Friday , December 5 2025

Elections

Dagdag sahod suportado ng OFW Party-list

OFW Party-list Jerenato Alfante

SUPORTADO ng OFW Party-list ang mga panukalang nagdadagdag ng sahod sa mga manggagawa lalo na’t patuloy ang pagtaas ng presyo ng mga bilihin bunsod ng walang tigil na pagsirit ng presyo ng mga produktong petrolyo. Ayon kay OFW Party-list 2nd Nominee Jerenato Alfante, hindi biro ang presyo ng mga bilihin sa kasalukuyan lalo na’t lubhang apektado ang lahat ng sektor. …

Read More »

Libro ni Rio Alma para kay VP Leni ilulunsad sa Abril 17 

Virgilio Almario Leni Robredo

HINIMOK ni Pambansang Alagad ng Sining sa Panitikan na si  Virgilio Almario o kilala rin bilang Rio Alma  na bumuo ng  220 pahinang antolohiyang pinamagatang Lugaw ni Leni, Pink Patrol, KKK, kakampik, atbp.. na suportahan ang libro. Laman ng libro sina G. Almario at Aldrin Pantero, ang patnugot ng halos 200 pahina ng piling-piling tula, maiikling kuwento, sanaysay, liham, maging …

Read More »

Legarda inudyok ang mga kapwa kandidato na ilahad ang mga platapormang pang-seguridad

Loren Legarda

Hinimok ni Antique representative at kandidata sa pagka-Senador na si Loren Legarda ang mga kapwa niyang kandidato na ilahad ang kanilang mga plano at palataporma para sa pambasang seguridad at kaligtasan. “Ang mga planing ito ay mahalaga upang makamit natin ang ligtas na pagbangon ng mga mamamayan at ng bansa,” sabi ni Legarda sa inagurasyon ng Office of the Dean, …

Read More »

Bilyong pondo matitipid sa ‘full disclosure policy’ ni Robredo

Leni Robredo Antonio Trillanes

IPATUTUPAD ni Vice President Leni Robredo ang “full disclosure policy” sa lahat ng transaksiyon sa gobyerno sakaling mahalal bilang pangulo ng bansa. “Alam naman natin na bilyon-bilyon ang nawawala sa mamamayan dahil sa katiwalian,” ayon kay dating senador Antonio “Sonny” Trillanes, na kilalang fiscalizer sa gobyerno. “Ilang milyong pabahay na ‘yan? Ilang kilometro ng farm-to-market roads? Ilang magsasaka, mangingisda o …

Read More »

Tulong serbisyo sa OFWs ilalapit ni Robredo

Leni Robredo

WALANG mahabang pila sa paglalakad ng requirements kapag presidente na si Vice President Leni Robredo, hindi na dapat pang magtungo sa Metro Manila ang kahit sinong overseas Filipino workers (OFWs) para magproseso ng travel documents at magsumite ng requirements. Ayon kay dating Congressman Teddy Baguilat, tumatakbong senador sa ilalim ng Robredo-Pangilinan tandem, alam ni VP Leni kung ano ang hirap …

Read More »

Robredo angat pa rin vs Marcos sa Google Trends, kahit sa ‘Solid North’

Leni Robredo Bongbong Marcos Google Trends

ANGAT pa rin si Vice President Leni Robredo sa kapwa kandidato sa pagkapangulo na si Ferdinand Marcos, Jr., kahit sa mga lugar sa tinatawag na Solid North, pagdating sa Google Trends, na eksaktong nasusukat ang interes ng mga botante sa isang partikular na kandidato. Noong 1 Abril, una pa rin si Robredo kay Marcos, 51.3 kompara sa 34.3, pagdating sa …

Read More »

Tsibog na ayos at masarap daragsain ng turista – Lacson, Piñol

Ping Lacson Manny Piñol

PARA mahikayat ang mga lokal at dayuhang turista na tangkilikin ang magagandang destinasyon sa ating bansa, sinisiguro ni presidential candidate Panfilo “Ping” Lacson na magkakaroon ng seguridad sa pagkain ang bawat rehiyon upang maging abot-kaya sa lahat. Sa mahal umano ng mga bilihin, gayondin ang mga gastusin sa paglalakbay, kabilang ang presyo ng pagkain sa mga dinarayong lugar ay may …

Read More »

Alternatibong pagkukuhaan ng koryente sisinupin ni Ping

Ping Lacson

ODIONGAN, Romblon — Tiniyak ni presidential candidate Panfilo “Ping” Lacson na madaragdagan pa ang mga impraestruktura para sa pagpapalakas ng paggamit ng renewable energy upang magkaroon ng sapat na supply ng koryente ang malalayong lalawigan at isla sa bansa. Inihayag ito ni Lacson sa kanyang pagbisita nitong Lunes (4 Abril) sa bayang ito, kausap ang ilang mga mamamahayag at ipinaalam …

Read More »

