Friday , November 22 2024

Front Page

Kidlat umutas ng 2 magsasaka 2 pa kritikal

TIGOK ang dalawang magsasaka at dalawa pa ang sugatan nang tamaan ng kidlat habang nagtatanim ng palay sa Brgy. Naglicuan, Pasuquin, Ilocos Norte. Kinilala ang mga biktimang namatay na sina Joven Ratuita Sr., 44; at Arnel Galiza, 30, habang sugatan sina Eddie Villanueva at Nick Cornelio, pawang mga magsasaka. Magkakatabing nagtatanim ang apat nang biglang kumulog at kumidlat, at tinamaan …

Read More »

Pangasinan hospital aapela vs 100 millionth baby

DAGUPAN CITY – Posibleng iapela ng pamunuan ng Pangasinan Provincial Hospital sa lunsod ng San Carlos ang paniniwala nilang sa kanilang pagamutan isinilang ang tinaguriang 100 millionth baby na inabangan noong madaling araw ng Linggo. Ayon kay Dr. Policarpio Manuel, Chief of Hospital ng PPH, eksaktong 12:20 a.m. ipinangana k ni Pamela Pedronio ang sanggol na lalaking si John Paul, …

Read More »

Inday ganap nang bagyo

NABUO na bilang bagong bagyo ang sama ng panahon na namataan sa silangang bahagi ng bansa. Ayon kay Pagasa forecaster Connie Rose Dadivas, binigyan nila ito ng local name na Inday nang pumalo sa 55 kph ang taglay na hangin. Ngunit hindi ito inaasahang tatama nang direkta sa alinmang bahagi ng lupa. Gayonman, palalakasin nito ang hanging amihan na maaaring …

Read More »

Buntis, 2 paslit tostado sa sunog

TATLONG kasapi ng isang pamilya ang patay nang makulong sa nasusunog na bahay sa Brgy. Coronon, Sta. Cruz, Davao del Sur nitong Lunes ng tanghali. Kabilang sa mga namatay ay si Noriza Hilay, walong buwan buntis; anak na si Paulo, 2; at pamangkin na si Hinata, 3-anyos. Ayon sa kasambahay na si Susana Montecerin, natutulog ang tatlo sa ikalawang palapag …

Read More »

PNoy, Kris naiyak sa SONA

NANGILID ang luha at gumaralgal ang tinig ni Pangulong Benigno Aquino III maging ang mga kapatid sa pangunguna ni Kris nang banggitin sa kanyang “speech” ang mga magulang at ang sinabing kanyang mga ipinaglalaban. Gaya ng dapat asahan inulan ng puna at komento sa social media ang pag-iyak ni Kris at ang pagluha at garalgal na tinig ng Pangulo. Pero …

Read More »

State workers sumugod nagprotesta vs SONA (7 anti-SONA protesters arestado)

NAGSAGAWA nang malawakang walkout bago sumugod kahapon sa State Of The Nation Address(SONA) ni Pangulong Benigno Aquino III ang mga empleyado ng iba’t ibang sangay ng gobyerno para sumama sa kilos protesta. Pinangunahan ng Confederation for Unity, Recognition and Advancement of Government Employees (COURAGE), ang naturang rally kasama ang court employees; mga empleyado ng National Housing Authority; Department of Agrarian …

Read More »

Militanteng mambabatas nag-walkout

SABAY-SABAY na tumayo at umalis sa plenaryo ang Makabayan bloc o grupo ng mga militanteng mambabatas habang nagtatalumpati si Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino III kahapon. Ayon kay Bayan Muna Rep. Neri Colmenares, hindi na nila maatim ang mga sinasabi ng Pangulo ukol sa pag-unlad na para sa kanila ay hindi maramdaman ng mga karaniwang mamamayan. Para sa kanila, malayo sa …

Read More »

Red carpet agaw-eksena sa SONA

PATALBUGAN sa Filipiniana gowns sa State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Noynoy Aquino kahapon. Sa bawat SONA, agaw-pansin ang red carpet fashion ng mga mambabatas at misis ng mga kongresista. Nagsisilbi rin itong showdown ng mga kilalang designer para sa kanilang mga obra. Isa na sa suki tuwing SONA ay ang designer na si Randy Ortiz. Ngayong taon, …

Read More »

Inang buntis, 10-anyos anak utas sa Samar (Pamilya nabagsakan ng bato)

TACLOBAN CITY – Patay ang isang buntis at ang kanyang 10-anyos anak makaraan madaganan ng malalaking bato ang kanilang barong-barong sa Maharlika Highway, Brgy. Cagnipa, sakop ng Lungsod ng Calbayog sa Samar kamakalawa. Kinilala ang mga namatay na sina Marife Monteves, 37, siyam na buwan buntis, at ang kanyang anak na si Danica. Habang nakaligtas sa trahedya ang ama na …

Read More »

SREAT ng Silangan Nat’l High School dinodoktor (Anomalya pinaiimbestigahan sa CSC)

HINILING ng isang grupo sa Civil Service Commission (CSC) ang imbestigasyon hinggil sa sinasabing katiwalian ng mga empleyado ng Silangan National High School sa Brgy. Silangan, San Mateo, Rizal. Sa reklamo ni Eduardo O. Aguilar, chapter coordinator ng Samahang-Grupong Bantay Mamamayan (SGBMI) Inc., sa tanggapan ni Sec. Francisco T. Duque, chairman ng CSC, may erroneous at incorrect data sa Secondary …

Read More »

300 OFWs sa Libya ‘di sinipot ng labor officials

MASAMA ang loob nang mahigit sa 300 overseas Filipino workers (OFWs) sa bansang Libya nang bigong makapunta ang ilang labor officials sa napag-usapang pagpupulong sa Philippine Community School sa Hawari Village, syudad ng Benghazi para mapag-usapan ang ligtas na paglikas sa nasabing bansa. Desmayadong inihayag ng isang OFW na umasa ang mga OFW na makausap ang mga opisyal at maisapinal …

Read More »

Residente ng Pagrai, nanawagan kay Ynares vs land grabbers

Muling nanawagan ang mga residente ng Pagrai Hills sa Barangay Mayamot kay Antipolo City Mayor Casimiro “Junjun” Ynares III na paimbestigahan ang sindikato ng land grabbing na ginagamit ang pangalan ng alkalde sa illegal na aktibidades nito. Ayon sa opisyal ng Pagrai Alliance na si Estellla Caper, mula nang magkaroon ng demolisyon ang National Housing Authority (NHA) noong nakaraang Mayo …

Read More »

Teenage killer maid wanted (P.1-M patong sa ulo)

PUSPUSAN ang isinasagawang paghahanap ng mga awtoridad sa isang kasambahay na sinasabing sumaksak at pumatay matapos pagnakawan ng higit P50,000 halaga ng alahas ang kanyang among babae sa Balanga, Bataan nitong Hunyo 17. Kasabay nito, naglabas ng halagang P.1-milyon patong sa ulo ang pamilya ng biktimang si Jocelyn Garcia, 49, ng Taglesville Subdivision, Balanga, Bataan, para sa makapagbibigay ng impormasyon …

Read More »

1.5-M katao naitala sa INC’s Centennial

PUMALO sa tinatayang 1.5 milyong indibidwal ang dumagsa sa Ciudad de Victoria sa Bocaue, Bulacan para sa centennial celebration ng Iglesia ni Cristo. Ito’y batay sa crowd estimate na isinagawa ng Task Force Sentenaryo kahapon. Nag-umpisa dakong 6 a.m. ang pagsamba sa pangunguna ng kanilang Executive Minister na si Eduardo Manalo sa loob ng Philippine Arena, itinuturing na higlight sa …

Read More »

PH-MILF final peace deal tampok sa 5th SONA

SUMUGOD sa Times St., malapit sa bahay ni Pangulong Noynoy Aquino ang grupo ng Bagong Alyansang Makabayan bilang pagpapakita ng babala kay PNoy na dapat na totoo at hindi papogi lamang ang gagawing talumpati sa kanyang SONA ngayong araw. (ALEX MENDOZA) TAMPOK sa ikalimang State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino III ngayong araw ang nilagdaang …

Read More »

3 dayuhan biktima ng mandurukot sa Malate mall

ISANG kilalang mall sa Malate, Maynila ang pinaniniwalaang paboritong tambayan ng mga mandurukot at ‘salisi gang’ matapos magreklamo ang tatlong dayuhan na naging biktima sa magkakaibang oras kamakalawa. Unang nagtungo sa tanggapan ng Manila Police District – General Assignment and Investigation Section (MPD-GAIS), ang biktimang si Rina Maharsan, 22, Nepalese national, estudyante sa Emilio Aguinaldo College at nanunuluyan sa 113-117 …

Read More »

Logistics officer ng NPA sumuko

HAWAK ng Police Regional Cordillera (PROCOR) sa Camp Bado Dangwa, La Trinidad, Benguet ang sumukong mataas na opisyal ng rebeldeng New People’s Army (NPA). Si Jerome “Ka Ricky” Lindao, 22, ng Barangay Pieza, Lamut, Ifugao, nagsisilbing logistics officer ng NPA ay sumuko sa mga awtoridad. Kabilang sa makukuha niyang benepisyo sa pagsuko ang financial at livelihood assistance na bahagi ng …

Read More »

Club owner, tsuper todas sa ambush

LAGUNA – Patay sa ambush ang isang negosyateng nagmamay-ari ng club at ang kanyang driver nang tambangan ng riding in tandem sa harap mismo ng kanyang bahay sa Landmark Subdivision, Brgy. Parian, Calamba City, kahapon ng umaga. Sa ulat na ipinarating kay Laguna Police Provincial director S/Supt. Romulo Sapitula, kinilala ang biktimang si Fedelinio Dejano, 52, may-ari ng Discovery Disco …

Read More »

100 millionth Pinoy isinilang na

PUMILI ang Department of Health (DoH), National Statistics Office (NSO), Populations Commission (POPCOM) at iba pang grupo ng sanggol sa Dr. Jose Fabella Memorial Hospital sa lungsod ng Maynila upang maging 100 millionth symbolic baby sa ating bansa. Ayon kay DoH spokesman Dr. Lyndon Lee-Suy, dapat ito ay ipinanganak sa pamamagitan ng normal delivery upang hindi masabing itinaon lamang sa …

Read More »

Katapusan ng Hulyo uulanin ng bulalakaw

MAGBIBIGAY ng kulay sa huling linggo ng Hulyo ang Southern Delta Aquarids meteor shower. Ayon sa Pagasa, makikita ito simula Hulyo 28 hanggang Hulyo 31, 2014. Ang lundo nito ay asahan sa hatinggabi ng Hulyo 29 at 30, at maaaring matanaw ang hanggang 15 bulalakaw sa loob ng isang oras. Ang nasabing astronomical event ay mula sa Aquarius, Capricornus at …

Read More »

43-anyos pisak sa posteng bumagsak

PISAK ang katawan ng isang lalaking nabagsakan ng natumbang poste ng koryente dahil sa lakas ng hangin sa Sinawal, General Santos City, iniulat kahapon. Nangako ang South Cotabato Electric Cooperative (SOCOTECO) 2 na makatatanggap ng tulong ang biktimang si Jimmy Tagawayan, 43, ng Kinam, Malapatan, Sarangani. Nitong Biyernes ng gabi, malakas na hangin ang sinisi sa pagkatumba ng poste na …

Read More »

SONA ni Pnoy dapat 10 minuto lang (Dahil walang nagawa)

NANINIWALA ang mga militanteng grupo na walang dahilan para pahabain pa ni Pangulong Benigno Aquino III ang kanyang State of the Nation Address (SONA) sa Lunes. Sinabi ni Bayan Muna Rep. Neri Colmenares, dapat lima hanggang 10 minuto lamang ang talumpati ni Aquino dahil wala siyang nagawang makabuluhan para sa bayan. Ayon kay Colmenares, totoong may nakasuhan at napakulong sa …

Read More »

Abogado sa Corona impeachment ipinalit kay Padaca

KINOMPIRMA ni Commission on Elections (Comelec) Chairman Sixto Brillantes na itinalaga bilang panibagong commissioner ng Komisyon si Atty. Arthur Lim. Magugunitang si Lim ay naging private prosecutor sa impeachment trial laban kay dating Chief Justice Renato Corona. Ayon kay Brillanes, pinalitan ni Lim si Commissioner Grace Padaca na hindi na muling itinalaga ni Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino III nang mag-expired …

Read More »

Puganteng binatilyo kritikal sa boga ng tanod

KRITIKAL sa isang ospital ang puganteng binatilyo nang barilin ng barangay tanod habang pagala-gala sa Navotas City kahapon ng madaling-araw. Ginagamot sa Jose Reyes Memorial Medical Center (JRMMC) ang biktimang si Yiro Bonita, 16, ng Block 33, Lot 21, Phase 2, Brgy. North Bay Boulevard South (NBBS) sanhi ng isang tama ng bala ng kalibre .38 sa tiyan nang barilin …

Read More »

4-oras sunog 140 bahay tupok

NILAMON ng apoy ang may 140 bahay sa sunog na naganap sa Parola Compound, Tondo, Maynila, iniulat kahapon. Sa ulat ni FO2 Edilberto Cruz, ng Manila Arson Division, dakong 1:31 a.m., nang magsimula ang sunog na umabot sa ikalimang alarma matapos ideklarang fire-out dakong 5:55 a.m. sa Gate 20, Pier 2, Parola Compound, Tondo. Mabilis ang pagkalat ng apoy dahil …

Read More »