Friday , November 15 2024

Masonry Layout

2 coed todas, 1 pa kritikal (Motorbike sumemplang)

PATAY ang dalawang estudyanteng sina Sheranebeth Ocampo at Jane Margarita Lastrolio ng National Teachers College, habang kritikal ang isa pa nilang kasama nang sumalpok sa Ayala Bridge, Ermita, Maynila ang sinasakyan nilang motorsiklo kamakalawa ng gabi. (ALEX MENDOZA) TODAS ang dalawang coed habang kritikal ang isa pa nang sumemplang ang sinasakyang motorsiklo sa San Miguel, Maynila, kamakalawa. Matinding pinsala sa …

Read More »

Bagyong Henry nasa PAR na

NASA loob na ng karagatang sakop ng Filipinas ang bagyong si Henry o may international codename na Matmo. Ngunit ayon sa Pagasa, hindi na magkakaroon ng landfall sa alinmang panig ng Filipinas ang sentro ng bagyo kundi tutumbukin nito ang Taiwan at Southern Japan. Huling natukoy ang sentro ng bagyo sa layong 890 kilometro sa silangan ng Guiuan, Eastern Samar. …

Read More »

Pinoys nanawagan ng kapayapaan para sa Gaza

KASABAY ng pag-igting ng tensyon sa Gaza, nanawagan ang ilang grupo ng mga Filipino ng kapayapaan sa pamamagitan ng kilos-protesta sa tulay ng Mendiola kahapon. Pinangunahan ng International League of People’s Stuggle (ILPS) Philippines Chapter ang naturang demonstrasyon. Ayon kay ILPS Chairman Elmer Labog, dapat makialam ang gobyerno at gumawa ng aksyon sa umiinit na tensyon sa Gaza. Maraming mga …

Read More »

Court employees reresbak sa SONA (Sa pakikialam sa JDF)

NAGMARTSA ang grupong Kilusang Mayo Uno (KMU) patungo sa Mendiola sa San Miguel, Maynila bilang pagkondena sa Disbursement Accelaration Program (DAP). (BONG SON) NAGPAPLANO na ang mga empleyado ng hudikatura na magsagawa ng kilos-protesta sa araw ng State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Aquino sa Hulyo 28. Ayon kay Supreme Court Employees Association (SCEA) President Jojo Guerrero, naghahanda …

Read More »

Mosyon sa DAP inihain ng SolGen

PORMAL nang inihain ng Palasyo sa Korte Suprema ang motion for reconsideration (MR) kaugnay sa desisyon ng Kataas-taasang Hukuman na unconstitutional ang kontrobersiyal na Disbursement Acceleration Program (DAP). Inihayag ni Deputy Presidential Spokesperson Abigail Valte, dakong 3:16 p.m. nang isumite ni Solicitor General Francis Jardeleza ang MR, ngunit hindi binanggit kung ilang pahina ito. Wala rin sinabi si Valte kung …

Read More »

Catapang new AFP chief (ret. Gen. Bautista bibigyan ng pwesto)

  INIABOT ni Pangulong Benigno Aquino III ang Saber kay Lt. Gen. Gregorio Catapang Jr. sa ginanap na Armed Forces of the Philippines Change of Command ceremony sa AFP General Headquarters grandstand ng Camp General Emilio Aguinaldo kahapon. Pinalitan ni Lt. Gen. Catapang sa pwesto ang nagretirong si AFP Chief Emmanuel Bautista. (JACK BURGOS) PORMAL nang isinalin kahapon ni outgoing …

Read More »

Sen. Jinggoy, 3 buwan suspendido – Sandigan

INIUTOS ng Sandiganbayan ang tatlong-buwan suspensiyon kay Sen. Jinggoy Estrada kaugnay ng kinakaharap na kasong plunder bunsod ng pagkakasangkot sa kontrobersiyal na multi-billion peso pork barrel scam. Batay sa kautusan ng 5th division ng anti-graft court, 90 araw ang ipinataw na suspensiyon laban kay Estrada bilang senador batay sa hirit ng Ombudsman. Inutusan din ang Senate president na magbigay ng …

Read More »

Gigi Reyes ‘di nagpasok ng plea sa arraignment

TUMANGGI ang dating chief of staff ni Senador Juan Ponce Enrile na si Atty. Gigi Reyes na magpasok ng plea kasabay ng pagbasa ng sakdal sa kanya kaugnay sa kasong plunder bunsod ng multi-billion peso pork barrel scam. Dahil dito ang Sandiganbayan na lamang ang nagpasok ng “not guilty plea” para kay Reyes.

