SINIMULAN ng PRO4-A (CALABARZON) ang linggo sa pamamagitan ng Flag Raising Ceremony na pinangunahan ni Regional Director P/BGen. Paul Kenneth Lucas, na nagbigay-diin sa kritikal na papel ng mga alagad ng batas sa pagtiyak ng mapayapa, kapanipaniwala, at maayos na 2025 Midterm National and Local Elections (MNLE). Sa kaniyang mensahe, ipinahayag ni P/BGen. Lucas ang kahalagahan ng disiplina at integridad …
Read More »Sa PRO 4A
Retiree nilooban P3.3-M halaga ng gamit natangay
AABOT sa tinatayang P3,300,000 halaga ng mahahalagang gamit ang natangay mula sa isang retiradong empleyado nang looban ng isang magnanakaw ang kaniyang bahay sa Brgy. Bulakin, bayan ng Tiaong, lalawigan ng Quezon, nitong Linggo, 12 Enero. Kinilala ng pulisya ang biktimang si alyas Ramon, 69 anyos, isang retiradong empleyado. Lumalabas sa imbestigasyon na nadiskubre ng biktima na siya ay nanakawan …
Read More »Baguio temp bumagsak sa 13.8 degrees Celsius
LALONG bumaba ang temperatura sa lungsod ng Baguio nang umabot ito nitong Lunes, 13 Enero, sa 13.8 degrees Celsius. Sa nakalipas na linggo, umabot sa 14 degrees Celcius ang temperatura sa “Summer Capital of the Philippines.” Ayon sa PAGASA, inaaasahang lalo pang babagsak ang temperatura sa lungsod sa mga susunod na araw dahil sa patuloy na paglakas ng Amihan sa …
Read More »
Sa Talisay, Negros Occidental
PINAGBINTANGANG ‘SCAMMER’ PATAY NANG MATAGPUAN
WALA nang buhay nang matagpuan ang isang 32-anyos babaeng pinaghihinalaang ‘scammer’ sa Hacienda Lizares, Brgy. Matab-ang, lungsod ng Talisay, lalawigan ng Negros Occidental, nitong Linggo ng umaga, 12 Enero. Kinilala ni P/Maj. Rhazl Jim Jocson, deputy chief ng Talisay CPS, ang biktimang si Carl Kimberlyn Degabi, 32 anyos, residente sa Brgy. Mandalagan, sa nabanggit na lungsod. Ayon kay P/Maj. Jocson, …
Read More »
Sa Bulacan
3 tulak, 4 wanted person nasakote
SA PATULOY na anti-criminality operations ng Bulacan PNP, nadakip ang tatlong hinihinalang mga tulak ng ilegal na droga, at apat na pinaghahanap ng batas sa iba’t ibang lugar sa lalawigan hanggang nitong Linggo, 12 Enero. Sa ulat na ipinadala kay P/Col. Satur Ediong, provincial director ng Bulacan PPO, nagsagawa ng magkahiwalay na buybust operation ang Station Drug Enforcement Unit (SDEU) …
Read More »P46-M puslit na ukay-ukay nakompiska sa Bulacan
MATAGUMPAY na naisagawa ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) Regional Field Unit 3 (RFU 3), sa pakikipagtulungan ng PRO 3 at Bulacan Police Provincial Office, ang dalawang magkahiwalay na operasyon sa ilalim ng Oplan Megashopper sa Meycayayan City, Bulacan kamakalawa. Naging target ng operasyon ang mga ilegal na bodega sa naturang lungsod na sangkot sa pagpupuslit ng mga used …
Read More »
Sa San Miguel, Bulacan
SUNDALO NATAGPUANG PATAY SA BARRACKS
WALA nang buhay at may tama ng bala ng baril sa kaniyang ulo nang matagpuan ang isang miyembro ng Philippine Army (PA) sa kanilang headquarters sa bayan ng San Miguel, lalawigan ng Bulacan, nitong Huwebes, 9 Enero. Sa ulat ni P/Lt. Col. Ronnie Albino, hepe ng San Miguel MPS, kinilala ang biktima na si Sgt. Henry Española, nakatalaga sa Philippine …
Read More »SMC wagi sa paglilinis ng Pampanga River
MULING nakapuntos ang San Miguel Corporation (SMC) ng isa pang panalo sa kanilang ambisyosong pagsisikap na tumulong para pagaanin ang pagbaha sa kabuuan ng Luzon, matapos makompleto ang paglilinis sa malawak na Pampanga River, at matanggal ang 700,000 tons ng banlik at iba pang mga basura. Mula kalagitnaan ng Agosto hanggang Disyembre, tinanggal ng SMC ang 694,372 metro kubikong …
Read More »
Garahe nasunog
7 BUS NATUPOK MEKANIKO SUGATAN
HATAW News Team PITONG BUS ang natupok habang sugatan ang isang mekaniko nang sumiklab ang sunog sa isang garahe ng bus sa Brgy. Pulo, lungsod ng Cabuyao, lalawigan ng Laguna, nitong Martes ng umaga, 7 Enero. Kinilala ang sugatang biktimang si Ferdinand Nicereo, 46 anyos, isang under-chassis mechanic. Dinala si Nicereo sa pagamutan dahil sa inabot niyang second-degree burn sa …
