Friday , May 17 2024

Metro

Sa pagwawala at pagpalag sa pulis
KELOT, KULONG SA BARIL

“ANO’NG Pulis? Walang pulis pulis sa akin, magbarilan nalang tayo papatayin ko kayo!” Ito ang sinasabi ng nagwawalang lalaki na may hawak na baril at nanlaban sa mga umaawat na pulis sa Navotas City, kamakalawa ng gabi. Sa kulungan, na natauhan ang lasing  na suspek na kinilala ni Navotas City police chief Col. Dexter Ollaging na si Richard Cailing, 43 …

Read More »

Social services department ng QC katuwang ng maralitang taga-lungsod

QC quezon city

DALAWANG-DAANG libong (200,000) maralitang taga-lungsod ang napaglilingkuran kada taon ng Social Services Development Department (SSDD) ng Quezon City (QC), na kung minsan ay higit pa sa bilang na ito, gaya sa nagdaang dalawang taon sa ilalim ng pandemiyang dulot ng Corona virus o COVID-19. Ito ang iniulat ni Marisse Casabuena, isa sa mga Division Head ng SSDD ng QC, na …

Read More »

54 katao huli sa paglabag sa health protocols sa QC

Quezon City QC

NAARESTO ng mga operatiba ng Eastwood Police Station 12, ng Quezon City Police District (QCPD) ang 54 katao dahil sa paglabag sa health protocols at mga ordinansa sa lungsod. Kabilang sa mga naaresto sina Felixberto Reli, 35, residente sa Fairlane St., West Fairview, QC; Ramie Bunda, 49, ng Ma. Clara St., Brgy. III Caloocan City; Marcial Saturnino, 23, ng Upper …

Read More »

Alert Level 4 paghandaan — MMDA

MMDA, NCR, Metro Manila

KAILANGAN maging handa sa ang posibili­dad na magtaas sa Alert Level 4 ang Metro Manila sa susunod na mga araw, ayon sa Metro­politan Manila Development Authority (MMDA). Ayon kay Atty. Crisanto Saruca, head ng Metro Manila Council Secretariat, kahapon, posibleng maglabas ng resolusyon kaugnay sa pagsasailalim sa  Alert Level 4. “…magkakaroon po ng desisyon diyan in the next coming days …

Read More »

PCGH 44 health workers nagpositibo sa CoVid-19

KINOMPIRMA ng Pasay City General Hospital sa pamamagitan ng Pasay Public Information Office (PIO), 44 health workers ng ospital ay pawang naka-isolate dahil nagpositibo sa CoVid-19. Sa 44 health workers apektado, ilan rito ay pawang nurses at auxiliary personnel na infected ng virus, habang ang ilan ay nakasalamuha ang mga nagpositibo at naghihintay ng kanilang swab test results. Nasa full …

Read More »

CoVid-19 cases bahagyang tumaas sa Parañaque City

NAKAPAGTALA ang Parañaque city government ng 108 bagong kaso ng CoVid-19 sa lungsod. Sa kabuuan umakyat sa 366 ang aktibong kaso sa lungsod, kasunod ito ng isinagawang CoVid-19 testing sa mga residente ng lungsod na nakasalamuha ng mga nagpositibo sa virus. Sa kasalukuyan, umabot sa 38,286 ang kompirmadong kaso ng CoVid-19 sa lungsod habang 37,168 (97.08%) ang naka-recover sa naturang …

Read More »

Machine operator sa cold storage nahulog sugatan

SUGATAN ang isang machine room operator nang mahulog sa pinagtatrabahuang cold storage sa Navotas City, kamakalawa ng hapon. Ginagamot sa Tondo Medical Center (TMC) ang biktimang  kinilalang si Amiel Herrera, 25 anyos, residente sa Block 1 Lot 16, Don Fernando Homes, Brgy. Niugan, Malabon City sanhi ng pinsala sa ulo. Batay sa pinagsamang ulat nina P/Cpl. Godfrey Billy Aparicio at …

Read More »

LTO offices sa NCR-West sarado

LTO Land Transportation Office

SA PAGLOBO ng bilang ng kaso ng CoVid-19, pansamantalang isinara ang lahat ng sangay ng Land Transportation Office (LTO) sa National Capital Region (NCR) – West at wala pang eksaktong petsa kung kailan muling bubuksan. Sa paskil sa Facebook account, sinabi ng LTO-NCR na isinara ang NCR-West branches dahil sa patuloy na pagtaas ng bilang ng CoVid-19 cases kaya magsasagawa …

Read More »

Iniwan ng girlfriend
18-ANYOS NAGBIGTI SA CICL SHELTER

Bigti suicide feet paa

MATAPOS hiwalayan ng girlfriend, isang youth offender ang nagpakamatay sa pamamagitan ng pagbibigti sa loob ng temporary shelter para sa mga kabataan na may nakabinbing kaso sa Malabon City, kamakalawa ng gabi. Ang katawan ng 18-anyos biktima ay nadiskubre ng 16-anyos binatilyong kapwa youth offender dakong 8:30 pm sa second floor ng Bahay Pag-asa Shelter sa Langaray St., Brgy. Longos. …

