Thursday , November 14 2024

Masonry Layout

Anak binaril ng protestanteng Obispo

CEBU CITY – Swak sa kulungan ang isang obispo ng Christ Based Learning and Community Church makaraan barilin ang kanyang anak sa loob ng kanilang bahay sa may Brgy. Punta Engaño, Lungsod ng Lapu-Lapu, Cebu kamakalawa. Kinilala ang biktimang si Lemuel Osorio, 33, dating guro ng Punta Engaño Elementary School. Habang ang suspek ay si Ceferino Osorio, 60-anyos at obispo …

Read More »

Seguridad ng Santo Papa inihahanda na ng PNP

INIHAHANDA na ng pamumuan ng pambansang pulisya ang kanilang security plan para sa pagbisita ni Pope Francis sa bansa sa Enero 2015. Ngayon pa lamang naghahanda na ang PNP para sa kanilang ipatutupad na security measures upang matiyak ang kaligtasan ng Santo Papa. Ayon kay PNP chief, Director General Alan Purisima, ipatutupad ng PNP ang principle of “Whole of Government …

Read More »

Bulgarian, 1 pa tiklo sa ATM scheming

ARESTADO ang isang turistang Bulgarian national at isang Filipino makaraan kopyahin ang pin number sa ATM card ng isang customer sa isang banko sa Pasay City kahapon. Sina Dentsislav Hristov, 45, pansamantalang nanunuluyan sa Brgy. Poblacion, Sta. Maria, Bulacan, at Noel Dagdagan alyas Bong, 54, ng 129 Estrella St., Pasay City ay nakapiit na sa detention cell ng Pasay City …

Read More »

Poe 46th Lee Kuan Yew Fellow

46TH LEE KUAN YEW EXCHANGE FELLOW (LKYEF). Malugod na tinanggap ni Singapore Prime Minister Lee Hsien Loong si LKYEF Sen. Grace Poe sa Istana. Si Poe ay ikatlong fellow mula sa Pilipinas mula nang simulan ang programa. GUANGYANG SCHOOL VISIT. Nakihalubilo si Sen. Grace Poe sa mga estudyante ng Guangyang Primary School sa Singapore, dito tinalakay sa kanya ang mga …

Read More »

69 schools sa Albay balik-klase na

LEGAZPI CITY – Muli nang binuksan ang klase sa 69 paaralan na nagsilbing pansamantalang tirahan ng 43,000 residenteng nakatira sa loob ng danger zones sa paligid ng Mayon Volcano. Gayon man, siyam paaralan ang nanatiling sarado dahil naroroon pa rin ang 13,365 evacuees, na ang mga tirahan ay nasa loob ng 6-kilometer radius permanent danger zone (PDZ). “Some of the …

Read More »

Moving ads sa EDSA ipinaaalis ni Roxas

INATASAN ni Interior at Local Government Secretary Mar Roxas ang pamunuan ng Philippine National Police (PNP) na tutulan ang paggamit ng “moving advertisements” at imungkahing ipagbawal ito ng Metro Manila Development Authority (MMDA) sa mga pangunahing kalsada tulad ng EDSA. Sa pulong ng mga opisyal ng PNP sa Camp Crame, ninais ni Roxas na ipagbawal ang paggamit ng ”moving ads” …

Read More »

Sen. Bongbong nanguna sa BBL public hearing sa Tawi-tawi

Pinakikinggan ni Sen. Bongbong Marcos, Chair ng Committee on Local Government ang iba’t ibang isyu sa konteksto ng Bangsamoro Basic Law na ginanap sa Sandbar Convention, Tawi-tawi. Layunin ng lokal na pagdinig na matalakay ang iba’t ibang isyu ukol sa BBL at mapakinggan ang boses ng iba’t ibang stakeholders na pangunahing sangkot sa nasabing batas, isa na rito ang pagbubukas …

Read More »

Disqualification case vs Erap ‘niluluto’ ng SC (Giit ng CoWAC)

