Thursday , December 26 2024

Local

Sa Minalin, Pampanga
P300-K SHABU NASAMSAM, TULAK KINALAWIT

shabu drug arrest

NAKOMPISKA ang higit sa P300,000 halaga ng hinihinalang shabu mula sa isang drug suspect sa isinagawang operasyon ng mga awtoridad sa Brgy. San Nicolas, sa bayan ng Minalin, lalawigan ng Pampanga, nitong Sabado, 23 Abril. Sa ulat mula sa Minalin MPS, kinilala ang suspek na si Alezandro Cunanan, 43 anyos, at residente sa Doña Victoria, Brgy. Dau, Mabalacat. Bukod sa …

Read More »

13 indibidwal timbog sa sunod-sunod na operasyon ng pulisya

Bulacan Police PNP

NASAKOTE ang 13 indibiduwal sa magkakasunod na operasyong isinagawa ng Bulacan PPO hanggang Linggo ng madaling araw, 24 Abril. Batay sa ulat ni Bulacan PPO Acting Provincial Director P/Col. Rommel Ochave, nadakip ang pitong drug suspects sa magkakahiwalay na buy bust operation ng Station Drug Enforcement Units (SDEU) ng mga police stations ng Baliwag, Guiguinto, Bulakan, Calumpit, at Pandi. Kinilala …

Read More »

Baril ipinanakot sa mga kapitbahay,
TULAK SA BULACAN DERETSO SA HOYO

arrest prison

ARESTADO ang isang hinihinalang tulak ng ilegal na droga na laging kargado ng baril, sa ikinasang operasyon ng mga awtoridad sa bayan ng Paombong, lalawigan ng Bulacan nitong Sabado, 23 Abril. Kinilala ni P/Col. Rommel Ochave, acting provincial director ng Bulacan PPO, ang nadakip na suspek na si Eduardo Reyes, Jr., alyas Ulo, residente sa Brgy. Santisima Trinidad, lungsod ng …

Read More »

Bus sa Maguindanao pinasabugan
3 PASAHERO SUGATAN

Parang Maguindanao

SUGATAN ang tatlong pasahero nang sumabog ang isang improvised explosion device (IED) sa loob ng isang bus na pag-aari ng Rural Tours na nakaparada sa tabing kalsada sa bayan ng Parang, lalawigan ng Maguindanao, nitong Linggo, 24 Abril. Ayon kay P/Lt. Col. Joseph Macatangay, hepe ng Parang MPS, naganap ang pagsabog dakong 8:45 am kahapon, may isang kilometro ang layo …

Read More »

Nag-swimming nang lasing
60-ANYOS KAMBAL NA SENIOR CITIZENS NALUNOD, PATAY  

Lunod, Drown

DALAWANG matandang lalaki ang nalunod sa dagat, nang magpasyang lumangoy kahit nakainom ng alak sa bahagi ng Brgy. Nibaliw Vidal, bayan ng San Fabian, sa lalawigan ng Pangasinan, nitong Martes, 19 Abril. Kinilala ng pulisya ang mga biktimang 60-anyos kambal na sina Robaldo at Reynaldo Garbo, kapwa residente sa Brgy. Sta. Ines, bayan ng Manaoag, sa nabanggit na lalawigan. Ayon …

Read More »

Fernando, nanguna sa paglaban kontra vote buying sa Bulacan

Daniel Fernando Our Vote, Our Future

PINANGUNAHAN ni Gob. Daniel Fernando ang paglulunsad ng multi-sectoral anti-vote buying campaign sa lalawigan ng Bulacan nitong Martes, 12 Abril, upang makatulong sa pagsugpo ng pamimili ng boto at maseguro ang maayos, mapayapa, patas, at inklusibong halalan sa darating na pambansa at lokal na halalan sa darating na 9 Mayo. Binansagang “Our Vote, Our Future,” dinaluhan ang paglulunsad ng mga …

Read More »

Sa Angono, Rizal
RIDING-IN-TANDEM TUMAKAS SA CHECKPOINT BUMULAGTA SA HABULAN

dead gun police

INAALAM ng mga awtoridad ang pangalan ng dalawang suspek na napatay sa enkuwentro nang tangkaing tumakas sa isinasagawang Oplan Sita sa bayan ng Angono, lalawigan ng Rizal, nitong Miyerkoles ng madaling araw, 6 Abril. Ayon kay Angono PNP Chief of Police, P/Lt. Col. Ferdinand Ancheta, dakong 1:00 am kahapon nang takasan ng dalawang suspek na magkaangkas sa motorsiklo ang nakalatag …

Read More »

Mag-amang ‘kawatan’ nasakote sa Bataan

arrest, posas, fingerprints

SA MAAGAP na pagresponde ng mga awtoridad, naaresto nitong Martes, 5 Abril, ang mag-amang pinaniniwalaang tandem sa pagnanakaw sa mga indibidwal at establisimiyento sa lalawigan ng Bataan. Sa ulat na ipinadala ni P/Capt. Gerald Quiambao, hepe ng Bagac MPS kay P/Col. Romella Velasco, provincial director ng Bataan PPO, kinilala ang mag-amang suspek na sina Ronnie Soriano, at Jerson Soriano, kapwa …

