MATAPOS ang walong buwang detensiyon, nakalaya ang isang beteranong aktibista sa isla ng Panay mula sa isang piitan sa bayan ng Pototan, lalawigan ng Iloilo. Ayon sa Bagong Alyansang Makabayan-Panay, pinalaya si Elmer Forro, secretary general, noong Miyerkoles, 7 Disyembre, sa Iloilo District Jail, sa nabanggit na bayan. Nilagdaan ni Judge Redentor Esperanza mula sa isang korte sa bayan ng …
Read More »3 bagets tiklo sa buy-bust P45,000 droga nasamsam
ARESTADO ang tatlong menor de edad sa ikinasang anti-illegal drug buy-bust operation ng mga awtoridad sa lungsod ng Biñan, lalawigan ng Laguna nitong Huwebes, 8 Disyembre. Sa ulat kay P/Col. Randy Glenn Silvio, Acting Provincial Director ng Laguna PPO nabatid na pawang mga menor de edad ang mga nadakip na suspek. Ayon kay P/Lt. Col. Virgilio Jopia, hepe ng Biñan …
Read More »
Sa Bulacan
HOLDAPER, RAPIST, TULAK TIMBOG
MAGKAKASUNOD na nasakote sa isinagawang anti-criminality operations ng mga awtoridad ang isang holdaper, isang rapist, at isang hinihinalang tulak sa lalawigan ng Bulacan, nitong Sabado, 10 Disyembre. Ayon kay P/Col. Relly Arnedo, provincial director ng Bulacan PPO, sa mabilis na pagresponde ng mga tauhan ng San Jose del Monte CPS ay naaresto ang suspek na kinilalang si Zoren Ocasla sa …
Read More »DOT, Bohol lumagda sa MOA para sa Tourist Rest Area
PINIRMAHAN na ni Tourism Secretary Christina Garcia Frasco ang memorandum of agreement (MOA) para sa Bohol Tourist Rest Area. Ito ang ika-6 na Tourist Rest Area na inilunsad ng DOT mula noong Oktubre 2022 at iba pang TRA groundbreaking ceremonies na naunang ginanap sa Manolo Fortich, Bukidnon; Isla ng Samal, Davao; Medellin, Carmen, Cebu; at Baguio City. Layon nitong matulungan …
Read More »Mag-asawang senior citizen, anak, kasabwat timbog sa ilegal na droga
APAT na hinihinalang drug personalities, kabilang ang mag-asawang senior citizens at ang kanilang anak ang naaresto sa isinagawang buy-bust operation ng pulisya sa Valenzuela City. Kinilala ni Valenzuela City police chief P/Col. Salvador Destura, Jr., ang naarestong mga suspek na sina Virginia Abella, alyas Nanay, Arsenio Albesa, kapwa 64 anyos; Jervy Albesa, alyas Tampe, 30, at Reynaldo Penano, 37, driver, …
Read More »Holdaper hinabol ng biktima nadakip sa Valenzuela
ISANG holdaper ang naaresto matapos habulin at humihingi ng tulong ang biktima sa Valenzuela City. Kinilala ni Valenzuela City Station Investigation Unit chief P/Lt. Armando Delima ang suspek na si Jay Guzman, 37 anyos, residente sa Valdez St., Paso De Blas ng nasabing lungsod. Batay sa ulat nina P/SSgt. Regimard Manabat at P/SSgt. Laude Pillejera, ang biktimang si Allan Paul …
Read More »
Sa Angono, Rizal
BASURA GINAMIT BILANG GASOLINA
KASALUKUYANG gamit ng lokal na pamahalaan ng Angono, sa lalawigan ng Rizal, ang modernong teknolohiya na refused derived fuel (RDF) geocycle/Holcim na binabago ang natitirang basura na ginagamit nila sa paggawa ng semento. Samantala, ang ibang uri ng basura ay muling nagagamit o inire-recycle at nagagamit sa ibang proyekto at programa ng lokal na pamahalaan na pinagkakakitaan ng mga taga-Angono. …
Read More »
Sa Isabela
2 KAWANI NG DA PATAY SA KARAMBOLA NG 3 SASAKYAN
HINDI nakaligtas sa kamatayan ang dalawang empleyado ng Department of Agriculture – Cordillera nang banggain ang kanilang sasakyan ng isang kotse na minamaneho ng ‘nakainom’ na driver sa bayan ng Ramon, lalawigan ng Isabela, nitong Huwebes, 8 Disyembre. Kinilala ng pulisya, ang mga biktimang sina Karen Briones at Addison Kyle La-ao, kapwa mga residente sa Itogon, Benguet. Lumitaw sa imbestigasyon, …
Read More »Rank No. 1 MWP ng Southern Leyte tiklo sa Bulacan
INARESTO ang isang lalaking nakatala bilang Rank no. 1 most wanted person (MWP) ng Southern Leyte ng mga tauhan ng CIDG RFU 3 sa pamumuno ni P/Col. Joshua Alejandro nitong Martes, 6 Disyembre, sa bayan ng Marilao, lalawigan ng Bulacan. Kinilala ni CIDG Director P/BGen. Ronald Lee ang suspek na si Alberto Siega, 35 anyos, tubong Taglatawan, Agusan Del Sur …
