Thursday , June 4 2026
QCinema Project Market

QCinema Project Market inilunsad

INILUNSAD kamakailan ang QCinema Project Market ng Quezon City Film Development Commission na siyang tutugon para mabigyan ang mga filmmaker mula sa Pilipinas at Southeast Asian countries ng mas maraming oportunidad.

Layunin ng project market na makatulong sa mga filmmaker na makakuha ng funding, mapalawig ang kanilang network, at makapag-develop ng kanilang skills. 

Umaabot sa P15-M na funding ang inilaan ng Quezon City para sa mga mapipiling filmmakers.

Ani Liza Diño-Seguerra, Executive Editor ng Quezon City Film Development Commission, “Malaki ang potensiyal ng mga filmmaker sa ating rehiyon at kaya nilang makipag-sabayan sa mga filmmaker sa ibang bansa.

Makatutulong ang QPM na maitanghal ang kanilang pelikula sa iba’t ibang panig ng mundo.”

Ang mga Filipino at Southeast Asian filmmakers na may proyektong nasimulan na ay inaanyayahang sumali. Kailangan lamang na sila ay nakagawa na ng kahit isang short o feature film.

At para makalahok, kailangang magsumite ng full script ng isang feature-length fiction film kasama ng kanilang application form. Kailangan ding magpasa ng logline, synopsis, director’s statement, production schedule, treatment, financial plan, production cost, at profiles of the director, producer, at production company. Maaari ring ibigay ang sample reels ng director.

Sa September 15, 2023 ang deadline sa pagsusumite.

Labinlimang entries ang papalaring makasali sa film market na gagawin mula November 18 hanggang 20, 2023, kasabay ng QCinema International Film Festival.

Ang QPM ay naglalayon ding gawin ang QCinema na global hub ng Southeast Asian cinema,” giit pa ni Dino-Seguerra.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Sibuyas Onions

₱35.4-M puslit na sibuyas nakompiska sa Nueva Ecija masterminds tinutugis

LABIS sa ₱35.4 milyong halaga ng pinaghihinalaang puslit na sibuyas ang nakompiska sa isang cold …

Arrest Shabu

13-anyos arestado sa P6.8-M shabu

MULING nakasamsam ng P6.8 milyong halaga ng shabu mula sa isang lalaking menor de edad …

Lightning Kidlat Boat Sea

Mag-utol na baby, 2 pa tinamaan ng kidlat, pawang sugatan

INOOBSERBAHAN at ginagamot ang mga paso at sugat ng apat katao na magkakaanak kasama ang …

Guho 9-storey bldg sa Balibago, Angeles City, Pampanga

Sa Angeles City
PATAY 20 NA SA GUMUHONG 9-STOREY BLDG

KOMPIRMADONG 20 katao na ang namatay nang pito pang bangkay ang narekober sa gumuhong 9-palapag …

Knife Blood

Mag-asawang senior citizen patay sa anak na may mental health condition

PINAGSASAKSAK hanggang mapatay ng isang 46-anyos lalaki na may kondisyon sa pag-iisip ang kaniyang mga …