Saturday , December 13 2025

Front Page

Orasyon vs Bradley itinanggi ni Pacmom

PINALAGAN ni Mommy Dionisia, ang celebrated mother ni 8-division world champion Manny “Pacman” Pacquiao, ang ulat na gumamit siya ng orasyon laban kay Timothy Bradley, Jr., habang nanonood ng laban ng dalawa sa MGM, Las Vegas. Mariin itinanggi ni Mommy D na gumamit siya ng “spell” o orasyon para matalo si Bradley. Paliwanag ng ina ng Filipino ring icon, pawang …

Read More »

Napoles tumatagal sa ospital (Operasyon binibinbin?)

KUKWESTYUNIN ng prosekusyon ang tumatagal na pananatili ni Janet Lim-Napoles sa Ospital ng Makati (OsMak), at hindi pa rin naooperahan. Ayon kay Special Prosecutor Christopher Garvida, sa susunod na linggo ay matatapos na ang ibinigay na 26 araw ng Makati Regional Trial Court (RTC) Branch 150 para maoperahan si Napoles. Para kay Garvida, kung hindi maisasagawa ang surgery ay mainam …

Read More »

‘President Roxas’ joke lang — Palasyo

JOKE lang at hindi pamumulitika ang pagtawag na “President Roxas” kay Interior Secretary Mar Roxas sa pagtitipon na namahagi ang kalihim ng halagang P2-B proyekto sa mga lugar na sinalanta ng bagyong Yolanda. Depensa ito ni Deputy Presidential Spokesperson Abigail Valte sa mga bumatikos sa tila maagang pamumulitika ng Liberal Party nang tawagin na “President Roxas” ang DILG secretary ni …

Read More »

125 preso nag-hunger strike sa CDO

CAGAYAN DE ORO CITY – Mas lalo pang hinigpitan ngayon ang ipinatutupad na seguridad sa Cagayan de Oro-Lumbia City Jail sa lungsod ng Cagayan de Oro. Ito’y bunsod ng isinasagawang hunger strike ng 125 inmates na mga miyembro ng grupong tinaguriang “Batang Mindanao” (BM-29) sa nasabing kulungan. Inihayag ni City Jail Warden Supt. Erwin Kenny Ronquillo, totoong hindi tinanggap ng …

Read More »

P50 pusta ‘di binayaran padyak boy tinarakan

KRITIKAL ang kalagayan sa pagamutan ng 32-anyos  pedicab driver makaraang pagsasaksakin ng kanyang nakapustahan sa labanang Pacquiao- Bradley kamakalawa ng hapon,  sa Navotas City. Inoobserbahan sa Tondo General Hospital (TGH) ang biktimang kinilalang si Jonathan Parcia, 32,  residente  ng Phase 1-B, North Bay Boulevard South (NBBS) ng nasabing  lungsod, sanhi ng mga saksak sa iba’tibang bahagi ng katawan. Agad naaresto …

Read More »

Magsasaka, baboy todas sa koryente (Nagpaligo ng mga alaga)

CAUAYAN CITY, Isabela – Patay ang isang magsasaka nang tangkain saklolohan ang kanyang mga alagang baboy na nakoryente sa Brgy. Alunan, Quezon, Isabela. Kinilala ang biktimang si Mark Jay Abon, 20, may-asawa, magsasaka at residente sa  nasabing lugar. Si Abon ay nagtungo sa kanyang piggery ilang metro ang layo mula sa kanilang bahay upang linisin ang kulungan ng kanyang mga …

Read More »

Pag-ibig mensahe ng Palm Sunday – Tagle

BINASBASAN ng pari ang mga palaspas ng mga deboto bilang hudyat ng Semana Santa sa Redemptorist Church, Baclaran, Paranaque City. (JIMMY HAO) MAS mabibigyan nang kabuluhan ang paggunita ng mga mananampalataya ng Semana Santa sa pamamagitan nang pagtulong sa kanilang kapwa. Sa kanyang mensahe, hinimok ni Manila Archbishop Luis Antonio Cardinal Tagle ang mga kababayan na isabuhay ang mga aral hinggil …

Read More »

Laptop bawal sa Bar exam-SC

HINDI  pinayagan  ng  Korte Suprema ang paggamit ng laptop sa panahon ng Bar Examinations. Sa en banc resolution noong April 1, ibinasura ng Kataas-taasang Hukuman ang kahilingan  ng isang  Cora C. Amarga na pahintulutan  ang paggamit ng laptop ng mga examinee. Paliwanag ng SC, walang balido at walang kapani-paniwalang dahilan  upang  pagbigyan  ang petisyon ni Amarga na naglalayong magamit ang …

