Sunday , November 24 2024

Nation

Mandatory face shield policy posibleng ibalik

Face Shield Face mask IATF

MAAARING pairalin muli ng pamahalaan ang mandatory face shield policy bunsod ng banta ng Omicron variant ng CoVid-19. “We will look at the possibility. ‘Yan nga ‘yung inaano ni Secretary Duque na he is, he is pro na ano, maibalik ‘yung any protection na puwede nating gamitin. Kasi some people from WHO also believe na kaya nagkaroon tayo ng result …

Read More »

China layas sa Ayungin, giit ng Defense

112621 Hataw Frontpage

ni ROSE NOVENARIO ANG China ang dapat lumayas dahil trespassing sa Ayungin Shoal na nasa loob ng 200-mile exclusive economic zone (EEZ) ng Filipinas base sa United Nations Convention on the Law of the Sea (UNCLOS) na kaisa sila sa nag-ratify noong 1982. Tugon ito ni Defense Secretary Delfin Lorenzana sa pahayag ng China na dapat tanggalin ng Filipinas ang …

Read More »

Ayuda sa NBI, PNP
P52.2-M PCSO STL SALES INILAAN SA HEALTHCARE

PCSO STL PNP NBI

NANAWAGAN ang Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) sa Philippine National Police (PNP) at National Bureau of Investigation (NBI) na paigtingin ang kampanya laban sa ilegal na sugal upang lumaki ang kita ng ahensiya at matulungan ang mahihirap sa mga charity project nito. Ito ang ipinahayag ni PCSO General Manager Royina Garma makaraang ibigay sa PNP ang P22,058,902.37 bahagi ng .5 …

Read More »

Drug test ni BBM, balido — PDEA

Bongbong Marcos

INILINAW ng isang opisyal ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) na balido ang resulta ng drug test kay Presidential aspirant Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr. Ang paglilinaw ay ginawa ni PDEA spokesperson Director Derrick Carreon kasunod ang pagkuwestiyon ng ilan sa drug-test result na isinumite ni Marcos, na isinagawa sa isang pribadong institusyon at hindi sa ahensiya. Ayon kay Carreon, accredited …

Read More »

Excise tax sa produktong petrolyo target ng Kamara

Oil Price Hike

SA GITNA ng pagbaba ng presyo ng gasolina, iginiit ng liderato ng Kamara na ibababa nila ang excise tax sa mga produktong petrolyo. Ayon kay House Deputy Majority Leader at Quezon City 4th District Rep. Jesus “Bong” Suntay, nais ng Kamara na mabigyan ng ginhawa ang sambayanang Filipino mula sa hirap dulot ng CoVid-19 at pagtaas ng presyong petrolyo. “Our …

Read More »

ICC tablado sa ebidensiya vs drug war

112521 Hataw Frontpage

ni ROSE NOVENARIO MALABONG pagbigyan ng administrasyong Duterte ang hirit ng International Criminal Court (ICC) na magbigay ng pruweba na gumugulong ang hustisya para sa mga napaslang na biktima ng drug war. Ang hiling ni ICC Prosecutor Karim Khan na ebidensiya sa drug war killings probe sa Philippine government ay kasunod ng apela ng administrasyong Duterte sa ICC na pansamantalang …

Read More »

Di-bakunado ban sa resto at resort — Duterte

No Vaccine No Entry

IPAGBAWAL sa mga restaurant at resort ang mga taong hindi bakunado kontra CoVid-19 dahil banta sila sa public health. Inihayag ito kagabi ni Pangulong Rodrigo Duterte sa kanyang Talk to the People. “I support restaurants and all na delikado sa contamination sa public, you have my support, huwag mo sila pakainin. Sabihan mo sila na kung ayaw magpabakuna at hindi …

Read More »

Prexy wannabes sumalang sa drug test

Bongbong Marcos Isko Moreno Manny Pacquiao Rodrigo Duterte Drug Test

NAGKUSA ang ilang presidential candidates na sumailalim sa drug test matapos magpatutsada si Pangulong Rodrigo Duterte na isang presidentiable ang gumagamit ng cocaine. Isinumite kahapon ng kampo ni Partido Federal ng Pilipinas standard bearer at anak ng diktador Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr., ang negative result ng kanyang drug test para sa shabu at cocaine substance sa tanggapan ng National Bureau …

Read More »

Simula sa Disyembre
NO VACCINE NO WORK, SIMULA SA DISYEMBRE

112421 Hataw Frontpage

ni ROSE NOVENARIO SIMULA sa 1 Disyembre 2021, ipatutupad na ang “no vaccine, no work” policy at papayagan lamang ang mga empleyadong hindi bakunado kontra CoVid-19 pero sariling gastos nila ang regular RT-PCR o swab test. Nakasaad ito sa Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF) Resolutions No. 148 at No. 149, may petsang 12 Nobyembre …

Read More »

Binomba ng water cannon ng Chinese Navy
PH NAVY MAGHAHATID MULI NG PAGKAIN SA AYUNGIN SHOAL

BRP Sierra Madre

MAGTATANGKANG muli ang Philippine Navy na magpadala ng supply ng pagkain sa mga sundalo sa Ayungin Shoal ngayong linggo. Ayon kay Defense Secretary Delfin Lorenzana, nangako ang embahada ng China na hindi gagalawin ang resupply boat kung wala itong Coast Guard o Navy escort. “Yes there are such instructions, no Coast Guard or Navy escort. The Chinese will not interfere …

Read More »

‘Atin ito!’
PH FLAG ITINAAS NI PING SA PAG-ASA

Ping Lacson, PH Flag, PAG-ASA

HATAW News Team PUERTO PRINCESA CITY, Palawan — Pinangunahan ni Reporma chairman at standard-bearer Panfilo “Ping” Lacson ang pagtataas ng watawat ng Filipinas sa Pag-asa Island, bahagi ng Spratlys archipelago na inaangkin ng China, ngayong Sabado, 20 Nobyembre, upang ipakita ang soberanya ng bansa sa ating teritoryo. “Nagkaroon tayo ng flag-raising dahil mayroon tayong dalang bagong flag. ‘Yun pong flag …

Read More »

‘Ill-gotten wealth’ ni Quiboloy ‘yari’ sa US gov’t

112221 Hataw Frontpage

ni ROSE NOVENARIO NAIS ng mga awtoridad sa Amerika na kompiskahin ang mga ari-arian ng spiritual adviser ni Pangulong Rodrigo Duterte at ng Kingdom of Jesus Christ (KOJC) leader Apollo Quiboloy dahil ito’y ‘ill-gotten.’ Napaulat na itinuturing ng Federal Bureau of Investigation (FBI) na ‘ill-gotten’ ang properties ni Quiboloy sa US dahil resulta ito ng mga krimeng ginawa. “We seek …

Read More »

Face shield pinatanggal ng Palasyo

Face Shield Face mask IATF

INAPROBAHAN ni Pangulong Rodrigo Duterte ang rekomendasyon ng Inter-Agency Task Force (IATF) for the Emerging Infectious Diseases na luwagan ang  patakaran sa paggamit ng face shield. Mandatory na lamang ang pagsusuot ng face shield sa mga lugar na nasa ilalim ng Alert Level at granular lockdowns. Habang sa mga lugar na nasa ilalim ng Alert Level 3, 2, at 1 …

Read More »

Walang nagdidikta at nagkokontrol sa pangulo — Bong Go

Rodrigo Duterte, Bong Go, Antonio Parlade Jr

SINAGOT ni Senador Christopher Lawrence “Bong” Go ang paratang ni retired military general, pamosong red-tagger at presidential aspirant Antonio Parlade, Jr., na walang nagdidikta at nagkokontrol kay Pangulong Rodrigo Duterte. Ayon kay Go, ang desisyon ng Pangulo ay sarili niyang pasya at kanyang pinag-isipan nang ilang beses. Ngunit aminado si Go, nagbibigay siya ng mga suhestiyon o payo sa Pangulo …

Read More »

Kontrolado desisyon ni Duterte
BONG GO, PROBLEMA NG BAYAN – PARLADE

111621 Hataw Frontpage

ni ROSE NOVENARIO ITINUTURING ni retired military general, pamosong red-tagger at presidential aspirant Antonio Parlade, Jr., na isa sa mga problema ng bayan ang isa pang presidential candidate na si Sen. Christopher “Bong” Go. Sa panayam kay Parlade matapos maghain ng certificate of candidacy (COC) bilang presidential bet ng Katipunan ng Demokratikong Pilipino kapalit ni Antonio Valdez na iniatras ang …

Read More »

Social media pages, ilang personalidad, sinampahan ng kaso ni Rose Lin sa NBI

Rose Nono-Lin

DUMULOG sa National Bureau of Investigation (NBI) ang negosyanteng si Rose Nono-Lin nitong Lunes ng umaga para paimbestigahan at sampahan ng kaso ang mga nagpapakalat ng ‘malisyosong’ social media post na nag-aakusang drug lord umano ang kaniyang asawa at nagdadawit sa kanilang mga anak na pawang mga menor de edad sa naturang isyu. Tinukoy ni Lin ang ilang social media …

Read More »

Prankisa ng Meralco puwedeng kanselahin kahit sa 2028 pa mapapaso — solon

kamara, Congress, Meralco, Money

IPINAREREPASO ni House Deputy Speaker Rodante Marcoleta ang prankisa ng Manila Electric Company (Meralco) sa gitna ng patuloy na pagtaas sa singil sa koryente. Sa isang privilege speech kamakailan, sinabi ni Rep. Marcoleta na dapat nang suriin at repasohin ng Kongreso ang prankisa ng Meralco kahit sa 2028 pa ito mapapaso. “Ngayon pa lang, Mr. Speaker, ay dapat na nating …

Read More »

Sa dalawang address na ibinigay
LAO HINDI NAHAGILAP NG OSAA

Lloyd Christopher Lao

BIGO ang team ng Office of the Sargent at Arms (OSAA) ng Senado na maaresto si dating Procurement Service – Department of Budget and Management (PS-DBM) Undersecretary Christo­pher Lao sa mga address na kanyang itinala. Batay sa inilabas na impormasyon at larawan  at video ng Senate PRIB, lumalabas na walang Christopher Lao na nanu­nu­luyan sa mga address na kanyang ibinigay. Sa kanyang …

Read More »

Mag-utol na Pharmally execs, arestado sa Davao City

Mohit Dargani, Twinkle Dargani, Pharmally

DINAKIP ng Senate security personnel ang magkapatid na Mohit at Twinkle Dargani, mga opisyal ng Pharmally Pharmaceutical Corporation kahapon sa Davao City International. Ayon kay Senate Sergeant-At-Arms Rene Samonte, nakatakdang sumakay sa chartered flight patungong Kuala Lumpur, Malaysia ang magkapatid na Dargani nang harangin ng Senate security team sa naturang paliparan. Nakadetine sa kasalukuyan ang magkapatid na Dargani sa gusali …

Read More »

Naalarma sa maliit na budget
P50-B PONDO PARA SA KAKULANGAN SA PABAHAY ISINULONG

Rida Robes, Kamara, Congress, money, NHA

MATAPOS maalarma sa mababang budget na inilaan sa pabahay, isinulong ni San Jose Del Monte City Rep. Florida “Rida” P. Robes ang pagpasa ng panukalang paglalaan ng P50 bilyong makalulutas sa lumalalang kakulangan sa proyektong pabahay sa buong bansa. Sa kanyang pagsasalita sa Habitat for Humanity Philippines Housing Summit kamakailan, sinabi ni Robes na isusulong niya ang agarang pag-aproba sa …

Read More »

EXCLUSIVE/REMAT:
DQ ni BBM pinaghahandaan
SARA DUTERTE FOR PRESIDENT, ‘KASADO’ SA BALESIN TALKS

111121 HATAW Frontpage EXCLUSIVE REMAT

ni ROSE NOVENARIO IKINAKAMADA sa Balesin Island Resort ng mga Ongpin sa Polillo, Quezon ang pinal na plano ng opisyal na pagsabak ni Davao City Mayor Sara Duterte sa 2022 presidential race. Ayon sa source, ilalahad anomang oras ng kampo ng alkalde ang resulta ng negosasyon niya sa grupo ng partido Lakas-NUCD na pinangungunahan ni dating Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo at …

Read More »

Duterte pabor
DI-BAKUNADO ETSAPUWERA SA TRABAHO

111121 Hataw Frontpage

PINABORAN ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pasya ng mga kompanya na tanggihan ang mga aplikanteng hindi bakunado kontra CoVid-19. Ayon sa Pangulo, karapatan ito ng mga employer , pinoprotektahan lang ang kanilang negosyo at interes ng mga empleyado. “Kung hindi ka bakunado, hindi ka tanggapin sa trabaho. I think that is legal. You have the right to refuse, to accept …

Read More »

DILG chief kumampi kay Isko sa ‘no face shield’ policy

Isko Moreno, Eduardo Año

NAKAHANAP ng kakampi si Manila Mayor Francisco “Isko Moreno” sa inilabas na kautusan nitong Lunes na nagsasaad na hindi na mandatory ang pagsusuot ng face shield sa Maynila maliban kung ito’y sa ospital, o klinika. Sa isang seremonya sa pagdating ng may 2.8 milyong doses ng Sputnik V CoVis-19 vaccine sa Villamor Airbase nitong Lunes ng gabi, sinabi ni Department …

Read More »

Duterte hirap pumili ng next PNP chief — DILG

Duterte PNP

NAHIHIRAPAN pumili si Pangulong Rodrigo Duterte para sa magiging susunod na pinuno ng Philippine National Police (PNP) kapalit ni outgoing PNP chief, PGen. Guillermo Eleazar, dahil pawang malalapit sa kaniya ang mga kandidatong nasa listahan na isinumite ng Department of the Interior and Local Government (DILG).  Si Eleazar ay nakatakda nang magretiro sa serbisyo sa Sabado, Nobyembre 13, pagsapit niya sa kanyang …

Read More »