Friday , November 15 2024

Masonry Layout

Iregularidad sa bakuna itinanggi ni Ona

ITINANGGI ng nakabakasyong kalihim ng Department of Health (DoH) ang akusasyong may iregularidad sa pagbili ng P833 milyong bakuna noong 2012. Iginiit ni DoH Secretary Enrique Ona, walang mali sa pagbili ng kagawaran sa pneumoccal conjugate vaccine (PCV)-10 bagama’t sinasabing taliwas ito sa inirekomenda ng National Center for Pharmaceutical Access and Management, Formulary Executive Council at World Health Organization na …

Read More »

Pinoy peacekeepers mula Liberia balik PH na

peaNAKABALIK na sa bansa ang mahigit 100 Filipino peacekeepers na nanggaling sa Liberia, isa sa mga bansang may malalang kaso ng Ebola virus. Miyerkoles ng hapon lumapag sa Villamor Airbase ang sinakyang Russian chartered plane ng mga peacekeeper. Pagkalapag ng eroplano, sumalang sa thermal scanner ang mga peacekeeper saka isinakay ng bus. Ika-quarantine muna sila ng 21-araw para masigurong hindi …

Read More »

Taong grasa dedbol sa hataw ng durugista

CANDELARIA, Quezon – Patay ang isang babaeng taong grasa makaraan hatawin sa ulo ng isang durugista kamakalawa sa Brgy. Pahinga 1 ng bayang ito. Kinilala ang suspek na si Jeffrey Pola Asis, 21, residente ng CTC Manggahan, Brgy. Malabanban Norte, Candelaria, Quezon, agad naaresto makaraan ang insidente. Habang inaalam pa ng pulisya ang pagkakakilanlan ng biktimang tinatayang may gulang na 40 hanggang …

Read More »

Mister utas sa live-in partner

PATAY noon din ang isang lalaki makaraan pagsasaksakin ng kanyang kinakasama sa loob ng kanilang bahay sa lungsod Quezon kamakalawa Sa ulat kay Sr. Supt. Joel D. Pagdilao, Quezon City Police District Director, kinilala ang biktimang si Berto Itum, residente ng Block 216, Lot 36, Phase 8, Brgy. North Fairview sa lungsod. Ang biktima ay napatay sa saksak ng kinakasama niyang …

Read More »

13th month pay ibigay bago mag-Pasko — DoLE

MULING nagpaalala ang Department of Labor and Employment (DoLE) sa mga employer ng pribadong sektor na ibigay nang maaga sa mga manggagawa ang kanilang 13th month pay. Ayon kay DoLE Sec. Rosalinda Baldoz, malinaw na nakasaad sa implementing rules and regulations ng Labor Code of the Philippines, na kailangang maipagkaloob ang 13th month pay bago mag-Pasko o hanggang sa Disyembre …

Read More »

Footage sa rapists in van hawak na ng pulisya

POSIBLENG matukoy na ang mga suspek sa pagdukot at pagmolestiya sa dalawang estudyante at isang transgender, dahil hawak na ng task force na binuo ng Southern Police District Office (SPDO), ang CCTV footage sa naganap na mga insidente sa Makati City. Bukod dito, may ilang posibleng lead na rin ang pulisya kaugnay sa serye nang pagdukot at panghahalay. Ayon sa …

Read More »

6 dalagita nasagip sa bugaw na bading

NASAGIP ng  Manila Police District ang anim dalagita mula sa isang baklang bugaw sa abandonadong bahay sa Baseco, Tondo, Maynila kamakalawa ng hapon. Habang pinaghahanap ng mga awtoridad ang suspek na kinilalang si alyas Pango o Aramis, nasa hustong gulang at nakatira sa Brgy. 649, Zone 68, District 5, Baseco, Compound, Port Area Maynila. Ayon sa imbestigasyon ni PO3 Aileen …

Read More »

Bangkay ng tiger shark itinapon sa dagat (Takot sa malas)

BUTUAN CITY – Sa pag-aakalang malas ang dala ng nahuling tiger shark na natagpuang may mga buto ng paa at bungo ng tao, itinapon ito ng nakapulot na mga mangingisda pabalik sa dagat at kinuha lamang ang panga ng pating na may bigat na 300 kilos. Ayon kay Budoy Gurgod, ng Punta Villa, Surigao City, ang nasabing pating ay nalambat …

Read More »

Binay pinaaatras sa 2016 election (Sa ‘di pagharap sa debate)

PINAYOHAN ni Senador Antonio Trillanes IV si Vice President Jejomar Binay na umatras na lamang sa pagtakbo bilang pangulo sa 2016 Presidential election. Ito ay kasunod ng pag-atras ng bise presidente sa nakatakda nilang debate. “Sana for the sake of the country, sana umatras siya. Itigil na niya itong panloloko niya at pagpapanggap niya sa taumbayan,” giit ng senador. Sakali …

Read More »

Hepe, R2 police officers jueteng protector?

INIREKLAMO ng National Bureau of Investigation sa Office of the Ombudsman ang hepe ng pulisya sa Region 2 at iba pang mga opisyal ng pulisya na inakusahan bilang protektor ng operasyon sa jueteng sa kanilang lugar. Sa joint complaint affidavit, kasama sa mga inireklamo ng NBI sina Region 2 Police Director, Chief Supt. Miguel “Mike” Laurel; Chief Insp. Jonalyn Langkit, …

Read More »

P2-M prohibited drug nasabat sa NAIA warehouse

TINATAYANG P2 milyong halaga ng prohibited drug ang nasabat ng Bureau of Customs (BoC) – NAIA sa pamumuno ni District Coll. Ed Macabeo sa Paircargo Warehouse. Ayon kay BoC Enforcement and Security Service (ESS) Director Willie Tolentino, agad silang inatasan ni Coll. Macabeo na makipag-ugnayan sa PDEA nang matanggap ang intelligence report na may papasok na illegal na droga kaya …

Read More »

Prep school teacher, 2 crim studs, 4 pa timbog sa shabu den

ARESTADO ang pito katao kabilang ang apat estudyante at isang preparatory school teacher na tulak ng shabu sa Biñan, Laguna nitong Lunes ng hapon. Sinalakay ng Laguna Police ang isang drug den na katapat lamang ng malaking eskwelahan. Pagpasok sa bahay na ilang buwan nang minanmanan ng mga awtoridad, nadatnan ang anim lalaking gumagamit ng droga. Agad inaresto ang mga …

Read More »

Kapayapaan at kaayusan sa ARMM, titiyakin ng DILG

Nagpahayag si Interior and Local Government Secretary Mar Roxas ng hindi mababagong pananagutan upang matiyak na mananatiling ligtas ang mga mamamayan ng Autonomous Region of Muslim Mindanao (ARMM) mula sa terorismo at kriminalidad ng Abu  Sayyaff Group (ASG). “Nakalulungkot ang naganap sa Basilan. At mas ayaw po nating may mga sibilyang madamay sa ganoong uri ng pag-atake ng Abu Sayyaff,” …

Read More »

Ona ‘di na makababalik

MAGING ang Palasyo ay duda kung makababalik pa si Dr. Enrique Ona bilang kalihim ng Department of Health (DoH) makaraan ang isang buwan paghahanda sa paliwanag niya kaugnay sa sinasabing maanomalyang pagbili ng P800 milyong halaga ng pneumonia vaccine noong 2012. Sinabi ni Deputy Presidential Spokesperson  Abigail Valte, ang pananatili bilang DoH secretary ni Ona ay depende sa isusumite niyang report …

Read More »

Baril, bala nakompiska sa fish pond ng mayor

ILOILO CITY – Iniimbestigahan ng pulisya ang pagkakompiska ng iba’t ibang kalibre ng baril at mga bala sa palaisdaan na pagmamay-ari ng pamilya ng alkalde ng Barotac Nuevo, Iloilo. Una rito, mismong si Mayor Hernan Biron Sr. ang nag-turn-over ng mga baril at bala sa Barotac Nuevo Municipal Police Station kasunod ng kanyang pagbisita sa palaisdaan sa Brgy. Jalaud sa …

Read More »

Bebot nilasing at ‘sinimsim’ ng katagay

ARESTADO ang isang lalaking itinuturong gumahasa sa isang 22-anyos babae nang malasing sa inoman nitong Linggo sa San Rafael, Bulacan. Kinilala ni Bulacan Police Provincial Office Director, Senior Supt. Ferdinand Divina, ang suspek na si Mike Angelo Mendoza, 28, may-asawa, at residente ng Buwisan street, Baliwag. Ayon kay Divina, ang suspek ay positibong kinilala ng biktimang si ‘Jenny,’ residente ng …

Read More »

2 holdaper itinumba sa hideout (Nagkagulangan sa partehan)

PATAY ang dalawang notoryus na holdaper makaraan pagbabarilin sa loob ng kanilang hideout bunsod ng gulangan sa partehan kamakalawa ng gabi sa Caloocan City. Agad binawian ng buhay ang mga holdaper na sina Eric Bautista, 34, at Victor Magat, 42, kapwa residente ng Phase 1, Package 3, Block 63, Lot 5,  Brgy. 176, Bagong Silang sa nabanggit na lungsod. Habang …

Read More »

MPD anti-illegal drug unit binuwag (Opisyal, 8 pa sinibak)

SINIBAK sa pwesto ang mga tauhan ng Manila Police District (MPD) Anti-Illegal Drugs Section makaraan makitaan ang opisina nito ng hinihinalang shabu, marijuana at drug paraphernalia. Sabado ng umaga nang lusubin ni MPD Acting Director, Sr. Supt. Rolando Nana at ng Special Weapons and Tactics (SWAT) ang opisina sa mismong headquarters ng MPD sa United Nations Avenue at madatnan ang …

Read More »

Patutsada ni Romualdez niresbakan ni Lacson (Sa Yolanda rehab)

BINUWELTAHAN ni Presidential Assistant for Rehabilitation and Recovery (OPARR) Panfilo Lacson si Mayor Alfred Romualdez sa mga naging banat sa National Government kaugnay nang mabagal na aksyon sa Tacloban City na labis na sinalanta ng bagyong Yolanda noong nakaraang taon. Sa isinagawang Yolanda report sa PICC, Pasay City kahapon, sinabi ng Rehabilitation Czar, nasa namumuno ng Tacloban ang problema kung …

Read More »

CBCP ‘di bet si Binay

NAKATATAKOT maging pangulo si Vice President Jejomar Binay. Ito ang inihayag ni Fr. Edu Gariguez, executive secretary ng National Secretariat for Social Action ng Catholic Bishops Conference of the Philippines (CBCP), makaraan kontrahin ang panawagang bumaba sa pwesto si Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino III. Aniya, mas malala kung magiging presidente si Binay. Kabilang si Gariguez sa mga dumalo sa paki-kipag-usap …

Read More »

Be Happy, Good Health and Longer Life (Birthday wish ng Palasyo)

ITO ang birthday wish ng Palasyo kay Vice President Jejomar Binay sa pagdiriwang niya ng ika-72 kaarawan nga-yon. Sinabi ni Deputy Presidential Spokesperson Abigail Valte, walang kinalaman ang Palasyo sa pag-iimbestiga ng Senado sa sinasabing mga katiwalian na kinasasangkutan ni Binay bilang alkalde ng Makati City at ill-gotten wealth ng Bise-Presidente. Hindi aniya nakikialam ang Malacañang sa mga hakbang ng …

Read More »

ERC Chief kakasuhan sa Ombudsman

SASAMPAHAN ng kaso ng Bayan Muna si Energy Regulatory Commission (ERC) Chairperson Zenaida Ducut dahil sa pagkabigong isumite ang report kaugnay ng sinasabing sabwatan ng generation companies sa taas-singil sa koryente noong 2013. Sinabi ni Bayan Muna Party-list Rep. Neri Colmenares, sasampahan nila ng kaso si Ducut sa Ombudsman ngayong araw. “Dina-draft na ‘yung complaint at ipa-file hopefully bukas o …

Read More »

Ona, Tayag iniimbestigahan ng DoJ-NBI (Sa biniling bakuna)

INIIMBESTIGAHAN ng National Bureau of Investigation (NBI) sina Health Secretary Enrique Ona at Assistant Secretary Eric Tayag kaugnay kwestiyonableng pagbili ng pneumoccocal conjugate vaccine 10 o PCV 10 noong 2012. Ikinasa ang pagsisiyasat noong Hunyo ng Anti-Fraud Division ng NBI. Ipinaliwanag ni Justice Secretary Leila de Lima, batay sa reklamong kanilang natanggap, imbes PCV 10, isang uri ng bakuna para …

Read More »

Mag-uutol brutal na pinatay sa ComVal (Dahil sa away lupa)

DAVAO CITY – Patay na nang matagpuan ang apat lalaking pawang nakagapos at maraming sugat sa katawan sa Brgy. Aneslagan, Nabunturan Compostela Valley Province. Kinilala ng Comval-PNP ang mga biktimang sina Ramil Quilaton, Ruel Quilaton, isang alyas “Opaw” at alyas “Dongkoy.” Ayon sa Comval PNP, magkahiway nang natagpuan kamakalawa ng umaga ang bangkay ng mga biktima sa loob ng limang …

Read More »

Baboy maingay, amo sinakal ng senglot na kapitbahay

LA UNION – Dumulog sa himpilan ng pulisya ang isang ginang upang ireklamo ang lasing nilang kapit-bahay na nanakit sa kanyang mister at nanloob sa kanilang bahay dahil sa ingay ng kanilang mga alagang baboy sa Brgy. Imelda, sa bayan ng Naguilian, La Union. Kinilala ang inirereklamong lasing na kapitbahay na si Erwin Caccam. Sa ulat ng Naguilian Municipal Police …

Read More »