KINOMPIRMA ng Philippine Air Force na dalawa sa kanilang mga piloto ang namatay sa pagbagsak ng isang trainer aircraft sa Nasugbu, Batangas kahapon ng umaga. Ayon kay Air Force spokesman Lt. Col. Ernesto Canaya, bumagsak ang SF-260FH Nr. 1034 sa layong 300 meters sa baybayin ng Brgy. Bucana ng nasa-bing bayan. Umalis ng Fernando Air Base sa Lipa City ang eroplano bandang …
Read More »Masonry Layout
Suspensiyon sa peace process ibinasura ng GRP, MILF
KUALA LUMPUR, Malaysia – Sa gitna ng mga lumalakas panawagan para suspendihin ang pagsusulong ng peace process sa Moro Islamic Liberation Front (MILF) kasunod ng Mamasapano massacre, nangibabaw ang desisyon ng mag-kabilang peace panels ng gobyerno ng Filipinas at MILF. Makaraan ang dalawang araw na meeting sa Kuala Lumpur, Malaysia kaugnay sa decommissioning process, kapwa pinagtibay nina government chief negotiator …
Read More »48 OFWs dumating mula Libya
DUMATING sa bansa ang 48 overseas Filipino workes mula sa Libya, ayon sa ulat ng Department of Foreign Affairs (DFA). Dakong 3:10 p.m. nitong Biyernes nang dumating ang unang batch na 24 OFWs sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 1 sakay ng flight QR926. Sinundan ito nang pagdating ng 24 OFWs sakay ng EK332, Terminal 3 sa NAIA Terminal …
Read More »77-anyos lolo wanted sa rape sa 5-anyos nene
NAGA CITY – Pinaghahanap ang 77-anyos lolo makaraan halayin ang kanyang 5-anyos na apo sa Burgos, Quezon kamakalawa. Nabatid na habang mag-isa ang biktima sa kanilang bahay nang lapitan ng kanyang lolo, inihiga sa kama at hinalay. Sinabi ng suspek sa biktima na huwag magsusumbong kahit kanino dahil kapag nagsumbong ay papatayin siya. Umiiyak na dumaing ang biktima sa kanyang …
Read More »P28-M danyos sa CdO Justice Hall fire (2 missing)
CAGAYAN DE ORO CITY – Nagpapatuloy ang imbestigasyon ng Bureau of Fire Protection (BFP) kaugnay sa pagkasunog ng Benigno Aquino Hall of Justice sa Hayes Street, Cagayan de Oro City kamakalawa ng gabi. Ito’y makaraan umaabot sa general alarm dahil sa sobrang laki ng sunog na tumupok sa nabing tanggapan ng gobyerno. Inihayag ni BFP District Fire Marshall Supt Shirley …
Read More »Legs ng daisy kinurot, nilamas driver himas-rehas
REHAS na bakal na ang hinihimas ng isang 49-anyos jeepney driver matapos arestohin ng mga awtoridad dahil sa panlalamas at pagkurot sa hita ng pasaherong dalagita sa Caloocan City kamakalawa ng hapon. Kinilala ang suspek na si Ranulfo Gilena, residente ng Kapanalig St. kanto ng Martinez Ext. ng nasabing lungsod, nahaharap sa kasong acts of lasciviousness, nakapiit sa detention cell …
Read More »Tanod todas sa tandem
PATAY ang isang barangay ta-nod makaraan pagbabarilin ng riding in tandem sa Bustos, Bulacan kamakalawa ng hapon. Kinilala ang biktimang si Raul Gatuz, 50, residente at barangay tanod ng Brgy. Bunga Menor, sa naturang bayan. Ayon sa ulat ng Bustos Police, nakikipagkwentohan si Gatuz sa harap ng isang tinda-han sa kanilang lugar nang biglang lapitan ng armadong mga salarin. Bago nakakilos …
Read More »Akyat-bahay na kano arestado
NAHAHARAP sa kasong pagnanakaw ang isang turistang American national nang pasukin at pagnakawan ang isang unit sa condominium na tinutuluyan niya sa Pasay City kamakalawa ng gabi. Kinilala ni Pasay City Police chief, Sr. Supt. Sidney Sultan Hernia, ang dayuhan na si Christopher Holleman, 44, pansamantalang nanunuluyan sa 1460 Sea Residences, SM MOA Complex ng naturang lungsod. Habang kinilala ang …
Read More »Iniwan ni misis mister nagbigti
“HINDI ko na alam ang ginagawa ko, sana naman kung may nagawa ako na mali sa inyo, patawarin n’yo sana ako, mahal na mahal ko anak ko, tama na pakiusap.” Ito ang nakasaad na suicide note na iniwan ng 22-anyos na si Gilbert Marahay, ng 393 Matulungin St., Brgy. 181, Zone 19, Maricaban Pasay City. Winakasan ng biktima ang kanyang …
