Friday , November 15 2024

Masonry Layout

Palparan dapat mabulok sa kulungan — KMU

SUMUGOD sa harap ng tanggapan ng National Bureau of Investigation (NBI) ang mga katutubo at isinigaw ang agarang paglilitis sa nadakip na si retired Maj. General Jovito Palparan. Iginiit din nilang huwag bibigyan ng special treatment ang dating heneral. (BRIAN BILASANO) WALANG espesyal na trato at dapat mabulok sa kulungan. Ito ang pahayag ni Lito Ustarez, vice-chairperson ng Kilusang Mayo …

Read More »

Ecleo, Reyes bros isusunod — Palasyo

TINIYAK ng Palasyo na susunod nang masasakote ng mga awtoridad ang iba pang high-profile fugitives na si dating Rep. Reuben Ecleo at Reyes brothers, makaraan bumagsak sa kamay ng batas ang puganteng si retired Maj. Gen. Jovito “The Butcher” Palparan. “Patuloy naman silang kabilang doon sa mga high-profile na at large suspects in criminal cases at patuloy din ‘yung pagkilos …

Read More »

Lider maralita tinambangan sa paaralan (11-anyos estudyante sugatan)

PATAY ang 59-anyos urban poor leader habang sugatan ang 11-anyos pupil makaraan pagbabarilin ng dalawang hindi nakilalang lalaki sa Antipolo City kamakalawa ng hapon. Sa ulat na tinanggap ni Senior Supt. Bernabe Balba, Rizal PNP provincial director, kinilala ang napatay na si Isaias Nicolas y Alfonso, founding chairman ng Agrarian Reform Beneficiary Association (ARBA), kalaban ng mga big time developer …

Read More »

P4-M G-Shock nakompiska ng Customs Intel sa Naia

UMABOT 413 piraso ng Casio G-Shock watches na nagkakahalaga ng P4 milyon na tangkang ipuslit sa pamamagitan ng pagtatago sa loob ng balikbayan boxes ang nasakote ng Bureau of Customs CIIS sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA), kahapon. Ang mga balikbayan boxes ay ipinadala nina Jeffrey N. Valencia, Peter Paul Bayani, Winly Dael Duran, Blessie Jao, at Leland Marquez kina …

Read More »

Parak na bigtime drug dealer tiklo (2 pa arestado)

ARESTADO ang isang pulis na hinihinalang big time drug dealer, at dalawa niyang kasama sa drug bust operation ng mga awtoridad sa Sta. Rosa, Nueva Ecija kamakalawa. Ayon sa ulat mula sa Kampo Olivas, kinilala ang pulis na si PO1 Danilo Ingalla, Jr. alyas June, ng nasabing lugar, isang pulis-Caloocan, sinasabing leader/financier ng J&B drug trafficking group, nakompiskahan ng armalite, …

Read More »

60-anyos lolo dedo sa ligaw na bala

NAGING ligaw na kamatayan para sa isang nagbibisekletang 60-anyos lolo ang bala na dapat sana ay para sa kumakaripas na 17-anyos binatilyo na siyang tunay na target ng naka-motorsiklong suspek sa Pasay City kahapon ng madaling araw. Nalagutan ng hininga dakong 7:45 a.m. kahapon habang nilalapatan ng lunas sa Pasay City General Hospital ang biktimang si Jimmy Fiel, self employed, …

Read More »

Kuya ini-hostage 3 utol na paslit (Sinita ni tatay sa inubos na kanin)

BUNSOD nang matinding sama ng loob nang pagalitan ng ama dahil sa pag-ubos sa kanin, ini-hostage ng isang 21-anyos lalaki ang tatlo niyang nakababatang kapatid habang hawak ang isang granada sa loob ng kanilang bahay sa Caloocan City kamakalawa ng gabi. Sa pakikipagnegosasyon ng mga awtoridad, napasuko ang suspek na si Gabriel Villafuerte, walang trabaho, residente ng Diamante St., Deparo …

Read More »

Ex-con itinumba sa computer shop

PATAY ang isang ‘ex-convict’ nang pagbabarilin ng hindi nakikilalang mga suspek habang abala sa paglalaro ng computer games sa Tondo, Maynila kahapon ng madaling-araw. Agad binawian ng buhay ang biktimang si Ronald Bautista, 44, miyembro ng Batang City Jail, at residente ng #1123 Esmeralda St., Kagitingan, Tondo. Inaalam pa ang pagkakilanlang ng mga suspek na mabilis tumakas makaraan ang insidente. …

Read More »

