Saturday , December 3 2022

‘Damo’ kompiskado sa loob ng Solaire Resort Casino (Seguridad palpak)

061114_FRONT

PINANGANGAMBAHAN ang pagkalat ng ilegal na droga sa isang sikat na resorts casino nang maaresto ang isang Indian national ng mga ahente ng Anti-Organized and Transnational Crimes Division – Anti-Illegal Drug Unit ng National Bureau of Investigation (AOTCD-AIDU-NBI) sa buy-bust operations sa Solaire Resort and Casino sa Parañaque City, iniulat kahapon.

Kinilala ang suspek na si Mardeep Narang, Indian national na may US citizenship, nakompiskahan ng P10,000 halaga ng marijuana.

Sa ulat nina agents Jerome Bomediano at Fatimah Liwalug, nitong nakaraang Abril 28 (2014), nakatanggap sila ng tip mula sa informant na isang alyas Singh ang nagtutulak ng marijuana sa Pasay City at kalapit na lugar.

Sa tulong ng informant ay ikinasa ni Special Investigator Salvador Arteche, Jr., ang entrapment operation sa koordinasyon ng PDEA at pulisya.

Nagkasundo silang magkita sa Resorts World Casino sa Pasay City dakong 7 p.m. ngunit nagbago ang isip ni Narang at sinabing sa Solaire Resort and Casino sa Parañaque City na lamang sila magkita.

Dakong 3 p.m. noong Abril 29, sinabi ni Narang sa informant na magtungo siya sa Solaire room 810.

Agad nagtungo roon ang informant kasama si Arteche bilang poseur-buyer at naabutan nila si Narang habang nag-aayos ng mga pakete ng pinatuyong dahon ng marijuna.

Nang umalis ang informant, hindi mapakali si Narang at sinabing hindi na tuloy ang drug deal.

Sa puntong iyon nagpakilala si Arteche na siya ay isang ahente ng NBI ngunit mabilis na tumakbo ang suspek.

Gayonman, si Narang ay nakorner ng iba pang mga ahente ng NBI sa hallway ng hotel.

Nakompiska mula sa suspek ang dalawang malaking transparent plastic at isang maliit na transparent plastic na pawing naglalaman ng marijuana.

Ayon sa intelligence report, ilang dayuhan manlalaro at security personnel sa Solaire Casino ang imino-monitor na sangkot sa bentahan ng ilegal na droga sa nasabing hotel casino.

HATAW News Team

About hataw tabloid

Check Also

120222 Hataw Frontpage

Palasyo tahimik
GO SIGNAL NI FM JR. SA P250-B MAHARLIKA WEALTH FUND, INAMIN NI DIOKNO

ni Rose Novenario TIKOM ang bibig ng Palasyo sa kontrobersiyal na panukalang batas na pagtatatag …

Taguig Cayetano Christmas 3

Taguig Christmas Attraction

IBINIDA ng mag-asawang Senator Allan Peter Cayetano at Taguig City Mayor Lani Cayetano ang nasa …

Bongbong Marcos

Kapag walang wage hike,
FM JR., ADMIN DARAGSAIN NG PROTESTA

HINDI tatantanan ng kilos-protesta ng mga manggagawa ang administrasyong Ferdinand Marcos, Jr., hangga’t hindi ipinagkakaloob …

ACT umalma UMENTONG BARYA SA GOV’T WORKERS ‘WALANG HALAGA’

ACT umalma
UMENTONG BARYA SA GOV’T WORKERS ‘WALANG HALAGA’

WALANG HALAGA at ni hindi makabili ng isang sachet ng 3-in-1 coffee ang ipinagmamalaki ng …

Stab saksak dead

18-anyos patay sa rambol ng 2 grupo ng kabataan

DAHIL  sa pambu-bully, patay ang 18-anyos binatilyo habang sugatan ang kanyang kapatid at pinsan, nang …

Leave a Reply