Sunday , December 22 2024

Masonry Layout

Mangrove forest sa coastal suportado ni Villar

PINURI  ni Sen. Cynthia Villar  kahapon ang direktiba ng Pangulo na magkaroon ng mangrove (Bakawan)  forest sa coastal areas sa buong bansa bilang natural na panangga sa nakamamatay na storm surges. Binigyan-diin ni Villar na ang pagtatanim ng mangrove trees ay magiging bahagi ng komprehensibong programa environmental protection na inilalatag bilang tugon sa  pinsalang idinulot ng super typhoon “Yolanda.” “The …

Read More »

2 taon tax moratorium, cash for work isinulong

DAPAT nang maglabas ng pondo ang pamahalaan para sa cash for work program sa mga biktima ng bagyong Yolanda. Inihayag ito ni Senate President Pro Tempore Ralph Recto at idiniing ito ay upang mabigyan agad ng trabaho at livelihood program ang mga biktima ng bagyo. Ayon kay Recto kailangan ng mga biktima ng employment upang makapag pagawa sila ng kanilang …

Read More »

10 solon pa kakasuhan sa PDAF scam

NAKATAKDANG isampa ngayong araw ang second set ng mga kaso laban sa mga mambabatas at iba pang sangkot sa Priority Development Assistance Fund (PDAF) scam. Ayon kay Atty. Levito Baligod, mahigit 10 mambabatas ang kasama sa kanilang ipaghaharap ng reklamo sa Office of the Ombudsman. Binanggit ni Baligod ang ilan sa mga kakasuhan na kinabibilangan nina Reps. Arthur Pingoy ng …

Read More »

60-anyos lolo tinurbo sariling apo

LOPEZ, Quezon – Napariwara ang puri ng isang 14-anyos dalagita makaraang halayin ng kanyang sariling lolo sa Brgy. Poblacion ng bayang ito. Ang biktima ay itinago sa pangalang Nilda, habang ang suspek ay kinilalang si alyas Rafael, 60-anyos, kapwa ng nasabing lugar. Sa ipinadalang report ng Lopez PNP sa Camp Guillermo Nakar sa tanggapan ni Senior Supt. Ronaldo Genaro, Ylagan …

Read More »

71-anyos biyudo ninakawan ng manok, tanim, nagbigti

LAOAG CITY – Nagbigti ang isang 71-anyos biyudo bunsod nang labis na sama ng loob matapos nakawan ng mga alagang manok at pananim sa Brgy. Columbia, Vintar, Ilocos Norte. Kinilala ni PO1 Jonathan Agcaoili ng Vintar-Philippine National Police, ang biktimang si Isabelo Aceret Jr., residente sa naturang barangay. Sa imbestigasyon ng pulisya, nag-alala ang kapatid ng biktima na si Delia …

Read More »

2 bus magkasunod hinoldap sa EDSA

MAGKASUNOD na hinoldap ang dalawang pampasaherong bus ng iisang kompanya sa kahabaan ng EDSA kamakalawa ng gabi at kahapon ng madaling-araw. Ayon sa pulisya, apat na armadong lalaking sumakay ng Baclaran-bound Malanday Metrolink bus ang nagdeklara ng holdap pagsapit sa EDSA-Kamuning dakong 10:25 p.m. Kinulimbat ng mga suspek ang mahalagang gamit ng mga pasahero katulad ng cellphones at wallets. Kabilang …

Read More »

Minahan sa Rapu-Rapu sumabog ( 2 patay, 2 kritikal )

LEGAZPI CITY – Dalawa ang naitalang patay habang dalawa pa ang kritikal sa pagsabog sa isang minahan sa Brgy. Bagawbawan sa islang bayan ng Rapu-rapu, Albay. Kinilala ang mga biktimang sina Antonio Grageda at Jerson Dela Cruz, 33, agad na binawian ng buhay sa insidente. Kritikal naman ang dalawang iba pa sa ospital na kinilalang sina Boyon Moises, 43, at …

Read More »

Bata ni Binay ‘nabasag-kotse’ sa Global City

ISANG tauhan ni Vice President Jejomar Binay ang nabiktima ng basag-kotse gang sa pinaglalabanang Bonifacio Global City, sa Taguig City kamakalawa ng gabi. Sa reklamo ng biktimang si Capt. Tino Maslan, ipinarada niya ang kanyang asul na Ford Everest (SHB-960) sa parking area ng McDepot, Global City, pero nalusutan ng mga kawatan ang mga security guard dakong 6:40 ng umaga. …

Read More »

P55-B rehab fund sa Yolanda tiniyak ni Drilon

TINIYAK ni  Senate President Franklin Drilon ang tinatayang P55.4 billion na ilalaan para sa long-term rehabilitation ng Yolanda-hit areas, na ang bahagi ay magmumula sa hindi nagamit na Priority Development Assistance Fund (PDAF). Sinabi ni Drilon, sumang-ayon ang dalawang kapulungan ng Kongreso na ipasa ang P14.6 billion supplemental budget, na magmumula sa pork barrel na idineklarang unconstitutional ng Supreme Court …

Read More »

Yolanda survivors humirit ng balato kay Pacquiao

HINIHINTAY na ng mga sinalanta ng super typhoon Yolanda ang biyayang inaasahan nilang matatanggap mula kay bagong WBO welterweight champion Manny Pacquiao. Ayon sa ilang residente ng Bogo City sa Northern Cebu, umaasa silang mababahagian din ng “balato” sa panalo ng Filipino ring icon. Una rito, kinompirma ni Top Rank promoter Bob Arum na aabutin ng $30-million ang kikitain ni …

Read More »

DILG, PNP binira ni Miriam (Sa nakawan ng relief goods)

BINATIKOS ni Senadora and Department of Interior and Local Government (DILG) at Philippine National Police (PNP) bunsod ng kawalan ng kahandaan sa pagtugon sa sakuna katulad ng pagsalanta ng bagyong Yolanda sa Tacloban at Leyte. Ayon kay Santiago, kailangang matiyak ng dalawang ahensya ng pamahalaan ang pagpapanatili ng peace and order situation sa naturang lugar na naging talamak ang nakawan …

Read More »

China’s grid operator tutulong sa power rehab

TUTULONG ang technical experts mula sa State Grid Corporation of China (SGCC) para sa pagsasaayos ng nasirang transmission lines sa Visayas, kaugnay pa rin sa pananalasa ng bagyong Yolanda. Sinabi ni National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) spokesperson Cynthia Alabanza, bukod sa inisyal na $100,000 financial assistance sa mga biktima ng kalamidad, magpapadala rin ng technical teams ang Chinese …

Read More »

House nilangaw (Pork barrel nang ibasura ng SC)

AMINADO si Marikina Rep. Miro Quimbo na ikinalungkot ng mga mambabatas ang pagbasura ng Supreme Court sa pork barrel system, ngunit binigyang-diin niya na wala itong kinalaman sa pagliban ng maraming kongresista sa nakaraang mga sesyon. Nitong nakaraang linggo, maraming bakanteng mga upuan sa plenaryo makaraang lumabas ang ulat kaugnay sa desisyon ng SC. Ipinaliwanag ni Quimbo gayunpaman, nag-aalala ang …

Read More »

Anti-political dynasty bill OK sa Palasyo

BUKAS ang Aquino government sa pagpapatibay ng panukalang batas laban sa tinatawag na political dynasties. Ayon kay Presidential Communications Operations Office Sec. Herminio Coloma, Jr., matagal nang hinihintay ng taumbayan ang nasabing reporma na mismong ang 1987 Constitution ang nagtatakda. “Ito po ay isang reporma na matagal nang hinihintay sa ating bansa dahil ito ay noon pang EDSA People Power …

Read More »

Organized vending program aprub kay Erap

INILUNSAD ang organisadong vending program na kabilang sa mga plano ni Mayor Joseph Erap Estrada sa Divisoria, Maynila kamakailan. Nakapagtitinda na sa tamang oras at may sukat na ang tindahan ng ilang vendor na sumunod sa alituntunin ng pamahalaang lokal ng lungsod. Base sa isang tumata-yong vendor organizer sa lugar, ang ilan sa kanilang kasamahan sa pagtitinda na kumuha at …

Read More »

Misis na senior citizen binalian ni mister

Nakabenda pa ang kaliwang braso nang magtungo sa tanggapan ng Manila Police District Women and Children’s Desk ang isang misis na senior citizen upang ireklamo ang pananakit ng kanyang asawa na isa rin senior citizen. Kinilala ang biktimang  si Olive Chan, 61, habang ang inirereklamong suspek ay ang asawang si Ricardo Chan, 60, kapwa ng San Andres St., Malate, Maynila. …

Read More »

Pulis-MPD inatake sa duty

ISINUGOD sa pagamutan ang isang miyembro ng Manila police matapos bumagsak habang naka-duty. Kinilala ang police na si PO3 Rodolfo Tejada Pallares,  52, ng Office of the District for Operation (ODDO), na nasa intensive care unit (ICU) ng Medical Center Manila. Sa ulat,  24-oras  naka-duty si PO3 Pallares dakong 9:30 ng uma-ga nitong Sabado, nang makaramdan ng pagkahilo hanggang magsuka …