Barangay secretary na bading nagbigti

WALA nang buhay nang matagpuang nakabitin ang isang baklang kalihim ng barangay, sa kusina ng bahay ng kanyang kaibigan sa MacArthur Village Subdivision, sakop ng Brgy. Longos sa Lungsod ng Malolos, sa lalawigan ng Bulacan. Kinilala ang biktimang si Charles Mateo, 30, naglilingkod bilang kalihim ng Brgy. Pinagbakahan sa nabanggit na lungsod. Ayon sa ulat ng pulisya, dalawang linggo nang …

Read More »

14-anyos dalagita huli sa repack ng P5.9-M Shabu

CEBU CITY – Tiniyak ng Cebu City Police Office na may mananagot sa batas kaugnay sa bulto-bultong shabu na nakompiska mula sa isang 14-anyos dalagita sa Balaga Drive, Brgy. Labangon, lungsod ng Cebu. Ayon kay City Intelligence Branch chief, Supt. Romeo Santander, inaalam pa nila kung saan at sino ang naging amo ng dalagitang nahuli nitong Sabado ng gabi. Aniya, …

Read More »

Hidden pork barrel sa 2014 budget itinanggi ng Palasyo (Scholars, hospitalization ginamit)

HUGAS-KAMAY ang Palasyo sa alegasyon sa inihaing ikaapat na impeachment complaint sa Kongreso laban kay Pangulong Benigno Aquino III, na may pork barrel pa rin ng mga mambabatas na nakapaloob sa 2014 national budget. Ayon kay Presidential Spokesman Edwin Lacierda, ipinauubaya ng Malacañang sa Kongreso ang pagtugon sa isyu lalo na’t sa isang closed door meeting, sinabi sa mga mambabatas …

Read More »

Hiring ng 7,000 pulis suspendido sa DAP issue

DESMAYADO Si Interior and Local Government Secretary Mar Roxas hinggil sa pagkaantala ng hiring ng 7,000 bagong police recruits makaraan ideklarang illegal at unconstitutional ang Disbursement Acceleration Program (DAP). Sinabi ng kalihim, ang pondo na inilaan para sa pag-hire ng 7,000 police recruits ay kukunin sana sa Disbursement Acceleration Program (DAP). Ngunit dahil hindi na pwedeng gamitin ang nasabing pondo …

Read More »

SC pumalag vs sapilitang SALN sa BIR

PUMALAG ang Korte Suprema sa tila pinalulutang na kawalan ng transparency ng mga mahistrado ng Kataas-taasang Hukuman dahil sa pagtanggi ng Supreme Court En banc sa hinihingi ng BIR na kopya ng Statement of Assets, Liabilities and Net worth ng mga mahistrado. Ito ay makaraan bigyang-diin ni Communications Secretary Sonny Coloma ang kahalagahan ng transparency sa harap ng pagtanggi ng …

Read More »

POEA nagbilin vs Ebola virus

NAGPALABAS ng panuntunan ang Philippine Overseas Employment Administration (POEA) para sa mga manlalayag o seafarer at manning agency para maiwasan ang nakamamatay na Ebola virus. Sa ulat kay DoLE Secretary Rosalinda Baldoz, ang panuntunan ay ipinalabas kasunod nang ipinatupad na deployment ban para sa mga bagong tanggap na OFW sa Guinea, Liberia at Sierra Leone, mga bansa na may epidemya …

Read More »

Amok na BJMP personnel tigbak sa parak

PATAY ang isang personnel ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) nang makipagbarilan sa mga pulis makaraan magwala at magpaputok ng baril kamakalawa ng gabi sa Caloocan City. Agad binawian ng buhay ang suspek na si Alfred Chan, 32, BJMP personnel, at residente ng Block 7, Lot 2, Ruby St., Interville Subd., Talipapa, Brgy. 164 ng nasabing lungsod, sanhi …

Read More »

PNoy matatag vs impeachment

TINIYAK ng Malacañang na nananatiling ‘high in spirits’ at hindi natitinag si Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino III bagama’t nagsimula na ang impeachment proceedings kahapon sa Kamara dahil sa Disbursement Acceleration Program (DAP) at Enhanced Defense Cooperation Agreement (EDCA) ng United States at Filipinas. Sinabi ni Communications Sec. Sonny Coloma, hindi nababahala ang Pangulong Aquino sa kinakaharap na impeachment at kompiyansang …

Read More »

Pulis, misis tiklo sa holdap sa Cagayan

TUGUEGARAO CITY – Kinasuhan ng robbery hold-up with intimidation ang isang pulis makaraan mangholdap kasama ang kanyang misis sa beauty and body shop sa bayan ng Aparri, Cagayan kamakalawa. Kinilala ang pulis na si PO3 Arsenio Segundo, Jr., 34, habang ang misis niya ay si Yummy, 32, kapwa residente ng Isabela. Ayon sa Aparri-Philippine National Police, nagpanggap na kustomer ang …

