Friday , December 5 2025

Front Page

Napoles tinanggalan ng matres, 2 obaryo

NAGING matagumpay ang isinagawang operasyon kay Janet Lim-Napoles kahapon ng umaga. Sinabi ni Dr. Efren Domingo, obstetrician-gynecologist na nagsagawa ng operasyon kay Napoles, tumagal ng dalawang oras ang operasyon. Dakong 8 a.m. nang operahan ang tinaguriang pork barrel scam queen at natapos ng 10 a.m. Ayon kay Domingo, kanilang tinanggal ang buong matres at dalawang obaryo ni Napoles. Nagrerekober na …

Read More »

Almendras isinugo ni PNoy sa HK (Para sa hostage crisis closure)

ISINUGO ni Pangulong Benigno Aquino III si Cabinet Secretary Rene Almendras sa Hong Kong kamakalawa ng gabi upang masungkit ang inaasam na “closure” sa isyu ng 2010 Luneta hostage crisis. “Wala akong konkretong impormasyon hinggil sa itinerary ni Secretary Almendras. Ang batid ko lang at batid din natin, siya ang inatasan ng ating Pangulo na maging point person sa bagay …

Read More »

51-anyos Pinay nurse pinatay ng 24-anyos Kanong BF

BINARIL at napatay ang 51-anyos Filipina nurse ng kanyang 24-anyos boyfriend nitong Linggo sa Clearwater, Florida. Si Josephine Austria ay nagdiriwang ng birthday party sa kanilang bahay nang barilin ng kanyang boyfriend na si Alexander Richardson, dakong 1 a.m. Ayon sa pulisya, si Austria ay idineklarang dead on arrival sa ospital. Si Richardson ay inaresto sa kasong second degree murder. …

Read More »

13 Pinay 6 dayuhan ‘sex workers’ nasagip

NAILIGTAS ng pinagsanib na pwersa  ng National Bureau of Investigation (NBI) at Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang 19 guest relations officer (GRO) kabilang ang anim na dayuhan, na hinihinalang nagbebenta ng aliw sa isang club sa Pasay City, kahapon ng madaling araw. Sa ulat ng Pasay City Police,  sinalakay ng NBI, Anti-Trafficking Division at DSWD  ang Starwood …

Read More »

Napoles ‘tumuga’ kay De Lima

NAGSALITA na kahapon ang itinuturong utak ng multi-billion peso pork barrel scam na si Janet Lim-Napoles kaugnay sa mga nalalaman sa kinakaharap na kontrobersyang kinasasangkutan ng ilang senador at kongresista. Ito ang kinompirma ni Department of Justice (DoJ) Sec. Leila De Lima makaraan ang kanilang pagpupulong na inabot ng limang oras habang nasa Ospital ng Makati si Napoles kahapon. Ayon …

Read More »

NBI nalusutan ni Cedric Lee

BIGO ang National Bureau of Investigation (NBI) na mahuli ang wanted na si Cedric Lee, nahaharap sa kasong kriminal dahil sa pambubugbog sa actor/TV host Vhong Navarro. Lunes ng gabi, tinungo ng NBI  ang tirahan ni Lee sa West Greenhills, San Juan, pero hindi siya nakita sa lugar. Bitbit ng mga ahente ng  NBI ang warrant of arrest na inisyu …

Read More »

Obama visit sinisi sa demolisyon

Sinimulan na ang demolisyon ng mga tauhan ng Department of Public Works and Highways (DPWH) at National Housing Authority (NHA) sa mga bahay sa  Road 10, pinaniniwalaang paghahanda sa pagbisita ni US President Barack Obama, na nagsimula sa kanto ng Zaragoza St., Tondo, Maynila, iniulat kahapon. Ayon kay DPWH National Capital Region (NCR) Assistant Regional Director Butch Canlas, ang demolisyon …

Read More »

TRO vs P4.15/kWh power hike pinalawig ng SC

IKINATUWA ng Palasyo ang desisyon ng Korte Suprema na palawigin ang bisa ng temporary restraining order (TRO) laban sa P4.15 /kWh dagdag sa singil sa koryente. “We welcome the decision of the Supreme Court that while we wait for a final decision on the case, an extension of the TRO would certainly provide comfort to our countrymen especially at this …

Read More »

Erap nag-ilusyon na may kasamang Palace officials (Sa pagtungo sa HK)

