INATASAN ni Gob. Daniel Fernando ang Provincial Engineering Office na dagdagan ang pondo sa paghuhukay ng mga ilog at creek sa mga bahaing lugar sa Bulacan tulad ng bayan ng Hagonoy at lungsod ng Malolos. Sinuyo din ng gobernador ang mga pribadong kontraktor upang makahiram ng karagdagang backhoe at iba pang mga equipment upang mapabilis ang paghuhukay. Ani Fernando, ang …
Read More »Bagong hepe ng Sta. Maria police itinalaga
GINANAP nitong Huwebes, 1 Setyembre, ang isang programa para pormal na ipasa ng dating hepe na si P/Lt. Col. Voltaire Rivera ang katungkulan kay P/Lt. Col. Christian Alucod bilang Acting Chief of Police ng Sta. Maria MPS sa bayan ng Sta. Maria, lalawigan ng Bulacan. Nagpahatid ng pasasalamat si Mayor Omeng Ramos kasama sina Vice Mayor Eboy Juan at Municipal …
Read More »ASF kontrolado sa Bulacan
MATAPOS ipahayag ng mga opisyal ng Aurora ang pagpapatupad ng pork ban mula sa Bulacan, Pampanga at Tarlac, tiniyak ni Gob. Daniel Fernando sa mga Bulakenyo, lalo ang mga nag-aalaga ng baboy na kontrolado na ang kaso ng African Swine Flu (ASF) sa lalawigan. Naglabas ang mga opisyal ng lalawigan ng Aurora Province ng Executive Order No. 35 na nagpapatupad …
Read More »Danao nakiramay at nagpugay sa napaslang na hepe ng pulis sa Ampatuan Maguindanao
PERSONAL na nakiramay si Area Police Command Western Mindanao commander P/Lt. Gen. Vicente Danao, Jr., sa nauililang pamilya ng napaslang na opisyal ng Philippine National Police (PNP) na si P/Lt. Reynaldo Samson, Chief of Police Ampatuan Maguindanao, na tinambangan ng armadong grupo nitong 30 Agosto 2022 sa Sitio Pasio, Brgy. Kapinpilan, Ampatuan, Maguindanao. Ayon kay Danao, magsisilbi ng warrant of …
Read More »NEA ‘nagisa’ sa isyu ng BENECO
‘GINISA’ ni Senator Raffy Tulfo ang mga opisyal ng National Electrification Administration (NEA) nang mabatid na pinanghimasukan ang pamamahala sa Benguet Electric Cooperative (BENECO). Sinabi ng bagong Senador, rerebyuhin niya ang NEA Memorandum No. 2017-035, na ginagamit ng NEA para depensahan ang sinabing maanomalyang pagtatalaga kay Maria Paz Rafael bilang General Manager (GM) ng BENECO. “As far as I’m concerned, …
Read More »
Sa Lanao del Norte
101-ANYOS GABALDON SCHOOL BUILDING TINUPOK NG APOY
NAGLIYAB hanggang tuluyang maabomula sa sumiklab na sunog nitong Miyerkoles ng madaling araw ang isang centennial school building sa bayan ng Lala, lalawigan ng Lanao del Norte, na tinatayang P19.7-milyong halaga ng ari-arian ang kasamang natupok. Ayon kay SFO2 Jessie Cabigon, pangunahing imbestigador ng Bureau of Fire Protection – Lala Fire Station, nagsimula ang sunog sa Lala Proper Integrated School …
Read More »
Sa Laguna
88 WANTED PERSONS TIKLO SA ONE-DAY POLICE OPS
ARESTADO ang 88 indibidwal, pawang nakatala bilang wanted persons sa isinagawang Simultaneous Implementation of Warrant of Arrest sa iba’t ibang bayan sa lalawigan ng Laguna, nitong Martes, 30 Agosto. Sa isinagawang Simultaneous Implementation of Warrant of Arrest ng iba’t ibang police stations sa Laguna, 34 arestado ay nakatalang most wanted persons sa Regional, Provincial at City/Municipal Level, kasalukuyang nasa kustodiya …
Read More »
‘One-time, big-time’ police ops ikinasa
5 MWP, 93 LAW OFFENDERS NADAGIT SA BULACAN 
PINAGDADAMPOT ang limang most wanted persons at 93 indibidwal na pawang may paglabag sa batas, sa isang araw na One-Time Big-Time (OTBT) police operation ng Bulacan PPO na inilunsad nitong hatinggabi ng Martes, 30 Agosto. Ayon kay P/Col. Charlie Cabradilla, acting provincial director ng Bulacan PPO, nagresulta ang operasyon sa pagsisilbi ng 117 warrants of arrest at pagpapatupad ng 779 …
Read More »
Sa Angeles City, Pampanga
PUGANTENG RAPIST TIMBOG
INARESTO ng mga awtoridad ang isang puganteng may kinakaharap na kasong panggagahasa mula sa kanyang pinagtataguan sa lungsod ng Angeles, lalawigan ng Pampanga, nitong Martes ng umaga, 30 Agosto. Sa bisa ng isinilbing warrant of arrest, hindi na nagawang makapalag ng akusadong kinilalang si Edward Salonga, 30 anyos, driver, residente sa Dinalupihan, Bataan. Isinagawa ang pagdakip sa suspek dakong 10:50 …
Read More »Ika-172 kaarawan ni Gat Marcelo H. Del Pilar ginunita sa Bulacan
NAGTIPON ang daan-daang Bulakenyo sa Sitio Kupang, Brgy. San Nicolas, sa bayan ng Bulakan, lalawigan ng Bulacan nitong Martes, 30 Agosto, upang ipagdiwang ang ika-172 anibersaryo ng kaarawan ni Gat Marcelo H. Del Pilar, ang tinaguriang “Dakilang Propagandista” sa pag-aalsa ng Filipinas laban sa kolonyal na paghahari ng mga Kastila. Magkakasamang pinangunahan nina Gob. Daniel Fernando, Bise Gob. Alexis Castro, …
Read More »
Sa Bulacan
MRT-7 PLANONG ILARGA HANGGANG SA 2 BAYAN 
BUKAS ang Department of Transportation (DOTr) para i-extend ang construction ng Metro Rail Transit-7 (MRT-7) sa dalawa pang munisipalidad sa Bulacan. Pahayag ni DOTr Undersecretary Cesar Chavez sa House Committee on Transportation, maaaring maabot ng railway ang mga bayan ng Sta. Maria at Norzagaray na parehong malaki ang populasyon. Bilang tugon ito sa tanong ni 6th Bulacan District Representative Salvador …
Read More »
Sa San Jose del Monte, Bulacan
NAWAWALANG ESTUDYANTE PATULOY NA PINAGHAHANAP
PATULOY na pinaghahanap ng mga awtoridad ang isang 16-anyos estudyanteng babae sa lungsod ng San Jose del Monte, sa lalawigan ng Bulacan matapos iulat na nawawala simula pa noong 11 Agosto 2022. Kinilala ni P/Col. Charlie Cabradilla, acting provincial director ng Bulacan PPO, ang nawawalang estudyante na si Carl Antonette Sanchez, 16 anyos, Grade 9 student, tubong Bacoor, Cavite at …
Read More »
Batakang barong-barong binaklas
6 TULAK NABULAGA TIKLO 
SINALAKAY at binaklas ng mga awtoridad ang isang barong-barong na ginawang batakan kasunod ng pag-aresto sa anim na indibidwal sa isinagawang buy bust operation sa lungsod ng San Jose del Monte, sa lalawigan ng Bulacan, nitong Linggo, 28 Agosto. Sa ulat mula sa Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA), kinilala ang mga nadakip na suspek na sina Rogelio Estrada, 39 anyos, …
Read More »
May-ari ng fishpond patay
MISIS, ANAK-ANAKAN, 2 HIRED KILLER TIMBOG 
NADAKIP ng mga tauhan ng Bulacan PPO, agad nadakip nitong Linggo, 28 Agosto, ang apat na sangkot sa pamamaslang sa may-ari ng isang fish pond sa bayan ng San Miguel, lalawigan ng Bulacan. Kinilala ni acting BulPPO Provincial Director P/Col. Charlie Cabradilla, ang mga suspek na sina Maricel Beltran, asawa ng biktima at mastermind; Benjie Garcia at Romie de Guzman, …
Read More »
Motorsiklo sumalpok sa kotse
RIDER, ANGKAS TODAS
BINAWIAN ng buhay ang isang rider at ang kanyang angkas makaraang sumalpok ang minamanehong motorsiklo sa isang kotse sa bayan ng Tanay, lalawigan ng Rizal, nitong Linggo ng madaling araw, 28 Agosto. Sa ulat ni P/Lt. Col. Rodolfo Santiago ll, hepe ng Tanay MPS, kinilala ang mga biktima na sina Jonvy Balato, driver, at angkas niyang si Angeline Evangelista, kapwa …
Read More »2 tulak timbog sa Laguna P14-K shabu nasamsam
NASAKOTE ng mga awtoridad sa ikinasnag anti-illegal drug buy bust operation ang dalawang hinihinalang mga tulak sa lungsod ng Calamba, lalawigan ng Laguna, nitong Sabado, 27 Agosto. Kinilala ni P/Col. Randy Glenn Silvio, Officer-In-Charge ng Laguna PPO, ang mga suspek na sina Eduardo Obias, alyas Jun, 42 anyos, walang trabaho, at residente sa Brgy. Turbina; at Greymond Salum, alyas Grey, …
Read More »Notoryus na tulak sa Gapo nakalawit
NADAKIP ang isang pinaniniwalaang pusakal na tulak sa ikinasang buy bust operation sa lungsod ng Olongapo, lalawigan ng Zambales, ng pinagsanib na puwersa ng Olongapo City Police Drug Enforcement Unit, Olongapo City Mobile Force Company (CMFC), at OCPO Police Station 5 (PS5), sa pamumuno ni P/Lt. Dennis Gruspe, kasama ang SOU3 PNP Drug Enforcement Group sa ilalim ng buong pangangasiwa …
