NAARESTO ng mga awtoridad ang dalawang personalidad na pinaniniwalaang tulak ng marijuana kabilang ang isang menor de edad sa isinagawang anti-illegal drug operations sa lungsod ng Malolos, lalawigan ng Bulacan, nitong Linggo ng tanghali, 3 Hulyo. Nagresulta ang ikinasang buy bust operation ng mga operatiba ng Malolos CPS sa Brgy. Lugam sa pagkakadakip nina Ace De Los Arcos, alyas Toh, …
Read More »Nagkakalat ng marijuana sa Bulacan
Sa Jaen, Nueva Ecija
CARETAKER NIRATRAT NG RIDING-IN-TANDEM 
PATAY ang isang caretaker nang barilin ng dalawang armadong lalaking magkaangkas sa motorsiklo sa bayan ng Jaen, lalawigan ng Nueva Ecijia, nitong Linggo, 3 Hulyo. Sa ulat mula sa Jaen MPS, kinilala ang biktimang si Russel Marcelo, noo’y pauwi sa kanilang bahay galing sa inuman nang tambangan ng hindi kilalang mga suspek. Matapos ang pamamaril, nabatid na tumakas ang mga …
Read More »
Top 6 most wanted ng Zambo
RAPIST NALAMBAT SA VALE
NALAMBAT ng mga awtoridad ang top 6 most wanted person (MWP) sa Zamboanga Sibugay dahil sa kasong rape sa kanyang pinagtataguang lugar sa Valenzuela City, kamakalawa ng gabi. Kinilala ni Valenzuela police chief P/Lt. Col. Aldrin Thompson ang naarestong suspek na si Marjun Mangubat, 35 anyos, residente sa Fortune 4, Brgy. Parada ng nasabing lungsod. Ayon kay P/Lt. Joel Madregalejo, …
Read More »
Sa magkahiwalay na operasyon
2 MWP ARESTADO SA LAGUNA 
DALAWANG nakatalang most wanted person (MWP) ang inaresto sa isinagawang magkahiwalay na manhunt operation ng Biñan CPS at Calamba CPS nitong Sabado, 2 Hulyo, sa lalawigan ng Laguna. Kinilala ni P/Col. Cecilio Ison, Jr., ang isa sa mga suspek na si Jhon Anthony Ronda, 32 anyos, nakatira sa Brgy. Dela Paz, sa lungsod ng Biñan, nakatala bilang pang-anim na most …
Read More »
Sa Angeles City, Pampanga
‘KANO NASABAT SA DRUG BUST
ARESTADO ang isang American national matapos bentahan ng ilegal na droga ang undercover PDEA agent sa ikinasang buy bust operation sa isang motel sa Brgy. Balibago, lungsod ng Angeles, lalawigan ng Pampanga, nitong Linggo, 3 Hulyo. Kinilala ng mga operatiba ng PDEA Pampanga ang arestadong suspek na si James Baginski, 57 anyos, American national at residente sa Kandi Tower, Brgy. …
Read More »14 law violators kinalawit sa Bulacan
MAGKAKASUNOD na pinagdadampot ng mga awtoridad ang 14 kataong pawang may paglabag sa batas sa lalawigan ng Bulacan hanggang nitong Linggo ng umaga, 3 Hulyo. Batay sa ulat na isinumite kay P/Col. Charlie Cabradilla, acting provincial director ng Bulacan PNP, unang naaresto ang limang suspek sa ikinasang anti-illegal drug operations ng mga operatiba ng mga himpilan ng pulisya ng Baliwag, …
Read More »‘Damo’ ibinenta sa pulis big time tulak tiklo
HINDI nakapalag ang isang big time na tulak nang dakmain ng mga awtoridad matapos bentahan ng tuyong dahon ng hinihinalang marijuana ang isang pulis na umaktong poseur buyer sa bayan ng Baliuag, lalawigan ng Bulacan, nitong Sabado, 2 Hulyo. Sa ulat mula kay P/Col. Charlie Cabradilla, acting provincial director ng Bulacan PPO, kinilala ang suspek na si Kenneth Ryan Rodolfo, …
Read More »
Bumatak muna bago umatake
KAWATAN TIMBOG SA BULACAN
PARA lumakas ang loob, bumabatak muna ng marijuana ang isang pinaniniwalaang magnanakaw na naaresto ng pulisya sa lungsod ng San Jose del Monte, sa lalawigan ng Bulacan, nitong Sabado, 2 Hulyo. Sa ulat mula kay P/Col. Charlie Cabradilla, acting provincial director ng Bulacan PPO, kinilala ang nadakip na suspek na si Arwin Abergas, residente sa Brgy. Saog, bayan ng Marilao, …
Read More »
Nasamsam ng PDEA
P1.7-B SHABU HULI SA 2 CHINESE NAT’L 
