Friday , December 9 2022

Dinky lusot, De Lima bigo pa rin sa CA

LUSOT na sa committee level ng Commission on Appointments (CA) si Department of Social Work and Development (DSWD) Secretary Dinky Soliman.

Sa ikatlong pagharap ni Soliman sa committee on labor, employment and social welfare ng CA, hindi na masyadong nahirapan si Soliman na kombinsihin ang mga kongresista at senador na miyembro ng komisyon.

Tila nagsawa na rin sila dahil makaraan ang dalawang ulit na na-deferred ang kompirmasyon ni Soliman ay inirere-appoint lang siya ni Pangulong Benigno Aquino III.

Sa mosyon ni Cong. Rodolfo Fariñas, walang tumutol kaya inirekomenda na ng komite ang kompirmasyon ni Soliman sa plenary deliberations ng CA.

Samantala, nabigo si Justice Secretary Leila De Lima na makuha ang kompirmasyon ng CA bunsod ng mga pagtutol sa pagiging kalihim ng Department of Justice.

Isinalang si De Lima sa CA committee on justice and judicial and bar council kahapon ngunit dahil sa mga pagtutol ay sinuspendi ang pagdinig at nakatakdang ituloy sa susunod na linggo.

Sa pagharap ni De Lima sa CA ay agad nakaharap ang ilang tumututol sa kanyang kompirmasyon kabilang na si Whistleblower Association of the Philippines President Sandra Cam.

Bukod kay Cam ay nakatikim din ng paggisa si De Lima mula sa akusado ng pork barrel scam na si Sen. Jinggoy Estrada. Tinanong ni Estrada si De Lima kaugnay sa impormasyong tumanggap siya ng P1 milyon allowance bawat buwan mula sa Pagcor noong siya ay chairperson pa lamang ng Commission on Human Rights (CHR) alinsunod sa kautusan ni dating Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo.Itinanggi ito ni De Lima sa pagsasabing hindi P1 milyon kundi nasa P500,000 lamang ang tinatanggap ng CHR bilang intelligence fund at hindi bawat buwan kundi quarterly.

(CYNTHIA MARTIN/NIÑO ACLAN)

About hataw tabloid

Check Also

RDF geocycle Holcim Angono Rizal

Sa Angono, Rizal
BASURA GINAMIT BILANG GASOLINA

KASALUKUYANG gamit ng lokal na pamahalaan ng Angono, sa lalawigan ng Rizal, ang modernong teknolohiya …

Bulacan

Sa ika-22 Gawad Kalasag
“BEYOND COMPLIANT SEAL OF EXCELLENCE” IGINAWAD SA BULACAN

NILAMPASAN ng lalawigan ng Bulacan ang pamantayan para sa pagtatayo at pagresponde ng Local Disaster …

120922 Hataw Frontpage

Sa 2022 World Weightlifting Championships
3 GINTONG MEDALYA HINAKOT NI HIDILYN

HINAKOT ni Weightlifting champ Hidilyn Diaz ang tatlong Gintong Medalya sa katatapos na World Weightlifting …

Money Bagman

Kahit hindi kunin ang pondo sa SSS at GSIS
MAHARLIKA WEALTH FUND BEHIKULO NG KORUPSIYON — GABRIELA PARTYLIST REP

HINDI pinalusot ni Gabriela Rep. Arlene Brosas ang tangkang pagsalba sa kontrobersiyal na Maharlika Wealth …

Online Sexual Exploitation of Children OSEC

Sa buong mundo
PH NO. 1 SA CHILD SEX EXPLOITATION

PANGUNAHING pinagmumulan at destinasyon ng child trafficking at pagbebenta ang Filipinas dahil walang pangil ang …

Leave a Reply