Robredo sakto sa disaster resilience, response & mitigation

Leni Robredo

NANGAKO si Vice President Leni Robredo na magtayo ng isang matatag at matibay sa bagyong pampublikong impraestruktura, lalo ang mga evacuation center, na kailangan sa isang bansa na hinahagupit ng dalawang dosenang bagyo sa isang taon. Ito ang nilalaman ng nilagdaang covenant ni Robredo  sa pagitan ng mga pinuno ng komunidad sa Borongan, Eastern Samar, tulad ng kanyang bayan sa …

Read More »

Grupo inilaglag si Isko lumipat kay Robredo

Nick Malazarte Leni Robredo Isko Moreno

SA IKALAWANG pagkakataon sa loob ng halos dalawang linggo, isa pang grupo ang inilaglag ang orihinal nilang kandidato bilang pangulo at lumipat sa kampo ni Vice President Leni Robredo. Nagpasya ang Ikaw Muna (IM) Pilipinas Visayas, na itinatag para suportahan ang kandidatura ni Francisco “Isko Moreno” Domagoso, na lumipat kay Robredo matapos pag-aralan ang kanilang mga opsiyon. Sa isang press …

Read More »

Angel, iba pang artista nagbahay-bahay para kay Leni

Angel Locsin Neil Arce Marjorie Barretto Leni Robredo

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio PINANGUNAHAN ni Angel Locsin ang pagbabahay-bahay sa Cagayan de Oro City at Misamis Oriental para ikampanya si Vice President Leni Robredo bilang pangulo sa darating na halalan sa Mayo. Ang pagbabahay-bahay ay bilang pagsunod sa panawagang paigtingin pa ang pagtulong sa kampanya ni Robredo bilang pangulo. Kasama ni Angel na nagbahay-bahay si Marjorie Barretto at ipa pang mga artistang sumusuporta sa …

Read More »

Legarda nangako sa Rizal ng makataongsolusyon laban sa climate change

Loren Legarda Taytay

INIHAYAG ni Antique Representative, at kandidato sa pagka-Senador, na si Loren Legarda ang kanyang planong gumawa ng mga solusyong makatao sa probinsiya ng Rizal, na isa sa mga probinsiyang lubhang apektado ng ‘climate change.’ Sa isang pagtitipon sa Taytay, Rizal, sinabi ni Legarda, ang makataong pamamaraan ay ang pagbase ng mga desisyon sa mga polisiyang naghihimok ng sustainable development upang …

Read More »

VP Leni hikayat sa digital natives fake news labanan

Leni Robredo digital natives fake news

UMAPELA si Vice President Leni Robredo sa mga kabataan na may access sa social media na itama ang mga naglalabasang fake news at kasinungalingan ng mga gustong manalo sa halalan sa pamamagitan ng disinformation. Naniniwala si Robredo sa mga kabataang tinawag niyang ‘digital natives’ na may access sa impormasyon ay maaaring itama ang kasinungalingan na ipinapalaganap sa social media ng …

Read More »

PDP LABAN suportado si Belmonte sa QC

Joy Belmonte QC PDP LABAN Quezon City

SINUPORTAHAN ng PDP-Laban Quezon City council ang kandidatura ni Mayor Joy Belmonte sa pagka-alkalde ng lungsod. Sa pahayag ng partido na ibinahagi nitong weekend, sinabi ng PDP-Laban, napagkaisahan ng lahat ng miyembro nito na iendoso si Belmonte dahil sa magandang ipinakita nitong “serbisyo publiko” maging ang mga pagbabago at kaunlarang nangyari sa lungsod sa ilalim ng pamumuno ng Mayora sa …

Read More »

Away ng mga Marcos at Aquino tapos na — Angeles

Cristy Angeles Bongbong Marcos Sara Duterte Ninoy Aquino Ferdinand Marcos

SA PAGTUNTONG ni presidential frontrunner Ferdinand Marcos, Jr., sa Tarlac kasama ang kanyang UniTeam ay tila pagpapakita na tapos na ang away ng mga kulay sa lalawigan. Ito ang inihayag ni Tarlac City Mayor Cristy Angeles na nagsabing simula na ang pagkakaisa. Kilala ang Tarlac na balwarte ng pamilya Aquino simula pa noong panahon ni dating Senador Benigno “Ninoy” Aquino, …

Read More »

Robredo, take-charge player sa basketball — Guiao

Leni Robredo Yeng Guiao

NAGPAHAYAG ng suporta at aktibong nangangampanya ang PBA Coach na si Yeng Guiao para sa kandidatura ng presidential candidate at bise presidente na si Leni Robredo. Marami ang nakapansin na laging suot-suot ni Guiao ang pink mask sa tuwing may laro sila ng basketball. Sa labas ng hardcourt, naglalaan ng oras ang coach para sa iba’t ibang outreach programs para …

Read More »