“LUTO! LUTO! LUTO!” Ito ang sigaw ng  isang grupo ng kakabaihan na Coalition of Women against corruptions (CoWAC) nang lumusob sa harap ng Korte Suprema upang kondenahin ang mabagal na pagdedesisyon ng Kataastaasang Hukuman sa disqualification case na isinampa laban sa napatalsik na pangulo at convicted plunderer na si Manila Mayor Joseph Estrada. Ang grupo ng CoWAC ay pawang mga nakasuot …

Read More »

P100-M DAP funds hindi ninakaw — Lacierda (Pondong ginamit sa ICC )

HINDI ninakaw ang P100-M pondo mula sa Disbursement Acceleration Program  (DAP) na inilaan sa pagtatayo ng  Iloilo Convention Center (ICC) na nagkakahalaga ng P700-M. Ito ang bwelta ni Presidential Spokesman Edwin Lacierda sa pahayag kahapon ni Sen. Nancy Binay sa Senate Blue Ribbon Committee hearing sa ICC project, na nanggaling sa kontrobersiyal na DAP funds ang bahagi nang ipinantustos sa …

Read More »

Drilon nag-inhibit sa ICC probe ng Senado

NAG-INHIBIT si Senate President Franklin Drilon sa pagdinig ng Senate Blue Ribbon Committee kaugnay sa overpriced na Iloilo Convention Center (ICC). Sa pagdinig kahapon, sumipot si Drilon para ihayag na hindi siya makikisali sa mga kapwa-senador sa pagtatanong sa mga personalidad na inimbitahan ng komite, maging sa committee caucus kaugnay ng isyu. Gayunman, handa aniya siyang tumugon sakaling usisain ng …

Read More »

Cayetano, Trillanes may death threats

ISINIWALAT ng ilang senador na nag-iimbestiga kay Vice President Jejomar Binay, ang mga banta sa kanilang buhay habang patuloy ang imbestigasyon ng Senado laban sa mga isyu ng korupsyon na kinasasangkutan ng bise presidente. Ayon sa tanggapan ni Sen. Alan Peter Cayetano, isang tawag ang natanggap ng staff ng senador dakong 5 p.m. kamakalawa mula sa hindi nagpakilalang caller at …

Read More »

Nanay tumalon sa creek, tigok (Natakot magutom ang limang anak)

BUNSOD ng problema kung paano pakakainin ang limang mga anak, nagpasyang tumalon sa isang creek ang isang 29-anyos ginang kamakalawa ng hapon sa Binondo, Maynila. Kinilala ni SPO2 Jonathan Bautista ang biktimang si Cyra Jacob, may live-in partner, at nakatira sa 565 Valderama St., Delpan, Binondo, Maynila, wala nang buhay nang maiahon sa nasabing creek. Ayon sa pulisya, dakong 3 …

Read More »

2 otso-anyos totoy patay sa sumpak ng amok (1 sugatan)

BINAWIAN ng buhay ang dalawang batang lalaki makaraan tamaan ng ligaw na bala ng sumpak na pinaputok ng kanilang nagwawalang kapitbahay sa Valenzuela City kamakalawa ng hapon. Namatay habang nilalapatan ng lunas sa Valenzuela City Medical Center ang mga biktimang sina John Rey Claraval at Timothy Joshua de Leon, kapwa 8-anyos at residente ng Pinagpala Extension, Area 4, Pinalagad, Brgy. Malinta …

Read More »

Munti transport group prexy itinumba

PINAGBABARIL ng hindi nakilalang salarin hanggang mapatay ang isang 55-anyos tomboy na presidente ng isang transport group habang papauwi sa kanilang bahay kamakalawa ng gabi sa Muntinlupa City. Hindi na umabot nang buhay sa Alabang Medical Center sanhi ng mga tama ng bala sa ulo at katawan ang biktimang si Dominga Vacal, alyas Mengie, soltera, pangulo ng Muntinlupa United Services …

Read More »

Presyo ng Noche Buena items tumaas (4 supermarkets pinagpapaliwanag)

ININSPEKSIYON ng Department of Trade and Industry (DTI) ang mga supermarket at grocery store kaugnay nang ipinatutupad na suggested retail price (SRP) sa mga produktong pang-Noche Buena. Sa 21 establisimentong sumalang sa random inspection ng Fair Trade Enforcement Bureau (FTEB) ng DTI Consumer Protection Group (CPG), 14 ang natuklasang nagbebenta ng mga produkto sa halagang mas mataas sa SRP. Nag-isyu …

Read More »

Baby boy isinilang na walang putotoy

BACOLOD CITY – Inoobserbahan sa isang pagamutan sa lungsod ng Bacolod ang isang sanggol na isinilang na walang ari sa lungsod ng Cadiz sa lalawigan ng Negros Occidental. Napag-alaman mula sa lola ng sanggol na si Teresa Batubatan, residente ng Sitio Kaisdaan, Brgy. Daga, Cadiz City, ini-refer sa pagamutan sa lungsod ng Bacolod ang kanyang apo at isinailalim sa eksaminasyon. …

Read More »

Salon manager, taxi driver utas sa trigger happy

DALAWA ang patay sa magkasunod na insidente ng pamamaril Quirino Highway, Lagro, Fairview, Quezon City kahapon ng tanghali. Ayon kay Insp. Elmer Monsalve, unang binaril ng hindi pa nakikilalang suspek ang manager ng Salon de Luxe na si Gasper Brioso. Nagpanggap na kustomer at nagpa-manicure ang suspek saka binaril si Brioso. Nabatid na manager din si Brioso ng isa pang …

Read More »

Senado ‘wag pakialaman (Koko kay PNoy)

SINOPLA ni Senate blue ribbon sub-committee chairman Koko Pimentel si Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino III sa hiling na tapusin na o huwag gawing tingi-tingi ang imbestigasyon sa sinasabing mga katiwaliang kinasasangkutan ni Vice President Jejomar Binay. Ayon kay Pimentel, hindi dapat pakialaman ng Pangulo ang legislative investigation lalo na ng Senate blue ribbon committee. Paliwanag ng senador, mapanganib para sa …

Read More »

Pnoy walang nilabag — Palasyo (Sa ‘stop probe’ vs Binay sa Senado)

0NANINIWALA ang Palasyo na walang nilabag na batas si Pangulong Benigno Aquino III nang ipaabot kay Senate President Franklin Drilon ang pakiusap ni Vice President jejomar Binay na itigil na ang pag-iimbestiga ng Senado sa sinasabing nga katiwalian at ill-gotten wealth ng bise presidente. Sinabi ni Deputy Presidential Spokesperson Abigail Valte, walang nakasaad sa Saligang Batas na hindi pwedeng mag-usap ang …

Read More »

Pope Francis lalapag sa Villamor Airbase

NAGBIGAY ng kaunting detalye ang Manila International Airport Authority (MIAA) ukol sa pagbisita sa bansa ni Pope Francis sa Enero 2015. Ayon kay MIAA General Manager Jose Honrado, bagama’t bahagi siya ng executive committee na mamamahala sa pagbisita ng Santo Papa, maliit lamang ang magiging partisipasyon dito ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA). Hindi aniya dadaan ang Santo Papa sa …

Read More »

Victims’ family desmayado sa justice (Sa Maguindanao massacre)

maguinDESMAYADO ang Justice Now Movement (JNM) sa naging pronouncement ng Department of Justice (DoJ) na mahirap madesisyonan ang kaso ng Maguindanao massacre bago pa man matapos ang termino ni Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino III sa 2016. Partikular na ang pag-convict sa mga Ampatuan na nangungunang suspek sa brutal na pagpatay sa 58 biktima ng masaker noong Nobyembre 23, 2009 sa …

Read More »

Solterong sawi pinutol sariling ari (Hindi chickboy lalong walang asawa)

KORONADAL CITY – Dahil sa sobrang kahihiyan, sinabing nag-imbeto ng sariling bersiyon ang kaanak ng lalaking pinutulan ng ari sa lalawigang ito. Sa pagtutuwid ng pulisya, sinabing umamin ang kaanak ng lalaki na hindi totoo na pinutulan ng ari ng selosang misis dahil sa pagiging sobrang chickboy. Sa itinuwid na ulat, sinabi ni Alonto Arobinto, chief of police ng Buluan, …

Read More »