Read More »Rank no. 9 MWP ng Laguna arestado
NADAKIP ang lalaking nakatalang pangsiyam na most wanted person sa provincial level sa isinagawang joint manhunt operation ng Laguna PNP nitong Martes, 7 Enero, sa lungsod ng Calamba. Sa ulat kay Laguna PPO Provincial Director P/Col. Gauvin Mel Unos, kinilala ang suspek na si alyas Qiezel, residente sa lungsod ng Calamba, Laguna. Sa ulat ng 1st Laguna Provincial Mobile Force …
Read More »3 high-value drug pusher sa Pampanga tiklo P.68-M shabu nasabat
NASAKOTE ng mga awtoridad ang tatlong nakatalang high-value individuals (HVI) at nasamsam ang tinatayang 100 gramo ng hinihinalang shabu na tinatayang nagkakahalaga ng P680,000 sa isang buybust operation na isinagawa sa Brgy. Del Pilar, lungsod ng San Fernando, sa lalawigan ng Pampanga. Ayon sa ulat, sa pakikipagtulungan ng Intel/Station Drug Enforcement Unit, San Fernando CPS sa Regional Intelligence Unit 3 …
Read More »
Sa anti-crime drive ng Bulacan PNP
17 TIMBOG, P80-K DROGA NASABAT
ARESTADO ang 17 indibiduwal na binubuo ng pitong personalidad sa droga, pitong wanted na kriminal, at tatlong sangkot sa ilegal na sugal sa sunod-sunod na anti-criminality operations ng pulisya sa lalawigan ng Bulacan hanggang nitong Miyerkoles, 8 Enero. Ayon sa mga ulat na ipinadala kay P/Col. Satur Ediong, provincial director ng Bulacan PPO, isinagawa ng Station Drug Enforcement Unit ng …
Read More »Pagpanaw ni Mervin Guarte ikinalungkot ni Cayetano
LUBUSANG ikinalungkot si Senador Alan Peter Cayetano sa malagim na pagpanaw ni Mervin Guarte. Ayon sa senador, “isa siyang minamahal na kabataan na nagbigay ng karangalan sa ating bansa bilang gold medalist sa Southeast Asian Games at nagsilbi nang buong puso bilang Airman First Class sa Philippine Air Force.” Aniya, dahil sa isang walang saysay na karahasan, nawala sa atin …
Read More »
Sa Bulacan
KOMPISKADONG ILEGAL NA PAPUTOK AT PYROTECHNIC DEVICES ITINAPON
SA PAGSISIKAP na matiyak ang kaligtasan ng publiko at maiwasan ang ilegal na paggamit ng paputok, nagsagawa ang Bulacan Police Provincial Office, sa pamumuno ni PColonel Satur Ediong, sa pagtatapon ng mga nakompiskang ilegal na paputok at pyrotechnic device. Ang nasabing aktibidad ay dinalohan nina Atty. Jayric L. Amil, Secretariat Head ng PRB at Department Head ng Bulacan Provincial Cooperative …
Read More »
Sa Bulacan
20K TRABAHADOR TARGET NG AUTOCLAVED AERATED CONCRETE (ACC)
ISINAGAWA ang groundbreaking ceremony ng Philippine High Speed New Materials Company Inc., sa loob ng Racal Industrial City ang kauna-unahang pinakamalaking pagawaan ng “precast concrete products” sa Luzon sa bahagi ng Viola Highway, Brgy. Maronquillo, San Rafael, Bulacan. Pinangunahan ni 6th District congressional aspirant Jad Racal, kasama si San Rafael Incumbent Mayor Mark Cholo Violago, Builders Chairman/CEO Jonito Racal , …
Read More »
Supplemental budget nakabinbin
OPS NG PROV’L AT DISTRICT HOSPITALS, IBANG PAGAWAING BAYAN SA ZAMBO DEL NORTE POSIBLENG MATIGIL — GOV. NENE
ITO ang malalim na laman ng pahayag ni Governor Jalosjos sa media makaraang sumulat sa Sangguniang Panlalawigan ng Zamboanga del Norte si Gov. Rosalina “Nanay Nene” Jalosjos para aksiyonan ang hiling niyang supplemental budget upang may ipasuweldo sa mga contractual at job order na mga empleyado. Mula noong Oktubre hanggang ngayong buwan ng Disyembre ay hindi pa nakasusuweldo ang mga …
Read More »Pamanang kultural ibinida ng Bulacan sa PH Experience Program ng DOT
IPINAGMAMALAKI ang mayaman at makulay na kultura ng Bulacan, ibinida ng mga Bulakenyo ang pamanang kultural gaya ng pagkain, arkitektura, at sayaw matapos bumisita ni Department of Tourism (DOT) Secretary Christina Garcia Frasco sa lalawigan para sa Central Luzon Leg ng Philippine Experience Program: Cultural, Heritage, and Arts Caravan nitong Sabado, 14 Disyembre, sa La Consolacion University – Barasoain Campus …