Read More »

Kelot nangisay sa kagat ni kuya

TODAS ang isang 22-anyos na lalaki matapos sapakin at kagatin sa dibdib ng kanyang kuya na inawat nya nang makitang sinusuntok ang kanilang ina sa Hamtic, Antique. Namatay ang biktimang si Ronnie Sasi, 22, pagkatapos makipambuno sa kanyang nakatatandang kapatid na si Randy, 32, sa kanilang bahay sa Barangay Buhang. Sa salaysay ng kanilang ama, pinipigilan ni Ronnie ang suspek …

Read More »

65-anyos na biyudo nainip sa pagbabalik ng syota nagbitay

MATAPOS dibdibin ang ilang araw na hindi pag-uwi sa bahay ng kanyang kinakasama, winakasan ng isang 65-anyos na biyudo ang kanyang buhay sa pamamagitan ng pagbibigti sa Sta. Barbara, Pangasinan. Maitim na ang mukha at halos lumuwa ang dila ng biktimang si Henry Balolong-Lanagan, ng Phase 2, Sta Teresita St., Villa Sta. Barbara housing, Brgy. Minien West, nang matagpuang nakabigti …

Read More »

Adik na ama nag-amok 3 paslit grabe

KALABOSO ang isang ama na sinasabing adik matapos mag-amok at pagsasaksakin ang mga anak sa Tondo, Maynila. Nakapiit na sa Delpan Police Community Precinct (PCP) ang suspek na si Kennedy Borilla, ng 931 Asuncion St., Tondo, Maynila. Ginagamot sa Gat. Andres Bonifacio Medical Center ang bitktimang sina Jennelyn, 6, anak ng suspek; ang pinsan na si Roselle Joy, 5, at …

Read More »

Sundalo niratrat patay (Nang-agaw ng kateybol)

PATAY ang isang kasapi ng Philippine Army (PA) matapos ratratin ng tama ng punglo dahil sa selos sa isang videoke bar sa Tabuk City, Kalinga. Kinilala ni Supt. Francisco Bulwayan Jr. hepe ng Tabuk City PNP, ang biktimang si S/Sgt. Jerry Magsano, 39, nakabase sa 503rd Brigade ng PA sa Barangay Calanan. Arestado agad ang suspek na si Dennis Tabbang, …

Read More »

Barangay kagawad, adik na manyak timbog sa rape

KALABOSO ang isang barangay kagawad at isang drug addict matapos halinhinang gahasain ang isang 14-anyos na babae sa Barangay Eguia, Dasol, Pangasinan. Kinilala ang mga suspek na sina Leonido Abella, barangay kagawad ng Dulipan at Justine Mijos, 49, sinasabing adik, ng barangay Eguia, Dasol. Sa salaysay ng biktimang itinago sa pangalang Yvonnah, 14, inimbitahan siya ng kanyang kabarkadang si Lorena …

Read More »

Palaboy ‘itinumba’ ng uhaw at gutom

MALAMIG na bangkay na ang isang lalaki nang matagpuan sa tapat ng Centro Escolar University sa San Miguel, Maynila, kamakalawa ng gabi. Hindi pa nakikilala ang biktima, na tinatayang nasa 42-47 anyos, kulay orange ang damit, nakaitim na tokong at may tattoo na ‘JOSEP’ at ‘FE’ sa kanyang kaliwang braso. Ayon sa gwardyang si Ruselo Robles, duty guard ng CEU, …

Read More »

Street sweeper pisak sa trak

TIGOK ang isang street sweeper ng Manila Metropolitan Development Authority (MMDA) matapos masagasaan ng trailer truck habang naglalakad sa tulay ng Delpan, sa Tondo, Maynila. Napipi ang katawan ng biktimang si Alberto Rondilla, ng 258 Sta. Barbara St., Tondo, dahil sa pagdagan ng gulong ng trak na nakasagasa sa kanya habang sumuko agad ang driver na si Gerry Lura, 55, …

Read More »

Umbagerong mister utas sa hataw ni misis

NAHAHARAP ngayon sa kasong parricide ang isang 43-anyos na misis matapos hatawin ng matigas na bagay ang katawan ng mister sa San Mariano, Isabela. Nakapiit na sa San Mariano PNP detention cell ang suspek na si Criselda Lalitan, matapos arestohin nang mapatay sa palo ng matigas na bagay ang mister na si Jesus Lalitan. Depensa ng suspek, hindi na niya …

Read More »

