Wednesday , July 24 2024
Drinking Alcohol Inuman

Tinanggihan sa tagay kabarangay pinatay lasenggong suspek timbog

AGAD nadakip ng mga nagrespondeng awtoridad ang isang lalaking pinaniniwalaang pumatay ng kabarangay na tumangging tumagay ng alak sa bayan ng Paombong, lalawigan ng Bulacan, nitong Lunes, 2 Enero.

Sa ulat na ipinadala ng Paombong MPS kay P/Col. Relly Arnedo, provincial director ng Bulacan PPO, kinilala ang suspek na si Conrado Busatarde, residente sa Brgy. San Vicente, sa nabanggit na bayan.

Nabatid na habang nakikipag-inuman ay inaya ni Conrado ang hindi na pinangalanang biktima para tumagay ng alak pero agad tinanggihan.

Sinabing napahiya ang suspek kaya kumuha ng patalim at walang kaabog-abog na pinagsasaksak ang biktima na napahandusay sa lupa.

Nagawang isugod ng mga nagrespondeng residente ang duguang biktima sa pinakamalapit na ospital ngunit idineklarang dead on arrival ng attending physician.

Nagtangka pang tumakas ang suspek ngunit bago siya tuluyang nakalayo ay agad siyang nadampot ng mga nakaalertong tauhan ng Paombong MPS.

Nahaharap sa kasong homicide ang suspek na nakakulong na sa Paombong MPS custodial facility. (MICKA BAUTISTA)

About Micka Bautista

Check Also

Sonny Angara DepEd

Panawagan kay Angara
SUWELDO NG MGA GURO ITAAS, ‘KORUPSIYON’ SA DepEd DAPAT TUGUNAN — TINIO

NANAWAGAN si dating ACT Teachers Rep. Antonio “Tonchi” Luansing Tinio kay bagong-upong Department of Education …

FEHI, DHSUD sanib-puwersa para sa programang pabahay

FEHI, DHSUD sanib-puwersa para sa programang pabahay

NAGSANIB-PUWERSA ang kompanyang Far East Holdings Inc. (FEHI) at ang Department of Human Settlement and …

First Lady Liza Araneta-Marcos, namahagi ng mobile clinics

First Lady Liza Araneta-Marcos, namahagi ng mobile clinics

NAMAHAGI si First Lady Louise “Liza” Marcos, sa pakikipagtulungan ng Department of Health (DOH) ng …

Isko Moreno

Isko Moreno llamado sa muling pagtakbo sa Maynila

HATAWANni Ed de Leon ANO tatakbo na naman si Isko Moreno bilang mayor ng Maynila sa 2025? …

prison

300 PDLs mula Bilibid inilipat sa Iwahig Prison sa Palawan

INILIPAT ang may 300 persons deprived of liberty (PDLs) mula sa New Bilibid Prison (NBP) …