Read More »

Positivity rate ng Covid-19 sa NCR, bahagyang bumagal — OCTA

COVID-19 lockdown bubble

INIHAYAG ng OCTA Research Group na nagkaroon ng bahagyang pagbagal ang positivity rate ng CoVid-19 sa National Capital Region (NCR) nitong Linggo. Ayon kay OCTA Research Group Fellow, Dr. Guido David, umabot sa 28.7% ang positivity rate na naitala sa rehiyon nitong Linggo, o bahagyang mas mataas lamang sa 28.03 naitala noong Sabado at nagresulta upang maiklasipika ang NCR bilang …

Read More »

Riot sa Bilibid
3 PRESO PATAY 14 SUGATAN

dead prison

ni MANNY ALCALA TATLONG preso ang napaslang habang 14 ang nasugatan sa naganap na ‘riot’ sa loob ng compound ng Bureau of Corrections (BuCor) sa Muntinlupa City, kamakalawa ng gabi. Sa inisyal na ulat ng BuCor, pasado 6:00 pm nitong Linggo, nang mangyari ang kagulohan sa magkabilang grupo ng mga preso na nakapiit sa maximum security compound ng New Bilibid Prison …

Read More »

25 katao huli sa tupada

DALAWANPU’T LIMA katao ang nahuling abala sa pagsigaw habang naglalaban ang dalawang manok na may tari sa Malabon City, kamakalawa ng umaga. Kinilala ang mga nadakip na sina Artagnan Gonora, 60, Sherwin Almodiel, 46, Gonzalo Orbaneja, 60, Ariel Montes, 24, Reynaldo Delima, 49, Ronnie Dino, 43, Elmedio Esola, 54, Fernando Galang, 43, Benjamin Arquilita, 36, Wilfon Vasquez, 45, Florencio Sepnio, …

Read More »

Alert level 3 ngayon sa Metro Manila

MMDA, NCR, Metro Manila

SIMULA ngayong araw ng Lunes, 3 Enero 2022, ipatutupad ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang Alert Level 3 sa buong Kalakhang Maynila dahil sa pagdami ng CoVid-19 cases kabilang ang Omicron variant. Sa pahayag ng MMDA, sinabing mataas kaso ng CoVid-19 kada araw, at nitong nakaraang linggo ay nasa 783 porsiyento at hindi pa malaman kung ito ay Omicron …

Read More »

Pasay city mayor kinompirmang muling nagpositibo sa CoVid-19

NAGPOSITIBO muli sa corovirus disease 2019 (CoVid-19) nitong Linggo si Pasay City Mayor Emi Calixto-Rubiano, kinompirma kahapon 2 Enero ng isang opisyal ng Pasay City government. Nasa isolation ngayon ng hindi binanggit na health facility ang alkalde ng lungsod. Wala rin binanggit ang kanyang chief of staff na si Peter Eric Pardo, kung anong uri ng variant ang nakahawa kay …

Read More »

Masaganang Bagong Taon para sa 2K pamilya ng ISF sa QC

Joy Belmonte

TUNAY na masaganang bagong taon ang sasalubungin ng mahigit 2,000 pamilya ng informal settlers families (ISF) sa Quezon City, matapos mabili ng pamahalaang lokal ang mga lupang kanilang inokupa sa mahabang panahon na pag-aari ng mga pribadong indibidwal at mga pribadong kompanya. Bago magpalit ang taon, nagpursigi si Quezon City Mayor Joy Belmonte na maisulong ang ‘Direct Sale Program’ upang …

Read More »

Face-to-face classes sa NCR ‘kanselado’

face to face classes School

SINUSPENDE ng Department of Education (DepEd) ang face-to-face classes sa Metro Manila kasunod ng pag-iral ng Alert Level 3 sa rehiyon simula ngayon bunsod ng paglobo ng kaso ng CoVid-19. “Face-to-face classes for pilot schools in NCR are suspended until the alert level reverts to Level 2,” ayon sa advisory ng DepEd kagabi. Matatandaan, may 28 public schools sa Metro …

Read More »

2 empleyado ng POGO kulong sa pambubugbog sa Malaysian

arrest prison

KALABOSO ang dalawang Chinese national na kapwa empleyado ng Philippine Offshore Gaming Operators (POGO) nang pagtulungang bugbugin ang isang Malaysian sa loob mismo ng tahanan nito sa Barangay Paltok sa Quezon City, nitong Sabado ng gabi. Ang biktima ay kinilalang si Dong Ting, 26 anyos, binata, Malaysian at residente sa One Capiz Residences, Capiz St., Brgy. Paltok, Quezon City. Nadakip …

Read More »