Read More »

Freelance liaison sumibat sa checkpoint tiklo sa baril at granada

checkpoint

ARESTADO ang isang lalaking lumabag sa ipinatutupad na checkpoint sa lungsod ng Malolos, lalawigan ng Bulacan, na nahulihan siya ng mga awtordidad ng baril at granada na nasa kanyang sasakyan nitong Martes ng umaga, 5 Abril. Ayon kay P/Col. Rommel Ochave, acting provincial director ng Bulacan PPO, nadakip ang suspek sa anti-criminality checkpoint operation na inilatag ng mga tauhan ng …

Read More »

Sangkot sa carnapping, Laguna MWP arestado

Boy Palatino photo Sangkot sa carnapping, Laguna MWP arestado

INIULAT ni Laguna PPO Acting Provincial Director P/Col. Cecilio Ison, Jr., kay CALABARZON PNP Regional Director, P/BGen. Antonio Yarra, ang pagkakadakip sa pampitong most wanted person (MWP) ng lalawigan sa ikinasang joint operation ng mga awtoridad sa lungsod ng Biñan. Sa kanyang ulat, nasakote ng Biñan CPS sa ilalim ng direktang pangangasiwa ni P/Lt. Col. Jerry Corpuz, katuwang ang Regional …

Read More »

Sa Marikina
DRIVER ARESTADO SA 8 KASO NG RAPE

prison rape

NADAKIP ng mga awtoridad sa lungsod ng Marikina ang isang lalaking sangkot sa pangmomolestiya at panggagahasang naganap sa bayan ng Binangonan, lalawigan ng Rizal, nitong Linggo ng umaga, 27 Marso. Kinilala ni P/Col. Benliner Capili, hepe ng Marikina CPS, ang naarestong suspek na si Rommel dela Cruz, 29 anyos, binata, driver, residente sa Extension St., San Juan, Brgy. Darangan, sa …

Read More »

Rapist na Top 6 MWP timbog sa Pampanga

arrest posas

ARESTADO ang isang puganteng nakatala bilang top 6 most wanted person (MWP) ng Pampanga sa inilatag na manhunt operation ng mga awtoridad nitong Linggo, 27 Marso, sa bayan ng Mexico, sa naturang lalawigan. Batay sa ulat na isinumite kay P/Col. Robin Sarmiento, provincial director ng Pampanga PPO, kinilala ang suspek na si Ariel Pamintuan, 27 anyos, nakatira sa San Guillermo …

Read More »

Gusali ng trucking company nasunog

fire sunog bombero

TINUPOK ng apoy ang gusali ng isang trucking company sa loob ng Muralla Industrial Park sa lungsod ng Meycauayan, lalawigan ng Bulacan, nitong Linggo ng gabi, 27 Marso. Sa naging pahayag ng security guard na kinilalang si Jeffrey Casia, dakong 10:00 pm kamakalawa nang makita nilang may apoy sa bahagi ng barracks kaya agad nagpulasan palabas ang mga manggagawa sa …

Read More »

Sa isang linggong SACLEO sa Bulacan
P.601-M DROGA NASABAT, 369 LAW OFFENDERS HOYO

Bulacan Police PNP

NASAMSAM ang may kabuuang P601,000 halaga ng ilegal na droga at nasakoe ang 369 law offenders sa isinagawang isang linggong Simultaneous Anti-Criminality Law Enforcement Unit (SACLEO) ng mga tauhan ng Bulacan PPO mula 21-27 Marso 2022. Batay sa ulat na isinumite kay P/Col. Rommel Ochave, acting provincial director ng Bulacan PPO, nakompiska ang P601,650 halaga ng ilegal na droga sa …

Read More »

3 magpipinsang paslit nalunod sa ilog, patay

Lunod, Drown

TATLONG paslit, edad 3-5 anyos ang nalunod sa isang ilog sa Brgy. San Miguel, sa bayan ng San Antonio, lalawigan ng Zambales, nitong Lunes, 28 Marso. Kinilala ni P/Sgt. Noel Cunanan, imbestigador ng San Antonio MPS, ang mga biktimang sina Brietanya Alexa Ancho, 3 anyos; at kanyang mga pinsang sina John Andre Guania at Prince Nythan Ocol, kapwa 5 anyos. …

Read More »

Halalan 2022
3 BAYAN SA ZAMBALES IDINEKLARANG ‘AREAS OF IMMEDIATE CONCERN’

Elections

IDINEKLARA ang tatlong munisipalidad sa lalawigan ng Zambales bilang ‘areas of immediate concern’ kaugnay sa papalapit na pambansa at lokal na eleksiyon sa Mayo. Ayon kay P/Col. Fitz Macariola, Zambales PPO provincial director, ito ang mga bayan ng Botolan, San Felipe, at San Marcelino. Tinukoy ni Macariola ang isang insidente ng harassment na naganap noong Hunyo 2017 kaya naisama ang …

