KINALAMPAG ng iba’t ibang transport group na kabilang sa grupong National Public Transport Coalition (NPTC) at PASADA CC ang pamunuan ng Department of Transportation (DOTr), Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) at Metro Manila Development Authority (MMDA) na agarang sundin ang kautusan ng korte na ibasura ang tinatawag na ‘window hours’ sa mga provincial buses dahil malaking pasakit ito …
Read More »Nagbanta ng holiday o strike
WFC sa next admin PH banks na nagpopondo sa ‘dirty energy’ sawatain
ILANG araw bago ang gaganaping local at national elections, hinimok ng energy advocacy at bank watchdog group na Withdraw from Coal (WFC) ang sinomang susunod na administrasyon na sawatahin ang mga banko na patuloy na nagpopondo o namumuhunan para sa ‘dirty energy’ o ‘coal’ para sa enerhiya. Mula noong 2020, ang WFC ay naglalabas ng kanilang annual Coal Divestment Scorecard …
Read More »Consumer group nanawagan sa NGCP supply ng koryente tiyakin
NANAWAGAN ang isang pro-consumer, non-government organization (NGO) group sa National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) na gawin ang kanilang bahagi upang maiwasan ang pagkawala ng supply ng koryente sa Luzon. Sa isang opinion piece, sinabi ng Kuryente.org ang posibilidad na maaaring mawalan ng koryente sa araw ng halalan sa 9 Mayo kung hindi aaksiyon ang NGCP. “Hindi namin maaaring …
Read More »Susunod kami sa utos — Atong Ang
“NAGSALITA na ang pangulo (Rodrigo Duterte), kaya susunod kami sa utos niya.” Ito ang pahayag ni Charlie “Atong” Ang, ang pangulo ng Pitmaster Live na isa sa mga kompanya na may palarong e-sabong. Dagdag ni Ang, “gagamitin namin ang panahon na ito para ayusin ang mga isyu hinggil sa sinasabi ng pangulo na mga problema sa e-sabong.” Nauna nang ipinatigil …
Read More »‘Talpakan’ tinuldukan ni Duterte
ni ROSE NOVENARIO TINULDUKAN ni Pangulong Rodrigo Duterte ang operasyon ng e-sabong o mas kilala bilang talpakan simula kahapon dahil sa masamang epekto sa mga Filipino. Ang desisyon ni Duterte ay ibinatay sa rekomendasyon ng Department of Interior and Local Government (DILG). Sa kanyang Talk to the People kamakalawa ng gabi, inilahad ni Duterte na inutusan niya si DILG Secretary …
Read More »
3 bata, 2 senior citizens, 5 pa
10 KATAO PATAY, INULING NG SUNOG
HINDI na nakilala dahil sa labis na pagkasunog at nagmistulang uling ang 8 biktima ng sunog na namatay sa UP Campus, Diliman, Quezon City kahapon ng umaga; habang ang magkapatid na biktima din ng sunog sa Catarman, kapwa namatay rin, isang 10-anyos batang lalaki, at 18-anyos dalaga ay nakulong sa kanilang kuwarto, sa Catarman Northern, kahapon ng madaling araw. Patayang …
Read More »24.7K barangays drug-cleared na — PDEA
SIMULA nang ideklara ang gera laban sa droga ng administrasyong Duterte, mayroon ng 24,000 barangay sa buong bansa ang nalinis o naideklara nang cleared mula sa ilegal na droga. Base sa pinakahuling real numbers data na inilabas ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) nitong Sabado, hanggang nitong Marso 2022, nasa 24,766 mula sa kabuuang 42,045 barangays ang naideklara nang drug-cleared …
Read More »
Susunod na presidente bahala na
OIL PRICE HIKE GUSTONG TAKASAN NI DUTERTE
ni ROSE NOVENARIO GUSTO nang takasan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang walang humpay na pagtaas ng presyo ng langis at produktong petrolyo at ipaubaya ang problema sa susunod na presidente ng Filipinas. An1g hindi makontrol na oil price hike ay dulot aniya ng sigalot ng Russia at Ukraine na ang epekto’y tiyak na iindahin ng susunod na aministrasyon. “I think …
Read More »‘Agri-smuggling’ prente ng shabu
ni ROSE NOVENARIO MAAARING prente lang ng sindikato ng ilegal na droga mula sa China ang talamak na agri-smuggling o pagpupuslit ng mga produktong agrikultural sa bansa. Ipinaliwanag ni Jarius Bondoc, isang beteranong mamamahayag, sa kanyang pitak na Gotcha sa Philippine Star, kaduda-duda ang mga ipinupuslit na produktong agrikultural, karamihan mula sa China, kahit hindi naman kapos ang supply sa …