TILA nag-iilusyon lang si Manila Mayor Joseph “Erap” Estrada na may kasama siyang mga opisyal ng Palasyo sa pagpunta sa Hong Kong kahapon para humingi ng apology kaugnay sa 2010 Luneta hostage crisis. Sinabi kahapon ni Cabinet Secretary Rene Almendras, hindi siya nagtungo sa Hong Kong kahapon, bagkus ay nasa Maynila lang siya at dumalo pa nga sa ilang pulong. …

Read More »

Cagayan mayor itinumba sa flag raising

TUGUEGARAO CITY – Patay ang mayor ng bayan ng Gonzaga, Cagayan makaraan barilin ng grupo ng kalalakihan dakong 8 a.m. kahapon. Kinilala ang biktimang si Mayor Carlito Pentecostes. Ayon kay John Pentecostes, pamangkin at driver ng alkalde, duguang humandusay si Mayor Carlito sa harap ng municipal hall makaraan pagbabarilin ng mga armado. Aniya, kasagsagan ng flag raising ceremony nang dumating …

Read More »

Cedric, Deniece wanted na!

HAWAK na ng mga awtoridad ang kopya ng warrant of arrest laban kina Cedric Lee, Deniece Cornejo, Simeon Raz, Jose Paolo Gregorio Calma at Ferdinand Guerrero kaugnay sa kasong serious illegal detention. Inilabas ng Taguig City RTC ang nasabing warrant hinggil sa reklamo ng aktor na si Ferdinand “Vhong” Navarro. Walang inirekomendang piyansa ang huwes para sa ikadarakip ng mga …

Read More »

‘Pagkanta’ ni Gigi aabangan ng Ombudsman

INIHAYAG ng Department of Justice (DoJ) na bahala ang Office of the Ombudsman sa pagtanggap bilang state witness kay Atty. Gigi Reyes, ang dating chief of staff ni Sen. Juan Ponce-Enrile. Ayon kay Justice Secretary Leila de Lima, nananatiling isa sa principal player/respondent sa Priority Development Assistance Fund (PDAF) scam si Reyes. Gayonman inaabangan pa rin ang pinakalayunin ni Reyes …

Read More »

1 patay, tserman, 9 pa sugatan sa 2 sunog (4,000 pamilya homeless)

MAHIGIT sa tatlong 4,000 pamilya ang nawalan ng tirahan habang isa ang patay at 10 ang sugatan, kabilang ang isang barangay chairman,  nang tupukin ng apoy ang kanilang mga tirahan sa magkahiwalay na sunog sa  Caloocan at Malabon, kamakalawa. Sumiklab ang sunog  dakong 5:00 p.m.  kamakalawa ng hapon sa Maria Clara St., 2nd Avenue East, BMBA Compound Brgy. 120 Caloocan …

Read More »

3 tulak tiklo sa buy-bust (P.7-M shabu nasamsam)

TINATAYANG P700,000 halaga ng ilegal na droga na nakompiska sa tatlo katao, kabilang ang dalawang menor de edad na babae at lalaki, nitong Biyernes Santo sa isinagawang  buy-bust operation ng Marikina PNP. Sa nakarating na ulat kay S/Supt. Vincent Calanoga, chief of police ng Marikina-PNP, kinilala ang mga suspek na sina Recon Pimba, 38, alyas Recon, may-asawa, isang alyas Yasmin, …

Read More »

Power reserves sa Luzon nanganganib (Masinloc power plant bumagsak)

SA harap nang nakaambang aberya sa supply ng koryente sa Luzon, bumagsak kahapon ang Masinloc coal-fired power plant sa Zambales. Ayon kay Department of Energy Electric Power Industry Management Bureau director Mylene Capongcol, tinatayang aabutin ng tatlong araw bago makumpuni ang nakitang leak sa boiler ng planta. Ang Unit 2 ng planta ay mayroong output na 300 megawatts ng koryente. …

Read More »

TRO extension vs power rate hike hiniling sa SC

ILANG araw bago ang pagpaso ng temporary restraining order (TRO) laban sa bigtime power rate hike ng Meralco, umapela muli ang mga militanteng mambabatas sa Supreme Court (SC) na palawigin ang pagpigil nito. Nabatid na P4.15 per kilowatthour ang power rate hike dahil sa paniningil ng mga generating company laban sa Meralco. Kasama sa mga naghain ng motion to extend …

Read More »

Umatras sa drag racing kelot tinodas (6 pa sugatan)

MATAPOS makipag-karera sa laro ni kamatayan, tinodas ang isang lalaki, habang anim ang sugatan, nang mamaril ang kaniyang tinalong kalaban, kahapon sa Quezon City. Patay na nang makarating sa Commonwealth Medical Center ang biktimang si Jacky Rajaroja, 22-anyos, ng Lot 2, Blk. 30, Tesalonian st., Jordan Plains Subd., Brgy. Sta. Monica, Novaliches. Kinilala ang mga nasugatan na sina Carl Webb, …

