Tuesday , March 21 2023
Navotas
Navotas

Sa isang-linggong transport strike
F2F CLASSES SA NAVOTAS, SUSPENDIDO

INIANUNSIYO ng pamahalaang lungsod ng Navotas na suspendido muna ang onsite o face-to-face classes sa lahat ng antas ng pampubliko at pribadong paaralan sa lungsod simula 6 Marso hanggang 12 Marso 2023. 

Ayon kay Mayor John Rey Tiangco, ito ay para hindi maabala ang mga mag-aaral at masiguro ang kanilang kaligtasan habang may transport strike.

“Distance learning modality through online and modular schemes po muna ang gagamitin ng mga paaralan para hindi maantala ang pagbibigay natin ng dekalidad na edukasyon sa ating mga kabataan,” ani Mayor Tiangco.

“Asikasong All The Way ang sagot natin para hindi maantala ang trabaho, edukasyon at pang-araw-araw na buhay ng mga Navoteño,” dagdag niya.

         Kaugnay nito, sinabi ni Mayor Tiangco, para matiyak na hindi maaabala ang mga serbisyo ng pamahalaang lungsod, ang mga integral na empleyado ay bibigyan din ng mga serbisyo sa transportasyon para sa kanilang pagpasok sa trabaho at pag-uwi. (ROMMEL SALES)

About Rommel Sales

Check Also

Bulacan Police PNP

Kampanya kontra krimen sa Bulacan
11 tulak, 2 wanted, 2 sugarol timbog

SUNOD-SUNOD na pinagdadampot ang 11 hinihinalang drug dealer, siyam na pinaghahanap ng batas, at dalawang …

Derek Ramsay Mr Freeze Gerry Santos

Mr Freeze pinatunayang ayaw na ni Derek sa showbiz: Enjoy siya sa pagiging family man

KINOMPIRMA ng kaibigan ni Derek Ramsay na si Mr Freeze Gerry Santos na ayaw na talaga ng aktor ang …

Arrest Posas Handcuff

Notoryus na gang member tiklo sa droga at boga

NAGING matagumpay ang operasyon ng pulisya nitong Martes, 14 Marso, nang maaresto ang isang notoryus …

Dead body, feet

Bangkay itinapon sa Bulacan
LOLA PINATAY NG SARILING ANAK, KRIMEN NASAKSIHAN NG APO

NATAGPUAN ng isang residente ang bangkay ng isang lola na nakasilid sa isang storage box …

phone text cp

Concert pinasok ng 6 dorobo
31 PARTY-GOERS SINIKWATAN NG CELLPHONE

SUNOD-SUNOD na inaresto ng mga awtoridad ang anim na indibidwal kaugnay ng insidente ng pagnanakaw …