Wednesday , May 7 2025

Front Page

Pamilyang Pinoy nakipaglibing sa NZ
SANGGOL, 6 PA PATAY SA VAN NA SUMALPOK SA TRUCK

pinoy new zealand accident

NANGHILAKBOT ang Filipino community sa insidente ng sumalpok na Hi-Ace van sa isang truck, ikinamatay ng pito katao na may limang Filipino kabilang ang isang sanggol, nitong Linggo ng umaga, 19 Hunyo, sa timog ng Picton, New Zealand.                 Sa ulat, sinabing ang pamilya ay binubuo ng tatlong henerasyon ng pamilyang Filipino-New Zealand na nakabase sa Auckland, may mga kaanak …

Read More »

Agri-sector tumagilid,
IMPORTASYON,  NIYAKAP NANG HUSTO NI DAR

062222 Hataw Frontpage

ni ROSE NOVENARIO NIYAKAP nang husto ni Agriculture Secretary William Dar ang ‘special importation’ kaya tumagilid ang sektor ng agrikultura. Sinabi ito ni Atty. Bong Inciong, pangulo ng United Broilers Raisers Association kasunod ng pagtatalaga ni President-elect Ferdinand Marcos, Jr., bilang agriculture secretary para matugunan ang krisis sa agrikultura. Ayon kay Inciong, sa lahat ng naging kalihim ng DA, tanging …

Read More »

Saudia Airlines plane nabalaho sa NAIA T1

Saudia Airlines plane nabalaho sa NAIA T1

NABALAHO ang Saudia Airlines flight SV862, may 420 pasahero at crew sa malambot at madamong bahagi ng Taxiway Charlie ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA) nang lumapag sa nasabing paliparan kahapon ng hapon. Ayon sa Manila International Airport Authority (MIAA), walang nasaktan sa mga pasahero at crew nang pumaling ang ang kanang bahagi ng landing gears habang nagmamaniobra ang eroplano …

Read More »

Gusali tinadtad ng BBM tarps
PIA CHIEF, KAPIT-TUKO SA PUWESTO

Ramon Cualoping PIA

MATINDI pa sa pagkit kung mangunyapit sa puwesto si Philippine Information Agency (PIA) Director-General Ramon Cualoping. Sa hangarin umanong manatili sa puwesto at ipakita ang kanyang ‘loyalty’ kay president-elect Ferdinand Marcos, Jr., tinadtad ni Cualoping ng mga tarpaulin na “Mabuhay PBBM!” ang loob at labas ng gusali ng PIA sa Visayas Ave., Quezon City para makita ng transition committee na …

Read More »

‘Additional, unnecessary stressor’
BADOY HINILING TANGGALAN NG LISENSIYA BILANG DOKTOR 

062122 Hataw Frontpage

ni ROSE NOVENARIO HINILING ng isang grupo ng mga doktor sa  Professional Regulation Commission (PRC) na tanggalin ang lisensiya ni anti-communist task force spokesperson Lorraine Badoy bilang manggagamot dahil sa red-tagging. Sa kanilang reklamo, sinabi nilang nilabag ni Badoy ang code of conduct and ethical standards of the medical profession sa kanyang walang habas na red-tagging, hindi lamang sa kapwa …

Read More »

CAAP namigay ng help kits

CAAP

NAMAHAGI ng Malasakit Help Kits ang pambansang aviation regulator sa mga paliparang nasa ilalim ng kanilang superbisyon. Ayon kay Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) spokesman Eric Apolonio, binigyan ng freebies ang mga biyaherong tatay (traveling fathers) para sa espesyal na Father’s Day. Sa kabila ng limitadong bilang ng Malasakit Help Kits ay maayos na naipamigay ng Malasakit Help …

Read More »

Sa pagtalaga kay Enrile sa Marcos cabinet,
PEOPLE POWER MOVEMENT WINAKASAN 

Juan Ponce Enrile Bongbong Marcos

TAPOS na ang kilusang People Power. Ito ang mensaheng nais iparating ni President-elect Ferdinand Marcos, Jr., sa pagtalaga kay dating Sen. Juan Ponce-Enrile bilang kanyang Chief Presidential Legal Counsel, ayon kay UP Political Science Professor Jean Encinas-Franco sa panayam sa programang The Chiefs sa One PH kamakalawa. “It could also be saying that you know, wala na ‘yung EDSA. Kita …

Read More »

Supresyon iwinasiwas,
PANGIL VS PRESS FREEDOM ‘ISINUNGAW’ NI MARCOS, JR.

062022 Hataw Frontpage

ni ROSE NOVENARIO HINDI pa man opisyal na nakaluklok sa Palasyo ay ‘isinusungaw’ na ng incoming administration ni President-elect Ferdinand Marcos, Jr., ang ‘pangil’ laban sa mga mamamahayag na kritikal sa kanilang pamilya. Sinibak kamakalawa bilang kolumnista ng Phil. Daily Inquirer ang ekonomista at UP professor emeritus Solita “Winnie” Monsod dahil sa umano’y conflict of interest. Ang mga pitak ni …

Read More »

P7.9-B One COVID-19 Allowance ‘di pa natatanggap ng health workers

Money DBM DOH

 ni ROSE NOVENARIO HINDI pa natatanggap ng mayorya ng health workers sa private hospitals ang kanilang One COVID-19 Allowance kahit na-release na ng Department of Budget and Management (DBM) ang P7.9 bilyon budget nito sa Department of Health (DOH). “Actually, iyon ang ikinalulungkot din ng ating mga health care workers ano po. Lagi pong sinasabi ng Department of Health (DOH), …

Read More »

PNP, NTF-ELCAC, sinopla ni Guevarra

NTF-ELCAC

ni ROSE NOVENARIO DALAWANG linggo bago bumaba sa puwesto, sinopla ni Justice Secretary Menardo Guevarra ang mga pahayag ng Philippine National Police  (PNP)  at National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC) kaugnay sa mga progresibong grupo. Pinaalalahanan ni Guevarra si acting PNP chief Lt. Gen. Vicente Danao na hindi esklusibong karapatan ng mga tagasuporta ni president-elect Ferdinand …

Read More »

Bilibid  ililipat sa Tanay, JVA housing project bubuwagin – DENR

nbp bilibid

INIIMBESTIGAHAN ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) ang JVA Housing Project sa lupang inilaan ng lokal na pamahalaan upang paglipatan ng New Bilibid Prison at Regional Office ng DENR sa bayan ng Tanay, lalawigan ng Rizal. Ayon sa kagawaran, ang nabanggit na lupa ay bahagi ng Lot 10 na nakapangalan sa Republika ng Pilipinas at may lawak na …

Read More »

P100 ransom money naitakas
2 MIYEMBRO NG KFR GROUP TODAS SA PNP CALABARZON 

P100 ransom money naitakas 2 MIYEMBRO NG KFR GROUP TODAS SA PNP CALABARZON Edwin Moreno

PATAY ang dalawang miyembro ng kidnap-for-ransom (KFR) group habang nakatakas ang dalawa nilang kasama sa enkuwentro ng mga kagawad ng CALABARZON PNP at PNP AKG nitong Lunes ng umaga, sa bayan ng Pililia, lalawigan ng Rizal. Sugatan din ang pulis na si Pat. Joshua Lingayo  matapos tamaan ng bala sa tiyan at kasalukuyang nagpapagaling sa pagamutan. Samantala, ligtas na nabawi …

Read More »

MMDA handa sa Oplan Balik Eskuwela 2022-2023

MMDA, NCR, Metro Manila

NAKAHANDA ang Metropolitan Manila Developmwnt Authority (MMDA) para sa Oplan Balik Eskuwela sa 2022-2023. Kinompirma ng MMDA, handa sila para sa Oplan Balik Eskwela 2022 para matiyak na ligtas ang pagpapatuloy ng 100% face-to-face classes sa buong bansa sa buwan ng Agosto. Ayon kay Atty. Victor Nuñez, pinuno ng MMDA Traffic Discipline Office (TDO) – Enforcement, nakatuon ang ahensiya na …

Read More »

Kompiyansa sa sining ng Filipinas,
CAYETANO TIWALANG KAYANG MAGING WORLD-CLASS NG LOCAL ARTISTS

Alan Peter Cayetano

TIWALA si Senator-elect Alan Peter Cayetano na katulad ng South Korea, sisikat din sa buong mundo ang sining at kultura ng Filipinas. “Alam mo ‘yung pinagdaanan natin pagdating sa performing arts, sa [visual] arts, sa maraming bagay, sa mga produkto, pinagdaanan ng Korea ‘yan,” pahayag ni Cayetano sa kanyang talumpati nang pasinayaan ang “Back in the Day,” isang art exhibit …

Read More »

Pakikilahok ng LGUs sa edukasyon dapat paigtingin

deped Digital education online learning

ISINUSULONG ni Senador Win Gatchalian ang mas aktibong pakikilahok ng mga lokal na pamahalaan sa paghahatid at pag-angat ng kalidad ng edukasyon sa bansa. Tinukoy ni Gatchalian ang ilang mahahalagang papel na ginampanan ng mga lokal na pamahalaan sa pagpapatuloy ng edukasyon sa gitna ng pandemya. Ayon sa senador, mas agarang natutugunan ng mga lokal na pamahalaan ang pangangailangan ng …

Read More »

Senator-elect Robin Padilla ‘namasyal’ sa Senado para sa isang briefing

Robin Padilla Senate

ISINAILALAIM sa briefing si Senator-elect Robin Padilla sa legislative department ng senado upang malaman ang mga proseso sa paggawa ng batas at mga nangyayari sa senado. Matapos ang isinagawang briefing kay Padilla, agad siyang inikot sa session hall at sa iba’t ibang mga tanggapan sa senado. Bukod doon ay nag-enrol din sa Development Academy of the Philippines (DAP) si Padilla …