UMAABOT sa 260 kilo ng hinihinalang shabu, nakasilid sa tea packs at nagkakahalaga ng kabuuang P1.768 bilyon ang nakompiska ng mga tauhan ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA), katuwang ang Philippine National Police (PNP), sa dalawang sabayang buy bust operation sa Quezon City at Cavite nitong Linggo. Batay sa ulat ni PDEA Director General Wilkins Villanueva, unang naaresto sa isang …
Read More »Kasong plunder at graft isinampa vs Lipa City Mayor Africa, 7 empleyado
SINAMPAHAN sa Office of the Ombudsman ng kasong kriminal at administratibo si re-elected Lipa City Mayor Eric B. Africa at pitong tauhan ng lungsod dahil sa umano’y pagkakasangkot sa P107.2 milyong cash advances bago ang May 9 elections. Ang kaso ay isinampa ni Lipa City resident at taxpayer Levi Lopez noong 29 Hunyo. Kabilang sa mga kinasuhan sina Africa, City …
Read More »
Para sa ikalawang termino
GOV. FERNANDO NANUMPA NA
“WALA tayong kapangyarihan sa ating mga sarili, maliban sa tiwala na ipinagkaloob sa atin ng ating mga kababayan. Palitan natin ng serbisyo publiko ang kapangyarihan na ipinagkatiwala sa atin.” Ito ang mensahe ni Gobernador Daniel Fernando para sa kanyang sarili at sa kanyang mga kapwa lingkod bayan sa panunumpa para sa kanyang ikalawang termino bilang ika-35 Gobernador ng Lalawigan ng …
Read More »
Sa Nueva Ecija
MOST WANTED RAPIST NASAKOTE
SA PINATINDING Manhunt Charlie operation, nadakip ng mga awtoridad ang top most wanted person (MWP) sa bayan ng Rizal, sa lalawigan ng Nueva Ecija, nitong Lunes, 27 Hunyo. Ayon kay P/Col. Jess Mendez, acting provincial director ng Nueva Ecija PPO, naglunsad ang mga operatiba ng Rizal MPS ng Manhunt Charlie Operation sa Purok 5, Brgy. Cabucbucan, sa nabanggit na bayan. …
Read More »
Sa pitong araw na SACLEO sa Bulacan
P1.1-M DROGA NASABAT, 413 PASAWAY TIMBOG
NASAMSAM ang mahigit sa P1.1-milyong halaga ng ilegal na droga habang nadakip ang 413 law offenders sa inilunsad na isang linggong Simultaneous Anti-Criminality Law Enforcement Unit (SACLEO) ng pulisya sa lalawigan ng Bulacan hanggang nitong Lunes, 27 Hunyo. Batay sa ulat na isinumite kay P/Col. Charlie Cabradilla, inaresto ang 125 indibidwal sa serye ng anti-drug bust na ikinasa ng Station …
Read More »
Bangka tumaob sa dagat
4 MANGINGISDA NALUNOD, PATAY ISA NAWAWALA
APAT mangingisda ang nalunod at namatay habang hindi pa nahahanap ang isa, matapos tumaob sa dagat ang sinasakyan nilang bangka sa bayan ng Bagac, lalawigan ng Bataan, nitong Lunes, 27 Hunyo. Ayon sa ulat ni Commodore Armand Balilo, tagapagsalita ng Philippine Coast Guard, kinilala ang mga namatay na sina Alexander Mesina, Tirso De Guia, Edgar Balboa, at Gregorio Limboc. Nabatid, …
Read More »
Sa San Pablo Laguna,
2 MOST WANTED SA ARESTADO
NASAKOTE ng mga awtoridad ang dalawang nakatalang most wanted person ng lalawigan ng Laguna sa ikinasang manhunt Charlie operation ng San Pablo CPS nitong Linggo, 26 Hunyo. Sa ulat kay P/Col. Cecilio Ison, Jr., kinilala ang unang inarestong suspek na si Marlon Benito, 46 anyos, construction Worker, at nakatira sa Barangay II-A, sa nabanggit na lungsod. Ayon kay P/Lt. Col. …
Read More »
Saklolo ng NPC, ERC kailangan,
MINDOROBLACKOUT
ni ROSE NOVENARIO NAGBABALA si House Deputy Minority Leader at Bayan Muna party-list Rep. Carlos Isagani Zarate na ang nararanasang blackout ng mga residente sa Occidental Mindoro ay maaaring kumalat hanggang Oriental Mindoro kapag hindi agad sumaklolo ang gobyerno. Nanawagan si Zarate sa National Power Corporation (NPC) at sa Energy Regulatory Commission (ERC) na kumilos agad at bigyan ng fuel …
Read More »
Sa Jaen, Nueva Ecija
BRGY. KAGAWAD LIGTAS SA AMBUSH
NAKALIGTAS ang isang kagawad ng barangay matapos tambangan sa Brgy. Malabon Kaingin, sa bayan ng Jaen, lalawigan ng Nueva Ecija, nitong Lunes ng gabi, 20 Hunyo. Kinilala ng mga awtoridad ang biktimang si Marianito Herminigildo, 63 anyos, residente at kagawad ng nabanggit na barangay. Nabatid na pauwi si Herminigildo mula sa kanyang bukid sakay ng electric bike nang barilin ng …
Read More »
Sa 7-araw SACLEO sa Rizal
P2.4-M DROGA KOMPISKADO, 180 KATAO TIMBOG
NASAMSAM ang P24-milyong halaga ng ilegal na droga habang arestado ang 180 katao sa ikinasang Simultaneous Anti-Criminality Law Enforcement Operation (SACLEO) sa loob ng pitong araw sa 14 bayan sa lalawigan ng Rizal. Sa ulat ni Rizal PPO Provincial Director P/Col. Dominic Baccay kay PRO4A PNP Regional Director P/BGen. Antonio Yarra, nakompiska ng mga awtoridad ang 365.41 gramo ng shabu …
Read More »
Silid sinalakay ng kaalitang katrabaho
CARWASH BOY PATAY, KASAMA SUGATAN
HINDI nakaligtas ang isang trabahador sa isang carwash shop habang sugatan ang isa pa nang salakayin ng kasamahan sa trabaho sa loob ng kanilang silid dakong 2:43 am nitong Martes, 21 Hunyo, sa lungsod ng Iligan, lalawigan ng Lanao del Norte. Nagresponde ang mga awtoridad sa ulat sa kanila ng isang concerned citizen na may natagpuang babae at lalaking nakahandusay …
Read More »
Sa Davao de Oro
BRGY. CHAIRMAN TODAS SA BOGA
UTAS ang isang barangay chairman nang pagbabarilin ng hindi kilalang mga suspek sa Brgy. Andili, bayan ng Mawab, lalawigan ng Davao de Oro, nitong Lunes ng umaga, 20 Hunyo. Kinilala ng pulisya ang biktimang si Elizalde Malcampo, chairman ng Barangay Kinuban sa karatig-bayan ng Maco. Ayon sa salaysay ng mga nakasaksi, galing sa Andili Elementary School ang biktima, matapos ihatid …
Read More »
Ilang araw nang nawawala
ESTUDYANTE NATAGPUANG WALANG BUHAY SA DAMUHAN
WALA nang buhay at nagsisimula nang maagnas ang katawan ng isang college student nang matagpuan sa madamong bahagi sa gilid ng Venecia Highway sa lungsod ng Dagupan, lalawigan ng Pangasinan. Kinilala ang biktimang si Aaron Fernandez, 20 anyos, residente sa Brgy. Poblacion Oeste, sa nabanggit na lungsod, at 2nd year hospitality student. Ayon sa ama ng biktima na si Anthony, …
Read More »
Selosan sa bebot
LABORER SUGATAN SA BOGA NG PARAK
SUGATAN ang isang construction worker at isang lalaking mapadaan sa insidente ng pamamaril ng isang pulis sa Brgy. 26, sa lungsod ng Bacolod, nitong Linggo, 19 Hunyo. Kinilala ang mga biktimang sina Richard Jimenez, 30 anyos, construction worker, residente sa Brgy. 26; at Jorem Sibug, 24 anyos, residente sa Brgy. 27, sa nabanggit na lungsod. Ayon kay P/Maj. Ritchie Gohee, …
Read More »Holdaper-pusher tiklo, 5 iba pa swak sa hoyo
NALUTAS ng mga awtoridad ang serye ng panghoholdap sa ilang bayan sa Bulacan nang maaresto ang isang lalaking pinaniniwalaang sangkot sa ilegal na droga sa isinagawang operasyon laban sa krimen sa lalawigan nitong Biyernes, 17 Hunyo. Sa ulat mula kay P/Col. Charlie Cabradilla, acting provincial director ng Bulacan PPO, kinilala ang suspek na si Angelo Capili, residente sa Brgy. Bagna, …
Read More »
Sa Marilao, Bulacan
3 ADIK SA TONG-ITS TIMBOG
DINAKIP ng mga awtoridad ang tatlo katao matapos maaktohang ilegal na nagsusugal sa isang bahay sa bayan ng Marilao, lalawigan ng Bulacan, nitong Sabado, 17 Hunyo. Sa ulat mula kay P/Lt. Col. Bernard Pagaduan, hepe ng Marilao MPS, kinilala ang mga suspek na sina Randy Llano, Benedict Baltazar, at Dianne Dela Paz, pawang mga residente sa Brgy. Lambakin, sa nabanggit …
Read More »Rank No. 3 MWO ng Calamba nasukol sa manhunt operation
ARESTADO ang pangatlong most wanted person (MWP) sa city level sa ikinasang manhunt operation ng mga awtoridad sa lungsod ng Calamba, lalawigan ng Laguna, nitong Sabado ng gabi, 18 Hunyo. Iniulat ni P/Col. Cecilio Ison, Jr., Acting Provincial Director ng Laguna PPO kay P/BGen. Antonio Yarra, Regional Director ng PRO4A PNP, ang pagkakadakip sa suspek na kinilalang si Arcie Marcos, …
Read More »