Wednesday , December 11 2024

Asunto vs Laudes, fiance at abogado ihahain ng AFP

PINAG-AARALAN ng Armed Force of the Philippines (AFP) ang pagsasampa ng kaso laban sa pamilya Laude, sa fiancé ni Jennifer na si Marc Sueselbeck at mga abogadong sina Harry Roque at Evangeline Suarez kaugnay sa illegal na pagpasok sa sa Mutual Defense Board-Security Engagement Board (MDB-SEB) facility sa Camp Aguinaldo noong Oktubre 22.

Kasunod ito ng posibilidad na ituring bilang illegal alien  si Sueselbeck sa Filipinas dahil sa pagsampa sa perimeter fence ng MDB-SEB at pagtulak sa isang sundalo.

Ayon kay Lt. Col. Harold Cabunoc, hepe ng Armed Forces of the Philippines-Public Information Office (AFP-PIO), nilinlang sila ng kampo ng mga Laude.

Kwento niya, unang tinangka ng mga Laude na pumasok sa Gate 3 ng AFP sa Boni Serrano Ave. ngunit hindi sila pinahintulutan ng military police (MP) nang makita si Sueselbeck sa loob ng sasakyan.

Lumipat ang grupo sa Gate 6 at itinago ang Aleman saka binanggit sa MP na didiretso sila sa Public Affairs Office.

Ipinag-utos na ni Lt. Gen Gregogio Pio Catapang Jr., sa Judge Advocate General Service (JAGS) ng AFP na pag-aralan ang aksyon laban sa mga Laude at sa dalawang abogado.

Banggit ni Catapang, maaaring pumasok sa kampo ng bansa ang kahit sino ngunit dapat ay sumusunod sila sa regulasyon lalo na’t hindi karapatan ang pagpasok doon kundi isang pribilehiyo.

 BI sumunod sa proseso vs fiance ni Laude (Pagtatanggol ng Palasyo)

SINUNOD lamang ng Bureau of Immigration ang proseso ng batas nang pigilan ang German fiancé ni Jeffrey ‘Jennifer’ Laude sa pagsakay sa eroplano pabalik sa kanyang bansa kamakalawa ng gabi.

Ayon kay Presidential Spokesman Edwin Lacierda, may inihaing reklamo ang Armed Forces of the Philippines (AFP) laban sa German fiancé ni Laude na si Marc Sueselbeck kaya’t ibinigay sa kanya ang order nang papaalis sana ng bansa sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 1, upang kanyang sagutin.

Aniya, hindi makatuwiran na basta na lamang ideklarang persona non grata at malaman na lamang niya kalaunan na blacklisted na pala siya sa Filipinas, sakaling magbalik sa bansa.

Sinabi ni Lacierda, bahala na si  Atty. Harry Roque na pabilisin ang proseso sa pagharap ni Sueselbeck sa kaso para makalabas na siya ng bansa.

Rose Novenario

About hataw tabloid

Check Also

Jose Manalo Mergene Maranan

Jose Manalo engage na kay EB Babe Mergene  

I-FLEXni Jun Nardo GINANAP sa Canada ang engagement ni Jose Manalo sa dating EB Babe member na si Mergene Maranan. …

VAT Tax Refund for Tourists

VAT refund sa turista magpapataas ng appeal ng PH bilang tourism haven

NANINIWALA si Senate President Francis “Chiz”  Escudero na ang mekanismo ng pagre-refund ng value-added tax …

Farmer bukid Agri

Sa batas ng tarifikasyon at agrikultura
Mas malakas na suporta para sa mga magsasaka ng palay

INAASAHAN ni Senate President Francis “Chiz”  Escudero na makatatanggap ng tulong ang mga magsasaka ng …

Special Needs Education SNED

Higit 7,000 ‘special needs education’ teachers kakulangan pinuna ni Gatchalian

PINUNA ni Senador Win Gatchalian ang kakulangan ng mahigit 7,000 Special Needs Education (SNED) teachers …

Brian Poe Llamanzares

Tangkilikin sariling atin pero mag-ingat sa online scam — Brian Poe

HINIMOK ni Brian Poe Llamanzares, unang nominado ng FPJ Panday Bayanihan Partylist, ang mamimili na …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *