Tuesday , October 3 2023

Sa gitna ng malakas na ulan
NURSE NG BAYAN PATAY SA TAMBANG, ASAWA KRITIKAL

052923 Hataw Frontpage

PATAY ang isang pampublikong nars habang kritikal ang kanyang asawa matapos tambangan sa gitna ng malakas na buhos ng ulan nitong Biyernes ng gabi, 26 Mayo, sa bayan ng Sultan Kudarat, sa lalawigan ng Maguindanao del Norte.

Kinilala ni P/Lt. Col. Julhamin Asdani, hepe ng Sultan Kudarat MPS, ang biktimang si Sarifa Kabagani Gulam, 36 anyos, nagtatrabaho bilang nars sa Cotabato Sanitarium Hospital sa Barangay Ungap, sa naturang bayan.

Ani Adwani, agad namatay si Sarifa dahil sa maraming tama ng bala ng baril sa kanyang katawan habang nasa kritikal na kondisyon ang kanyang asawang si Samir Gulam, 35 anyos, nasa lokal na pagamutan.

Nabatid na lulan ng kanilang puting Mitsubishi Montero ang mag-asawa pauwi sa kanilang bahay sa Bgry. San Pablo Village, Cotabato, nang harangin at pagbabarilin ng hindi kilalang mga lalaki pasado 8:00 pm, sa Brgy. Ungap.

Natagpuan ng mga awtoridad sa pagpoproseso ng pinangyarihan ng krimen ang mga basyo ng bala ng kalibre .45 pistol.

Patuloy ang imbestigasyon ng pulisya upang matukoy ang pagkakakilanlan ng mga suspek at ang motibo sa likod ng krimen.

About hataw tabloid

Check Also

Lolo Social Media

May bagong ‘sinosyota’
LOLONG CHICK BOY BUKING SA SOCIAL MEDIA ACCOUNT, LOLANG NAKABISTO BINUGBOG  

KULONG ang isang 61-anyos lolo dahil sa pambubugbog sa live-in partner na 65-anyos lola matapos …

100223 Hataw Frontpage

14-wheeler truck pinutukan ng gulong
BABAENG SAKADA TODAS SA TONE-TONELADANG TUBO

BINAWIAN ng buhay ang isang babae matapos matabunan at malibing nang buhay sa ilalim ng …

TESDA ICT

Kulang na TESDA assessors pinuna ni Gatchalian

BALAK manng gobyerno na pondohan ang assessment at certification ng mga mag-aaral sa senior high …

Bong Revilla

Revilla Bill para sa lola at lolo aprobado sa Senado

“SOBRA tayong nagagalak at nagpapasalamat sa pagkakapasa ng ating una at prayoridad na panukala na …

4th batch ng Navotas solo parents, nakatanggap ng cash aid

4th batch ng Navotas solo parents, nakatanggap ng cash aid

NAMAHAGI ang pamahalaang lungsod ng Navotas ng tulong pinansiyal sa ika-apat na batch ng mga …