Tuesday , November 29 2022

Lover ni misis pinugutan ni mister

NANGHILAKBOT ang mga taong nakasaksi nang biglang tagpasin ng isang mister ang ulo ng isang lalaki na pinaghihinalaan niyang kalaguyo ng kanyang misis sa isang tindahan sa Sapang Palay, San Jose del Monte City, Bulacan kamakalawa.

Kinilala ng pulisya ang biktimang si Ronell Patangan, residente sa Magra Road, Brgy. Bagong Buhay, sa nasabing lugar.

Ayon kay PO3 Christian Atendido, may hawak ng kaso, pinatay ng suspek na si  Jun Diaz sa Sampol Market, ang biktima dahil sa tsismis na may relasyon sa kanyang misis.

Nabatid na dahil sa nasabing tsismis ay iniwasan ng biktima na magpanagpo ang landas nila ng suspek na nagbantang kapag nag-krus ang kanilang landas ay may masamang mangyayari.

Sa hindi inaasahang pagkakataon, habang naglalaro ng video games ang biktima sa isang tindahan sa Brgy. Bagong Buhay, sa naturang siyudad, naispatan siya ng suspek.

Naging abala ang biktima sa paglalaro kaya hindi napansin ang papalapit na suspek na noon ay kargado ng matalas na patalim sa baywang

Sa harap ng nagulantang na mga tao, biglang inilabas ng suspek ang dala-dalang armas at walang pakundangang tinagpas sa leeg ng biktima hanggang mapugot ang ulo.

Kasalukuyang tinutugis ng pulisya ang nasabing suspek.

(MICKA BAUTISTA/DAISY MEDINA)

About hataw tabloid

Check Also

Quezon City QC

QMC idineklarang child labor-free zone — Belmonte

KASABAY nang pagdiriwang ng National Children’s Month, idineklara ng lokal na pamahalaan ng Quezon City …

electricity meralco

Power rate hike nakaamba,
TRO NG CA SA SMC POWER RATE PETITION, IREKONSIDERA – FM JR.

UMAASA si Pangulong Ferdinand R. Marcos, Jr., na muling isasaalang-alang ng Court of Appeals (CA) …

Ikaw, Ako at BoC Puno ng Kinabukasan Customs

Ikaw, Ako at BoC:
Puno ng Kinabukasan

PINANGUNAHAN ni Customs Commissioner Yogi Filemon Ruiz ang nationwide tree planting program ng Bureau of …

112822 Hataw Frontpage

Track record mantsado,
LEDESMA SA PHILHEALTH ‘NO CLEAN BILL’ — HEALTH WORKERS

KINUWESTIYON ng health workers mula sa Health Alliance for Democracy (HEAD) ang pagtalaga ni Pangulong …

Mandaue Cebu Fire

Coastal community tinupok ng apoy
700 PAMILYA NAWALAN NG TAHANAN SA MANDAUE

HINDI bababa sa 700 pamilya ang nawalan ng masisilungan nang sumiklab ang malaking sunog sa …

Leave a Reply