Saturday , May 18 2024

3 paslit todas sa inulam na pawikan

101414 pawikan masbate sorsogon

BINAWIAN ng buhay ang tatlong paslit na magkakapatid makaraan malason sa inulam na karne ng pawikan sa Brgy. Liang, Irosin Sorsogon kamakalawa.

Ayon kay PO3 Ronnie Dollentas ng PNP Irosin, nabili ng mag-asawang Pio at Teresa Alon ang karne ng pawikan sa isang Norman Gacias, isang fish vendor mula sa Matnog.

Iniluto ng mag-asawa ang karne at ipinakain sa mga anak na sina Juvelyn, isa’t kalahating taon gulang; Jose Bernard, 5, at Jacob.

Kinaumagahan, isinugod ang buong pamilya sa Irosin District Hospital dahil sa pagsusuka at matinding pananakit ng tiyan.

Ngunit idineklarang dead on arrival ang bunsong si Juvelyn habang hindi na umabot nang buhay sa paglilipatang Sorsogon Provincial Hospital ang dalawa pa.

Nakalabas na ng ospital ang mag-asawa.

Iniimbestigahan pa ng pulisya ang insidente.

(JETHRO SINOCRUZ/BETH JULIAN)

About hataw tabloid

Check Also

DANIEL FERNANDO Bulacan

 Fernando determinadong tuparin ang pangako sa bawas trapiko at ligtas na komunidad

Determinado si Gobernador Daniel R. Fernando na tuparin ang kanyang pangako na bawasan ang trapiko …

4 drug trader tiklo sa Bataan buybust

4 drug trader tiklo sa Bataan buybust

NASAKOTE ng mga ahente ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) Bataan Provincial Office ang isang …

Kolektor ng pautang hinoldap sa palengke, binoga ng riding-in-tandem

Kolektor ng pautang hinoldap sa palengke, binoga ng riding-in-tandem

DEAD-ON-THE-SPOT ang isang ginang na sakay ng tricycle matapos holdapin at barilin ng mga lalaking …

dead gun police

Ikinumpisal bago nalagutan ng hininga
MAGKAIBIGAN ITINUMBA NG 4 KAALITAN

BINAWIAN ng buhay ang dalawang lalaki matapos pagbabarilin ng apat na pinaniniwalaang kanilang mga kaalitan …

051724 Hataw Frontpage

Tutol sa adelantadong renewal ng prangkisa
SOLON NAGBABALA MERALCO MATUTULAD SA SMNI NI QUIBOLOY

MULING nadagdagan ang tumututol sa ‘adelantadong’ renewal ng prangkisa ng distribution utility na Manila Electric …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *