Friday , July 19 2024

 ‘Land dispute’ sinisilip sa pagpatay sa Kapampangan beauty queen, BF

070924 Hataw Frontpage

ni MICKA BAUTISTA

SINABI ng Philippine National Police (PNP) kahapon, Lunes, na ang pagpatay sa Kapampangan beauty contestant at kanyang Israeli fiancé ay maaaring udyok ng isang land dispute.

Nitong nakaraang linggo, natagpuan ng mga awtoridad ang mga labi ng beauty queen na si Geneva Lopez at ng kanyang Israeli fiancé na si Yitzhak Cohen, na dalawang linggo nang nawawala.

Sa isang press conference nitong Lunes, sinabi ni Philippine National Police – Criminal Investigation and Detection Group (PNP-CIDG) director Maj. Gen. Leo Francisco na posibleng pinatay ang magkasintahan dahil sa alitan sa lupa kay Guiang.

Ayon kay Francisco, nabatid nila sa imbestigasyon na gusto nang bawiin ni Lopez ang lupa na isinanla sa kanya ni Guiang pero sinabi nitong may buyer din ang lupang isinangla niya at ipapakilala niya kay Geneva.

Si Guiang at ang kanyang mga kasamahan ay hinihinalang nag-set-up ng isang gawa-gawang pagkikita para patayin at barilin ang sina Lopez at Cohen.

Naniniwala si Francisco na ito ay planned activity dahil mukhang ayaw ibigay ni Guiang ang lupa niya kay Geneva, na gusto ng bawiin ng beauty queen.

Dagdag ni Francisco, nakatakda silang magsampa ng kasong murder laban kay Guiang at sa iba pang mga suspek.

Dalawang dating pulis na kinilalang sina Michael Guiang at Rommel Abuso; at isang sibilyan na nagngangalang Jeffrey Santos, ang itinuturong may kaugnayan sa pagpatay. Sina Guiang at Abuso ay inaresto dahil sa kinakaharap na ibang krimen habang dalawa pang suspek ang nananatiling nakalalaya.

Nauna rito, dalawang indibiduwal na boluntaryong sumuko ang tumulong sa paghahanap sa mga bangkay ng mga biktima.

5 sa 7 PERSONS OF INTEREST NASA KUSTODIYA NG PULISYA

TATLO sa pitong persons of interest sa pagpatay sa beauty queen na si Geneva Lopez at sa kanyang Israeli fiancé na si Yitzhak Cohen ay mga dating pulis.

Ayon kay PNP Chief General Rommel Francisco Marbil, ang tatlong pulis, isa sa Angeles City at dalawa sa NCRPO (National Capital Region Police Office), batay sa records ay sinibak na sa serbisyo noon pang 2019 at 2018.

Nawala sina Lopez, 27, at Cohen, 37, matapos makipagkita sa isang middleman para inspeksiyonin ang lupang interesado nilang bilhin sa Tarlac noong 21 Hunyo.

Matapos ang ilang araw na paghahanap ay natagpuan ang kanilang mga labi sa isang remote quarry site sa Brgy. Sta. Lucia, Capas nitong nakaraang linggo.

Dagdag ng opisyal, limang persons of interest sa kaso ang nasa kustodiya na ng pulisya, habang dalawa pa ang nanatiling nakalalaya.

Kompiyansa ang mga imbestigador na mayroon silang ‘sapat na ebidensya’ laban sa pitong indibiduwal na isinasangkot sa krimen, matapos aminin ng isa sa kanila na kabilang siya sa naglibing sa mag-asawa ngunit hindi kasama sa mga pumatay.

Lumitaw sa imbestigasyon, parehong may mga tama ng bala ng baril ang Kapampangan beauty queen at ang kanyang kasintahan.

Huling nakita sina Lopez at Cohen na nakasakay sa isang SUV noong 21 Hunyo ngunit natagpuang nasunog at inabandona ang sasakyan sa Capas noong 22 Hunyo.

Sa pahayag ni Interior Secretary Benhur Abalos, “ang mga awtoridad ay hindi magpapahinga hangga’t hindi nananagot ang mga responsable sa krimen.”

About Micka Bautista

Check Also

071824 Hataw Frontpage

Sa Bamban, Tarlac at Porac, Pampanga
POGO ‘TORTURE DEN’ VIDEO FOOTAGES INILABAS SA PAGDINIG NG KAMARA

HABANG mainit ang galit ng mga mamamayan sa mga natuklasang ilegal na Philippine Offshore Gaming …

071824 Hataw Frontpage

Sa ‘tungki ng ilong’ ng gov’t hospital  
UTAK NG ‘KIDNEY FOR SALE’ ITINANGGING HEAD NURSE PERO EMPLEYADO NG NKTI

ni ALMAR DANGUILAN INAMIN ng National Kidney Transplant Institute (NKTI) na kanilang empleyado sa loob …

From Heart to Hand, Celebrating with Purpose and a Mission

From Heart to Hand, Celebrating with Purpose and a Mission

In a heartfelt act of compassion and generosity, Ms. Anna Donita S. Tapay transformed her …

Meet the mascots, SOLIDO and SCIGLAT

Meet the mascots, SOLIDO and SCIGLAT!

SOLIDO stands firm with the HANDA Pilipinas theme on Climate and Disaster resilience. It represents …

Bridging the Language Barries Translation Workshop ng Translation & Interpretation Division (BTA-BARMM), Matagumpay

Bridging the Language Barries: Translation Workshop ng Translation & Interpretation Division (BTA-BARMM), Matagumpay!

Matagumpay ang Bridging the Language Barries: Translation Workshop ng Translation & Interpretation Division (BTA-BARMM) na …