“BESO (Belmonte-Sotto) tandem” ang iiral na boto ng mga Quezon Citizens ayon sa HKPH- Public Opinion and Research Center at Asia Research Center ngayong araw ng halalan 9 Mayo 2022. Hindi lamang sa pagtaya ng HKPH ang resultang ito, kung di maging ang resulta ng RP-Mission and Development Foundation, Inc. (RPMD) research and survey, si Mayor Joy Belmonte ang uupong …
Read More »May nanalo na!
30 lasenggo, pasaway sa protocol binitbit ng pulis-QC
UMAABOT sa 30 katao ang inaresto ng mga awtoridad nang maispatang nag-iinuman sa labas ng kanilang mga tahanan kahit ipinatutupad na ang “liquor ban” bukod sa pagsuway sa ipinatutupad na health protocol sa Quezon City, nitong Linggo ng madaling araw. Ang mga naaresto sa kahabaan ng Maunlad at Mabilis streets sa Barangay Pinyahan, ay sina Mark Anthony Catagan, 43 anyos; …
Read More »4 White Plains joggers inararo ng Honda sa QC
SUGATAN at nagkapasa-pasa ang apat na joggers nang ararohin ng Honda SUV sa White Plains Avenue sa Quezon City, nitong Linggo ng umaga. Ang mga biktima ay kinilalang sina Baluyao Lobado Angela, 35 anyos, call center agent, residente sa Arayat St., Mandaluyong City; Ong Lee Michael, 47, optometrist, ng L. Parada St., Mandaluyong City; Blancia Puyong Edelyn, 36, overseas Filipino …
Read More »Vote buying cases vs Rose Lin, sabay-sabay nang umuusad
LUMABAS na ang subpoena laban sa kandidatong kongresista na si Rose Lin tungkol sa 290 counts ng vote-buying na inihain sa Office of the City Prosecutor ng Quezon City. Kasama ni Lin sa mga ipinapatawag ng hukom ay ang mga kasabwat nito sa malawakang pamimili ng boto sa District 5, Quezon City. Sa nilagdaang subpoena ni Assistant Prosecutor Jerome Christopher …
Read More »Oreta siguradong panalo sa Malabon
MAUGONG na maugong pa rin sa lungsod ng Malabon ang pangunguna ni mayoralty candidate Councilor Jose Lorenzo Oreta sa kanyang kandidatura. Sa pinakahuling survey na isinagawa ng Philippine Survey and Research Center, nakakuha ng 58% vote mula sa mga kababayan ang batang konsehal habang tinambakan ang kanyang kalaban sa pagka-alkalde na si Jeannie Sandoval, 32% lamang ang nakuhang boto. Kaugnay …
Read More »
2 kobrador huli sa akto
QCPD LUMARGA KONTRA LOTENG
ARESTADO ang dalawang kobrador ng loteng matapos maaktohan ng pinagsanib na grupo ng mga operatiba ng Quezon City Police District (QCPD) na nagpapataya kamakailan. Ang operasyon ay kaugnay sa malawakang pag-aksiyon na ikinasa ng QCPD laban sa lahat ng uri ng ilegal na sugal, batay sa kautusan ni QCPD District Director Remus B. Medina. Sa ulat ni P/Lt. Col. Melgar …
Read More »Mainit na eleksiyon at private army ni Rose Lin kinastigo
NANGANGAMBA ang Koalisyong Novaleño sa umiinit na laban ng mga kandidato sa District 5 ng Quezon City. Ito’y matapos silang mag-file ng 290 counts ng kasong Vote Buying sa Commission on Elections (Comelec) na sinabi ng kampo ni Rose Lin na ‘fake news’ at ‘pakana’ ng kanyang mga kalaban. “Kami po ay nababahala sa mga aksiyon ni Rose Lin. Bukod …
Read More »Senior citizens ng Navotas tinatakot diumano upang bumoto
Nakalap natin sa isang Facebook post ng isang concerned citizen na diumano isang kagawad ng Navotas ay namamahagi ng listahan ng mga dapat iboto kapalit ng pagbigay ng Social Pension Payout 2022 stub ng DSWD NCR sa mga senior citizens. Nakasaad sa post ang isang kakaibang kondisyon na dapat bumoto na naayon sa kagustuhan ng partido ng nasabing konsehal ang …
Read More »Taguig LGU nanawagan ng weekly clean-up drive
BILANG SUPORTA sa mga pagsisikap ng lungsod sa pangangalaga ng kapaligiran, hinihikayat ng pamahalaang lungsod ng Taguig, ang kanilang mga mamamayan na lumahok sa weekly open-age clean-up drive. Ayon sa local government unit (LGU) sa pamamagitan ng City Environment and Natural Resources Office (CENRO), ang clean-up drive ay isang lingguhang aktibidad na sabay-sabay na gagawin sa ilang barangay sa Taguig …
Read More »
Nagpakilalang miyembro ng NPA
LALAKING TITSER ‘NASAKOTE’ SA PANGINGIKIL
NASAKOTE ng mga operatiba ni Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) Director P/MGen. Eliseo DC Cruz ang isang 26-anyos lalaking guro, nagpakilalang miyembro ng New People’s Army (NPA) sa pangingikil sa ilang paaralan sa NCR kamakalawa. Kinilala ang suspek na si Jake Dedumo Castro residente sa Brgy. Zapote, Las Piñas City makaraang malambat sa entrapment operation sa nasabing lugar. Alinsunod …
Read More »2-anyos batang babae na napatay ng yaya, nadiskubreng minolestiya
NAILIBING na ang 2-anyos batang babae na namatay matapos ihampas sa pader ng kanyang tagapag-alaga sa Quezon City, pero natuklasan ng mga pulis na posibleng minolestiya ang bata dahil namamaga ang ari nito. Dahil dito, tinutugis ang anak na lalaki ng suspek na si Rowena Daud, 36 anyos, tumakas at nagtatago. Ayon sa pulisya, agad ipinalibing ang biktimang itinago sa …
Read More »
Kasong kriminal isinampa
GLOBALTECH VS QCPD DD, ATBP
KASONG KRIMINAL ang isinampasa City Prosecutor’s Office laban kay Quezon City Police District Director (QCPD) P/BGen. Remus Medina at lima pang opisyal nito matapos balewalain ang umiiral na kautusan ng korte para sa patuloy na operasyon ng Peryahan ng Bayan – Globaltech Mobile Online Corporation. Batay sa reklamong kriminal na inihain ni Atty. Bernard Vitriolo, vice president for Legal Affairs …
Read More »Marikina Mayor Marcy Teodoro tahimik sa kinukuwestiyong P600M covid funds ng COA
BIGO pa rin ang Marikina local government na sagutin ang Commission on Audit (COA) sa kinukuwestiyong P600 milyong COVID-19 procurement transactions ng lungsod na pawang hindi dumaan sa kompletong dokomentasyon. Sa 2020 annual audit report ng COA ukol sa Marikina City government sinabi nito na P200.51 milyon ang ini-award nitong kontrata sa iba’t ibang supplier na walang dokumentasyon habang wala …
Read More »
Panawagan ni Tesdaman
ORAS NG BIYAHE NG PROVINCIAL BUSES ISAALANG-ALANG
NANAWAGAN si reelectionist Senator Joel “Tesdaman” Villanueva sa Department of Transportation (DOTr), Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB), at Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) na muling ikonsidera ang implementasyon ng itinakdang oras ng biyahe ng provincial buses mula 10:00 pm hanggang 5:00 am. Ayon kay Villanueva, dapat isaalang-alang at alalahanin ang kapakanan ng commuters at mga provincial bus operators …
Read More »Ayuda para sa liga ng mga barangay sa Maynila missing?
DAPAT magpaliwanag ang Liga ng mga Barangay sa Maynila hinggil sa inilabas nitong P11.6 milyong pondo noong 2020 para sa ayuda ng mga opisyal at empleyado sa mga barangay. Pumutok ang isyu nang kuwestiyonin kamakailan ni Manila Liga ng mga Barangay Auditor Nelson Ty ang nasabing pondo matapos magreklamo sa kanya ang mga kapwa barangay officials kung paano ipinamahagi ang …
Read More »Atty. Alex Lopez namayagpag sa maraming surveys
NAMAYAGPAG si Partido Federal ng Pilipinas (PFP) Mayoralty candidate Atty. Alex Lopez sa isinagawang ‘Manila Mayoral Candidate Poll’ ng Far Eastern Research nitong 7-14 Abril 2022. Si Lopez ang opisyal na kandidato ng BBM-Sara tandem sa Maynila. Nakakuha si Lopez ng 20,064 o 65.63% ng kabuuang bilang ng mga boto. Pumangalawa kay Lopez si Honey Lacuna na nakakuha ng 18.83%. …
Read More »Asawa ni QC Vice Mayor Gian Sotto nalungkot sa mga banat ni Castelo
SA PAGHARAP sa general assembly ng Inisang Samahang Aasahan (ISA) sa District 1 ng Quezon City, inihayag ng kabiyak ng puso ni Vice Mayor Gian Sotto na si JoyMary, ang kanyang kalungkutan sa mga paninirang ginagawa ng kalaban ng kanyang mister sa pagka-bise alkalde na si Winnie Castelo. Pumalit si Mrs. Sotto sa kanyang asawa na may nauna nang importanteng …
Read More »Apat kandidato ng QC Aksyon lumipat ng suporta kay Leni
APAT na kandidato sa pagkakonsehal ng Quezon City Aksyon Demokratiko sa pangunguna ni reelectionist Dante de Guzman ang umabandona kay Manila Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso at lumipat ng suporta kay Vice President Leni Robredo. Kasama ni De Guzman (3rd district) ang broadcaster na si Gani Oro (5th district), aktres na si Melissa Mendez (2nd district) at Apple Francisco (5th …
Read More »Food packs, senior citizen social amelioration ipinalalabas sa petisyon
OPISYAL nang nagsumite ng petisyon ang kampo nina Atty. Alex Lopez para sa agarang pagpapalabas ng mga foodpacks at senior citizen allowance ng mga Manilenyo, na inihain sa pamahalaang lungsod ng Maynila at sa Commission on Elections (Comelec). Nilagdaan ang naturang petisyon nila mayoral bet Atty. Lopez, at Atty. Bimbo Quintos, tumatakbong konsehal sa ikaapat na Distrito ng Maynila. Hinihiling …
Read More »
SERBISYO SA BAYAN PARTY NI BELMONTE PA RIN SA QC
Gian Sotto sa Vice, Atayde sa Congress
HALOS lahat ng kandidato ng lokal na partidong Serbisyo sa Bayan Party ni Quezon City Mayor Josefina “Joy” Belmonte ang iboboto ng mga residente ng lungsod. Ito ang naitala sa huling pag-aaral o ‘independent at non-commissioned survey’ na ginawa ng RP Mission and Development Incorporated (RPMD), lumalabas na si Mayor Joy Belmonte pa rin ang napupusuang maging punong-lungsod ng mga …
Read More »PDP LABAN suportado si Belmonte sa QC
SINUPORTAHAN ng PDP-Laban Quezon City council ang kandidatura ni Mayor Joy Belmonte sa pagka-alkalde ng lungsod. Sa pahayag ng partido na ibinahagi nitong weekend, sinabi ng PDP-Laban, napagkaisahan ng lahat ng miyembro nito na iendoso si Belmonte dahil sa magandang ipinakita nitong “serbisyo publiko” maging ang mga pagbabago at kaunlarang nangyari sa lungsod sa ilalim ng pamumuno ng Mayora sa …
Read More »‘World class jail’ isinalin ng QC LGU
PORMAL nang isinalin sa Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) ng Quezon City local government unit ang pangangalaga sa kauna-unahang “world class” city jail sa bansa, ang Quezon City jail. Sa ginawang ceremonial turnover kahapon, si Quezon City Mayor Joy Belmonte ang panauhing pandangal. Sa okasyon, isinalin ni Belmonte ang symbolic golden key kay BJMP Chief, J/Director Allan Iral …
Read More »American Singer Keith Martin natagpuang naaagnas sa condo, namatay sa heart attack
INIHAYAG ni Quezon City Police District (QCPD) Director, P/BGen. Remus Medina, heart attack ang ikinamatay ng sikat na American singer at songwriter na si Keith Martin, na nagpasikat ng awiting Because of You. Ayon kay Medina, nakasaad sa inilabas na death certificate na Acute Myocardial Infarction, dulot ng Atherosclerotic Coronary Artery Disease o bara sa ugat ng puso, ang naging …
Read More »
Sa Marikina
DRIVER ARESTADO SA 8 KASO NG RAPE
NADAKIP ng mga awtoridad sa lungsod ng Marikina ang isang lalaking sangkot sa pangmomolestiya at panggagahasang naganap sa bayan ng Binangonan, lalawigan ng Rizal, nitong Linggo ng umaga, 27 Marso. Kinilala ni P/Col. Benliner Capili, hepe ng Marikina CPS, ang naarestong suspek na si Rommel dela Cruz, 29 anyos, binata, driver, residente sa Extension St., San Juan, Brgy. Darangan, sa …
Read More »World class Quezon City jail ininspeksiyon
NAGSAGAWA ng inspeksiyon si Quezon City Jail Male Dormitory (QCJMD) warden J/Supt. Michelle Ng Bonto sa itinayong Quezon City Jail na maituturing na isang world class na kulungan kahapon ng hapon. Sa ginawang walk through the new QC jail, ipinakita ng opisyal sa mga mamamahayag ang mga pasilidad ng bagong kulungan na may limang palapag at binubuo ng limang gusali …
Read More »