Read More »Bulacan Fireworks capital sa Bocaue ininspeksiyon ng pulisya, Kapitolyo
DALAWANG linggo bago ang holiday season, ang Bulacan provincial government sa pakikipagtulungan ng Philippine National Police (PNP) ay nagsagawa ng inspeksiyon sa “Fireworks Capital” sa Brgy. Turo, sa bayan ng Bocaue, lalawigan ng Bulacan, nitong Huwebes ng tanghali, 8 Disyembre. Magkakasamang nagtungo sina PNP Chief P/Gen. Rodolfo Azurin, Jr.; Regional Director of Police Regional Office (PRO3), PRO3 RD P/BGen. Cesar …
Read More »
Sa ika-22 Gawad Kalasag
“BEYOND COMPLIANT SEAL OF EXCELLENCE” IGINAWAD SA BULACAN
NILAMPASAN ng lalawigan ng Bulacan ang pamantayan para sa pagtatayo at pagresponde ng Local Disaster Risk Reduction and Management Councils and Offices (LDRRMCO) na nakabatay sa Philippine Disaster Risk Reduction Management Act of 2010 at tumanggap ng Seal of Excellence bilang Beyond Compliant sa ginanap na Ika-22 Gawad Kalasag National Awarding Ceremony sa Manila Hotel, sa lungsod ng Maynila, nitong …
Read More »
May tama ng bala at nangangamoy na
EX-BATANGAS GOV., NATAGPUANG PATAY, SA KANYANG BAHAY
MAY tama ng bala at nangangamoy na nang matuklasan ng anak, pulis, at mga opisyal ng barangay ang walang buhay na katawan ni Richard “Ricky” Recto, 59 anyos, dating bise-gobernador ng lalawigan ng Batangas, nitong Lunes ng hapon, 5 Disyembre, sa lungsod ng Pasig. Ayon sa ulat, humingi ng saklolo sa pamamagitan ng Viber si Raina Recto, dakong 5:00 pm …
Read More »
Pera pinagtalunan ng mag-asawa
BABAE KRITIKAL, MISTER PATAY SA SARILING SAKSAK
HINDI nakaligtas sa kamatayan ang isang lalaki matapos saksakin ang sarili habang sugatan ang kinakasama na kanyang unang tinarakan ng kutsilyo sa loob ng kanilang bahay nitong Lunes, 5 Disyembre, sa Maresco Subd., Brgy. Palo Alto, sa lungsod ng Calamba, lalawigan ng Laguna. Ayon sa ulat ng pulisya, dakong 12:20 pm nagkaroon ng mainitang pagtatalo ang biktimang kinilalang si Rosalie …
Read More »
Sa Cagayan
154 ESTUDYANTE, GURO MAY SINTOMAS NG COVID-19 F2F CLASSES SUSPENDIDO
PANSAMANTALANG ipinassuspende ni Mayor Samuel Siddayao ng bayan ng Gattaran, sa lalawigan ng Cagayan, ang in-person classes sa isang mataas na paaralan matapos magtala ng 154 estudyante at mga gurong mayroong sintomas ng COVID-19. Nitong Lunes, 5 Disyembre, naglabas si Siddayao ng executive order na nagsasabing inirekomenda ng rural health unit at ng municipal health office na pansamantalang kanselahin ang …
Read More »
Sa San Rafael, Bulacan
1 PATAY, 1 SUGATAN SA RIDING-IN-TANDEM
DEAD ON-THE SPOT ang isang lalaking sakay ng motorsiklo habang sugatan ang kanyang angkas matapos tambangan ng dalawang armadong suspek na sakay din ng motorsiklo sa bayan ng San Rafael, lalawigan ng Bulacan, nitong Martes ng umaga, 6 Disyembre. Sa ulat na ipinadala ni P/Lt. Col. Isagani Enriquez, acting chief of police ng San Rafael MPS, kay P/Col. Relly Arnedo, …
Read More »Labi ng pinaslang na pulis-Pampanga dinalaw at ginawaran ng pagpupugay
BINISITA at binigyang-pugay ni Philippine National Police (PNP) chief P/Gen. Rodolfo Azurin, Jr., ang pulis na napatay sa anti-drug operation sa lungsod ng Mabalacat, lalawigan ng Pampanga noong Sabado, 3 Disyembre. Inalalayan ni PRO3 Regional Director P/BGen. Cesar Pasiwen ang hepe ng pambansang pulisya sa paghahatid ng kanilang pakikiramay at pag-aabot ng tulong pinansiyal sa pamilya ni P/SMSgt. Sofronio Capitle, …
Read More »Kuweba sa Kalinga gumuho minero natabunan, patay
HINDI nakaligtasang isang 35-anyos minero nang matabunan sa kinaroroonang kuweba sa Sitio Magadgad, Brgy. Galdang, bayan ng Pasil, lalawigan ng Kalinga nitong Linggo, 4 Disyembre. Kinilala ng Pasil MPS ang biktimang si Milnar Wa-il Bag-ayan, 35 anyos, binata, at residente sa nabanggit na barangay. Ayon sa pulisya, pumasok ang minero sa “minahan ng bayan” dakong 3:00 pm noong Sabado, 3 …