Read More »

IRR ng new gun control law pirmado na

NAKATAKDA nang ipatupad ng pambansang pulisya ang bagong batas hinggil sa pagbibitbit ng armas. Ito’y matapos lagdaan ni PNP Chief Police Director General Alan Purisima ang implementing rules and regulations (IRR) para sa bagong batas, ang RA 10591 o ang Comprehensive Law on Firearms and Ammunition and Providing Penalties for Violations. Bago matapos ang taon, tiniyak ng PNP na maipatutupad …

Read More »

P36.7-M marijuana sinunog sa La Union

LA UNION – Aabot sa P36.7 mil-yon halaga ng marijuana ang sinunog ng PNP  Police Regional Office 1 na nakabase sa Camp Florendo, Brgy. Parian, San Fernando, La Union kahapon ng umaga. Ang marijuana ay binubuo ng 185,000 fully grown marijuana, 5,000 seedlings at  400 grams seeds. Nasamsam ang nasabing mga damo mula sa 18 plantation sites sa Brgy. Licungan, …

Read More »

Rapist, holdaper ginawang ‘mummy’

MISTULANG ginawang ‘mummy ’ ang hinihinalang biktima ng summary execution makaraang balutin ng duck tape ang ulo, nakatali ng alambre ang mga kamay at paa, sa sinabitan ng karatula na, “Ang rapist at hol-daper h’wag pamarisan sa Mandaluyong City.” Ayon kay P02 Donald Bañez, dakong 4:20 ng madaling araw nang matagpuan ng ilang residente ang bangkay ng biktima na naka-duck …

Read More »

PacMan sinisiw si Rios ( He’s back )

NAGPAKITA ng napakalaking pagkakaiba sa boxing IQ si Manny “Pacman” Pacquiao sa kanyang laban kay Brandon “Bam Bam” Rios, ayon sa local boxing analyst na si Ed Tolentino. Ipinunto ni Tolentino, sa mabagal na pagkilos ni Rios, naipakita ni Pacquiao ang kanyang talino sa loob ng “ring” sa pamamagitan ng paggamit ng highly tactical bout laban sa Mexican-American brawler. “Manny …

Read More »

2-anyos paslit patay 7-anyos kuya sugatan sa 2 malulupit na tita

PATAY ang isang 2-anyos totoy, habang sugatan ang kanyang 7-anyos kuya sa pagmamaltrato ng dalawa nilang tiyahin Taguig City. Hindi na umabot nang buhay sa Taguig-Pateros District Hospital ang biktimang tinawag sa pangalang  James. Buhay pero bugbog-sarado ang pitong-taon niyang kuya na itinago sa pangalang Michael, mula sa kamay ng malupit nilang mga tiyahing sina Kristine, 25, at Irene, 48, …

Read More »

Natitirang ‘kalawang’ sa Customs (Dep. Comm. Dellosa inalarma)

HINDI pa lubusang makatatahak sa ‘tuwid na daan’ ang Bureau of Customs dahil may ilan pang tiwaling opisyales ang sumasalungat sa reporma at patuloy sa kanilang raket sa Aduana at  nakikipagsabwatan sa mga ismagler. Ito ang buod ng impormasyong ibinunyag sa taga-media ng isang opisyal ng Customs Employees Union makaraang umusad ang balasahan sa nasabing ahensiya na tinaguriang isa sa …

Read More »

Estancia ‘ghost town’ sa oil spill

MAKARAAN ang pagpapatupad ng forced evacuation dahil sa oil spill, nagmistulang ‘ghost town’ ang Brgy. Botongon sa Estancia, Iloilo. Batay sa ulat ng Department of Health (DoH), umabot na sa 16.9 parts per million (ppm) ang benzen chemical na tumagas mula sa bunker fuel, mas mataas ito ng 30 beses sa normal na 0.5 ppm kaya ipinatupad ang agarang paglikas. …

Read More »

6 ‘volunteers’ timbog sa nakaw na relief goods

ANIM katao ang nasakote ng mga tauhan ng Philippine Air Force (PAF) na nakatalaga sa “Oplan Salubong” sa Villamor Air Base dahil sa pagnanakaw ng relief goods para sa Yolanda victims  kamakalawa ng gabi sa Pasay City. Agad dinala ng mga tauhan ng Security Forces Squadron sa Pasay city police ang mga suspek na sina Remar Saringan, 40; Reynaldo Fontanilla, …

Read More »