Tuesday , October 3 2023

Bahay-imprenta sa Quezon City nagliyab  
AMO, 12 OBRERO, MAG-INA, PATAY

083123 Hataw Frontpage

ni Almar Danguilan

WALANG business o mayor’s permit, at iba pang rekesitos sa pagnenegosyo.

               Nabunyag ito, matapos tumambad ang mga bangkay ng 15 kataong namatay sa loob ng isang bahay na ginawang imprentahan ng t-shirt sa Quezon City.

Kinilala ni Fire Chief Supt. Nahum Tarroza, hepe ng Bureau of Fire Protection (BFP) – National Capital Region (NCR), ang mga kompirmadong namatay na sina Wilmar Ritual, 25; Raffy Barientos, 25; Julius Abarca, 20;  Alfred Manuel, 23;  Jayson Dominguez; 45; Carmina Abalos, 22; Teresa Cruz, 25; Clarrise Encado, 25;  Dianne Lopinal, 24; at sina alyas Miya, 20; Irene, 26; Daisy, 30; pawang factory worker; Maria Micaela Ysabella Barbin, 23, at anak na si Erica Scarlett, 3 anyos, at ang may-ari ng pabrika na si Michael Cavilte, 44 anyos.

Sugatan ang mister ni Barbin na si Erick John Cavilte.

Batay sa ulat ng BFP, bandang 5:30 am nang sumiklab ang sunog sa No. 68 Kenny Drive, Pleasant View, Brgy. Tandang Sora, Quezon City.

Ayon kay Tarroza, ang nasunog ay isang residential house, na ginawang t-shirt printing establishment.

Pinaniniwalaang ang mga biktima ay namatay sa matinding supokasyon ng usok na kinabibilangan ng mga manggagawa na pawang stay-in. Nasa kahimbingan ng tulog sa kanilang quarters na matatagpuan sa likod ng bahay, nang maganap ang sunog.

Tatlo katao ang nakaligtas sa sunog, matapos makatalon sa bintana ng second floor.

Ayon kay Tarroza, nagsimula ang sunog sa harapang bahagi ng bahay, na nagsisilbing entrance at exit nito, kaya’t hindi na nagawa pang makalabas ng mga biktima.

Hinihinalang ang sunog ay nagmula sa mga kemikal na nakaimbak sa loob ng tahanan, ginagamit din sa pag-iimprenta ng mga t-shirt.

Ang mga epekto ng kemikal ang sinabing dahilan kung bakit naging mabilis ang pagkalat ng apoy.

Nabatid na inabot ng unang alarma ang sunog, bago naideklarang under control dakong 6:28 am. Tuluyan itong naapula dakong 8:04 am.

Aminado si Tarroza, hindi agad nakapagresponde ang mga pamatay-sunog dahil maling address ang unang naibigay sa kanila.

Nakahadlang umano sa pagresponde ang malakas na ulan, nagdulot ng mga pagbaha, at masikip na trapiko.

Masusi pang iniimbestigahan ng mga awtoridad ang insidente.

About Almar Danguilan

Check Also

Lolo Social Media

May bagong ‘sinosyota’
LOLONG CHICK BOY BUKING SA SOCIAL MEDIA ACCOUNT, LOLANG NAKABISTO BINUGBOG  

KULONG ang isang 61-anyos lolo dahil sa pambubugbog sa live-in partner na 65-anyos lola matapos …

100223 Hataw Frontpage

14-wheeler truck pinutukan ng gulong
BABAENG SAKADA TODAS SA TONE-TONELADANG TUBO

BINAWIAN ng buhay ang isang babae matapos matabunan at malibing nang buhay sa ilalim ng …

TESDA ICT

Kulang na TESDA assessors pinuna ni Gatchalian

BALAK manng gobyerno na pondohan ang assessment at certification ng mga mag-aaral sa senior high …

Bong Revilla

Revilla Bill para sa lola at lolo aprobado sa Senado

“SOBRA tayong nagagalak at nagpapasalamat sa pagkakapasa ng ating una at prayoridad na panukala na …

4th batch ng Navotas solo parents, nakatanggap ng cash aid

4th batch ng Navotas solo parents, nakatanggap ng cash aid

NAMAHAGI ang pamahalaang lungsod ng Navotas ng tulong pinansiyal sa ika-apat na batch ng mga …