Read More »

2 Maria tinuhog ng ama

NAGA CITY – Nanlumo ang isang ina nang mabatid na hinalay ng kanyang asawa ang dalawa nilang anak na babae sa Sariaya, Quezon Sa ulat na ipinadala ng Quezon Police Provincial Office, nabatid na natutulog ang 15-anyos dalagita nang maramdaman na may humahawak sa maselang bahagi ng kanyang katawan. Laking gulat niya nang makita ang kanyang ama sa loob ng …

Read More »

Niyugan inararo 7 patay, 20 grabe (Trak nawalan ng preno)

TODAS ang pito katao at sugatan ang 20 pang biktima nang mawalan ng preno ang sinasakyang trak na bumangga sa mga puno ng niyog sa Linamon, Lanao Del Norte, nitong Sabado. Agad binawian ng buhay ang apat na sina Rasmiya Didaagun, 25, kapatid niyang si Jaon, 12; Noraima Pundag, 22; at Mabul Obing, 35; habang namatay sa ospital sina Amarodin …

Read More »

Mang Inasal franchisee utas sa ambush

PATAY sa pananambang ng killer tandem ang isang Tsinay na may-ari ng isang sangay ng Mang Inasal habang sakay ng kanyang Starex van sa Sampaloc, Maynila, kamakalawa. Idineklarang dead-on-arrival sa Ospital ng Sampaloc, ang biktimang si Mary Li, 58, taga-27 Pelicares St., Green Meadows, Quezon City dahil sa dalawang tama ng bala sa kanang ulo at pisngi. Sa imbestigasyon ni …

Read More »

PNP ‘malambot’ sa Jueteng ops sa South Metro nina Bolok Santos at Kenneth Intsik (P12M pinatulog ang one-strike policy)

KNOCKOUT ang one-strike policy ng Philippine National Police (PNP) laban sa jueteng operation ng isang kilalang gambling lord at financier sa South Metro Manila dahil sa P12-milyong goodwill payola sa isang tanggapan ng pulisya sa nasabing distrito. Ito ang kumakalat na impormasyon kaugnay nang biglang paglarga ng jueteng sa Pasay, Makati, Parañaque, Las Piñas, Muntinlupa at Taguig cities. Nagulat umano …

Read More »

SALN ng mahistrado target ng Palasyo

IPINAALALA ng Malacañang sa mga mahistrado ng Korte Suprema na dapat nilang ihayag ang kanilang statement of assets, liabilities and net worth (SALN) dahil ang pagsisinungaling sa SALN ang naging dahilan sa pagpapatalsik kay dating Chief Justice Renato Corona. Sinabi ni Communications Secretary Herminio Coloma, Jr., ang pangunahing tungkulin ng isang lingkod-bayan ay pagiging bukas at responsable sa taumbayan kaya’t …

Read More »

Health staff ni Erap nag-eskandalo sa Diamond hotel

NAGWALA at nag-eskandalo ang isang health staff ni Manila Mayor Joseph “Erap” Estrada sa Diamond Hotel nitong nakaraang Huwebes, Agosto 7, na ikinagulat ng mga taong nakasaksi. Ayon sa isang source, dumating si Erap sa Sky lounge ng hotel para dumalo sa birthday party ng isang Engr. Bernado. Pagpasok ni Erap, isang babae ang tumayo at agad sumalubong at umano’y …

Read More »

Paslit lasog sa bundol ng van

LASOG ang katawan ng isang 6-anyos paslit na babae nang tumilapon nang mabundol ng van sa Amadeo, Cavite, kamakalawa. Kinilala ang biktimang si Jomerlyn Lagonilla, ng Brgy. Dagatan, Amadeo, habang nasa kustodiya ng Amadeo PNP ang suspek na si John Villena, 44, ng Brias St., Nasugbu, Batangas. Sa ulat mula sa tanggapan ni Cavite PIO chief, Supt. Gerardo Umayao, dakong …

Read More »

Laborer nirapido sa gas station

LABING-ANIM na bala ng .9mm at kalibre .45 baril ang umutas sa buhay ng laborer nang ratratin ng hindi nakikilalang mga suspek sa Quezon City, kahapon. Dead on the spot ang biktimang si Emilio Tandoc, 21, ng Phase 1,Purok 12, Lupang Pangako, Brgy. Payatas, Quezon City. Ayon kay PO3 Jayson Tolentino, ng Quezon City Police District Office (QCPO) Station 6, …

Read More »