Saturday , December 10 2022

P38-M extort try kay Napoles alam ni Jinggoy (Sabi ni PNoy)

IBINULGAR ni Pangulong Benigno Aquino III kahapon na maaaring may nalalaman si Sen. Jinggoy Estrada sa tangkang pangingikil ng P38-M kay pork barrel scam queen Janet Lim-Napoles noong nakalipas na taon.

Ginawa ng Pangulo ang pahayag isang araw matapos usisain ni Estrada si Justice Secretary Leila de Lima sa confirmation hearing sa Senado hinggil sa liham na natanggap ng Punong Ehekutibo mula kay Napoles ilang buwan bago pumutok ang pork barrel scam.

Inamin ni Pangulong Aquino sa panayam sa media sa Diamond Hotel na may natanggap siyang liham mula kay Napoles na may petsang Abril 17, 2013 na nanghihingi ng tulong dahil magkasama ang abogado ni Benhur Luy na si Atty. Levi Baligod at ret. Gen. Rodolfo Diaz na nanghihingi sa kanya sa pamamagitan ng abogado niyang si Atty. Freddie Villamor ng P38-M kapalit nang pag-atras ng illegal detention case at masamang publisidad laban sa kanya.

“Yung sa fourth paragraph, baka dapat tanungin natin si Senator Jinggoy, ano. Kasi ang nakalagay dito ‘yung fourth paragraph and I’ll just quote from the letter: “Thereafter, Atty. Levito Baligod, lawyer of the Luy family, together with the retired General Rodolfo Diaz demanded the amount of 38-million pesos from through our lawyer, Atty. Freddie Villamor, in exchange for the dropping of said false charges and bad media publicity,” anang Pangulo.

Ipinahiwatig ng Pangulo na kung si Diaz ang dating hepe ng Presidential Security Group (PSG) noong administrasyong Estrada, posibleng mas may nalalaman si Jinggoy sa tangkang pangingikil kay Napoles.

“Si—ewan ko lang kung ito ‘yung General Diaz na dating namumuno ng PSG noong panahon ni President Erap. So baka mas may alam sa atin si Senator Jinggoy,” giit ng Pangulo.

(ROSE NOVENARIO)

About hataw tabloid

Check Also

RDF geocycle Holcim Angono Rizal

Sa Angono, Rizal
BASURA GINAMIT BILANG GASOLINA

KASALUKUYANG gamit ng lokal na pamahalaan ng Angono, sa lalawigan ng Rizal, ang modernong teknolohiya …

Bulacan

Sa ika-22 Gawad Kalasag
“BEYOND COMPLIANT SEAL OF EXCELLENCE” IGINAWAD SA BULACAN

NILAMPASAN ng lalawigan ng Bulacan ang pamantayan para sa pagtatayo at pagresponde ng Local Disaster …

120922 Hataw Frontpage

Sa 2022 World Weightlifting Championships
3 GINTONG MEDALYA HINAKOT NI HIDILYN

HINAKOT ni Weightlifting champ Hidilyn Diaz ang tatlong Gintong Medalya sa katatapos na World Weightlifting …

Money Bagman

Kahit hindi kunin ang pondo sa SSS at GSIS
MAHARLIKA WEALTH FUND BEHIKULO NG KORUPSIYON — GABRIELA PARTYLIST REP

HINDI pinalusot ni Gabriela Rep. Arlene Brosas ang tangkang pagsalba sa kontrobersiyal na Maharlika Wealth …

Online Sexual Exploitation of Children OSEC

Sa buong mundo
PH NO. 1 SA CHILD SEX EXPLOITATION

PANGUNAHING pinagmumulan at destinasyon ng child trafficking at pagbebenta ang Filipinas dahil walang pangil ang …

Leave a Reply