Monday , July 15 2024
MORE Power iloilo

MORE Power nagsimula nang magrefund ng bill deposit sa consumers

ILANG consumers ng MORE Electric and Power Corporation (MORE Power) sa Iloilo City ang nagsimulang makakuha ng refund sa kanilang bill deposit.

Sa isinagawang simpleng seremonya sa tanggapan ng More Power, tatlong consumers ang unang nabigyan ng refund kabilang sina Emmanuel Improgo, Baby Jean Agustin, at  Barangay Chairman Romeo Losario Jagorin, Jr., ng Brgy. Sambag, Jaro, Iloilo City.

Ang Bill deposit ay ibinabayad ng mga consumer kapag nag-apply ng kanilang electric meter, alinsunod sa Article 7 ng Magna Carta for residential electric consumers, ang bill deposit ay kailangang ibalik ng mga Distribution Utilities (DU) makalipas ang tatlong taon o 36 buwan sa kondisyon na ang consumer ay nagbabayad sa oras at walang record ng disconnection.

Kuwento ni Baby Jean, malaking tulong na ibinalik sa kanya ang bill deposit. Aniya, hindi niya alam na may ganitong patakaran kaya naman nabigla siya nang tawagan siya ng More Power na kalipikado siya para sa refund.

Gayondin ang pahayag ni Jagorin, aniya, wala silang naririnig na ganitong klaseng refund sa dating Distribution Utility kaya nagulat din siya na may balik bayad ang MORE Power na kusang ibinibigay sa mga consumer at hindi na kailangan mag-apply o mag-inquire kung kalipikado sa refund.

Para sa consumer na si Improgo, malaking tulong ang natanggap niyang P2,500.

“Ito pala ‘yung sinasabi nila na bill deposit refund, malaking bagay ito sa amin,” dagdag ni Improgo.

Ayon kay MORE Power President at CEO Roel Castro, ang kanilang kusang pagbabalik ng bill deposit ay sa hangarin nilang maging ehemplo sa iba pang distribution utilities (DU).

“I was asking some DUs, why are you not returning? They said, well, the customers are not asking for it. Again, that is where I can draw the line between the DU that is customer-focused. Because even if the customer does not ask for it, we go out of our way to inform the customers that this is due you and we will return it,” pahayag ni Castro.

“Since we don’t have any intention to use the money, we do not have the intention to keep the money; we do not have the intention of using it for our operation; why keep it when it is already due for return, for the refund to customers?” dagdag pa ni Castro.

Samantala, pinuri ni Energy Regulatory Commission (ERC) Commissioner Alexis Lumbatan ang bill deposit refund initiative ng MORE Power.

Ani Lumbatan, dumalo sa seremonya, bihira ang mga DU na kusang nagbabalik ng refund maliban na lamang kung hingin ng consumers kaya malaking bagay na sinimulan ito ng MORE Power.

“You know, bihirang-bihira po for any distribution utility to return the bill at the instance of the DU. I am so happy that I am here today, taking part in this great milestone. Mismong si DU tumatawag sa mga consumers to return the bill deposit. For five years, I have been with the commission and I’m the oversight commissioner for consumer affairs. That’s why this milestone is very-very close to me,” pahayag ni Lumbatan.

Hinimok ni Castro ang kanilang consumers na magbayad sa oras at huwag magkaroon ng disconnection o maputol ang kanilang koryente upang maibalik agad sa kanila ang refund.

Nabatid na mayroong P5 milyong bill deposits fund ang MORE Power na handang ibalik sa mga consumers para ngayong taon.

About hataw tabloid

Check Also

Marcoleta Miru

Miru Systems’ 18 Billion Peso Contract for Philippine Elections Sparks Major Concerns

Manila, Philippines — On July 9, 2024, Hon. Rodante D. Marcoleta, Party List – SAGIP, …

SM Zamboanga FEAT

Becoming a ‘second home’ amidst adversity
Renewing hope: SM School building’s impact in Zamboanga

The School Building Program of SM Foundation enables the Zamboanga Central School-SPED Center to accommodate …

ICTSI Momentum Where is Matters Feat

ICTSI – Momentum Where it Matters

Building from one-country operation at the Port of Manila in the Philippines, ICTSI has pressed …

PPA FEAT

#Limaposalimampu:
PPA Launches Five New Port Projects on 50th Anniversary

THE Philippine Ports Authority (PPA), as the premiere maritime agency, continues to steer progress through …

Krystall Herbal Oil

Nagsugat na warts sa ulo natuyo sa Krystall Herbal Oil

Back to BasicNATURE’S HEALINGni Fely Guy Ong Dear Sis Fely Guy Ong,                Ako po …