Read More »Pinansiyal na tulong sa naulila ng SAF commandos bumuhos
BUMUHOS ang pinansyal na ayuda sa mga naulilang kaanak ng mga miyembro ng Special Action Forces (SAF) na namatay sa bakbakan sa Mamasapano, Maguindanao. Nagdala ng donasyon si dating senador at dating PNP chief Panfilo Lacson pasado 7 p.m. nitong Biyernes sa Camp Bagong Diwa. Ayon sa isang SAF officer, dala niya ang nalikom na pondo mula sa mga kaibigang …
Read More »Maguindanao muling binulabog ng pagsabog
COTABATO CITY – Muling ginulantang nang pagsabog ang lalawigan ng Maguindanao dakong 10:05 p.m. kamakalawa. Ayon kay 6th Infantry (Kampilan) Division Philippine Army Public Affairs chief, Captain Joan Petinglay, pinaputukan ng bala mula sa M203 grenade lauchers ang nakaparadang sasakyan malapit lamang sa Mindanao State University (MSU) sa Datu Odin Sinsuat, Maguindanao. Wasak ang sasakyan sa lakas ng pagsabog, ngunit …
Read More »Binatilyo patay kasama kritikal (Motorsiklo bumangga sa pader)
TUGUEGARAP CITY – Patay ang isang 17 anyos out of school youth habang nasa kritikal na kalagayan ang kanyang kasama na isa rin menor de edad makaraan bumangga ang sinasakyan nilang motorsiklo sa isang pa-der sa bayan ng Aparri, Cagayan kamalawa. Kinilala ang namatay na si Vicson Balinan, residente ng brgy Centro 9 sa Aparri, habang nasa malubhang kalagayan si …
Read More »Kelot tinusok ng ka-jamming sa shabu
KRITIKAL sa pagamutan ang isang 34-anyos lalaki makaraan saksakin ng kanyang ka-jamming sa shabu nang matanaw na kahalikan ng biktima ang kanyang kinakasama kahapon ng umaga sa Navotas City. Patuloy na inoobserbahan sa Tondo Medical Center ang biktimang si Segundino Dacoycoy, 34, ng D. Cruz St., Brgy. Tangos ng nasabing lungsod, sanhi ng saksak sa dibdib at likod. Habang agad naaresto …
Read More »Huling saludo ipinagkait ng Pangulo (Sa Fallen 44)
IMBES kumalma, lalong nadesmaya ang mga pulis kay Pangulong Benigno Aquino III nang ipagkait niya ang “hu-ling saludo” ng Commander-in-chief sa 44 kasapi ng Philippine National Police-Special Action Force (PNP-SAF) na brutal na pinaslang ng mga terorista sa Mamasapano, Maguindanao. Hindi sumaludo si Pangulong Aquino sa bawat kabaong ng napaslang na SAF member bilang sagot sa pagsaludo ng napatay na …
Read More »Kung si Marwan ang napatay, lalong makabuluhan ang sakripisyo ng 44 PNP-SAF members — Roxas
IPINADALA na ng pamahalaan sa tanggapan ng Fe-deral Bureau of Investigation (FBI) sa United States ang isang daliri at ilang hibla ng buhok ng napatay na si Zulkifli bin Abdul Hir, alyas Marwan, upang makumpirma kung siya ang Malaysian bomb expert na target ng pagsalakay ng Philippine National Police-Special Action Force (PNP-SAF) noong Linggo sa Mamapasano, Maguindanao. Ayon kay Department …
Read More »MPD Station 7 pinasabogan ng granada
NABULABOG ang Manila Police District (MPD) Station 7 sa Jose Abad Santos nang sumabog sa tapat nito ang isang granada dakong 4 a.m. kahapon. Pagkaraan ay natagpuan ang isa pang granada sa ilalim ng isang sasakyan sa parking lot ng MPD Station 7. Agad nagresponde ang mga miyembro ng MPD Bomb Squad. Ipinasara nila ang kalsada saka pinalibutan ng mga …
Read More »Napeñas hiniling ibalik
MADAMDAMIN na ipinanawagan ni Special Action Force (SAF) officer-in-charge Chief Supt. Noli Talino kay Pangulong Benigno Aquino III na ibalik ang sinibak nilang pinuno na si Director Getulio Napenas. “Sabi ni General Napeñas, SAF is an organization where good men gather and are always ready to serve. God, country, people, and organization. General Napeñas is a good man, he’s a …
