Thursday , June 4 2026
SSS Race SJDM

SSS ininspeksiyon ang pitong kumpanya sa SJDM City na hindi nagre-remit ng kontribusyon ng mga tauhan

ISINAGAWA ng Social Security  System (SSS) ang 6th Race Operation sa ilang kumpanya sa San Jose Del Monte City, Bulacan bilang bahagi ng Run Against Contribution Evaders (RACE) Campaign nito,

Binisita ng sangay ng SSS ang pitong employer na hindi umano nagre-remit ng kontribusyon ng kanilang mga tauhan na mayroong collectibles na aabot sa PhP1.3M.

Ang pitong kumpanya ay iniulat na hindi nakarehistro kaya sa pamamagitan nito ay naiiwasan ang mga obligasyon sa mga tauhan tulad ng hindi paghuhulog ng kontribusyon sa SSS. 

Ang kampanya ng RACE ay pinangunahan nina Acting Branch Head Delia E.Sebastian; CEO II Ronald De Guzman ,Account Management Section ; SJDM Branch na sina Vice President For Luzon Central 2 Division Gloria Corazon M.Andrada; Atty. Faith Henriet Arao ng SSS Luzon Central Legal Department, Atty.Maria Lourdes Barbado Hipe Atty III Operation Legal Extension Office Pampanga, na dinaluhan ng ilang myembro ng local at national media.

Sa press briefing na ginanap bago ang kampanya, sinabi ni Atty.Henreit Arao na ang kampanya ng RACE ay naglalayong itanim ang kamalayan ng mga employer, disiplina at pahusayin ang kahusayan sa pangungulekta at pataasin ang antas ng pagsunod ng mga employer na nakasaad sa ilalim ng RA11199 o kilala bilang Social Security Act of 2018

Nagpaalala sina Atty .Andrada at Atty Hipe sa mga employer tungkol sa kanilang mga obligasyon sa SSS na sundin ang batas sa ilalim ng RA 11199.

Sinabi rin ni Ceo II Ronald De Guzman na mula nang nagsagawa ng RACE operation noong taong 2022 hangang sa kasalukuyan taon, ang kanilang tanggapan ay nagsagawa na ng anim na operasyon na may kabuuang halaga na PhP16M collectibles at hanggang ngayon ay nakakakolekta na ng kabuuang halaga na Php9M na may balanseng Php7M na inilagay sa mga installment plan . (MICKA BAUTISTA)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Micka Bautista

Check Also

060326 Hataw Frontpage

Sa dalawang araw na walang sesyon
CAYETANO RESIGN – SB11

HATAW News Team MARIING hinamon ng Senate minority bloc o solid bloc 11 (SB11) si …

Lalaking inaresto sa buybust nanlaban patay

TODAS angisang 31-anyos lalaki nang manlaban, magtangkang manaksak, at mang-agaw ng baril ng pulis, sa …

stab ice pick

Naglalabang lalaki ginilitan, pinagsasaksak ng kumpare habang naka-Facebook live streaming

NAKABUROL na ang isang 45-anyos lalaking ginilitan at pinagsasaksak ng kanyang kaalitang kumpare habang naka-live …

Hand Baby Dead

Pinalabas na kinidnap ng ama
Sanggol paulit-ulit na iniuntog, bangkay isinilid sa ecobag ng yaya

NAAAGNAS na ang bangkay nang matagpuan ang isang 11-buwang gulang na sanggol sa loob ng …

Terry Ridon Sara Duterte

‘Pagtakas’ ni VP Sara sa paglilitis inupakan

MARIING pinuna ng ilang miyembro ng House prosecution panel ang naging sagot ng kampo ni …