Read More »

Batanes niyanig ng 5.2 magnitude lindol

earthquake lindol

NIYANIG ng 5.2-magnitude lindol ang Batanes nitong Sabado ng gabi. Batay sa inilabas na bulletin ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs), dakong 9:53 pm, nitong SAbado, 26 Marso, nang tumama ang lindol sa Basco, Batanes. Ayon sa Phivolcs, ang epicenter ng naturang lindol, na tectonic ang origin ay natukoy na may 40 kilometro sa hilagang silangan ng Basco, …

Read More »

4 kasabwat timbog din
KANDIDATONG KONSEHAL, ARESTADO SA CHILD ABUSE AT PAGLABAG SA GUN BAN

gun ban

ARESTADO ang isang kandidato sa pagkakonsehal sa bayan ng Gapan, lalawigan ng Nueva Ecija matapos mahuling lumabag sa gun ban kasama ang apat na iba pa. Kinilala ni P/Col. Jesse Mendez, acting provincial director ng Nueva Ecija PPO, ang nadakip na suspek na si Elizalde Tinio at apat niyang kasamahan. Narekober mula sa sasakyan ng mga suspek ang kalibre .45 …

Read More »

Totoy patay sa convoy ng kandidato

road traffic accident

ISANG 6-anyos batang lalaki ang namatay matapos masagasaan ng sasakyang bahagi ng convoy ng isang kandidatong kongresista sa bayan ng Solana, lalawigan ng Cagayan nitong Huwebes, 24 Marso. Kinilala ang biktimang si Augusto Cauilan, kindergarten student, at residente sa Brgy. Sampaguita, sa nabanggit na bayan. Ayon sa imbestigador ng kaso na si P/SSgt Jeriemar Prieto, naganap ang insidente dakong 11:30 …

Read More »

Para sa tahimik na halalan
UNITY WALK MATAGUMPAY NA GINANAP SA BULACAN

Unity Walk SAFE

TAGUMPAY ang isinagawang Unity Walk at Signing of Peace Covenant for Secure, Accurate, Free and Fair Elections (SAFE) 2022 na ginanap sa Bulacan (KB) Capitol Gym, lungsod ng Malolos, lalawigan ng Bulacan nitong Huwebes, 24 Marso. Kinatawan ni P/Col. Rommel Ochave, acting provincial director ng Bulacan PPO, ang Philippine National Police sa unity walk na nagsimula sa Camp Gen. Alejo …

Read More »

4 pugante sa Bulacan arestado

arrest, posas, fingerprints

TULUYANG nahulog sa kamay ng batas ang apat na pugante sa isinagawang manhunt operations sa lalawigan ng Bulacan nitong Miyerkoles, 23 Marso. Sa ulat mula kay P/Col. Rommel Ochave, provincial director ng Bulacan police, sinasabing pawang mapanganib kaya nagtulong-tulong ang tracker teams ng police stations ng Angat, Balagtas, Meycauayan, Norzagaray, Plaridel, San Jose del Monte, at Sta. Maria, at mga …

Read More »

No.1 PDID ng NPD
LIDER NG CRIMINAL GANG ARESTADO SA PANGASINAN

Arrest Posas Handcuff

HINDI nakapalag nang silbihan ng warrant at arestohin ang lider ng ‘Reyes & Abaya’ criminal gang, nakalistang no. 1 sa Priority Database on Illegal Drugs (PDID) ng Northern Police District (NPD) matapos masakote sa Alaminos City, Pangasinan. Kinilala ni P/Col. Allan Umipig, hepe ng DID-NPD ang naarestong akusado na si Jimmy Abaya, alyas JimJim, 34 anyos, residente sa Zone 4, …

Read More »

Sa Boracay
2 TURISTA NATAGPUANG PATAY SA HOTEL

WALANG BUHAY nang matagpuan ang dalawang turista, kabilang ang isang Australian national, sa loob ng kanilang silid sa isang hotel sa isla ng Boracay, sa Malay, Aklan nitong Lunes, 21 Marso. Kinilala ang mga turistang sina Dennis Yu, 44 anyos, isang Filipino ayon sa kaniyang ID card; at Maria Cecilia Jellicode, isang Australian national ayon sa kaniyang pasaporte. Sa inisyal …

Read More »

OEC violator, tulak timbog sa search warrant

gun ban

ARESTADO ang lalaking lumabag sa ipinaiiral na Omnibus Election Code (OEC) at hinihinalang tulak sa ipinatupad na search warrant ng pulisya sa lalawigan ng Bulacan, nitong Lunes, 21 Marso. Ayon kay P/Col. Rommel Ochave, acting provincial director ng Bulacan PPO, nasakote ang dalawang suspek sa ipinatupad na search warrant ng mga police stations ng Pulilan at San Jose Del Monte …

Read More »