXni Jun Nardo UMABOT na ng isang taon ang news program ng GMA News and Public Affairs na Dapat Alam Mo nina Kim Atienza, Emil Sumangil, at Patricia Tumulak. Kakaiba ang technique at presentation ng daily news programa. Mabilis ang reporting at may aliw factor ang inilalabas nilang feature. Sa patuloy na telecast ng Dapat Alam Mo, umaga’t hapon ay napapapanod na si Kuya Kim at dama ang …
Read More »Talent manager ginastusan nang husto si sikat na male star
ni Ed de Leon TALAGA naman palang may nakaraan ang isang talent manager at isang sikat na male star ngayon. Noon daw hindi pa nakukuhang artista si male star, talagang ginastusan naman siya ng kanyang manager. Kung minsan nag-aabot pa raw si manager para sa pangangilangan ng pamilya ni male star. Noong maipasok ni manager si male star sa trabaho, at suwerte namang sumikat …
Read More »Bagong Magsasaka Partylist solon, humataw sa kanyang unang linggo
HINDI nag-atubili ang bagong-saltang kongresista na si MAGSASAKA Partylist Rep. Robert Nazal sa kanyang unang linggo sa kamara. Sunod-sunod siyang nakipagpulong sa mga opisyal ng administrasyong Marcos upang magampanan ang kanyang tungkulin. Ilang sandali matapos manumpa ni Nazal, agad niyang binista si Budget Secretary Amenah Pangandaman sa Maynila. Isununod din niya ang pakikipagpulong kay Transportation Secretary Jaime Bautista at Public …
Read More »
Dokumento kulang-kulang
COMELEC 2023 BUDGET HEARING IPINAGPALIBAN NI MARCOS 
IPINAGPALIBAN ni Senadora Imee Marcos ang pagdinig sa panukalang 2023 budget ng Commission on Elections (Comelec) na nagresulta sa pagkabinbin ng pondo dahil sa kabiguan ng komisyon na makapagsumite ng mga kaukulang dokumento ng Comelec batay sa nais nilang malaman. Ayon kay Marcos, Chairman ng Senate Committee on Electoral Reforms kung ano-anong dokumento ang isinumite ng Comelec na walang kinalaman …
Read More »Pagbisita ng mga pulis sa mga mamamahayag ipinabubusisi ng oposisyon
PINAIIMBESTIGAHAN ng oposisyon sa Kamara de Representantes ang ginawang pagbisita ng mga pulis sa tahanan ng mga reporter. Sa isang resolusyon na inihain ng Makabayan Bloc sa pangunguna ni House Deputy Minority Leader at ACT Teachers Partylist Rep. France Castro ang pagbisita ng mga pulis ay labag sa privacy ng mga reporter. Sinabi sa House Resolution 484, ang pagbisita ng …
Read More »