NAGBIGTI ang isang lalaki matapos ang mainitang pakikipagtalo sa menor de edad na live-in partner sa Brgy. Ibaba, Malabon City. Patay nang idating sa Pagamutang Bayan ng Malabon (PBM) si James Bryan Soledad, 18-anyos, quality control ng Liwanag Candle at naninirahan sa #112 Dulong Herrera St., Brgy. Ibaba ng nasa-bing lungsod. Sa imbestigasyon nina PO3 Jun Belbes at PO1 Benjamin …
Read More »Masonry Layout
Pork Barrel unconstitutional
IDINEKLARA ng Supreme Court kahapon bilang unconstitutional ang controversial pork barrel fund o Priority Development Assistance Fund (PDAF) ng mga mambabatas. Ipinunto rin ng High Tribunal na illegal ang mga probisyon sa dalawang batas na nagpapahintulot sa Pangulo na gamitin ang Malampaya Fund at President’s Social Fund sa mga layuning hindi kasama sa mandato para sa nasabing mga pondo. Ang …
Read More »P37-M Shabu, Ecstacy huli sa Chinese couple
Arestado ang mag-asawang Chinese national matapos mahulihan ng ilegal na droga sa Timog Avenue, Quezon City, Martes ng madaling araw. Ayon kay Atty. Jac de Guzman ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA), isinagawa ang buy-bust operation sa tatlong-buwan pagmamanman kina Qiao Wen Jiang alyas Alan at Xiao Xia Chai alyas Angela. Nakipagtransaksyon ang mag-asawa sa isang ahente na nagkunwaring bibili …
Read More »900 sanggol isinisilang sa typhoon hit areas (Sa bawat araw)
NAHAHARAP Sa “heightened risks” ang 235,000 buntis sa mga lugar na sinalanta ng bagyong Yolanda. Sa ulat ng UN Population Fund (UNFPA), sinasabing nasa 900 deliveries o kaso ng panganganak araw-araw ang naitatala sa nasabing mga area, sa kabila ng kakulangan ng medical supplies at facilities. Samantala, muli rin nanawagan ang World Health Organization (WHO) para sa karagdagang mga medical …
Read More »Nanay itinumba sa harap ng 2 paslit na anak
CAMP OLIVAS, Pampanga – Patay ang isang nanay makaraang pagbabarilin ng isang hindi nakilalang suspek sa harap ng kanyang dalawang paslit na anak sa Nueva Ecija kamakalawa ng gabi. Agad binawian ng buhay si Annaliza Galang. Hindi sinaktan ng suspek ang mga anak ng biktima na sina Jayson, 7, at Renz, 5, residente ng Bibiclat, Aliaga. Sa inisyal na ulat …
Read More »Plunder raps vs JPE, Jinggoy, Bong umabante na
MAAARI nang isagawa ng Ombudsman ang preliminary investigation sa kasong plunder at graft laban sa ilang mga senador at mga indibidwal, ang pangalawang hakbang para sa resolusyon sa pork barrel scam. Inihain na ng field investigators ng Office of the Ombudsman ang tatlong magkakahiwalay na kasong plunder at graft laban kina Senators Juan Ponce Enrile, Jose “Jinggoy” Estrada, Ramon “Bong” …
Read More »Delfin Lee pugante pa rin—De Lima
PUGANTE pa rin maituturing ang developer na si Delfin Lee sa kabila ng pag-abswelto ng Court of Appeals sa kasong syndicated estafa at pagpapawalang bisa sa warrant of arrest na inilabas ng hukuman sa Pampanga. Ayon kay Department of Justice (DOJ) Sec. Leila de Lima, nananatili pa rin ang bisa ng arrest warrant dahil hindi pa naman pinal ang ipinalabas …
Read More »65-anyos Australiano nahulog sa hagdan, patay
PATAY ang isang 65-anyos Australian national makaraan mahulog sa hagdan ng kanilang bahay sa Muntinlupa City kahapon ng madaling araw. Kinilala ang biktimang si Konrad Reghberger, 65, na hindi na naisugod sa pagamutan makaraang ideklara ng mga rumespondeng tauhan ng Muntinlupa Rescue Team na hindi na humihinga, dakong 1:20 ng madaling araw, nang matagpuang duguan sa paanan ng hagdanan sa …
Read More »Ex-aid ni Imelda Marcos guilty sa Monet painting