Nabangga ng motorsiklo
PEDICAB DRIVER TODAS

PATAY ang isang pedicab driver nang mabangga ng isang motorsiklo sa Navo­tas City, kamakalawa ng gabi. Dead on arrival sa Navotas City Hospital (NCH) ang biktimang kinila­lang si Dennis Pagu­layan, 39 anyos, residente sa R-10, Brgy., North Bay Boulevard North (NBBN) Proper sanhi ng pinsala sa ulo at katawan. Nahaharap sa kasong reckless imprudence resulting to homicide ang driver ng …

Read More »

2 tulak, huli sa buy-bust sa Valenzuela

SHOOT sa kulungan ang dalawang hinihinalang sangkot sa ilegal na droga matapos madakip sa isinagawang buy bust operation ng pulisya sa Valenzuela City, kahapon ng madaling araw. Kinilala ni Valenzuela Police Station Drug Enforcement Unit (SDEU) chief, P/Lt. Joel Madregalejo ang naares­tong mga suspek na sina Randy Gipit, alyas Kikoy, 33 anyos, at Raulito Manasis, alyas Boss, 38 anyos, kapwa …

Read More »

4 Pulis-Taguig, 1 pa timbog sa P30-M nakawan sa Pasig

4 PULIS-TAGUIG, 1 PA TIMBOG SA P30-M NAKAWAN SA PASIG Edwin Moreno

ARESTADO ang apat na pulis-Taguig at ang kanilang kasabwat na hinihinalang pawang sangkot sa insidente ng nakawan sa lungsod ng Pasig nitong Sabado, 18 Disyembre. Kinilala ng National Capital Region Police Office (NCRPO) nitong Linggo, 19 Disyembre, ang nadakip na mga suspek na sina P/SSgt. Jayson Bartolome, P/Cpl. Merick Desoloc, P/Cpl. Christian Jerome Reyes, at Pat. Kirk Joshua Almojera — …

Read More »

Bebot pinaputukan sa batok sa Kyusi

DALAWANG tama ng bala ng baril sa batok ang tumapos sa buhay ng isang hindi pa kilalang babae na natagpuang duguang nakahandusay sa Barangay Holy Spirit, Quezon City, nitong Huwebes ng madaling araw. Inilarawan ang biktima na nasa edad 16 hanggang 25 anyos, may taas na 4″8, payat, nakasuot ng pulang jacket, blue maong pants at nakatsinelas. Sa report ng …

Read More »

Fluvial Parade of Stars ng MMFF isasagawa sa Disyembre 19

MMFF Parade of Stars

MAKATI CITY, METRO MANILA (Disyembre 13, 2021) — Salamat sa gumandang sitwasyon sa Kalakhang Maynila at pagbaba ng bilang ng mga kaso ng CoVid-19, itutuloy ng Metro Manila Film Festival (MMFF) ang kauna-unahang Fluvial Parade of Stars na isasagawa sa Pasig River para markahan ang pagbabalik ng festival ngayong taon kasunod ng pagbubukas muli ng mga sinehan at pagpapaluwag ng …

Read More »

3 drug suspects arestado sa P.2-M shabu sa Malabon

TATLONG  kinilalang drug personalities (IDP) ang nakuhaan ng mahigit P.2 milyon halaga ng shabu nang maaresto ng pulisya sa isinagawang buy bust operation sa Malabon City, kamakalawa ng gabi. Kinilala ni Malabon City police chief P/Col. Albert Barot ang mga nadakip na sina Mark James Sanchez, 21 anyos, residente  sa Atis Road, Jenny Piquiz, 39 anyos. ng Macopa Road, kapwa …

Read More »

BELMONTE NO. 1 PA RIN SA QC — SURVEY
Track record basehan ng constituents

Joy Belmonte

NUMERO UNONG kandidato pa rin sa pagka-alkalde ng Quezon City si Mayor Josefina “Joy” Belmonte at patuloy ang kanyang malaking kalamangan sa iba pang kumakandidato bilang punong-lungsod para sa halalang 2022. Ito ang nasasaad sa huling independent survey na ginawa ng RP Mission and Development Foundation Inc. (RPMD) gamit ang face-to-face na pagtatanong sa 10,000 residente ng lungsod na may …

Read More »

Para sa food security
LAS PIÑAS CITY PUMIRMA NG MOA SA DA

Las Piñas Enhanced Kadiwa Inclusive Food Supply Chain Program

NILAGDAAN ng Las Piñas city government at ng Department of Agriculture (DA) ang isang memorandum of agreement (MOA) para sa paglulunsad ng Enhanced Kadiwa Inclusive Food Supply Chain Program na sumisiguro sa pagkakaroon ng pagkain at accessibility nito sa panahon ng pandemya at sa hinaharap. Sinabi ni Las Piñas City Mayor Imelda Aguilar, sa ilalim ng kasunduan, ang DA ang …

Read More »