Friday , September 22 2023
Philhealth bagman money

Tiwala sa 2 empleyado, pambayad sa Philhealth ‘ipina-hold-up me’ nasakote

HINDI nakalusot sa kalaboso ang dalawang empleyado ng isang local agency matapos nang palabasin na ang perang P213,684.39 na ipinababayad ng kanilang amo sa health insurance ay hinoldap umano sa Quezon City, batay sa ulat kahapon.

Kinilala ni Quezon City Police District (QCPD)- Kamuning Police Station (PS 10) chief, P/Lt. Col. Robert Amoranto, ang mga suspek na sina Rosauro Imson, 55 anyos, ng Alonso St., Brgy Daang-Hari, Navotas City, at Abel Yabut, 29, ng Masbate St., Brgy. Nayong Kanluran, Quezon City.

Nauna rito, dakong 1:00 pm noong Lunes, 4 Setyembre, ipinagkatiwala ng biktimang si Trisha Sios-e ang isang tseke na nagkakahalaga ng P213,684.39 kay Imson para ipambayad sa Philippine Health Insurance (PhilHealth) mula sa kanilang tanggapan ng Ikey Local Agency, Corp., matatagpuan sa Quezon Avenue, Brgy. Sta. Cruz, sa lungsod.

Ngunit dakong 4:00, nagbalik si Yabut at sinabi sa kaniyang amo na naholdap sila at natangay ang na-withdraw nilang pera.

Agad humingi ng tulong si Sios-e sa mga tauhan ng QCPD PS10 na mabilis na nagresponde.

Namataan ng mga awtoridad si Yabut sa Panay Avenue, kanto ng Sgt. Esguerra, Brgy. South Triangle, na agad namang inamin na ang nasabing halaga ay nasa pag-iingat ni Imson, na paglaon ay nadakip din.

Inihahanda na ang kasong Qualified Theft laban sa dalawang suspek. (ALMAR DANGUILAN)

About Almar Danguilan

Check Also

DOST XII holds 3-day celebration for RSTW

DOST XII holds 3-day celebration for RSTW

THE Department of Science and Technology (DOST) Region XII celebrated for three days from Sept. …

My Plantito Kych Minemoto Michael Ver

My Plantito fan meet dinaluhan ng mga Pinoy BL community at iba pang tagapagtangkilik

NAGKAROON ng pagkakataon ang mga masugid na tagapanood ng kauna-unahang BL (Boy-Love) na serye ng …

Aiko Melendez Eddie Garcia

Aiko dapat nang ipasa ang ‘Eddie Garcia’ bill 

HINIMOK ni Quezon City Councilor Aiko Melendez ang Senado na ipasa ang tinatawag na “Eddie Garcia” bill, …

Domingo de Dolores Pakil, Laguna Sun Ring Rainbow

Sa Pakil, Laguna
IKA-235 PAGDIRIWANG NG DOMINGO DE DOLORES MGA DEBOTO GINULAT NG MALA-KORONANG SINAG NG ARAW

PINAG-ALAB ang pananampalataya ng mga deboto nang sila’y gulatin ng mala-koronang sinag ng araw na …

fire sunog bombero

International school sa QC, nasunog

SA kalagitnaan nang isinasagawang fire drill, biglang lumiyab ang apoy sa Starland International School (SIS) …