PLANO ng Quezon City government, kaakibat ang Department of Agriculture (DA) na madala ang prime commodities direkta sa consumers upang matugunan ang pabagu-bago at hindi pangkaraniwang pagmahal ng presyo ng mga produkto. Ito ay bilang tugon sa adhikain para sa implementasyon ng Farmer-to Consumer program sa pulong ng Local Price Coordinating Council (QCPCC) na pinangunahan ni Acting Mayor Joy Belmonte …
Read More »Masonry Layout
Top JI operative buhay, nananatiling banta – AFP
BUHAY at nananatiling banta ang Filipino militant bomb-making expert na pinaniwalaang napatay sa sagupaan, pahayag ng militar kahapon. Si Abdel Basit Usman, nasa US government’s list ng most-wanted “terrorists,” ay “bomb-making expert,” at may $1 million reward mula sa State Department para sa kanyang ikaaaresto. Magugunitang iniulat na si Usman ay kabilang sa napatay noong 2010 sa US drone attack …
Read More »Pugante tiklo sa baril
ISANG pugante mula sa Leyte ang naaresto ng pulisya nang mahulihan ng baril habang nakikipagkuwentuhan sa isang barangay sa Valenzuela City, iniulat kahapon. Kinilala ni Valenzuela City Chief of Police Sr. Supt. Rhoderick Armamento, ang suspek na si Reynald Homerez, 33, isang pintor at pansamantalang nakatira sa Area 4, Sitio Pinalagad, Barangay Malinta, Valenzuela City. Napag-alaman, isinumbong ng isa sa …
Read More »15 OFWs lumikas mula sa Libya, nasa PH na
KARAGDAGANG 15 overseas Filipino workers (OFWs) ang nakabalik na sa ating bansa makaraan lumikas mula sa Libya. Ayon sa ulat ng Department of Foreign Affairs (DFA), mga nagtatrabaho sa Hyundai E&C ang naturang mga Filipino. Dahil dito, umaabot na sa 157 ang kabuuang mga kababayan nating nakauwi mula sa nasabing bansa. Gayunman, umaabot sa halos 100 iba pa ang sinasabing …
Read More »Trike vs pick-up 2 lola tepok
SUMALPOK sa pick-up ang isang tricycle na nagresulta sa kamatayan ng dalawang matanda sa Barotac Viejo, Iloilo. Patay agad ang mga biktimang sina Emma Batadlan, 70, at Eva Ebueza, 68, nang tumilapon mula sa sinasakyang tricycle na minamaneho ni Fredo Basa. Patungong Barotac Viejo District Hospital ang tricycle mula sa Ajuy at sakay ang mga biktima at anak ni Ebueza …
Read More »Nora Aunor ‘ibinasura’ ni PNoy (6 idineklarang National Artists)
NILAGDAAN na ni Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino III ang Proclamation Numbers 807, 808, 809, 810, 811 at 812 na nagdedeklara bilang National Artists kina Alice Reyes – Dance; Francisco Coching (Posthumous) – Visual Arts; Cirilo Bautista – Literature; Francisco Feliciano – Music; Ramon Santos – Music; at Jose Maria Zaragoza (Posthumous) – Architecture, Design and Allied Arts. Sinabi ni Communications …
Read More »P30K Shabu bistado sa Korean noodles (Ipapasok sa BI jail)
KULUNGAN ang binaksakan ng 28-anyos babae nang tangkaing ipasok sa loob ng Immigration detention cell sa Camp Bagong Diwa ang noodles na may nakaipit na shabu kamakalawa sa Taguig City. Sinampahan ng kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drug Act sa Taguig City Prosecutors Office si Mary Ann De Leon, ng 546 Alonzo St., Malate, Manila na nakompiskahan ng tatlong sachet …
Read More »Human trafficking sinisi ng US defense secretary
NANANATILI pa ring pangunahing problema sa bansa ang forced labor at sex trafficking sa mga kalalakihan, kababaihan at mga bata, ayon sa Estados Unidos. Inihayag ni Secretary of State John F. Kerry, aabot sa 20 milyon ang biktima ng nasabing krimen sa buong mundo, habang 44,000 lamang na survivors ang nabigyang pansin. Sa Filipinas na nabibilang pa rin sa tinatawag …
Read More »Pangil vs human trafficking talasan pa — Palasyo (Panawagan sa mambabatas)