Read More »

8 patay, 14 sugatan sa karambola ng 4 sasakyan

DAVAO CITY – Patay ang walo katao, kabilang ang isang sanggol, habang 14 ang sugatan sa banggaan ng apat na sasakyan sa bahagi ng Ma-a Diversion road  dakong 8 p.m. kamakalawa. Batay sa inisyal na imbestigasyon, nawalan ng preno ang truck kaya nabangga ang mga sasakyang sinusundan kabilang na ang puting Tamaraw FX na may lulang 15 katao. Kinilala ang …

Read More »

Bradley KO kay PacMan (Palasyo ‘pumusta’)

UMAASA ang Palasyo na mapatutumba ni pambansang kamao Manny Pacquiao ang katunggaling si Timothy Bardley, Jr., sa kanilang rematch ngayon sa Las Vegas, Nevada. “Ang mensahe po natin doon sa Pambansang Kamao ay umaasa po tayong isa na namang pagtumba ang mangyayari at mananaig. Confident tayo na mananaig si Manny Pacquiao over Timothy Bradley,” ani Deputy Presidential Spokesperson Abigail Valte. …

Read More »

P20-M patong vs Tiamzons isinubi ni Gazmin, Roxas (Bayan Muna Rep. hinamon ng Palasyo)

HINAMON ng Palasyo si Bayan Muna Rep. Isagani Zarate na maglabas ng katibayan sa kanyang alegasyong ibinulsa ng dalawang miyembro ng Gabinete ang reward money para sa pagdakip sa matataas na opisyal ng kilusang komunista sa bansa. Kinuwestiyon ni Deputy Presidential Spokesperson Abigail Valte ang batayan ni Zarate sa pagbibintang kina Defense Secretary Voltaire Gazmin at Interior Secretary Mar Roxas …

Read More »

Cabañero inasunto ng pageant organizer

Kinasuhan ng organizer ng Miss Bikini Philippines pageant ang dating kandidatang si Roxanne Cabañero. Humirit ang Slimmers World International ng P1 milyon  danyos para sa paulit-ulit na pagbanggit ni Cabañero sa pangalan ng organisasyon at sa Miss Bikini Philippines sa inihaing reklamo at mga panayam kaugnay ng umano’y panggagahasa sa kanya ng aktor na si Vhong Navarro. Nakasaad sa kasong …

Read More »

Deniece, Cedric 5 pa no bail (Mosyon vs illegal detention ibinasura)

WALANG piyansa ang serious illegal detention na kinakaharap nina Deniece Cornejo, Cedric Lee at limang iba pang akusado. Naghain ng motion for the determination of probable cause ang kampo nina Lee at Cornejo ukol sa kasong serious illegal detention na iniakusa ng aktor na si Ferdinand “Vhong” Navarro. Ngunit ilang minuto makaraan ang pagsusumite ng mosyon, ipinabalik ito ng Taguig …

Read More »

Rape case vs Vhong Ibinasura ng DoJ (Cedric, Deniece pasok sa illegal detention)

TULUYAN nang ibinasura ng Department of Justice (DoJ) ang kasong rape na isinampa ng modelong si Deniece Cornejo laban sa TV host/actor na si Vhong Navarro. Ito’y batay sa inilabas na resolusyon ng panel of prosecutors na may hawak sa kaso. Kasabay nito, isinampa na ang kasong serious illegal detention at grave coercion laban kina Cornejo, Cedric Lee at iba …

Read More »

Chief of staff ng Bulacan board member todas sa tandem

AGAD binawian ng buhay ang chief of staff ng board member ng lalawigan ng Bulacan makaraan pagbabarilin ng dalawang lalaking lulan ng motorsiklo habang minamaneho ang kanyang Bes-ta van sa Brgy. Longos, sakop ng bayan ng Calumpit, Bulacan kahapon ng umaga. Tadtad ng tama ng bala sa katawan ang biktimang si Edwin Inocencio, 35, may-asawa, residente ng Brgy. San Sebastian, …

Read More »

P50K dagdag ng ALAM sa pabuya vs killer ni Garcia (Patong sa ulo ng killer P150K na)