Read More »

Talpakan pinagsisihan, i am sorry – Duterte

061522 Hataw Frontpage

PINAGSISIHAN ni outgoing President Rodrigo Duterte na pinayagan niya ang operasyon ng online sabong o talpakan kahit may ulat na may mga nawawalang sabungero. “On e-sabong, I am sorry, I realized it late,” sabi ni Duterte sa kanyang talumpati matapos mag-inspeksiyon sa main campus ng National Academy of Sports sa New Clark City, Capas, Tarlac. “It was at P600 million …

Read More »

198 live Tarantulas ‘naharang’ sa NAIA

Customs BOC NAIA Tarantula

IPINAHINTO ng Bureau of Customs (BoC) Port of NAIA ang palabas na kargamento ng iba’t ibang laki ng mga tarantula na mali ang pagkakadeklara bilang ‘thermos mug’ mula sa isang bodega na malapit sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) sa lungsod ng Pasay, napag-alaman sa ulat kahapon. Ang palabas na shipment na idineklara bilang ‘Thermos Mug’ sa DHL Express warehouse …

Read More »

Palasyo nagalak
45 BI PERSONNEL SIBAK SA PASTILLAS SCAM

061422 Hataw Frontpage

ni ROSE NOVENARIO NAGALAK ang Palasyo sa utos ng Office of the Ombudsman na sibakin sa serbisyo ang 45 opisyal at ahente ng Bureau of Immigration (BI) na sangkot sa “pastillas scam.” Ayon kay acting Presidential Spokesman at Communications Secretary Martin Andanar, ang desisyon ng Ombudsman ay patunay na walang sacred cow sa kampanya ng administrasyong Duterte kontra korupsiyon. “We …

Read More »

QC wagi sa good financial housekeeping

QC quezon city

MULI na namang nakapagtala ng panibagong karangalan ang Quezon City government sa pagpasa nito sa Good Financial Housekeeping criteria for the year 2021 ng Department of the Interior and Local Government (DILG). Sa huling tala ng DILG kasama ang Quezon City sa anim na siyudad kabilang ang Las Piñas, Makati, Muntinlupa, Pasay at Pasig City na pumasa sa Good Financial …

Read More »

International flights na naapektohan ng Mt. Bulusan balik-operation na

plane Control Tower

MATAPOS maapektohan ng phreatic eruption at volcanic activity ng Mt. Bulusan sa Bicol region, nag-anunsyo ang foreign airlines na ipagpapatuloy na nila ang flight operations ngayong Lunes.                Ayon sa Manila International Airport Authority (MIAA), ang operator ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA), nagbigay abiso ang ilang foreign airlines na naka-re-schedule ang nakanselang flights nitong Linggo, 12 Hunyo, nag-resume ang …

Read More »

P5 dagdag pasahe hirit ng transport group

jeepney

UMAASA ang isang transport group na magkaroon ng ‘sense of urgency’ ang pamahalaan at papayagan ang hirit na P5 (limang pisong) dagdag sa minimum fare na kanilang inihain noon pang Enero 2022. Sa panayam sa programang Sa Totoo Lang sa One PH kagabi, nanawagan si Mar Valbuena,  pangulo ng transport group na MANIBELA, sa Land Transportation Franchising and Regulatory Board …

Read More »

 ‘Lumipad’ mula flyover  
RIDER, ANGKAS PATAY PAGBAGSAK SA RILES NG MRT 

road traffic accident

ni Brian Bilasano HINDI nakaligtas sa kamatayan ang rider at ang kanyang angkas na tila ‘lumipad’ mula sa Aurora Blvd. (Tramo) flyover pabagsak sa riles ng MRT-3 sa pagitan ng mga estasyon ng Magallanes at Taft, sa Pasay City, kagabi, 12 Hunyo. Dahil sa insidente, napilitang suspendehin ang operasyon ng MRT-3 dakong 6:37 pm habang nagreresponde ang emergency personnel. Wala …

Read More »

ALMA, MARINA employees kay Marcos
MARINA CHIEF EMPEDRAD PANATILIHIN 

Robert Empedrad MARINA ALMA

NANAWAGAN ang mga kawani ng Maritime Industry Authority (MARINA) kay President-elect Ferdinand Marcos, Jr., na huwag palitan si ret. Vice Admiral Robert Empedrad bilang pinuno ng kanilang ahensiya para maipagpatuloy ang mga naumpisahang reporma sa maritime industry. Sinabi ni Capt. Jeffrey Solon, Deputy Executive Director sa Standards of Training, Certification, and Watchkeeping (STCW) Office ng MARINA, aprub din sa mga empleyado …

Read More »