Read More »

MRT pumalpak na naman

Inihayag ng Metro Rail Transit (MRT) na nagka-aberya ang kanilang operasyon nang masira ang riles sa pagitan ng  North Avenue at  Quezon Avenue stations na nagdulot ng abala sa mga pasahero. Ayon kay MRT General Manager Al Vitangcol, dahil sa aberya, nagpatupad ng provisional service ang MRT na nagsimula dakong 9:35 a.m. na ang biyahe ay mula Taft Avenue Station, …

Read More »

‘Holy fish’ mabenta

DAGUPAN CITY – Malakas ang benta ngayon sa Pangasinan ng tinaguriang isdang dapa o mas kilala sa tawag na “holy fish” sa panahon ng Semana Santa. Napag-alaman, ang isda ay tinatawag sa lalawigan bilang “kera-ke-ray Diyos” o “tira-tira ng Diyos” dahil ito ang kinain ni Hesus noong muli siyang nabuhay ngunit hindi niya ito inubos kaya’t ibinalik ng mga Apostol …

Read More »

Basted ‘nanunog’ ng bahay (Tinalo ng karibal)

ATTEMPTED arson ang kahaharapin ng lalaking nagtangkang sumunog sa bahay ng kanyang karibal,  nitong nakaraang linggo sa lungsod ng Taguig. Swak sa detention cell ng Taguig police ang suspek na  si Renato Bianzon, Jr., nasa hustong gulang, tubong Cavite city, nang masakote ng pulisya dahil sa pagtatangka niyang silaban ang bahay ng kanyang karibal na si Johnny Valdez sa Orchids …

Read More »

Arrest warrant vs Cedric, Deniece inilabas na

KINOMPIRMA ni Justice Secretary Leila de Lima na nagpalabas na ng arrest warrant ang Metropolitan Trial Court (MTC) ng Taguig laban kina Cedric Lee, Deniece Cornejo at limang iba pa na kinasuhan ng grave coercion. Ayon kay De Lima, ang nasabing arrest warrant ay nilagdaan mismo ni Branch 74 Judge Bernard Bernal ng Taguig City MTC. Ang arrest warrant ay …

Read More »

Orasyon vs Bradley itinanggi ni Pacmom

PINALAGAN ni Mommy Dionisia, ang celebrated mother ni 8-division world champion Manny “Pacman” Pacquiao, ang ulat na gumamit siya ng orasyon laban kay Timothy Bradley, Jr., habang nanonood ng laban ng dalawa sa MGM, Las Vegas. Mariin itinanggi ni Mommy D na gumamit siya ng “spell” o orasyon para matalo si Bradley. Paliwanag ng ina ng Filipino ring icon, pawang …

Read More »

Napoles tumatagal sa ospital (Operasyon binibinbin?)

KUKWESTYUNIN ng prosekusyon ang tumatagal na pananatili ni Janet Lim-Napoles sa Ospital ng Makati (OsMak), at hindi pa rin naooperahan. Ayon kay Special Prosecutor Christopher Garvida, sa susunod na linggo ay matatapos na ang ibinigay na 26 araw ng Makati Regional Trial Court (RTC) Branch 150 para maoperahan si Napoles. Para kay Garvida, kung hindi maisasagawa ang surgery ay mainam …

Read More »

‘President Roxas’ joke lang — Palasyo

JOKE lang at hindi pamumulitika ang pagtawag na “President Roxas” kay Interior Secretary Mar Roxas sa pagtitipon na namahagi ang kalihim ng halagang P2-B proyekto sa mga lugar na sinalanta ng bagyong Yolanda. Depensa ito ni Deputy Presidential Spokesperson Abigail Valte sa mga bumatikos sa tila maagang pamumulitika ng Liberal Party nang tawagin na “President Roxas” ang DILG secretary ni …

Read More »

125 preso nag-hunger strike sa CDO

CAGAYAN DE ORO CITY – Mas lalo pang hinigpitan ngayon ang ipinatutupad na seguridad sa Cagayan de Oro-Lumbia City Jail sa lungsod ng Cagayan de Oro. Ito’y bunsod ng isinasagawang hunger strike ng 125 inmates na mga miyembro ng grupong tinaguriang “Batang Mindanao” (BM-29) sa nasabing kulungan. Inihayag ni City Jail Warden Supt. Erwin Kenny Ronquillo, totoong hindi tinanggap ng …

Read More »