Wednesday , August 17 2022

ASG commander arestado sa P’que

BUMAGSAK sa kamay ng mga awtoridad ang isang komander ng Abu Sayyaf Group (ASG) na tumatayong isa rin sa financier ng bandidong grupo.

Ayon kay Philippine National Police – Criminal Investigation and Detection Group (PNP-CIDG) spokesperson Chief Insp. Beth Jasmin, nalambat si Khair Mundos makaraan ang operasyon sa Brgy. San Dionisio sa Parañaque City kahapon.

Si Mundos ay nakatakas noong 2007 sa Kidapawan, Cotabato, nang iligtas ng kanyang mga kasamahan.

Itinuturing na financier ng ASG si Mundos dahil siya ang sinasabing tumatanggap ng pondo mula sa al Qaeda para makapagsagawa ng terroristic activities.

Napag-alaman, may warrant of arrest ang PNP kay Mundos sa mga kasong multiple murder, frustrated murder at iba pa.

May patong din na P1.2 milyon sa ulo si Mundos. (J. GARCIA)

About hataw tabloid

Check Also

oil gas price

Bawas presyo ng langis ngayong Martes

PANIBAGONG pagbawas sa presyo ng produktong petrolyo ngayong Martes inianunsiyo ng mga kompanya ng langis. …

Princess Marie Dumantay

Natagpuang bangkay ng teenage lady biker kinilala ng 62-anyos ama

KINILALA ng kanyang sariling ama ang lady biker na unang iniulat na nawawala at natagpuan …

Bongbong Marcos BBM Arlene Brosas Gabriela

Kagutuman lalala
PAGWAWAKAS SA GUTOM PANAGINIP NI FM JR.

IMAHINASYON lamang ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr., ang pangarap niyang wakasan ang gutom sa bansa. …

081522 Hataw Frontpage

Endo sa gobyerno wawakasan na
HB 521 PAG-ASA NG CONTRACTUAL EMPLOYEES

BINIGYANG pag-asa ni Kabayan partylist Rep. Ron Salo ang mahigit 660,000 contractual at job order …

e-Sabong

Jobless dumami sa suspensiyon ng e-Sabong

BUKOD sa pananalasa ngpandemyang dulot ng CoVid-19, naniniwala ang mga taga-industriya na malaki ang naging …

Leave a Reply