IPINADAKIP ng 26-anyos guest relation officer (GRO) ang kaniyang ‘dalawang kaibigan’ matapos siyang pagsamantalahan sa gitna ng kalasingan sa isang silid ng KTV bar sa Quezon City nitong Martes ng madaling araw. Kinilala ang mga suspek sa alyas na Dodong, at ang isa pa ay alyas Jay–R, kapwa 31 anyos, parehong tricycle driver, nakatira sa Brgy. Socorro, Cubao, Quezon City. …
Read More »Navotas lumagda sa MOU para sa Makabata Helpline
NAKIPAGKASUNDO ang pamahalaang lungsod ng Navotas akasama ang Council for the Welfare of Children (CWC) para sa pagpapatupad ng Makabata Helpline 1383 sa lungsod. Nilagdaan ni Mayor John Rey Tiangco ang memorandum of understanding (MOU) kasama si CWC Undersecretary Angelo M. Tapales. Sa ilalim ng MOU, gagawin ng lungsod ang Makabata Helpline bilang karagdagang serbisyo sa hotline na naa-access ng …
Read More »Upgrade ng PGH inilatag sa SB 2634
ISINUSULONG ni Senador Jinggoy Ejercito Estrada ang pag-upgrade ng mga serbisyo at pasilidad ng Philippine General Hospital (PGH), ang premiere government-run hospital ng bansa. “Bilang pinakamalaking pampublikong ospital sa bansa at tanging national referral center para sa tertiary cases, dapat nating tiyakin ang pagbibigay ng PGH ng mataas na kalidad na serbisyong medikal at pangkalusugan. Ang mga nangyaring sunog sa …
Read More »
Nagprotesta laban sa PUV modernization program
MANIBELA INASUNTO NG QCPD
ni ALMAR DANGUILAN SINAMPAHAN ng sandamakmak na kaso ng Quezon City Police District (QCPD) ang grupong Malayang Alyansa ng Bus Employees at Laborers Para sa Karapatan sa Paggawa (Manibela) dahil sa sinabing perhuwisyong idinulot ng dalawang araw na transport strike sa lungsod. Ang mga ikinaso ng QCPD laban sa Manibela ay ang tatlong bilang ng mga paglabag sa B.P. 880 …
Read More »
Cayetano nanguna sa pasinaya
STATE-OF-THE-ART MRI, CT SCAN EQUIPMENT, ATBP FACILITIES SA PCMC
PINANGUNAHAN ni Senadora Pia Cayetano ang pagbubukas ng Philippine Children’s Medical Center (PCMC) para sa inagurasyon ng bagong MRI and CT scan equipment. Ayon kay Dr. Sonia Gonzalez, PCMC Executive Director, ang naturang bagong kagamitan ay malaking tulong upang lalo pang maitaas ang serbisyo sa healthcare services at infrastructure para sa mga batang Pinoy. Kasunod ng kanyang papuri sa naging …
Read More »Navoteño solo parents tumanggap ng buwanang cash subsidy
SINIMULAN ng pamahalaang lungsod ng Navotas ang pamamahagi ng buwanang cash subsidy para sa mga kalipikadong Navoteño solo parents sa ilalim ng Republic Act 11861 o ang Expanded Solo Parents Welfare Act. Nasa 381 benepisaryo ang nakatanggap ng kanilang cash aid mula Enero hanggang Marso na nagkakahalaga ng P3,000. Nag-iiba ang halaga depende sa buwan ng aplikasyon o renewal ng …
Read More »4 arestado sa pot-session sa Valenzuela
SWAK sa kulungan ang apat katao matapos mahuli sa akto ng mga pulis na sumisinghot ng shabu sa magkahiwalay na lugar sa Valenzuela City. Sa ulat ni P/MSgt. Ana Liza Antonio kay Valenzuela police chief P/Col. Salvador Destura, Jr., nakatanggap ng tawag mula sa isang concerned citizen ang Station Drug Enforcement Unit (SDEU) sa ilalim ng pangangasiwa ni P/Lt …
Read More »Sigang tambay, kulong
‘IBINALIBAG’ sa selda ang 22-anyos tambay makaraang pumalag at ‘magpamalas ng kabangisan’ nang ireklamo ng pagdadala ng baril kahapon ng madaling araw sa Caloocan City. Kinilala ang suspek na si alyas Rey, 22 anyos, residente sa Banal St., Brgy. 141, Bagong Barrio ng nasabing lungsod na nahaharap sa mga kasong paglabag sa Art. 151 ng Revised Penal Code o ang …
Read More »
Pagkatapos ng P15-M sunog sa palengke
PACO CATHOLIC SCHOOL NO FACE-TO-FACE CLASSES