NANAWAGAN ang Palasyo sa mga mambabatas na gumawa ng batas na magpapataw nang mas mabigat na parusa sa mga sangkot sa human trafficking. Inamin ni Deputy Presidential Spokesperson Abigail Valte, kulang pa ang ginagawang hakbang ng pamahalaan upang bigyan ng proteksyon ang mga mamamayan laban sa human traffickers. Sa Expanded Anti-Trafficking in Persons Act o Republic Act 10364, ang parusa …
Read More »3 sa 5 Pinoy ‘di kayang bumili ng pagkain
TATLO sa limang Filipino ang nahihirapan pa ring makabili nang sapat na pagkain sa nakaraang quarter ng taon, ayon sa survey na isinagawa ng development think tank. Ayon sa survey ng IBON Foundation, sa 1,500 respondents mula noong Abril 24 hanggang 30, napag-alaman na 59.3 porsyento ang nagsabing nahirapan sila sa pagbili ng pagkain sa nasabing period. Bukod dito, sinabi …
Read More »Rantso inayawan ni Bong
NAKATULOG nang maayos si Senador Bong Revilla Jr. sa kanyang unang gabi sa Custodial Center sa Camp Crame at bantay sarado ang kanyang selda. Kamakalawa ng gabi, paglabas ng pamilya ni Senador Revilla sa kanyang kulungan ay hindi na pinalapit ang media sa kanyang selda. Una rito, humingi ng pagkain si Revilla Jr. bukod sa pagkain niya sa loob ng …
Read More »Murang NFA rice ibubuhos sa palengke (P27, P32/kilo)
INAPRUBAHAN na ni Presidential Assistant on Food Security and Agricultural Modernization Francis Pangilinan ang panukala ng National Price Coordinating Council (NPCC) na dagdagan ang ilalabas na NFA rice na nagkakahalaga ng P27 at P32 kada kilo. Sinabi ni Pangilinan, mula sa dating 12,500 bags kada araw, gagawin itong halos 26,000 bags. Ayon kay Pangilinan, magpapatupad din sila ng mahigpit na …
Read More »Probable cause sa plunder case vs JPE kinuwestiyon ni Mendoza (Warrant of arrest haharangin)
PIPILITIN ng kampo ni Sen. Juan Ponce-Enrile na maharang ang pagpapalabas ng warrant of arrest ng Sandiganbayan para kay Enrile kaugnay sa kinakaharap na plunder case bunsod ng pork barrel scam. Ang kaso ni Enrile ay nasa sala ni Sandiganbayan Associate Justice Samuel Martires at kasalukuyang inaaral kung may probable cause. Ayon kay Atty. Estelito Mendoza, walang basehan para ipaaresto …
Read More »Walang pambili ng bigas inispin ng live-in
SUGATAN ang isang 29-anyos na mister nang tumusok sa kanyang dibdib ang itak na inihagis kanyang live-in partner kamakalawa ng gabi sa San Andres Bukid, Maynila. Ginagamot pa sa Sta. Ana Hospital ang biktimang si Ryan Dimacali, trike driver, ng 1934 Dagonoy St., San Andres Bukid, Maynila dahil sa sugat sa dibdib. Sa imbestigasyon ni SPO2 Darmo Meneses, ng Manila …
Read More »Bigong makapasok sa construction nanarak ng ice pick
KRITIKAL ngayon ang isang mister matapos saksakin ng kapitbahay na hindi natulungang makapasok sa isang construction kamakalawa ng gabi sa Caloocan City. Ginagamot ngayon sa ospital ang biktimang si Rodolfo Muncal, 43, contruction worker, ng Dimasalang St., Maypajo, Brgy. 30 ng nasabing lungsod. Tumakas ang suspek na kinilala lamang sa pangalang Jess. Sa ulat ni PO1 Genesis Acana, may hawak …
Read More »Revilla sumuko (Booking ginawa sa Crame)
SUMUKO sa Sandiganbayan si Sen. Ramon “Bong” Revilla Jr. kahapon. Ito’y makaraan maglabas ng arrest warrant ang Sandiganbayan First Division laban kay Revilla at 32 iba pang mga akusado. Ang senador ay nahaharap sa kasong plunder at graft dahil sa pagkakasangkot sa pork barrel scam. Kasama ni Revilla ang kanyang maybahay na si Rep. Lani Mercado, mga anak at mga …
Read More »Nominado sa Sandiganbayan protégé ni JPE