Read More »
Sa ika-6 araw ng SACLEO
24 PASAWAY TIKLO SA BULACAN
ARESTADO ang 24 indibiduwal na sangkot sa iba’t ibang paglabag sa batas sa ikaanim na araw ng Simultaneous Anti-Criminality Law Enforcement Operations (SACLEO) na isinagawa ng pulisya sa lalawigan ng Bulacan nitong Sabado, 27 Agosto. Batay sa ulat na isinumite kay P/Col. Charlie Cabradilla, acting provincial director ng Bulacan PPO, nadakip ang 15 hinihinalang mga tulak sa ikinasang drug sting …
Read More »
Sa San Jose del Monte, Bulacan
DALAGITANG NAWAWALA NASAGIP MULA SA NOBYO
NASAGIP nitong Sabado, 27 Agosto, ng mga awtoridad ang isang menor de edad na babae mula sa kanyang nobyo sa lungsod ng San Jose del Monte, sa lalawigan ng Bulacan na naunang iniulat na nawawala. Sa ulat mula kay P/Lt. Col. Cresenciano Cordero, Jr., hepe ng San Jose del Monte CPS, katuwang ang mga kawani ng City Social Welfare and …
Read More »Live-in partners timbog sa buy bust operation
ARESTADO ang pinaniniwalaang mga tulak ng ilegal na droga na nasamsaman ng P60,000 halaga ng shabu sa ikinasang anti-illegal drugs buy bust operation ng mga awtoridad sa lungsod ng San Pablo, lalawigan ng Laguna, nitong Miyerkoles, 24 Agosto. Kinilala ni P/Col. Randy Glenn Silvio ang mga suspek na sina Arvin Trinidad, 40 anyos, walang trabaho; at kanyang kinakasamang si Teresa …
Read More »
Mag-ama nagsabwatan
KAPITBAHAY PINATAY SA AWAY-LUPA
HINDI nakaligtas sa itak ng kamatayan ang isang lalaking pinagtulungang pagtatagain ng mag-amang kapitbahay dahil sa away sa lupa sa Purok Cadena de Amor, Brgy. San Isidro, bayan ng Pontevedra, lalawigan ng Negros Occidental, nitong Miyerkoles, 24 Agosto. Kinilala ni P/Lt. Rowell Peniero, deputy chief ng Pontevedra MPS, ang biktima na si Eric Galope, 37 anyos, at mga suspek na …
Read More »Mining, quarrying, dredging, iba pang destructive ops bawal sa Bulacan – Gov. Fernando
PINANGUNAHAN ni Governor Daniel Fernando ang isinagawang “Dialogue with the Mining Stakeholders” para talakayin sa harap ng 300 indibidwal mula sa mining at hauling sectors ang inilabas na Executive Order No. 21 na nag-uutos na pansamantalang suspendehin ang permit sa mining, quarrying, dredging at iba pang uri ng mineral destructive operation sa lalawigan ng Bulacan na ginanap sa Red Arc …
Read More »‘Batakan’ sa Bataan sinalakay, 4 tulak dinakma
ARESTADO ang apat na pinaniniwalaang tulak ng ilegal na droga habang nasmsam mula sa kanila ang higit P80,000 halaga ng hinihinalang shabu sa ikinasang entrapment operation sa bayan ng Orani, lalawigan ng Bataan, nitong Martes ng gabi, 23 Agosto. Sa ulat mula sa operating troops ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) Bataan, nadiskubre ang isang drug den na ginagawang ‘batakan’ …
Read More »
Sa ika-2 araw ng SACLEO sa Bulacan
P437-K DROGA NASABAT, 50 PASAWAY TIMBOG
NAKUMPISKA ang tinatayang P437,000 halaga ng ilegal na droga sa ikalawang araw na Simultaneous Anti-Criminality Law Enforcement Operation (SACLEO) ng pulisya sa lalawigan ng Bulacan habang arestado ang 50 katao nitong Martes, 23 Agosto. Sa ulat nitong Miyerkoles, 24 Agosto, ni P/Col. Charlie Cabradilla, acting Provincial Director ng Bulacan PPO, nadakip ang 32 suspek na sangkot sa ilegal na droga …
Read More »
Hagupit ng bagyong Florita
BAGGAO, CAGAYAN BINAHA, 3 TULAY HINDI MADAANAN
TULUYANG lumakas ang bagyong Florita (international name: Ma-on) nitong Martes ng umaga, 23 Agosto, nagdulot ng walang tigil na ulan at malalakas na hangin sa bayan ng Baggao, lalawigan ng Cagayan. Sa pinakahuling situational report na kinalap mula kay Narciso Corpuz, hepe ng Baggao Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO), nag-iwan ang bagyong Florita ng tatlong hindi madaanang …
Read More »