3 high risk prisoners sa hi-end hospitals inamin ng BuCor

KINOMPIRMA ng pamunuan ng Bureau of Correction (BuCor) ang pagpapagamot ng ilang high profile na preso sa ilang mga pribadong ospital noong nakaraang Mayo.

Napag-alaman na tatlong high profile prisoners ng New Bilibid Prison ang dinala sa pagamutan.

Ayon kay BuCor Director Franklin Bucayu, nakalabas ng NBP para magpagamot sina Herbert โ€œAmpangโ€ Colangco at Amin Buratong.

Sinabi ni Bucayu na sa Asian Hospital nagpagamot si Colangco habang sa Medical City si Buratong ngunit nakabalik na sila sa piitan.

Giit ni Bucayu, kailangan ng mga espesyalistang doktor dahil hindi pangkaraniwan ang sakit ng dalawang bilanggo.

Dagdag ni Bucayu, ang nangyari ay isang emergency medical case dahil โ€œlife threateningโ€ ang kalagayan ng dalawang preso at silaโ€™y sumailalim sa operasyon.

Inihayag din ng opisyal na sa paglabas ng dalawang high-profile na preso ay kasama ang kanilang gwardiya.