Monday , February 9 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
John Rey Tiangco SMART BNEO Navotas

Mayor Tiangco sa barangay executives  
EXCEED EXPECTATIONS

 

HINAMON ni Navotas City Mayor John Rey Tiangco ang mga barangay executives na laging hangarin ang kahusayan sa kanilang paglilingkod sa kanilang mga nasasakupan.

 

Sa ginanap na Sustainable Management and Administration of Local Government through Reengineering and Use of Technology for Barangay Newly Elected Officials (SMART BNEO) Program 2023, hinamon ni Tiangco ang mga pinuno ng barangay na lumampas sa inaasahan.

 

“Hindi sapat na sundin lang natin ang sinasabi ng DILG na mga programa. Merong mga standard pero hindi ibig sabihin, hanggang d’yan lang tayo. Ang gusto natin sa ating lungsod, laging lagpas tayo sa inaasahan sa atin,” aniya.

 

“Having good intentions alone is not enough. We must accomplish whatever it is we aimed for when we ran for office,” dagdag niya.

 

Ang pamahalaang lungsod ng Navotas, katuwang ang Department of the Interior and Local Government (DILG), ay nagsagawa ng serye ng capacity-building activities para sa mga bagong halal na opisyal ng 18 barangay sa lungsod, at sa kani-kanilang Sangguniang Kabataan (SK) chairperson at empleyado.

 

Layunin nilang turuan ang mga opisyal at empleyado ng barangay sa mga mandato at batas tungkol sa mga tungkulin at pagsunod na may kaugnayan sa epektibong pamamahala sa barangay.

 

Ang SMART BNEO ay hinati sa dalawang yugto kung saan ang una ay isinagawa noong 23-24 Nobyembre, sa Pangisdaan Hall, Navotas City Hall. Ang ikalawang bahagi naman ay ginanap noong 4-7 Disyembre 2023 sa Suzuki Beach Hotel, Subic, Zambales.

 

Ang mga kalahok ay sinanay sa paglikha ng mga action plan at peace and order, anti-drug abuse, disaster risk reduction and management, health emergency response, solid waste management, gender and development, at proteksiyon ng mga kabataan.

 

Tinalakay din sa paksa ang budgeting, procurement, auditing, at full disclosure policy, gayondin ang Safe Spaces Act, 10-point Agenda ng kasalukuyang administrasyon, at ang thrust para sa Smart LGUs.

 

Noong nakaraang buwan, pinangunahan ni Mayor Tiangco ang oath-taking ceremony ng 288 bagong hinirang na barangay at SK officials ng Navotas. (ROMMEL SALES)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Sales

Check Also

human trafficking

29 nasagip sa human trafficking

NASAGIP ng mga awtoridad ang 29 biktima ng human trafficking, kabilang ang 5 menor de …

Bacoor Cavite Police PNP

2 Chinese nasakote sa kidnapping

DINAKIP sa bisa ng warrant operations ang dalawang Chinese national, kamakalawa ng hapon sa Bacoor …

San Rafael, Bulacan

Rape suspect ng menor de edad kinalawit

DINAKIP ng mga awtoridad ang isang lalaki sa Brgy. Cruz na Daan, San Rafael, Bulacan …

arrest, posas, fingerprints

2 tiklo sa pagbebenta ng substandard consumer products

MATAGUMPAY na nagsagawa ng buybust operation ang mga operatiba laban sa mga indibiduwal na sangkot …

Bangkay ng nawawalang pulis natagpuan sa septic tank

Sa kaso ng pulis sa septic tank
‘Gunman’ nasakote sa Tagum, 2 suspek sumuko sa Bulacan

ARESTADO ang hinihinalang gunman sa insidente ng pagpaslang sa isang pulis na ang bangkay ay …