MAGBIBIGAY  ng karagdagang P50,000 ang Alab ng Mamamahayag (ALAM) sa sino mang makapagtuturo sa mga responsable sa pagpatay sa reporter ng Remate tabloid na si Rubie Garcia. Bunsod nito, aabot na sa P150,000 ang nakalaang pabuya sa makapagbibigay ng impormasyon para sa ikadarakip sa mga suspek sa krimen. Ayon kay ALAM national chairman Jerry Yap, handang magbigay ang nasabing grupo …

Read More »

BIR kay Pacman: Tax case huwag isipin sa laban

ILANG araw bago ang nakatakdang rematch ni Manny Pacquiao kay WBO welterweight champion Timothy Bradley Jr., nagbigay ng kanyang “good luck” wish si Bureau of Internal Revenue (BIR) Commissioner Kim Henares sa Filipino ring icon. Ayon kay Henares, malaki ang tiyansa ni Pacquiao na manalo kontra kay Bradley basta’t huwag isipin ang kanyang kinakaharap na kasong tax evasion. Sa katunayan, …

Read More »

79-anyos lola pinatay anak, 2 apo arestado (Napagkamalan na aswang)

ZAMBOANGA CITY – Huli sa follow-up operation ng pulisya ang isang babae at dalawa niyang anak na lalaki makaraan pagtulungan tagain hanggang mapatay ang 79-anyos sariling ina sa Brgy. Moraji, Josefina, Zamboanga del Sur. Ayon sa ulat mula sa Josefina Municipal police station, binisita ng biktima na si Helaria Montepon Gumilid ang kanyang apo na may problema sa pag-iisip. Lumalabas …

Read More »

Veterans ‘luhaan’ kay PNoy (Sa Araw ng Kagitingan)

PINANGUNAHAN ni Pangulong Benigno Aquino III ang paggunita sa ika-72 anibersaryo ng Araw ng Kagitingan sa Mt. Samat Shrine sa Pilar, Bataan kahapon. (JACK BURGOS) “LUHAAN” ang mga beterano kahapon nang walang ihayag na magandang balita si Pangulong Benigno Aquino III sa ika-72 anibersaryo ng Araw ng Kagitingan. Walang inihayag si Pangulong Aquino na dagdag sa pensyon at benepisyo sa …

Read More »

Mas talamak na abortion ikinabahala ng CBCP sa RH Law

NABABAHALA ang Simbahang Katolika dahil sa maaaring paglaganap ng problema sa abortion  ngayong idineklarang Konstitusyonal ang Responsible Parenthood and Reproductive Health Act of 2012, mas kilala bilang Reproductive Health law. Ito ang agam-agam ni Baguio Bishop Carlito Cenzon sa  dahilan  hindi tinutupad ng pamahalaan   ang nakasaad sa 1987 Philippine Constitution na tungkuling protektahan ang buhay ng ina at sanggol mula …

Read More »

Cavite-PNP sablay sa Rubie slay suspect

IPINAKIKITA ni PNP Cavite Provincial Director, Sr. Supt. Joselito Teodoro Esquivel, Jr., kay Cavite Governor Jonvic Remulla ang cartographic sketch ng isa sa mga itinuturong gunman sa pagpatay kay Remate reporter Rubie Garcia, sa PNP Cavite Provincial Headquarters sa Imus, Cavite. (JERRY SABINO) DINAKIP ng mga awtoridad sa Cavite ang isang lalaki kaugnay sa pagbaril at pagpatay sa mamamahayag na …

Read More »

Bebot timbog sa P12-M shabu

CAGAYAN DE ORO CITY – Patuloy na iniimbestigahan ng mga operatiba ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA-10) ang isang babae na nahuli sa delivery entrapment operation sa loob ng department store sa lungsod ng Iligan kamakalawa ng gabi. Kinilala ang suspek na si Ashlea Sambetore, residente sa nasabing lugar. Ayon kay PDEA agent Ben Calibre, nakuha nila sa posisyon ng …

Read More »

21 baboy nalitson sa sunog

ILOILO CITY – Umaabot sa 21 alagang baboy ang nalitson sa nangyaring sunog sa Brgy. Maribong, Lambunao, Iloilo. Sa imbestigasyon ng mga awtoridad, unang nasunog ang isang bahay na pag-aari ni Rosalia Linggaya at kumalat ang apoy sa katabing piggery na nasa likod lamang ng kanyang bahay. Ang piggery ay pag-aari ng isang Melchor Enriquez. Sa inisyal na imbestigasyon ng …

Read More »