Thursday , May 1 2025
Valenzuela Dump Truck WMD

Vale-LGU nagbigay ng bagong dump truck sa WMD

PINANGUNAHAN ni Mayor Wes Gatchalian ang turnover ceremony at pagbabasbas ng bagong 38 dump trucks at tatlong sasakyang pang-heavy equipment sa Waste Management Division (WMD) at Public Order Safety Office (POSO) na magagamit sa pagpapanatili ng kaayusan at kalinisan sa Valenzuela City.

Ang bawat unit ng dump truck ay nagkakahalaga ng P 1,973,684.21, habang ang excavator ay nagkakahalaga ng P8,888,888, samantala ang wheel loader ay P 7,358,888, at ang aerial platform ay P6,995,000.

Ang mga bagong dagdag na sasakyan ay para sa WMD at POSO Sidewalk Clearing Operations Group sa pagsasagawa ng kanilang serbisyo at tungkulin para sa bawat pamilyang Valenzuelano, partikular sa pangongolekta ng basura, at pagtiyak na ang lahat ng bangketa ay malinis.

Sa kanyang mensahe, muling iginiit ni Mayor WES na ang mga dump truck ang magiging solusyon para mapanatili ang kaayusan at kalinisan sa lungsod,

“Tayo po, ang ating bayan ay kinilala bilang isang malinis at maayos na lungsod. Ito na po ang sagot para mapanatili natin at ituloy natin ang kalinisan sa ating mahal na lungsod,” aniya.

Kamakailan, ang Valenzuela ay nakatanggap ng Plaque of Recognition sa panahon ng Department of the Interior and Local Government (DILG) Urban Governance Exemplar Awards 2023 para sa epektibong pagpapatupad ng lungsod ng Manila Bay Clean-up, Rehabilitation, and Preservation Program, kung saan bahagi ng mandamus nito ang Solid Waste Management.

Nakiisa sa turnover ceremony sina Vice Mayor Lorie Natividad-Borja, miyembro ng Sangguniang Panlungsod, POSO Head Mr. Jay Valenzuela, Public Sanitation and Cleanliness Head Mr. Noel Delesmo at WMD Officer-in-Charge Ms. Mayette Antonio. (ROMMEL SALES)

About Rommel Sales

Check Also

Pope Vatican

Bagong Santo Papa sa 7 Mayo pipiliin

INAASAHANG sa 7 Mayo 2025, nakatakdang simulan ng Simbahang Katolika ang pagpili ng bagong Santo …

Arrest Shabu

Drug den sa NE nilansag, 5 tulak timbog

ARESTADO ang limang indibiduwal sa loob ng isang makeshift drug den habang nasamsam ang tinatayang …

Pasong grocery goods iniimbak para ibenta Bodega sa Tarlac sinalakay

Pasong grocery goods iniimbak para ibenta Bodega sa Tarlac sinalakay

SINALAKAY ng mga tauhan ng National Bureau of Investigation (NBI) -Tarlac District Office ang isang …

Absentee voting ng AFP matagumpay na naisagawa sa Fort Ramon Magsaysay

Absentee voting ng AFP matagumpay na naisagawa sa Fort Ramon Magsaysay

MATAGUMPAY na naisagawa ang Absentee Voting para sa mga sundalo ng iba’t ibang Philippine Army …

Bam Aquino Anne Curtis Janine Gutierrez

Isa pang ‘Diyosa’ suportado pagka-senador ni Bam Aquino

ISA pang “Diyosa” ang nagpahayag ng suporta sa pagka-senador ni dating Senador at independent candidate …