Read More »Nahulog na tsinelas sinagip, 11-anyos totoy nalunod
BINAWIAN ng buhay ang isang bata sa bayan ng San Rafael, sa lalawigan ng Bulacan, nang malunod sa irigasyon habang nagtatangkang kunin ang nahulog niyang tsinelas nitong Sabado, 3 Disyembre. Kinilala ang biktimang si Anthony Basquiña, 11 anyos, isang Grade 5 student. Ayon sa lola ni Anthony na si Juanita Bagay, nagpunta sa naturang irigasyon ang kaniyang apo noong Sabado …
Read More »
Sa Cebu City
P12-M ARI-ARIAN NAABO SA 2 SUNOG
TINATAYANG higit sa P12-milyong halaga ng ari-arian ang natupok sa dalawang magkahiwalay na sunog sa lungsod ng Cebu nitong Linggo, 4 Disyembre. Naganap ang unang sunog pasado 1:00 am sa Brgy. Mambaling, hindi bababa sa 150 bahay ang naabo. Umabot ng higit dalawang oras bago tuluyang naapula ng mga pamatay sunog ang apoy. Ayon kay Fire Officer 3 Emerson Arceo, …
Read More »23 law breakers sa Bulacan inihoyo
ARESTADO ang 23 kataong pawang mga lumabag sa batas sa sunod-sunod na operasyong isinagawa ng pulisya sa lalawigan ng Bulacan nitong Linggo, 4 Disyembre. Sa ulat mula kay P/Col. Relly Arnedo, provincial director ng Bulacan PPO, narekober ang halagang P170,000 hinihinalang shabu ng Provincial Intelligence Unit (PIU) katuwang ang San Jose del Monte CPS sa ikinasang buy-bust operation sa Brgy. …
Read More »
Bata isinasama sa pagnanakaw
MAG-ASAWA TINUTUGIS SA ‘MOTORNAPPING’
KASALUKUYANG pinaghahanap ng mga awtoridad ang isang babae at isang lalaki na may kasamang bata nang tangayin ang motorsiklo ng isang residente sa bayan ng Sta. Maria, sa lalawigan ng Bulacan, nitong Linggo, 4 Disyembre. Kinilala ang may-ari ng ninakaw na motorsiklong si Degie Gisalan, residente sa Sitio Pisang, Brgy. San Jose Patag, sa naturang bayan. Naganap ang pagnanakaw dakong …
Read More »
Karinderya pinaulanan ng bala
2 PATAY, 2 SUGATAN
AGAD namatay ang dalawang lalaki habang sugatan ang dalawang iba pa nang paulanan sila ng bala ng apat na hindi kilalang mga suspek sa isang karinderya sa National Highway, sa Brgy. Sto. Niño, sa bayan ng Tunga, lalawigan ng Leyte, nitong Linggo, 4 Disyembre. Kinilala ang mga napaslang na biktimang sina Benjamin Balais at Ace Sonorio, kapwa mga residente sa …
Read More »
P.3-M droga nasabat
2 HVT arestado sa Rizal
NADAKIP ang dalawang indibidwal na pinaniniwalaang mga tulak at nakatala bilang high value target sa ikinasang anti-drugs operation ng Provincial Intelligence Unit at Provincial Drug Enforcement Unit sa bayan ng San Mateo, lalawigan ng Rizal, nitong Linggo, 4 Disyembre. Sa ulat ni P/SSgt. Ederico Zalavaria, ng Rizal Provincial Intelligence Unit (PIU) kay Rizal PPO Provincial Director P/Col. Dominic Baccay, kinilala …
Read More »
Sa Cagayan
MAG-ANAK, KAPITBAHAY PATAY 8 SUGATAN SA 3 SASAKYANG NAGBANGGAAN
BINAWIAN ng buhay ang tatlong magkakaanak at kanilang kapitbahay habang sugatan ang walong iba pa, sa banggaang sangkot ang dalawang tricycle at isang sports utility vehicle sa National Highway, bayan ng Gonzaga, lalawigan ng Cagayan, nitong Sabado ng gabi, 3 Disyembre. Kinilala ng PRO2 PNP ang mga biktimang sina Donato at Marineth Barsatan ng Brgy. Malumibit Sur, Flora, ang kanilang …
Read More »10 tulak, 4 pugante nalambat sa Bulacan
MAGKAKASUNOD na naaresto ang 10 hinihinalang tulak at apat na pugante sa pagpapatuloy ng pinaigting na Simultaneous Anti-Criminality and Law Enforcement Operation (SACLEO) ng pulisya sa lalawigan ng Bulacan, nitong Sabado, 3 Disyembre. Ayon kay P/Col. Relly Arnedo, provincial director ng Bulacan PNP, dinakip ang 10 indibiduwal sa ikinasang anti-drug bust na ikinasa ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) ng …
Read More »
HATAW! D'yaryo ng Bayan hatawtabloid.com