NEW YORK – Hinatulang guilty ng korte sa New York ang dating aide ni former First Lady Imelda Marcos, kaugnay sa pagbebenta ng mamahaling Monet painting. Ayon sa New York District Attorney’s Office, guilty si Vilma Bautista, 75, sa conspiracy at nakatakdang ilabas ang sentensya laban sa kanya sa darating na mga araw. “Bautista was found guilty of attempting to …
Read More »Nanay patay sa panganganak, sanggol nadamay
HUSTISYA ang hinihingi ng pamilya ng isang nanay na hindi agad naasikaso sa pangananak sa isang lying-in clinic sa Caloocan City kamakalawa ng hapon. Kinilala ang biktimang si Genalyn Enriquez, 25, ng Don Pedro Subdivision, Brgy. Marulas, Valenzuela City at ang sanggol na nasa sinapupunan. Sa salaysay ng kapatid na si Grace, 27, dakong 8:00 ng umaga kamakalawa nang dalhin …
Read More »Prov’l treasurer dinukot sa Sulu
DINUKOT ng hindi nakilalang armadong mga lalaki ang provincial treasurer ng Patikul, Sulu. Sa report ng pulisya, tinangay ng mga armado ang biktimang si Jessie Cabelin, 60, matapos pasukin sa treasurer’s quarters sa Brgy. Bangkal, Patikul, Sulu. Nagpapahinga ang biktima nang pasukin ng mga suspek at kinaladkad patungo sa dilaw na Tamaraw. Nabatid sa report na sasakyan ng mga bandidong …
Read More »Bading timbog sa pambubugaw (Sa Zamboanga City evacuation centers)
ZAMBOANGA CITY – Huli sa akto sa entrapment operation ng mga pulis ang isang bading na hinihinalang ibinubugaw ang ilang kababaihang bakwet sa loob ng Joaquin Memorial Sports Complex sa R.T. Lim Boulevard, isa sa nagsisilbing pinakamala-king evacuation center sa Zamboanga City. Sa report ng Women and Children’s Protection Division ng Zamboanga City police office (ZCPO), kinilala ang suspek na …
Read More »Mass graves kapos sa dami ng bangkay
TACLOBAN CITY — Kinukulang na ng lugar na maaaring paglibingan ang lokal na pamahalaan ng Tacloban para sa mga narekober na mga bangkay sa nagpapatuloy na retrieval at clearing operations ng mga awtoridad. Ayon sa ulat, karagdagang 200 bangkay pa ang narekober ng retrieval team sa lungsod, kaya umakyat na sa 800 ang kompirmadong namatay habang 300 iba pa ang …
Read More »Tent city sa evacuees itatayo sa Pasay
PANSAMANTALANG magtatayo ng tent city ang pamahalaang lungsod ng Pasay para matuluyan ng mga evacuees mula sa Tacloban City na lumalapag sakay ng C-130 planes sa Villamor Airbase. Ayon kay Atty. Dennis Acorda, City Administrator, kanilang ikinokonsidera at posibleng masimulan agad. Ang tent city ang pansamantalang tirahan ng mga evacuees habang naghihintay na masundo ng mga kaanak, makahanap ng permanenteng …
Read More »Typhoon hit areas inikot ng gabinete
TATLONG araw matapos hagupitin ng international media dahil sa mabagal na pag-ayuda ng pamahalaan sa mga sinalanta ng bagyong Yolanda, sunud-sunod na pinuntahan ni Pangulong Benigno Aquino III ang Guiuan, Eastern Samar at Tacloban City, Leyte upang alamin ang progreso ng relief operations sa mga nasabing lugar. Kasama ng Pangulo si Speaker Feliciano Belmonte, Jr., at ilang miyembro ng kanyang …
Read More »‘Kung sino ang handa mauuna’ (PNoy naghamon sa Guian)
MULING sinisi at pinasaringan ni Pangulong Benigno Aquino III ang ilang lokal na opisyal sa mga lugar na sinalanta ng bagyong Yolanda dahil sa kakulangan ng paghahanda sa kalamidad, nang bumisita ang punong ehekutibo sa Guian, Samar kahapon. Ngunit ang mga lokal na opisyal ng Guian ay kanyang pinuri sa kahandaan sa trahedya. “Bilang Pangulo n’yo, bawal po ako magalit. …
Read More »Mister binoga sa kara ng erpat ni misis (Nambugbog ng asawa at biyenang babae)
NAGA CITY – Sugatan ang isang lalaki matapos barilin ng kanyang biyenang lalaki sa mukha dahil sa pambubugbog sa kanyang misis at biyenang babae sa Gumaca, Quezon. Kinilala ang nabaril na si Roderick Saavedra, 33-anyos, nasabing lugar. Ayon sa ulat, umuwing lasing si Saavedra at nagkaroon sila ng pagtatalo ng kanyang misis na si Mirabel. Humantong ito sa pananakit ni …
Read More »P.5-M naabo sa Maynila
Tinatayang aabot sa kalahating milyon piso ang halaga ng ari-arian na nasunog sa dalawang palapag na apartment sa Zobel Roxas Street, San Andres Bukid, Maynila, Linggo ng umaga. Ayon sa Manila Fire District, sumiklab ang apoy dakong 6:18 ng umaga sa unit na inuupahan ng isang Cely del Mundo. May isang matanda at dalawang bata ang napaulat na nawawala, pero …
Read More »Taas-singil ng Meralco idinepensa ng Palasyo
IDINEPENSA ng Malacañang ang pagtaas ng singil ng Manila Electric Company (Meralco) sa milyon-milyong consumers ngayong Nobyembre dahil wala naman sinalanta ng kalamidad ang maaapektohan sa P1.24/kWh power rate hike. “Wala pong sakop na franchise area ng Meralco ang tuwirang apektado ng kasalukuyang kalamidad at ‘yun pong mga nakaraan din mga kalamidad sa Zamboanga at sa Bohol at Cebu na …
Read More »13-anyos dalagita ginapang ng kapitbahay
NAGA CITY – Pinaghahanap ng mga awtoridad ang isang lalaking nang-abuso sa isang dalagita sa Pagbilao, Quezon. Batay sa report ng pulisya, nagtungo sa pulisya ang 13-anyos na biktima kasama ang kanyang ina upang ireklamo ang suspek na kinilalang si Antonio Lusterio. Sa imbestigasyon, naiwan sa kanilang bahay ang biktima kasama ang kapatid na lalaki noong Nobyembre 12. Habang natutulog …
Read More »17 katao arestado sa illegal fishing
NAGA CITY – Arestado ang 17 katao matapos mahuling illegal na nangingisda sa Polilio, Quezon. Kinilala ang mga suspek na sina Dante Almoete, 53; Salvador Lascano, 49; Jerry Serrano, 31; Bryan Filomeno, 30; Norman Dudas, 36; Arnel Viana, 48; Jomar Rosero, 28; Jose Marquez, 40; Herson Tradio, 25; Alvin Sumalino, 28; Gilbert Dacer, 25; Bernardo Ladimo, 49; Ricky Gargallo, 32; …
Read More »EV PNP RD sinibak sa ‘10,000 death toll’
SINIBAK sa pwesto ni PNP chief, Director General Alan Purisima ang regional director na nagsabing umabot sa 10,000 ang bilang ng mga namatay sa super typhoon Yolanda sa Easter Visayas Region. Pansamantalang ilalagay sa Camp Crame si Police Regional Office (PRO) 8 Director, Chief Supt. Elmer Soria. Matapos ang kontrobersya, agad nagpalabas ng order si Purisima para sibakin si Soria …
Read More »Nat’l day of mourning idedeklara ni PNoy
MAKARAAN ang isang linggo, ikinokonsidera ng Malacañang ang pagdedeklara ng national day of mourning para sa mga namatay sa pananalasa ng super typhoon Yolanda sa Visayas. Sinabi ni Deputy Presidential Spokesperson Abigail Valte, pinag-uusapan na sa gabinete at mayroon lamang hinihintay pang ibang detalye para rito. Ayon kay Valte, marami silang natatanggap na mungkahi na ideklara ang national day of …
Read More »PNoy tutok sa rescue, relief ops (Batikos isinantabi)
PERSONAL na nagtungo sa Malacañang upang iabot kay Pangulong Benigno Aquino III ang P50 milyon tseke bilang tulong sa mga biktima ng super typhoon Yolanda, si Chairman Emeritus Richard Lee ng Hyundai Asian Resources Inc., kahapon. (JACK BURGOS) ISINANTABI na lamang ni Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino III ang mga tinatanggap na batikos kaugnay ng mabagal na pagkilos ng gobyerno sa …
Read More »Biazon: Donasyon mula abroad ‘di binuwisan
MALAYSIA RELIEF GOODS. Personal na pinuntahan ni Bureau of Customs Commissioner Ruffy Biazon ang warehouse sa NAIA Terminal 2 na kinaroroonan ng relief goods mula sa Malaysia kabilang ang mosquito nets at water jugs para sa mga biktima ng super bagyong Yolanda. (BONG SON) MARIING pinabulaanan ni Bureau of Customs (BoC) Commissioner Rozanno “Ruffy” Biazon ang kumakalat na usap-usapan sa …
Read More »