INIANUNSIYO ng Paco Catholic School (PCS) ang suspensiyon ng face-to-face classes simula bukas, Martes, 23 Abril, kaugnay ng sunog na naganap noong Sabado ng gabi, 20 Abril, na ikinadamay ng paaralan. Ayon sa anunsiyo, “Classes will only be conducted online until further notice.” Samantala, nabatid na isang babae ang nasaktan sa nasabing sunog na nagsimula sa commercial area sa …
Read More »Maynilad panagutin sa sinkhole — Revilla
“DAPAT managot ang Maynilad at kanilang mga kontraktor.” Ito ang ipinahayag ni Sen. Ramon Bong Revilla, Jr., Chairman ng Senate Committee on Public Works, makaraang biglang magkaroon ng isang malaking butas sa gitna ng Sales Road sa Pasay City noong Linggo, 14 Abril. Ayon sa ulat ng Department of Public Works and Highways (DPWH), ang naturang ‘sinkhole’ ay sanhi …
Read More »
Sa Caloocan
PINTOR HULI SA P.1-M SHABU
IMBES pagpipinta ng bahay, pumasok sa ‘drug trade’ ang isang house painter pero ‘minalas’ na masakote at makompiskahan ng mahigit sa P100,000 halaga ng shabu sa Caloocan City, iniulat ng pulisya. Kinilala ni Caloocan City police chief P/Col. Ruben Lacuesta ang naarestong suspek na isang alyas Remuel, 48 anyos, house painter, residente sa Phase 8 Block 171 Lot 3 Package …
Read More »
Sa Siniloan
NEGOSYANTENG MISIS PATAY SA 2 HOLDAPER
ni Roderick Palatino SINILOAN MPS – Patay ang isang ginang habang ang kaanak na tricycle driver ay sugatan sa naganap na robbery/holdap kamakalawa ng gabi, Lunes, 15 Abril 2024, sa Siniloan, Laguna. Sa ulat, nabatid na dakong 6:30 pm kamakalawa nang maganap ang insidente ng pagnanakaw at pamamaril sa Brgy. Mendiola. Kinilala ang biktimang pinaslang na si Lydia Susondoncillo …
Read More »Criminal gang member, arestado sa entrapment
ARESTADO ang isang miyembro ng ‘Dacallos Criminal’ gang na sinabing sangkot sa ilegal na pagbebenta ng baril matapos matiklo sa entrapment operation sa Caloocan City. Ayon kay Caloocan City police chief P/Col. Ruben Lacuesta, nakatanggap ng impormasyon ang mga operatiba ng Intelligence Section hinggil sa ilegal na pagbebenta ng baril ng suspek na si alyas Kwatog, 23 anyos, ng Brgy. …
Read More »
Sa P.6-M shabu
2 TULAK HULI SA KANKALOO
HINDI nakaligtas sa kamay ng mga awtoridad ang dalawang hinihinalang tulak ng ilegal na droga matapos makuhaan ng mahigit P.6 milyong halaga ng shabu nang maaresto ng pulisya sa ikinasang buybust operation sa Caloocan City, kamakalawa ng gabi. Kinilala ni Caloocan City police chief P/Col. Ruben Lacuesta ang naarestong mga suspek na sina alyas Bebe, 23 anyos, ng Brgy. 120; …
Read More »Lalaki ‘bumulagta’ sa boga ng 2 suspek
BUMULAGTA ang duguang katawan ng 40-anyos lalaki nang pagbabarilin ng isa sa dalawang hindi kilalang suspek sa Malabon City, Linggo ng madaling araw. Kaagad nalagutan ng hininga ang biktimang si Ruel Clapano, residente sa C. Perez St., Brgy. Tonsuya sanhi ng isang tama ng bala sa ulo habang mabilis na tumakas ang mga suspek patungong Sanciangco St., sa nasabing barangay. …
Read More »2 kelot nakiramay kahapon pinaglalamayan ngayon
PATAY ang dalawang obrero makaraang pagbabarilin ng hindi kilalang suspek habang nakikipaglamay sa nakaburol na kapitbahay sa Caloocan City, kahapon ng madaling araw. Dead on arrival sa Dr. Jose N. Rodriguez Memorial Hospital ang biktimang kinilalang si Antonio Francisco, Jr., 34 anyos, residente sa Phase 8, Brgy. 176, Bagong Silang sanhi ng tama ng bala sa kanang dibdib. Binawian din …
Read More »Green card applications sa Las Piñas inaprobahan ni Vice Mayor Aguilar
APROBADO kay Las Piñas City Vice Mayor April Aguilar ang ilang aplikasyon para sa Green Card program nitong 12 Abril. Ito ay isa na namang mahalagang hakbang sa dedikasyon ng pamahalaang lungsod sa kanyang subsidiya sa programang pangkalusugan upang siguruhing matanggap ng mga residente ang mga importanteng benepisyo sa pangangalaga sa kalusugan na kanilang kailangan. Ang inisyatiba ng Green Card …
Read More »Las Piñas LGU handa sa transport strike ngayong 15-16 Abril
INIHAYAG ng pamahalaang lungsod ng Las Piñas na handang-handa nilang tugunan ang mga pasaherong maaapektohan ng nakaambang tigil pasada na isasagawa ng PISTON at Manibela ngayong araw ng Lunes at bukas, Martes. Ayon sa lokal na pamahalaan, naka-standby na ang mga sasakyan ng lungsod at handa itong ideploy agad para sa pagpapatupad ng libreng sakay kung kakailanganin. Sa sitwasyon sa …
Read More »Kapitanang inireklamong ‘nambastos’ ng kabataan, isinumbong sa Taguig mayor
UMAPELA sa mga kinauukulan ang ilang residente ng East Rembo, Taguig City kay Mayor Lani Cayetano para silipin at imbestigahan ang sinabing walang habas na pagmumura at paninigaw ng isang kapitana ng barangay sa mga kabataan, kamakalawa ng gabi sa Brgy. East Rembo. Ayon sa mga residente, dumating ang kapitana sakay ng kanyang sasakyan at nadaanan ang mga kabataan sa …
Read More »Angkas rider, kasabwat tiklo sa paawa-epek cp snatching
NASAKOTE ang isang42-anyos Angkas rider at kanyang tandem sa paawa-epek na cellphone snatching matapos biktimahin ang isang maawaing dalaga sa Quezon City nitong Sabado ng umaga. Kinilala ang mga naarestong suspek na sina Larry Carbungo Talavera, 42, Angkas Rider, residente sa Barrio Sto. Niño, Tala, Caloocan City; at Raniel Ryan Garcia Bjorn Kapanot, store helper, naninirahan sa Sunflower St., Tala, …
Read More »
Nagtapon ng basura sa bawal na lugar
MISTER TIKLO SA DALANG SHABU
BINITBIT ng pulisya sa selda ang isang lalaki matapos mabisto ang dalang mahigit P29,000 halaga ng droga nang tangkain silang takasan makaraang masita dahil sa pagtapon ng basura sa bawal na lugar sa Caloocan City, kamakalawa ng gabi. Ayon kay Caloocan City police chief P/Col. Ruben Lacuesta, habang nagpapatrolya ang mga tauhan ng Congressional Police Sub-Station 9 sa Bagumbong Road, …
Read More »
P.1M shabu kompiskado
2 TULAK HULI SA BUYBUST
SWAK sa kulungan ang dalawang tulak matapos makuhaan ng mahigit P100,000 halaga ng droga nang matimbog ng pulisya sa magkahiwalay na buybust operation sa Valenzuela City. Sa kanyang ulat kay NPD Director P/BGen. Rizalito Gapas, sinabi ni Valenzuela City police chief P/Col. Salvador Destura, Jr., dakong 10:15 am nang magsagawa ang mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) sa …
Read More »
Inayawan ni misis
BURIBOT NA MISTER, SINISI SA 3-ORAS BROWNOUT SA NAVOTAS
ni ROMMEL SALES NABULABOG ang ‘sleeping citizens’ sa Navotas City dahil sa tatlong-oras na brownout resulta ng pag-akyat sa poste ng koryente ng nagmamaktol na mister dahil inayawan siya ng kanyang misis, kahapon ng madaling araw. “Gusto ko lang po makausap ang asawa ko, dahil ayaw na yata sa akin.” Ito rason ni alyas Arnold, 39 anyos, taga-Naic, Cavite, …
Read More »
Armado ng sumpak
NAG-AMOK NA KELOT, KALABASO
KALABOSO ang kinabagsakan ng isang lalaki matapos manggulo at mambulabog sa katahimikan ng gabi habang armado ng baril sa Caloocan City. Arestado ang suspek na kinilala bilang alyas Topak, residente sa Brgy. 175, Camarin ng nasabing lungsod. Dakong 1:30 am nang mabulabog ang natutulog na mga residente ng Robes II, Brgy. 175 Camarin sa ginawang panggugulo at paghahamon ng away …
Read More »
Sa Malabon at Navotas
2 GINANG NA TULAK, 2 PA, HULI SA BUYBUST
SWAK sa selda ang apat na drug suspects, kabilang ang dalawang ginang matapos madakip ng pulisya sa magkahiwalay na buybust operations sa mga lungsod ng Malabon at Navotas. Sa kanyang ulat kay Northern Police District (NPD) Director P/BGen. Rizalito Gapas, sinabi ni Malabon police chief P/Col. Jay Baybayan, dakong 3:00 am nang magsagawa ang mga operatiba ng Station Drug …
Read More »