INAMIN ng Palasyo na ang pagkatuklas na isa sa mga nominado bilang Associate Justice ng Sandiganbayan ay protégé ni Sen. Juan Ponce-Enrile, ang dahilan kaya ipinarerepaso ni Pangulong Benigno Aquino III ang isinumiteng listahan sa kanya ng Judicial and Bar Council (JBC). Sinabi ni Deputy Presidential Spokesperson Abigail Valte, hiniling ng Pangulo sa JBC na repasuhin ang isinumiteng listahan ng …
Read More »2 akusado sa pork case wala na sa PH
DALAWANG akusado sa pork barrel case ang nakaalis na ng bansa, ayon sa pagkompirma ng Bureau of Immigration (BI) kahapon. Sinabi ni BI spokesperson Elaine Tan, nitong Hunyo 19, dalawang akusado lamang, sina Antonio Ortiz at Renato Ornopia, ang nakompirmang nakaalis ng bansa bago pa nakapagpalabas ng hold departure order (HDO). Gayunman, sinabi ng BI na hindi pa pinal ang …
Read More »P36-M bawang nasabat ng BoC
NASABAT ng Bureau of Customs (BoC) ang apat container van na puno ng imported na bawang sa port ng Batangas. Ang 120,000 kilos ng bawang na nagkakahalaga sa humigit kumulang P36 milyon ay mula sa Taiwan. (BONG SON) MULING nakasabat ang Bureau of Customs (BoC) ng dalawang container van na puno ng imported na bawang sa port ng Batangas. Dahil …
Read More »10 adik timbog sa pulis
LAGUNA- Arestado ng Intelligence operatives ng Lumban Municipal Police Station ang 10 katao kabilang ang tatlong babae sa isinagawang buybust operation sa Brgy. Maytalang Uno, Lumban, Laguna. Ayon sa ulat ni Sr. Insp. Richard Corpuz, OIC ng Lumban Municipal Police Station kay Laguna Provincial Director Sr. Supt. Romulo Sapitula, kinilala ang mga suspek na sina Terrysy Abanilla, 27, ng Brgy. …
Read More »Ex-parak na tirador ng dayuhan kakasuhan
Patuloy na nambibiktima ng mga dayuhan ang isang dorobong dating pulis- Maynila na wanted sa serye ng kasong robbery at usurpation of authority sa Maynila. Ayon kay PO3 Jayjay Jacob, imbestigador ng Manila Police District-General Assignment Section (MPD-GAS), nakasuot pa rin ng kanyang police uniform kapag nambibiktima ng mga dayuhan si ex-PO1 Reggie Dominguez, 32, ng 1228 Mataas na Lupa …
Read More »3rd batch ng pork cases ‘anytime’ — NBI
NAGHIHINTAY na lamang ng dagdag ng minstructions ang National Bureau of Investigation (NBI) mula kay Justice Sec. Leila de Lima para ihain ang ikatlong batch ng pork barrel cases sa Office of ther Ombudsman. Ayon kay NBI Director Virgilio Mendez, may mga isinasapinal na lamang na dokumento at maaari nang ihain ang mga kaso. Sakop ng magiging mga reklamo ang …
Read More »1-day Japan trip ni PNoy susulitin — DFA
TINIYAK ng Malacañang na magiging sulit ang isang araw na biyahe ni Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino III sa Japan. Sinabi ni DFA spokesman Charles Jose, napakahalaga ng maghapong event ni Pangulong Aquino partikular ang bilateral meeting kay Japanese Prime Minister Shinzo Abe at pagdalo bilang keynote speaker sa Bangsamoro conference. Ayon kay Jose, mabilis ngunit magiging makabuluhan ang aktibidad ng …
Read More »Minorya sa Senado mapipilay (Pag nakulong ang 3 pork senators)
MAPIPILAY ang pwersa ng minority block sa Senado kung makukulong na sina Senators Juan Ponce Enrile, Jinggoy Estrada at Ramon “Bong” Revilla dahil sa pork barrel fund scam. Ito ang sinabi ni Sen. JV Ejercito Estrada, isa sa mga miyembro ng minorya sa Senado kasunod ng pagpapalabas ng Sandiganbayan ng warrant of arrest laban kay Sen. Revilla. Samantala, inaasahan na …
Read More »Vendor utas sa jaguar na iritado sa aso
BINARIL at napatay ng isang gwardiya ang isang vendor dahil lamang sa pag-aaway sa pagpapaalis sa alagang aso ng biktima na nasa harapan ng binabantayan gusali sa Pasay City kahapon ng umaga. Patay bago idating sa San Juan De Dios Hospital ang biktimang si Danilo Simeon, 46, may asawa, ng 123 M. Acosta St., Pasay City sanhi ng tama ng …
Read More »