Read More »PAPI huwag magpaggamit sa ‘fake news’ — Villanueva
MAHALAGA ang tungkulin ng Publishers Association of Philippines, Inc. (PAPI), na huwag magpabiktima sa “fake news.” Binigyan diin ito ni Supreme Court administrator Raul B. Villanueva sa kaniyang talumpati sa National Press Convention ng PAPI noong Biyernes, 22 Abril 2022, ginanap sa Penlai Finest Chinese Cuisine (dating Shangri-La), may temang “The Community Press: Its Challenges in the Post-Pandemic Era.” …
Read More »Pambansang gasolinahan isusulong ni Robin
Isusulong ni senatorial candidate Robin Padilla ang pagtatayo ng pambansang gasolinahan sa bansa para sa mga pampublikong sasakyan kung saan sila makakabili ng mas murang gasolina sa pamamagitan ng subsidiya ng pamahalaan. Ayon kay Padilla, tumatakbong senador sa ilalim ng partidong PDP-Laban, ang walang patid na pagtaas ng presyo ng gasolina ang ugat ng maraming problema ngayon sa bansa. Dagdag …
Read More »P4.10 sa diesel, P3.00 gasolina dagdag na taas ng presyo
MULING MAGPAPATUPAD ng oil price increase ngayong araw ang ilang kompanya ng langis sa bansa. Sa abiso ng Cleanfuel epektibo ngayong 8:00 am ang P3.00 dagdag kada litro ng gasolina habang P4.10 sentimos ang itataas kada litro ng diesel. Ang pagtataas ng presyo sa mga produktong petrolyo ay bunsod ng pagalaw nito sa pandaigdigang pamilihan. Inaasahang mag-aanunsiyo din ng kahalintulad …
Read More »
Ayuda para sa pamilya, maliliit na negosyo, at walang trabaho
PAGBANGON NG EKONOMIYA PRAYORIDAD NI VP LENI — TRILLANES
“PAGPAPANUMBALIK ng sigla ng ekonomiya sa pamamagitan ng pagbibigay tulong sa pamilyang Filipino, sa maliliit na negosyo, at sa mga nawalan ng trabaho ang prayoridad ni VP Leni Robredo.” Binigyang diin ito ni dating Sen. Antonio “Sonny” Trillanes batay sa plano ni VP Leni “post-COVID recovery” na tutulong sa pagbangon ng maliliit na negosyo o MSMEs, at palalakasin ang “purchasing …
Read More »NUJP nanawagan huwag iboto solons na nagpasara ng ABS-CBN (Defensor, Crisologo, Hipolito-Castelo sa QC)
NANAWAGAN muli ang National Union of Journalists of the Philippines (NUJP) sa mga botante na “huwag iboto” ang mga mambabatas na nagpasara sa ABS-CBN. “This elections, never forget those who voted against the renewal of ABS-CBN franchise,” ang pahayag ng NUJP na ibinahagi ng grupo sa kanilang social media account. “Three of them are running for government posts in Quezon …
Read More »Permanenteng evacuation sites kailangan na — Eleazar
IPINAPAKITA ng pananalanta ni Tropical Storm “Agaton” sa ilang bahagi ng bansa na kailangan nang magtayo ng permanente at ligtas na evacuation centers para sa mga nakatira sa disaster-prone areas, ayon kay senatorial candidate Gen. Guillermo Lorenzo Eleazar. Ayon kay Eleazar, maraming Filipino ang nangingiming magtungo sa evacuation centers dahil kadalasan ay siksikan, at bago ang pandemya, ang mga classroom …
Read More »
Bayan Muna sa ERC:
PROBE vs ‘OVERCHARGING’ NG MERALCO BILISAN
NANAWAGAN si House Deputy Minority leader and Bayan Muna Rep. Carlos Isagani Zarate sa Energy Regulatory Commission (ERC) na bilisan ang imbestigasyon sa mga reklamo laban sa Meralco upang mapagaan ang ekonomiya at paghihirap na dinaranas ngayon ng milyon-milyong mamimili sa franchise area nito. “Meralco should be made accountable for all the amount it may have overcharged its captive consumers. …
Read More »Dapat protektahan ang mga bata at kababaihan mula sa karahasan sa Internet ayon kay Legarda
Nais ni Antique Representative at kandidata sa pagka-Senadora na si Loren Legarda na lalong gawing mas istrikto ang implementasyon ng mga batas na naglalayong ipagtanggol ang mga bata at kababaihan mula sa karahasan, pambabastos, at pang-a-abuso sa internet. “Easy access to the internet and technological advancements have now been utilized by unscrupulous individuals for illegal activities preying on the vulnerability …
Read More »Leni – Sara tuloy-tuloy sa pagsirit
LUMAKAS lalo ang puwersa ng mga tumitindig para sa tambalang Leni Robredo para sa pagka-pangulo at Sara Duterte para bise presidente. Kung mayroong Ro-Sa Movement na sinimulan ng mga politiko, isang people’s movement na binubuo ng higit 100,000 Filipino mula sa iba’t ibang sektor ang nagtatag ng Kay Leni at Sara Tayo (KALESA) Movement para isulong ang anila’y “tunay at …
Read More »‘Di pagbabayad ng mga Marcos ng P203-B estate tax, ‘di patas sa mga manggagawa
ANG pagkukumahog ng mga Filipino na makapaghain ng income tax return sa 18 Abril ay kabaliktaran sa pagtanggi ng pamilya Marcos na bayaran ang P203 bilyong estate tax. “Such exercise of good citizenship contrasts with how the Marcoses violate tax laws and court decisions with impunity,” ayon kay senatorial aspirant Alex Lacson. “Dapat isang magandang halimbawa ang pangulo bilang mahusay …
Read More »‘No Vote’ kay Sen Dick Gordon sa Doble Plaka Law umarangkada
ISINUSULONG ng Riders Community ang “No Vote” para kay Sen Dick Gordon ngayong May election dahil sa pagiging anti-rider matapos iakda ang kontrobersiyal na Motorcycle Crime Prevention Act(RA 11235) o mas kilala sa tawag na Doble Plaka Law. Ayon kay Motorcycle Riders Organization (MRO) Chairman JB Bolaños, wala silang inilunsad na pormal na kampanya laban sa kandidatura ni Gordon ngunit …
Read More »
CoVid-19 vaccine para ‘di masayang,
HOUSE-TO-HOUSE VACCINATION, UTOS NI DUTERTE
ni ROSE NOVENARIO INIUTOS ni Pangulong Rodrigo Duterte ang house-to-house vaccination upang hindi masayang ang biniling CoVid-19 vaccines ng pamahalaan. Sa kanyang Talk to the People kagabi, ipinaliwanag ng Pangulo na titiyakin niyang hindi masasayang ang mga nakaimbak na CoVid-19 vaccines dahil magbabahay-bahay ang mga manggagawang pangkalusugan ng pamahalaan upang maseguro na matuturukan ng bakuna ang hindi pa bakunado. “So …
Read More »Robin Padilla and crew spent one week in West Philippine Sea to assess situation aboard fishing vessel for love of country
One issue that has been a major flash point in the news the past so many years have been the situation faced by our fisher folk in the disputed areas located in the West Philippine Sea. And because of the fishing ban imposed by China off the coast of Busuanga, the lives of our fishermen and those who reside in …
Read More »Palasyo kay Quiboloy buntot mo hila mo
𝙣𝙞 𝙍𝙤𝙨𝙚 𝙉𝙤𝙫𝙚𝙣𝙖𝙧𝙞𝙤 DUMISTANSIYA ang Palasyo sa best friend forever (BFF) at spiritual adviser ni Pangulong Rodrigo Duterte na si Kingdom of Jesus Christ (KOJC) founder Pastor Apollo Quiboloy matapos siyang ikanta ng isang US-based paralegal na kasabwat sa labor trafficking scheme sa Amerika. Ayon kay Communications Secretary at acting Presidential Spokesman Martin Andanar, tiwala ang Malacañang na may kakayahan …
Read More »Dagdag presyo sa petrolyo humirit pa
MAGPAPATUPAD muli ng dagdag presyo sa produktong petrolyo ang ilang kompanya ng langis sa bansa. Sa abiso ng Total Philippines epektibo ito dakong 6:00 am, tataas ng P03.40 sentimos ang gasoline, at P08.65 sentimos sa diesel, habang ang Cleanfuel epektibo ng 8:00 am ipapatupad ang P03.40 sentimos sa kada litro ng gasolina at P08.65 sentimos ang itataas sa presyo ng …
Read More »GERA NI DUTERTE VS NPA BIGO — CPP
SEMPLANG ang rehimeng Duterte na pigilan ang paglago ng New People’s Army (NPA), ayon sa liderato ng Communist Party of the Philippines (CPP). Sa 20-pahinang kalatas na ipinaskil sa CPP website, sinabi ng Central Committee, matagumpay na binigo ng CPP at NPA si Duterte at kanyang military generals sa patuloy na deklarasyon na dudurugin ang armadong pakikibaka ng mga rebeldeng …
Read More »