Mag-ama itinumba

DEAD-ON-THE-SPOT ang mag-amang sakay ng motorsiklo makaraang pagbabarilin ng dalawang hindi pa nakikilalang mga salarin habang binabagtas ang madilim na bahagi ng Bernardo St., sa Barangay Bonga Menor, Bustos, Bulacan, kamakalawa ng gabi. Kinilala ng pulisya ang pinaslang na mag-ama na sina Alex Villanueva, 60 anyos at ang anak na si Jervy, 24 anyos, kapwa nakatira sa Bulacan Heights Subdivision, …

Read More »

Kelot binote ng mag-utol (Sa kantyaw na madalas makitagay)

KRITIKAL ang isang mister matapos tarakan ng basag na bote ng magkapatid na tumagay lamang sa inoman sa Caloocan City kamakalawa ng hatinggabi. Agad isinugod sa Caloocan City Medical Center (CCMC) ang biktimang si Wilfredo Bula, 55, ng 126 H. Briones St., 7th Avenue, Grace Park, Bgy. 52, ng nasabing lungsod, sanhi ng mga saksak sa tiyan. Naaresto ang magkapatid …

Read More »

P24-M ilegal na droga isinuko ng BoC-NAIA sa PDEA

KASAMA ni Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Customs district collector Edgar Macabeo (gitna) si Customs Enforcement Security Service (ESS) Director Willie Tolentino (kaliwa) nang ipasa kay Atty. Ronnie Cudia, Regional and NCR deputy director ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang iba’t ibang uri ng illegal at restricted drugs gaya ng shabu, valium, ephedrine at ang anim (6) na sako …

Read More »

Ex-solon kumasa vs PNoy (Korte Suprema ipagtanggol – Abante)

MATAPOS tawagin na ‘tahasang pambabastos’ sa Korte Suprema ang talumpati ng Pangulo noong lunes, nanawagan ngayon si dating Manila Congressman Benny Abante sa taumbayan na “idepensa ang Hukuman” at sa mga miyembro nito na manindigan sa harap ng mga pag-atake ng Punong Ehekutibo. Ito ang reaksyon ng dating Chairperson ng House Committee on Public Information at Vice Chairperson ng House …

Read More »

Babala: Bangus, Tilapia mula sa Pasig River nakakakanser

NAGBABALA ang Makati City Health Department (MHD) sa publiko partikular sa mga residente ng  lungsod, na iwasan bumili ng isdang bangus at tilapya na nangaling o nahuli sa Pasig River dahil hindi ito maganda sa kalusugan at maaaring makakuha rito ng sakit na physical retardation at cancer dahil sa kontaminadong tubig. Nagpalabas kahapon ng babala si Dr. Jocelyn Vaño, ng …

Read More »

Bagong bagyo papasok sa PAR ngayong Linggo

HINDI pa man lubos na nakalalabas ng Philippine Area of Responsibility (PAR) ang bagyong “Glenda” (Rammasun), isa pang tropical cyclone ang binabantayan na posibleng pumasok sa teritoryo ng bansa bago matapos ang linggong ito. Ayon sa ulat, ang bagong bagyo ay inaasahan papasok sa PAR bago matapos ang linggong ito at papangalanan bilang “Henry”. Nabatid, nasa Pacific Ocean ang bagong …

Read More »

WALANG nagawa laban sa daluyong ni Glenda maging ang…

WALANG nagawa laban sa daluyong ni Glenda maging ang pinakamalaking rubber tree na humandusay at dumagan sa apat na sasakyan sa Lapu-Lapu St., sa Magallanes Village, Makati City maging ang mahigit isang siglong (100 taon) puno ng Acacia sa harap ng palasyo ng Malacañang. Kapuna-puna sa unang larawan ang makikitang imahe ng babaeng nakaitim at mahaba ang buhok at isang …

Read More »

Death toll ni Glenda 40 na, P1-B pinsala

UMAKYAT na sa 40 ang bilang ng mga namatay sa pananalasa ng bagyong Glenda, ayon sa ulat ng National Disaster Risk Reduction and Management Council kahapon. Ayon sa NDRRMC, ang pinsala sa agrikultura ay umakyat na sa P1,135,026,149.76. Kabilang dito ang pinsala sa pataniman ng palay, mais at high-value cash crops and livestock sa Central Luzon, Mimaropa at Bicol. Sa …

Read More »

Danish national pinatay ng selosang live-in partner

CEBU CITY – Patay na nang matagpuan ang isang Danish national sa kanyang kwarto sa Century Hotel sa Pelaez St. Lungsod ng Cebu kahapon. Kinilala ang biktimang si Jems Bjerre Overgaard, 65, isang Danish national. Ayon kay SPO2 Rene Cerna ng homicide section, pansamantalang nag-check-in ang mag-live-in partner sa nasabing hotel. Ngunit dakong madaling-araw kahapon ay nagtalo ang dalawa dahil …

Read More »