Kakampings: Boto wag sayangin Ping Lacson dapat piliin

Ping Lacson KakamPings

UPANG masiguradong hindi maliligaw sa pagpili ng nararapat na presidente sa loob ng susunod na anim na taon, pursigidong nagbayanihan sa pangangampanya para kay presidential candidate Panfilo “Ping” Lacson ang kanyang mga lehitimong tagasuporta. Iba’t ibang pamamaraan ang ginamit ng solid Lacson supporters na boluntaryong nangampanya at ipinakita ang kanilang presensiya hindi lamang sa mga komunidad ngunit maging sa social …

Read More »

Atienza walang GMRC — Lacson
Lacson Sotto tandem solid — Sotto

Lito Atienza Tito Sotto Ping Lacson

“WALANG good manners at right conduct (GMRC).” Tahasasng sinabi ito ni presidential candidate Senator Panfilo “Ping” Lacson kay vice presidential candidate Lito Atienza matapos hilinging magbitiw o umatras na sa pagtakbo upang matiyak na matalo ang tambalang BBM-Sara. Ayon kay Lacson, walang karapatan si Atienza na hilinging umatras siya sa laban kahit mababa ang kanyang survey at hindi sinuportahan ng …

Read More »

Pati amang dating alkalde idinamay
Fake news pakalat ng kalaban — Lopez

Alex Lopez Mel Lopez

AMINADO si Manila mayoralty candidate, Atty. Alex Lopez, kinakbahan ang kanyang mabigat na katungali kaya’t kung ano-anong fake news na lamang ang ipinagkakalat at pati mga patay ay dinadamay pa sa kampanya at nalalapit na halalan. Ayon kay Lopez, isa sa ipinakalat ng kanyang kalaban, itinakbo siya sa ospital gayong malakas pa siya sa kalabaw. Bukod dito, inakusahan din siyang …

Read More »

Tsikahan nina Ciara at Iwa kina Ping-Sotto aliw

Tito Sotto Ping Lacson Ciara Sotto Iwa Motto

NAGMISTULANG memory lane ang nangyaring interbyu nina Ciara Sotto at Iwa Moto kina presidential bet Ping Lacson at running mate niyang si Tito Sotto.  Refreshing pa ito bilang pambalanse sa mga nag-aaway-away sa politika. Ipinakita sa Youtube interview ang mga lumang litrato nina Sen Lacson at Senate President Sotto. Hindi nga napigilang matawa ni Ciara nang ipakita ang picture ng kanyang daddy Tito noong 1977 na payat …

Read More »

Aiko at VG Jay gumagawa ng oras para magkita   

Aiko Melendez Jay Khonghun

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio NAKABIBILIBang pagmamahal ni Vice Governor Jay Khonghun ng Zambaleskay Aiko Melendez dahil pinuntahan niya ito sa grand rally noong Marso 26, 2022 Sabado sa Quezon City. Abala rin kasi si VG Jay sa pangangampanya sa Zambales dahil tumatakbo itong kongresista sa 1st District ng Zambales pero binigyan niya ng oras ang kasintahan para sorpresahin ito na tumatakbo namang konsehal …

Read More »

Pagdawit sa ama pinalagan ni Lopez

Alex Lopez Mel Lopez

MARIING kinondena ni Atty. Alex Lopez ang pahayag ng Asenso Manilenyo sa paratang tungkol sa kanyang ama. Ayon kay Lopez, ang pagdawit sa pangalan ng kanyang yumaong ama, nakabababa ng moralidad at hindi angkop para sa isang sibilisadong lipunan. Tinangka ng mga taong nasa likod ng Asenso Manilenyo na patahimikin ang oposisyon upang protektahan ang kasalukuyang administrasyon ng lungsod. Nagbanta …

Read More »

Paghahanda sa Ramadan nilahukan ni Alex Lopez

Alex Lopez Golden Mosque

NAGTUNGO si Atty. Alex Lopez sa Golden Mosque and Cultural Center sa Globo de Oro St., Quiapo, Maynila nitong Huwebes ng umaga. Dumalo at nakiisa si Atty. Lopez sa kinaugaliang seremonya ng paglilinis ng Mosque bilang paghahanda sa pagdiriwang ng Ramadan na magsisimula sa Sabado, 2 Abril hanggang 2 Mayo ng taong kasalukuyan. Nakibahagi ang Philippine Coast Guard (PCG) upang …

Read More »

#DropGordon nagtrending sa social media

Dick Gordon

KUMALAT sa social media ang panawagang tanggalin sa lineup ng senatorial slate nina presidential candidate Leni Robredo at vice presidential aspirant Kiko Pangilinan si Senator Dick Gordon kasunod ng ilang insidente ng pagpapakita ng kabustusan sa mga campaign sortie. Sa Robredo-Pangilinan People’s Rally sa Nueva Ecija, hindi nagustohan ng mga ‘Kakampinks’ ang inasal ni Gordon nang ipakilala niya ang senatorial …

Read More »