Read More »
Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL
IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak anim na araw matapos pumasa sa Licensure Exam for Teachers (LET), nang pagbabarilin sa bayan ng Pikit, lalawigan ng Cotabato, nitong Miyerkoles ng hapon, 18 Disyembre. Ayon kay P/Maj. Arvin John Cambang, hepe ng Pikit MPS, pauwi mula sa kaniyang trabaho bilang tesorero ng Barangay …
Read More »Bulacan, ibinida ang kultural na pamana sa PH Experience Program ng DOT
IPINAGMAMALAKI ang mayaman at makulay na kultura ng Bulacan, ibinida ng mga Bulakenyo ang kanilang kultural na pamana gaya ng pagkain, arkitektura, at sayaw matapos bumisita ni Department of Tourism (DOT) Secretary Christina Garcia Frasco sa lalawigan para sa Central Luzon Leg ng Philippine Experience Program: Cultural, Heritage, and Arts Caravan noong Sabado, Disyembre 14, sa La Consolacion University – …
Read More »
Sa Bulacan
3 PUGANTE, 1 TULAK NAKALAWIT
SA PATULOY na operasyon kontra kriminalidad ng pulisya, nadakip ang tatlong nakatalang wanted person at isang hinihinalang tulak ng ilegal na droga, sa lalawigan ng Bulacan, nitong Miyerkoles, 18 Disyembre. Nasamsam din sa serye ng operasyon ang apat na plastic sachet ng hinihinalang shabu na tinatayang nagkakahalaga ng P48,960, at buybust money. Ayon sa ulat na ipinadala kay P/Col. Satur …
Read More »PNP nakaalerto, sa pagsisimula ng Simbang Gabi
GANAP na nakahanda ang Philippine National Police (PNP) upang matiyak ang kaligtasan at seguridad ng publiko dahil ang Simbang Gabi, isang itinatangi na tradisyon ng Pasko ng mga Filipino, ay nagsimula na nitong Lunes ng madaling araw, 16 Disyembre. Ang siyam na araw na serye ng mga misa sa madaling araw, na humahantong sa Araw ng Pasko, ay inaasahang magdadala …
Read More »
Kampeon sa pagpapaunlad ng mga kabataan
BULACAN, TUMANGGAP NG PAGKILALA MULA SA ECCD COUNCIL
Isa pang karangalan, na nagpapatunay ng pangako ng Pamahalaang Panlalawigan ng Bulacan sa ilalim ng pamamahala ni Gov. Daniel Fernando sa pagsusulong ng pagpapaunlad ng mga bata, ang iginawad sa lalawigan. Ginawaran ng plake ng pagkilala ng Early Childhood Care and Development (ECCD) Council ang lalawigan ng Bulacan para sa namumukod-tanging pagganap nito at napakahalagang kontribusyon sa pagtataguyod ng mga …
Read More »Anti-crime raid ikinasa sa Bulacan; 15 pugante, 4 tulak timbog
NASAKOTE ang may kabuuang 19 mga indibidwal, kung saan 15 ang mga wanted person at apat ang hinihinalang mga tulak, sa pinaigting na operasyon laban sa kriminalidad ng pulisya sa lalawigan ng Bulacan, hanggang nitong Linggo, 15 Disembre. Nasamsam din sa serye ng mga operasyon ang 16 sachet ng hinihinalang shabu na tinatayang nagkakahalaga ng P27,200; at buybust money. Ayon …
Read More »
Zamboanga jamborette ipinatigil
3 BOY SCOUTS NAKORYENTE SA TENT PATAY
10 sugatan naospital
HATAW News Team TATLONG miyembro ng Boy Scouts of the Philippines (BSP) ang namatay sa isinasagawang jamborette sa lungsod ng Zamboanga, nang makoryente nitong Huwebes ng umaga, 12 Disyembre. Lumabas sa inisyal na imbestigasyon na inutusan ang limang estudyante na ilipat ang isang tent mula sa gilid ng kalsada patungo sa camping area sa Freedom Park, sa Brgy. Pasonanca. Hindi …
Read More »
Sa bahagi ng Bulacan
KOTSE NAGLIYAB SA NLEX
ISANG kotse ang nasunog sa northbound lane ng North Luzon Expressway (NLEx) Viaduct area malapit sa Pulilan, Bulacan, kamakalawa, Sabado ng umaga. Ayon sa inisyal na ulat mula kay Lizel Uy, assistant manager para sa Traffic Control ng NLEX, napansin ng driver na habang nagmamaneho ay may amoy na parang nasusunog, dahilan upang huminto sila sa gilid ng kalsada. Habang …
Read More »
HATAW! D'yaryo ng Bayan hatawtabloid.com