Read More »4 bigtime drug dealer timbog sa P50-M shabu
APAT na bigtimer drug dealer ang naaresto makaraan makompiskahan ng P50 milyon halaga ng shabu sa buy bust operation sa Quezon City kahapon ng umaga. Kinilala ni Quezon City Police District Director, Senior Supt. Joel Pagdilao ang apat na nadakip na sina Kevin Ang Chua, 41, Buddhist, tubong Fu Jiang, China, ng 144 Reina Regente St., Binondo, Manila; Zhi Gui Wang, …
Read More »Taal Volcano 15 beses yumanig sa 24 oras
NAGPAKITA ng pagiging aktibo ang Taal Volcano sa Batangas sa pamamagitan ng 15 volcanic earthquakes sa loob ng 24 oras. Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology, ito ang kanilang naitala ngunit nana-natili pa ring normal ang tempe-ratura ng tubig sa 29.5 degree celcius sa west sector ng main crater ng lawa ng bulkan. Nakataas na sa alert level …
Read More »SAF arrival honors deadma kay Pnoy (Inuna pa ang kotse kaysa pakikiramay)
TINAWAG na “walang puso at habag” ng isang mambabatas si Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino III makaraan dedmahin ang honor ceremony para sa mga bayaning SAF members na minasaker sa Mamasapano, Maguindanao. Ito ang mga binitiwang salita sa HATAW ni Anakpawis Partylist Rep. Fernando Hicap nang isnabin ng Pangulo ang pagsalubong sa mga bayaning pulis na lumapag sa Villamor Airbase. Imbes …
Read More »Makati City Mayor Junjun Binay inaresto
INARESTO si Makati City Mayor Junjun Binay kahapon, tatlong araw makaraan i-cite siya ng contempt ng Senado, at ang iba pang mga opisyal ng lungsod dahil sa hindi pagdalo sa mga pagdinig kaugnay sa mga iregularidad. Dumating si Senate sergeant-at-arms Jose Balajadia Jr., sa Makati City Hall main building dakong 9 a.m. para isilbi ang arrest warrant laban kay Binay. …
Read More »Naulila ng PNP-SAF ipinanghingi ng abuloy ng DSWD
MAKATUWIRAN para sa Palasyo na ipanghingi ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ng abuloy ang mga naulilang pamilya ng 44 miyembro ng Philippine National Police- Special Action Force (PNP-SAF) sa Mamasapano, Maguindanao. Sinabi ni Communications Secretary Herminio Coloma Jr., ang matatanggap na donasyon ng DSWD sa binuksan nilang bank account ay ibibigay sa mga pamilya ng napatay na …
Read More »Arrival honors sa PNP-SAF wala sa esked ni Pnoy (Depensa ng Palasyo)
BINIGYANG-DIIN ni Comunications Secretary Herminio Coloma Jr., walang katotohanan ang paratang kay Pangulong Benigno Aquino III kahapon na mas inuna pa ang pagdalo sa inagurasyon ng bagong planta ng Mitsubishi Motors Corporation sa Sta. Rosa, Laguna, kaysa salubungin ang bangkay ng 44 miyembro ng Philippine National Police-Special Action Force (PNP-SAF) mula sa Mamasapano, Maguindanao. “Wala pong ganoong kaganapan, ‘yung ‘mas …
Read More »Ochoa, Purisima pinahaharap sa Kamara
ISINUSULONG sa Kamara na paharapin sina Executive Sec. Paquito Ochoa at ang suspendidong PNP chief na si Allan Purisima para pagpaliwanagin kaugnay ng operasyon ng Special Action Force (SAF) sa Mamasapano, Maguindanao. Ayon kay Valenzuela City Rep. Sherwin Gatchalian, nakatanggap siya ng impormasyon mula sa mapagkakatiwalaang source na totoong ang operasyon ng SAF laban sa teroristang si Marwan ay plinano …
Read More »Alboroto ng pulis, militar inismol ng Palasyo
MINALIIT ng Palasyo ang pag-aalboroto ng mga pulis at militar sanhi ng madugong enkuwentro sa Mamasapano, Maguindanao na ikinamatay ng 44 miyembro ng Philippine National Police-Special Action Force (PNP-SAF). Ayon kay Communications Secretary Herminio Coloma Jr., hindi madadaan sa event analysis ang pagtutuwid sa mga naging pagkukulang o kamalian sa naging operasyon sa Mamasapano. Bwelta ni Coloma sa kanila, huwag …
Read More »