Saturday , May 18 2024

Lolo dyuminggel sa ilog nalunod

082114 lunod

NALUNOD ang isang 62-anyos lalaki makaraan mahulog habang umiihi sa tabi ng ilog sa Brgy. Sto. Rosario, Hagonoy, Bulacan kamakalawa.

Ayon sa ulat ng Hagonoy Police, wala nang buhay nang matagpuang lumulutang sa ilog ang biktimang si Manuel Dumasig, 62, residente ng Santos St., Brgy. San Roque, Angat.

Nabatid na nagtungo sa Hagonoy ang biktima upang makipaglamay sa burol ng isang kamag-anak.

Dahil may inoman ay nalasing ang biktima at nakatulog kaya ipinasya ng mga kainoman na ihiga siya sa isang nakaparadang jeep malapit sa gilid ng ilog.

Pinaniniwalaang nang magising ang biktima ay nagpasyang umihi sa tabi ng ilog ngunit nadulas kaya nahulog at nalunod.

(MICKA BAUTISTA/DAISY MEDINA)

About hataw tabloid

Check Also

DANIEL FERNANDO Bulacan

 Fernando determinadong tuparin ang pangako sa bawas trapiko at ligtas na komunidad

Determinado si Gobernador Daniel R. Fernando na tuparin ang kanyang pangako na bawasan ang trapiko …

4 drug trader tiklo sa Bataan buybust

4 drug trader tiklo sa Bataan buybust

NASAKOTE ng mga ahente ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) Bataan Provincial Office ang isang …

Kolektor ng pautang hinoldap sa palengke, binoga ng riding-in-tandem

Kolektor ng pautang hinoldap sa palengke, binoga ng riding-in-tandem

DEAD-ON-THE-SPOT ang isang ginang na sakay ng tricycle matapos holdapin at barilin ng mga lalaking …

dead gun police

Ikinumpisal bago nalagutan ng hininga
MAGKAIBIGAN ITINUMBA NG 4 KAALITAN

BINAWIAN ng buhay ang dalawang lalaki matapos pagbabarilin ng apat na pinaniniwalaang kanilang mga kaalitan …

051724 Hataw Frontpage

Tutol sa adelantadong renewal ng prangkisa
SOLON NAGBABALA MERALCO MATUTULAD SA SMNI NI QUIBOLOY

MULING nadagdagan ang tumututol sa ‘adelantadong’ renewal ng prangkisa ng distribution utility na Manila Electric …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *